Monday, January 9, 2012

LOVE STORY 'ANGELINE" chapter 2

LOVE STORY “ANGELINE” chapter 2
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

              Kahit iniiwasan siya ni Angeline patuloy pa rin sa panunuyo si Ruffy dito. Hindi siya mag sasawang suyuin ito hanggang hindi mapukaw ang natutulog niyang damdamin. Ang hindi alam ni Ruffy may lihim din pag tatangi si Angeline sa kanya. Pero ito kanyang pinipigilan. Ayaw niyang malaman ni Ruffy kung ano ang  kanyang nararamdaman. Pilit niyang kinokontrol ang kanyang damdamin. Mataas ang kanyang pangarap. Kailangan matupad ito ‘y para sa kanyang ina. Ibig niyang ilayo sa putikan ang pinaka mamahal niyang ina. Ayaw niya na habang buhay na lang sila dito manirahan. Ayaw niyang nakikita ang ina niya na nag papakababa sa kanyang sarili. Kumita lang ng kakarampot na pera para sa kanilang dalawa.
              Ayaw niyang manatili dito habang buhay. Ayaw niyang habang buhay siyang nilalait  ang kanyang pag katao. Kung puede nga lang kahit ngayon na lumayo na dito at ibangon ang kanyang ina sa kina sasadlakang putikan. Gustong gusto na niyang lumayo sa lugar kung saan siya nag kaisip at naranasan niya dito kung paano sila  maliitin ng kanilang mag kapitbahay. Mataas nag kanyang pangarap at kailangan niyang matupad ito. Para sa kanynag minamahal na ina. Kaya kahit may pag tingin din siya kay Ruffy ay kanyang itong sinisikil. Makakasagabal lang ito sa kanyang mga panagrap.
              Dahil sa pag sunod sunod ni Ruffy sa kanya marami ang naiingit sa kanya. At marami din ang naiinis sa kanya. Madirinig mo sa kanilang mga bulungan kung ano ang ina ganoon din ang anak. Alang ginawa kung di mang akit ng mga lalaki. Dito nasasaktan ng husto si Angeline pero di niya pinapatulan kung ano ang kanyang naririnig . Ika nga pumapasok sa isang tainga pinalalabas naman niya sa kabila. Sa mga parinig na kung anu ano hindi niya iniinda. Sa loob loob niya isang taon na lang ga graduate na siya ng HS. Hindi na niya makikita pang muli ang mga ito. Kukumbinsihin niya ang kanyang ina na  lisanin na ang lugar na ito.
              Dahil sikat sa school nila si Ruffy kaya maraming mga babae studyante ang may kursunada dito. Anu   daw ba ang nakikita ni Ruffy kay Angeline na wala sa kanila. Dehamak na maganda ang kanilang pamilya. Maganda din naman sila yong nga lang di kasing ganda ni Angeline. Kasi ba naman mestisa ito buhok pa lang akala mo buhok ng mais. Pero si Angeline talaga ang mahal ni Ruffy. Kaya  kahit anong pang aakit ang gawin ng ibang babae sa kanya di niya ito pinapansin. Nakikita ito ni Angeline kaya lalu naman napapalapit sa kanyang puso si Ruffy. Minsan naitatanong niya  sa kanyang sarili kung hanggang kailan niya kayang iwasan si Ruffy.
              Minsan halos harapan na ang pag lalait sa kanya kaya di siya nakapag pigil. Pinatulan niya ang isa sa mga classmate niya sa asar niya sinabunutan niya. Halos nagkakasakitan na sila ng husto. Dahil may kabarkada ito tinulungan nila, Si Angeline di siya patatalo kahit tatlo sila nag iisa lang siya. Sa ganitong tagpo sila inabutan ni Ruffy. Dahil kay Ruffy nahinto ang kanilang pag aaway.  Siempre si Angeline ang kinampihan ni Ruffy kaya naman masamang masama ang loob ng mga dalaga kay Angeline . nakapuntos nanaman siya kay Ruffy. Paawa pa sabi ng tatlo  sa kanya. Alang magawa si Angeline kundi maiyak sa habag sa kanyang sarili.
              Inalo siya ni Ruffy niyakap at ibinigay ang kanyang balikat para doon ilabas lahat ang kanyang sama ng loob. Ito ang naging simula ng kanilang pagiging close ni Ruffy. Kailangan pala niya ang isang tao na puedeng hingahan ng mga sama ng loob. Sa kanyang mga hinanakit sa buhay. Si Ruffy laging nandiyan para sa kanya. Siya na naiintindihan ang kanyang kalagayan. Alang paki alam ito kung anu pa man  siya. Pinadadama sa kanya na isa siyang mahalaga at isang parang mamahaling crystal na ngayon lang niya naramdaman. Kasi ba naman halos lahat yata ng tao hinuhusgahan sila ng kanyang ina. Pero iba si Ruffy mararamdaman mo na ala siyang paki alam kung ano ang kanyang pinag mulan.
              Kaya naman di nag tagal sinagot na rin niya si Ruffy. Ngayon anong ligaya niya at may isa pang nag mamahal sa kanya maliban sa kanyang ina. Hindi naikaila sa kampus nila na sila na ni Ruffy. Isipin mo isang sikat sa school si Ruffy isang number one  na player ng basketball at isang laging nangunguna sa klase at pinakamaganda sa kampus. Isang perfect na combination. Dahil dito ang daming naiingit sa kanila. Kita naman kasi na talagang mahal nila ang isa’t isa.
              Natapos ang taon at ganoon pa rin sila going strong pa nga ang relasyon nila kahit mga bata pa sila.Nag graduate na si Ruffy samantala siya isang taon pa bago maka graduate. Kaya nag pa maynila na si Ruffy para sa kanyang pag aaral. At siya naiwan pa sa school nila.naging madalang ang kanilang pag kikita ok lang sa kanya kahit tuwing weekends na lang sila mag kita. Ok nga ang ganoon para kay Angeline para lalu niya mapag buti ang kanyang pag aaral. Gusto niyang manguna sa pag aaral niya para sa pag dating sa college di siya mahirapan sa pag kuha ng scholarship.
              Alam niya ang mga magulang ni Ruffy ayaw sa kanya. Pero ang katwiran niya di naman sila ang pakakasalan ko kung saka sakali ang sabi lang sa kanyang sarili. Basta si Ruffy mahal siya at handang panindigan ang kanilang pag mamahalan. Dahil nalilibang sa kanyang pag aaral si Angeline hindi niya napapansin na di na lingguhan ang uwi ni Ruffy sa kanilang probinsya. Nabalitaan niya di na pinauuwi ng kanyang mga magulang dinadalhan na lang ng pang gastos sa manila kaya ala ng dahilan pa para siya umuwi sa kanila. Alam ni Angeline kung bakit ayaw ng mga ito na mag kikita sila ni Ruffy.
              Pero pag may pag kakataon umuuwi din siya at sa pag uwi niya doon na lang sila nag kikita. Pero nararamdaman niya na iba na ito. Sabagay sino ba ang hindi kayang baguhin ng magulong lunsod ng maynila. Nawala na yong  dating Ruffy. Ito ngayon ay isang Ruffy na parang kay dami ng alam. Hindi na ito ang dati niyang minahal. Noon na ramdam niya ang buong pag respeto sa kanya at sa kanyang pag kababae pero ngayon iba na. masyado na siyang maraming alam. Marami ang gusto gawin na hindi niya kayang ibigay. Kaya sa paminsan minsan niyang pag uwi nauuwi pa sa kanilang pag tatalo kung minsan.
              Minsan tinatanong niya si Ruffy nasaan na ang lalaking aking minahal noon. Ang sagot nito ako pa rin ito yong ngalang mulat na ang mga mata ko sa takbo ng buhay. Ito ba ang nagagwa ng maynila sa isang tao. Nag babago ang kanyang pag uugali. O kaya siya lang ang napag iiwanan ng panahon. Pero kahit ano ang gawin niyang isip  di niya makuha ang dahilan ni Ruffy. Kaya naman nag dadalawang isip siya ngayon sa  pag ibig nito. Maaari ding nag bago na rin ang nararamdaman nito sa kanilang pag hihiwalay natuklasan niya na di tuna yang kanyang nararamdaman. Baka puppy love ang naramdaman nila noon. Kaya kay daling  nag bago. Pero ayaw niyang isipn ito. Mahal siya ni Ruffy. Nagiging praning lang siya sa pag iisip.
              Kahit anong pilit ni Ruffy di siya bumigay. Ito lang ang maiihahandog niya sa lalaking kanyang papakasalan. Gusto niya na hindi isipin ng kanyang magiging asawa na katulad siya ng kanyang ina. Kaya dahil dito nag kagalit sila ni Ruffy at nauwi  sa pag aaway. Lumuwas ng maynila si Ruffy na di sila nag kakabati. Iniyakan niya ito sa unang pag kakataon nag kagalit sila ni Ruffy. Lumuwas ito ng maynila na di siya sinuyo. Sa kauna unahang pag kakataon din natikis siya ng kanyang nobyo. Ala naman siyang magawa di na  sila nag kausap bago ito lumuwas ng maynila.
              Kahit may tampuhan sila ni Ruffy kailangan tuloy ang buhay niya. Kailangan mag aral siyang mabuti para sa kanyang kinabukasan . inalis niya ang mga ispin tungkol dito. Lumipas ang mga araw di na niya napapansin . ilang buwan na ba di umuuwi si Ruffy buhat noong di niya ito pinag bigyan sa kagustuhan.  Tuluyan ng tinikis siya nito.
Sabi niya siguro busy lang siya sa kanyang pag aaral tulad niya. Nalalapit na ang graduation kaya abala na rin siya. Kailangan sa final exam niya siya ang manguna sa lahat. Alam niya di siya gaanong mahihirapan kasi na maintain naman niya ang kanyang mga grade noong mga nag daan mga grading period.
              Sumapit ang graduation ni Angeline di siya nag kamali siya ang nanguna sa lahat. Kaya naman tuwang tuwa nag kanyang ina. Nakuha niya nanaman ang pinaka mataas na karangalan. Kahit sa lahat napatunayan niya na kaka iba siya at natatangi siya sa iba. Pero bakit ganoon di maalis ang pagiging putok niya sa buho. Ito ang maririnig mo sa mga bulong bulungan sa mga magulang na dumalo sa graduation. Buti daw di ako nag mana sa aking ina isang hostess sa isang club.
              Akala ni Angeline uuwi si Ruffy sa kanyang graduation para batiin siya pero alang Ruffy na dumating masamang masama ang loob niya. Bakit ganoon. Dahil lang di siya pinag bigyan di na niya ako mahal. Matitiis niya akong ng ganito katagal at sa graduation ko na napakahalaga sa akin ni niya maalala. Ang bulong sa kanyang sarili ni Angeline. Masamang masama ang kanyang kalooban sa mga pang yayari. Hindi niya maintindihan  kay babaw na dahilan ang kanilang pag hihiwalay.
              Dahil bakasyon alam niya na mag babakasyon si Ruffy. Mag kakausap na rin sila at mag kakaliwanagan subalit nabalitaan niya umuwi nga ito may kasamang magandang dalaga. At pinakilala daw sa  mga magulang ito ang kanyang bagong GF. Tuwang tuwa daw ang mga magulang ni Ruffy kasi isang kilalang pamilya ang babae.
Sa nabalitaan ni Angeline parang dinurog ang kanyang puso. Ito ba ang lalaking kanyang minahal. Pinag ukulan ng pag ibig. Wala pala itong tibay na aasahan.  Iniyakan niya ng mag damage

 ang pang yayari. Pero kailangan niya ang tibay ng loob para sa kanila ng kanyang ina.
              Anu na ang mag yayari sa buhay ni Angeline ngayon ala na si Ruffy sa kanyang buhay. Isa na siyang bigo sa pag ibig. Lalu kayang maging matapang sa pag harap sa buhay si Angeline o mawawalan na siya ng ganang mangarap dahil sa pag sira ni Ruffy sa kanilang sumpaan.ABANGAN!!
Copyright by Rhea Hernandez 1/9/12

1 comment:

  1. salamat sa pag babasa ng mga sinusulat ko san asubaybayan ninyo lagi....

    ReplyDelete