LOVE STORY “ANGELINE” chapter 8
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
Di maamin ni Eric sa kanyang sarili na in love na siya kay Angeline. Kasi ba naman ngayon lang nag yari sa kanya na mag alala siya sa isang babae na ngayon lang niya nakilala. Marami din mga babae na sila pa ang nag paparamdam pero di nila pinapansin at di man lang niya pinag uukulan ng panahon. Pero itong si Angeline binabalisa siya ng husto. Lagi siyang nag alala kung ano na ang nag yayari sa kanya habang nasa malayo siya at di siya kasama.
Ito na kaya ang tinatawag nilang pag ibig ? inabot kasi niya ang ganitong edad na di siya nanliligaw at lagi siya ang nililigawan ng mga babae.kaya naman ala pa siyang naging GF. Gusto kasi niya siya ang manunuyo at man liligaw sa babae. Ayaw niya ang sobrang moderna sa pag dating sa pag ibig pero ayaw din niya na masyado na tulad ni angeline na halos itago ang kanyang personality. Halos di nakatulog ng mag damag si Eric sa pag iisip kay Angeline bakit siya nag kaka ganito.
Si Angeline di rin sya makatulog habang nasa kanyang room. Panay biling niya sa kanyang higaan at si Eric ang nasa kanyang isipan. Bakit siya inaabala ng lalaking ito sa kanyang pag tulog. Di rin lang siya makatulog lalabas na lang siya ng kanyang room kung gising pa si Eric makikipag kuwentuhan na lang siya hanggang antukin siya. Siguro dala lang nag mahaba niyang pag tulog kanina kaya ayaw siyang dalawin ng antok. Mag kukunwari siyang kukuha ng tubig para di masyadong halata kaya siya lumabas ay para lang makipag wentuhan sa kanya.
Ganoon nga ang kanyang ginawa lumabas siya dumeretcho sa kusina at kumuha ng tubig at uminom. At nag lagay na rin siya uli ng tubig sa baso na kanyang dadalhin sa kanyang room. Nang biglang mag salita si Eric sa kanyang likuran. Na muntik na niya ikalundag sa gulat. Di niya akalain na sundan siya ni Eric doon. Nauuhaw ka ba kaya di ka makatulog. Medyo nauhaw ako nakalimutan ko kasing mag dala ng tubig kanina. Napaka sexy mo talaga pag nakasuot ka ng pantulog mo. Saka palang naalala uli ni Angeline na di siya nakapag suot ng robe noong lumabas siya ng kanyang room.
Baka isipin ni Eric na sinasadya niya ito. Baka isipin niya na inaakit ko siya. Sa isipan itinatanong ni Angeline. O bakit di kana sumagot dyan sabi ni Eric nanamalikmata ka nanaman sa ka guapuhan ko ano. Saka palang parang natauhan si Angeline. Salamat naman at di masyadong daring ang suot niyang pantulog ngayon di katulad noong una niyang makita ito. Sinadya niya kasing mas simple lang ang isuot niya ngayon. Kasi alam niya nasa labas lang si Eric.
Puede mag kuwentuhan muna tayo kung di ka pa inaantok ako kasi di makatulog ehh! Ang sabi ni Eric, ok lang total ang haba ng tulog ko kanina kaya siguro di ako makatulog. Tara doon sa sofa doon tayo mag usap di tayo nakatayo ng ganito. Saka palang nila napansin na kanina pa sila nakatayo sa kusina sa harap ng refrigerator. Hawak hawak pa niya ang basong may lamang tubig. Iginiya siya ni Eric paupo sa sofa akala mo may sakit siya na inaalalayan pa ni Eric sa pag lalakad. Bakit ganito sunod sunuran siya kay Eric. Ngayon lang nag yari sa kanya ito . kay Teddy siya ang nasusunod lagi siyang naka ayaw. Pero ngayon daig pa niya ang robot na sumusunod sa kanyang mga command. Nakakapag taka talaga ang mga nagyayari sa kanya ngayon kung bakit di niya alam ang kasagutan. Kung alam man niya ayaw niyang alamin pa kung bakit ganito siya sa lalaking ito baka masaktan lang siya tulad nagyari sa kanila ni Teddy.
Masayang kausap si Eric kaya di nila namalayan na madaling araw na. napipikit na ang kanyang mga mata di niya namalayan nakatulog pala siya habang nakasandal sa sofa. Pinag mamasdan siya ni Eric hindi mapigil ni Eric na di siya kintalan ng halik sa kanyang pisngi. Sa himbing ng pag kakatulog ni Angeline di niya naramdaman ang panakaw na halik ni Eric sa kanya. Binuhat ni Eric si Angeline at dinala niya ito sa kanyang kama . Dumilat si Angeline habang buhat buhat siya ni Eric. Ikinawit niya ang kanyang mga kamay sa leeg ni Eric para sa di mahirapan ito sa pag buhat sa kanya.
Nangiti lang si Eric sa ginawang reaction ni Angeline. Akala niya magagalit ito at binuhat niya. Pero eto para pa niya niyakap si Eric sa pag lalagay niya ng kanyang kamay sa leeg nito. Noong ibaba siya sa kama nag pasalamat pa si Angeline salamat sa pag bubuhat kahit mabigat ako sana ginising mo na lang ako para lumipat sa room. Di hindi kita nabuhat at di mo ako niyakap habang buhat buhat kita. Ganoon iniisahan mo na ako niyan nag katawanan nanaman sila. Sa pag kagising ni Angeline habang nakahiga siya at si Eric nakaupo sa gilid ng kama.tinuloy nila ang pag kukuwentuhan.
Sige ituloy mo na ang iyong pag tulog at ako lalabas na. Isang halik sa noo ang ibinigay ni Eric kay Angeline para sa goodnight kiss.ipinikit lang ni Angeline ang kanyang mga mata na parang natutulog. Pinag salikop ni Eric ang kanyang dalawang palad sa mukha ni Angeline at ibinulong na ang ganda ganda mo talaga. Akala ni Angeline hahalikan siya nito sa kanyang mga labi pero walang halik na dumapo sa kanyang mga labi. Bagkus narinig niya ang pag sara ng pintuan ng kanyang kuarto. Doon humahanga si Angeline kay Eric. Marunong rumespeto sa isang tao. Di marunong mag samantala sa isang pag kakataon.
Nangingiti si Eric sa kanyang sarili. Anu itong nag yayari sa kanya. Para siyang isang teenager na kinikilig sa isang halik sa noo sa isang babae. Kung iba siguro si Angeline sa tagpo kanina sa room niya baka kung saan na sila nakarating. Pero kay Angeline di niya magawa. Iginagalang niya ang pag ka babae nito. Malaki ang kanyang respeto sa babaeng ito na siya niyang ipinag tataka. Ganito nga yata ang pag ibig. Marunong mag intay ng tamang pagkakataon. Makakapag intay sa tamang panahon at kailangan ipadama mo ang iyong pag mamahal bago ang lust na iyong nararamdaman.
Kailangan niyang matulog kahit iglip lang para sa sa mahaba niyang araw. Marami siyang dapat ayusin at kausapin kinabukasan. Di pala mamaya na iyon. Pinikit n alang ni Eric ang kanyang mag mata para sa pag iglip ng ilang oras. Kaya di rin niya namalayan nakatulog na siya na may ngiti sa kanyang mga labi. Sa kabilang room mahimbing na rin ang pag kakatulog ni Angeline. Payapa ang kanyang kalooban habang natutulog. Parang sa pag uusap nila ni Eric malaki ang iginaang ng kanyang isipan at damdamin.
Hindi akalain ni Angeline na maikuwento niya lahat ang mga hinaing niya sa buhay kay Eric. Ang kanyang pagiging anak ng isang dayuhan na di niya nakilala kung sino. Hanggang sa pag ayaw ni Teddy na ituloy ang kasal nila. Kung kaya siya nandito sa lugar na ito. Hindi niya akalain na ang mga kuwento ng buhay niya na gusto niyang itago at ng di siya husgahan sa kanyang pag katao ay kanyang ikuwento lahat kay Eric kanina. Di niya maintindihan kung bakit niya naikuwento ang lahat ng ito sa kanya. Ano mayroon siya para ikuwento niya ang mga gusto niyang itago.
Dahil kaya sa nakikita niya na di siya nito hinuhusgahan. Kung ano ang kanyang kahapon bale wala sa kanya kung ano ito.lagi niyang sinasabi ang mahalaga ang ngayon hindi ang iyong kahapon. Ang mahalaga kung ano ka ngayon hindi yong kung ano ka noon at kung sino ang iyong mga magulang. Hindi mo pinili kung sino ang iyong mga magulang. Saka mabait naman ang kanyang ina at mahal na mahal siya nito.anu pa daw ang hinahanap ko. Ang mahalaga daw ang aking pag susumikap na maiahon na ang aming mga sarili sa di magandang kinasadlakan ng buhay naming noon. Ang mahalaga kung ano kami ngayon.
Dito niya hinahangaan si Eric . Hindi siya humuhusga sa nakaraan ng isang tao. Kundi ang tinitignan niya ang kasalukuyan. Kakaiba siya sa mga lalaking kanyang nakilala. Sa mga isipin ito nakatulugan ni Angeline at sa pag gising niya. Wala na si Eric nag iwan na lang ng note kasama ng kanyang almusal. Di na daw siya ginising alam niya na puyat siya. Mayroon lang siyang kailangan na asikasuhin at pag natapos siya ng maaga muli silang mamasyal sa kanyang pag babalik. Sana daw intayin siya nito sa kanyang pag babalik. Sabay daw silang kakain ng dinner.
Pag kakain nag shower lang siya at nag bihis.gusto niyang makita ang market dito baka mayroon siyang magustuhan bilhin para pasalubong sa kanyang ina.at para na rin sa kanya. Nag libot libot siya ang ganda talaga ang lugar na ito. Ang daming magagandang pang pasalubong sa kanyang ina. Nawili siya sa pamimili at sa pag lilibot sa mga tindahan kahit di siya bibili inuusisa niya ang mga paninda .puno ang dalawa niyang kamay sa mga napamili niya para sa kanyang ina. Siguradong matutuwa siya sa mga pinamili ko. Ang bulong ni Angeline sa kanyang sarili.
Dahil sa pag lilibot niya at sa pamimili nagutom siya . kumain na siya bago pa man siya bumalik sa kanyang room. Dahil sa pagod at sa puyat noong nag daang gabi nag pahinga siya at siya nakatulog. Sa pag gising niya nandoon na si Eric. Nakaupo sa living room at nanonood ng TV. Noong makita niya na gising na si Angeline pinatay ang TV at hinarap si Angeline. Nakapag pahinga ka bang mabuti sa iyong pag tulog? Kanina ka pa ba diyan? Ang balik na tanong ni Angeline kay Eric. Kadarating ko lang noong makita kitang tulog dina kita inistorbo alam ko late kana natulog kagabi.
Mukhang lumabas ka kanina? Namili ng mga pasalubong sa pag uwi mo! Hanggang kailan ka ba dito? Ang tanong ni Eric. Pang 3 days ko na ngayon mayroon pa akong 2 days para umuwi. Ahh! Oo nga pala nasa tickets ang araw ng balik mo. At iyon na din ang gagamitin ko sa pag balik sa Maynila para sabay na tayo sa eroplano. Dapat balik na ako bukas kasi tapos na ang mga inaayos ko dito. Ayaw ko naman na iwanan kang mag isa dito. Saka bayad ko na yong tickets diba? Sayang naman kung di ko gagamitin. Alam ni Angeline palusot lang iyon kay Eric ang totoo gusto lang niya makasama kahit 2days man lang si Angeline.
Totoo ang iniisip ni Angeline gusto lang makasama niya ito. At gusto din niya ilibot sa magagandang tanawin. Ngayon ala na siyang inaasikaso puede na niyang ibigay kay Angeline ang kanyang buong gabi at bukas buong mag hapon. Bago sila bumalik sa maynila. Gusto niyang maging memorable ang kanyang pag stay dito yong di niya makakalimutan kahit bumalik na siya sa maynila ang bulong ni Eric sa kanyang isipan. Gusto ni Eric na makasama pa niya ng matagal si Angeline. Kung puede nga huwag na siyang bumalik sa Maynila dito na lang muna sila ni Angeline. Kaso ang daming trabahong nag iintay sa kanya.
Ang dami niyang aasikasuhin sa pag dating niya sa Maynila. Yong mga transaction ginawa niya dito ay siya niyang isasakatuparan sa Maynila. Kung ilang araw din siyang magiging punong abala. At wala siyang panahon para mag kalapit sila muli ni Angeline pag dating sa Maynila. Kaya lulubusin na niya at isusulit ang mga sandaling mag kasama sila ngayon. Ipaparamdam na niya kay Angeline na mahalaga ito sa kanya. Sana naman maramdaman ito ni Angeline na itinatangi siya ng aking puso. Kahit sa maikling panahon na mag kakilala kami inibig na siya ng aking puso. Siya na ang laman nito pati na kanyang isipan. Kaya lang paaano niya sasabihin ito kay Angeline. Kasalukuyan pa lang nag papagaling ng kanyang sugatang puso. Ayaw ni Eric na samantalahin ang kanyang kahinaan sa ngayon.
Gusto niya kung mamahalin siya ni Angeline yong ala na sa puso niya ang pag kabigo sa pag ibig niya kay Teddy. Pero sa pag dating ng panahong iyon nandiyan lang siya sa tabi ni Angeline. Hindi na niya ito papakawalan pa. minsan lang siya mag mahal dina niya ito papakawalan pa. talagang masama ang tama ni Eric kay Angeline. Sana ganon din si Angeline mahalin din niya ako ng pareho ng pag mamahal ko sa kanya. Ang piping hiling ni Eric sa kanyang munting kahilingan.
Sa pamamasyal nila ni Angeline di pinasuot ni Eric ang damit niya. Mayroon nanaman dalang damit si Eric para isuot niya sa kanilang pamamasyal. Ok lang naman si Angeline sa mga damit na gustong ipasuot sa kanya. Siya man itong klaseng pananamit ang gusto niya. Pilit din sa kanyang kalooban ang pag susuot ng mga damit na halos kamukha ng mga gayak ni Miss Tapia. Pareho silang masaya sa pamamasyal. Walang dull moment pag sila mag kasama. Akala nga sa hotel na tinutuluyan nila na mag asawa nga sila. Sabi nga noong isa bagay daw silang dalawa isang maganda mestisa at isang guapo at simpatico.
Pag pinupuri sila ng ganoon isang ngiti lang ang tinutugon nila sa mga ito. Sila lang ang nakakaalam kung ano talaga ang tunay nilang relasyon sa isa’t isa. Dumating na ang oras na pag babalik nila sa Maynila. Nalulungkot si Angeline tapos na ang kanilang masasayang mga sandali. Naging masaya siya sa mga oras na mag kasama sila. Hinding hindi niya makakalimutan ang mga oras na mag kasama sila ni Eric. Inaamin ni Angeline na ngayon lang siya sumaya ng ganito habang kasama niya si Eric. Pero tapos na ang kanilang pag papangap na mag asawa sa tingin ng mga tao. Babalik na sila sa kanilang mga sarili.
Sa kanilang pag hihiwalay sa airport nag kamay pa sila tanda ng pag papasalamat at di sila nabuking sa kanilang pag papangap bilang mag asawa. Sa pag labas ng airport di na alam pa ni Angeline kung mag kikita pa ba ulit sila ni Eric o anu pa. Kasi ba naman bakit di niya nahingi ang phone number man lang nito. At bakit di man lang hiningi ni Eric ang kanyang kontak number. Talagang hanggang doon na lang sila. Sa pag hihiwalay nila dito sa airport ito na ang kanilang huling pag kikita. Nag hihinayang siAngeline kung bakit di niya nakuha man lang ang cell number nito.
Ang masasaya nilang araw sa boracay ay doon din matatapos ang mga alaala nila. Nakakapag hinayang talaga. Ang sambit ni Angeline sa kanyang sarili. Kung puede lang dugtungan pa ang kanilang pagiging mag kaibigan. Sana mag kita uli sila dito sa Maynila at ituloy ang kanilang naumpisahan sa Boracay. Pero mag hinayang man siya wala na siyang magagawa. Di niya alam kung totoo o tunay niyang panaglan ang binigay sa kanya ni Eric. Baka wala din balak na siya na mag karoon kami ng ugnayan dito sa Maynila. Baka may asawa na siya kaya di man lang nag bigay ng kontak number. Wala siyang matandaan na puedeng ikonekta kay Eric. Hindi ito nag kuwento ng tungkol s akanyang buhay noong mag akkasama pa sila.
Naalala ni Angeline puro siya ang nag kukuwento sa buhay niya. Kung saan siya nag tra trabaho at lahat na tungkkol sa kanyang buhay. Halos nga yata ng kuwento ng buhay niya naikuwento niya dito.masyado kasi siyang naging interesado sa buhay ko. Pero ngayon lang niya naalala ni minsan di nag kuwento si Eric tungkol sa kanyang sarili. Pilit niniwawaglit ni Angeline sa kanayang isipan ang mag alala nila ni Eric. Mas mahihirapan pa yata siyang limutin ito kesa sa kanyang pag kabigo kay Teddy. Si Eric na ang laman ng kanyang isipan at pati na ang kanyang puso naakit na yata ni Eric.
Anu na ang mag yayari kay Angeline? Nakalimutan na nga niya si Teddy pero ano naman ito na mas nasasaktan siya sa pag hihiwalay nila ni Eric. Sadya bang malas sa pag ibig si Angeline? Di ba sabi ni Eric mahal na niya si Angeline bakit di siya nag iwan kahit phone number dito? Ano ang secreto ni Eric? Bakit dinA muli nag pakita ito kay Angeline? ABANGAN !! copyright by Rhea Hernandez 1/18/12
No comments:
Post a Comment