Friday, February 24, 2012

LOVE STORY "SHINE " chapter 4

LOVE STORY “ SHINE” chapter 4
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

  
              Tumalikod ang kanyang ama pag katapos ng kanilang pag uusap. Akala ni Shine ok  na ang kanilang pag uusap. Matapos niyang umiyak sa pag kakasagutan nilang mag ama. Iyon pala umalis lang  ang kanyang ama at nakipag inuman sa kanyang mag kabarkada. Kaya noong umuwi sa bahay marami na siyang nainom. Ang kanyang pag iisip ay nalukuban na ng spiritu ng alak. Kaya naman noong makita si Shine ng kanyang tatay ay muling nanariwa ang kanilang pag aaway.

              Muli nilang pinag usapan ang nakaraang pag tatalo. Muling ipinag giitan ni Shine sa kanyang ama na walang lalaki ang kanilang ina. Talagang ganoon ang pag titinda. Walang oras ang uwi hangang hindi nauubos ang mga paninda hindi ka makakauwi. Kung kailangan mo talagang kumita ng pera pipilitin mong maubos lahat ang mga paninda. Siguro hindi mag papakahirap si nanay sa pag titinda at di siya gagabihin kung kayo ay tumutulong sa pag hahanap buhay.

              Kung noong hindi pa lasing ang kaniyang ama napigil na sampalin siya. Pero iba ngayong ito ay nakainom. Kaya nakatikim siya ng palo sa kanyang ama. Kahit dalaga na siya nakuha pa rin siyang paluin nito. Hindi lang palo ang kanyang napala sa pag sagot sagot sa kanyang ama. Pinalayas pa siya sa kanilang bahay. Kaya sinubukan niyang makitira sa kanyang tiyahin.hindi siya nakatagal doon nahihirapan siyang makisama sa kanila. Kaya lumipat siya sa kanyang lola.

              Si Rico ang tumulong kay Shine noong umalis siya sa bahay niya. Tinutulungan siyang sa kanyang pangangailangan. Lalu na pag nagigipit siya sa pera . naiintindihan niya ang kalagayan ng babaeng kanyang minamahal. Ganoon pa rin hatid sundo siya ni Rico. Habang tunatagal nahuhulog na ang tuluyan ang loob ni Shine kay Rico. Pero di naiiba si Rico sa ibang lalaki. Katulad din siya ng ibang kabataang lalaki na hindi nasisiyahan sa iisang babae. Maliban kay Shine mayroon din siyang nililigawan sa kabilang barrio. Bakit ganoon kung kailan na niya natutunan mahalin ang lalaki lumiligaw sa kanya ay saka niya nalalaman na mayroon itong ibang minamahal.

              Kaya simula noon malaman niya ang pagiging doble kara  si Rico. Iniwasan na niya ito. Kung kailan napapamahal na sa kanya si Rico saka niya nalaman na mayroon siyang iba. Minsan naitatanong niya bakit ganoon. Hindi parehas ang buhay. Bakit sabay sabay ang pag dating ng pag subok sa buhay niya. Pag nag iisa na si Shine di niya maiwasang itanong bakit ipinanganak siyang mahirap at malas sa pag ibig at sa isang ama. Bakit ganito ang buhay hindi parehas.

              Habang  malayo siya sa kaniyang pamilya ang kanyang lola ang tumutulong sa kanya. Minsan ito ang nag bibigay ng baon sa kanya. O kaya ang kanyang kuya inihahabol sa kanya ang kanyang baon. Galing siya sa farm madaling araw siya umaalis doon para lang ihatid sa kanya ang kanyang baon. Napakalaking utang na loob niya sa kuya niya. Hindi na nga nakapag asawa dahil sa kanila ng ate nila. Sila ang hinayaan nitong mag aral. At siya ang nag hanap buhay para makatulong sa pamilya nila.

              Wala na nga panahon para mag hanap ng kanyang mapapangasawa. Ang lagi niyang sinasabi na mag aral na mabuti si Shine. At kung makatapos na ito sa pag aaral saka na lang niya bibigyan ng panahon  ang kanyang  pag aasawa. Kaya kailangan mag sumikap siya sa pag aaral. Para na rin sa kanyang kinabukasan. Kaya naman ibinuhos niya ang kanyang panahon sa pag aaral. At sa pag kita ng pera para sa iba niyang pangangailangan niya.

              Natapos ang 1st semester niya sa midwifery. Ang buong akala ni Shine titigil na si Rico sa panliligaw sa kanya. Pero nag kamali siya. Lalu pa itong nag pursige sa panliligaw pero ayaw na ni Shine. Sapat na ang kanyang naramdaman sakit noong malaman niyan di lang siya ang nililigawan nito. Nanganag ko si Rico na dina mauulit natukso lang siya sa babaeng iyon. At hindi talaga siya seryoso sa isa, talagang si Shine ang mahal niya. Kaya napilitan kausapin ni Shine si Rico.

              Kung tayo ay para sa isa’t isa tayo talaga. Pero sa ngayon ang pag aaral ang gustong pag laanan ng panahon. Kung talagang mahal mo ako makakapag intay ka ang sabi ni Shine kay Rico.  Naging buo ang pag papasya ni Shine dito. Kaya kahit anong pakiusap at panunuyo ni Rico dina muling bumigay si Shine. Ayaw niyang masira ang kanyang mga pangarap ng dahil lang sa pag ibig.

              Halos mabaliw daw si Rico noong iwanan niya. Ito ang sabi ng ina ni Rico. Habang umiiyak sa harap ni Shine ang ina ni Rico. Sa nabatid niya nahabag naman siya sa ina ni Rico. Hindi nag laon napabalitang ikakasal na si Rico. Napikot siya ng babaeng kanyang pinag lalaruan. Talaga bang ganito ang pag ibig akala niya makakapag intay si Rico. Nakikita niya na mahal na mahal siya ni Rico. Pero  sino ang makakapag sabi na mapipikot siya

              Sa nararamdaman niyang sakit sa pag ibig kinalimutan niya at ang buo niyang attensyon inilipat niyang lahat sa pag aaral. Sinabi niya sa sarili niya nakakasira lang ng kanyang pag aaral ang pag ibig. kaya ngayon 2nd sem na siya at ipinangako niya sa sarili na hindi na siya muling mag papaligaw at dina siya mag mamahal na muli. Tama na ang minsan at  pangalawang kabiguan sa buhay.

              Ang iniisip nalang niya ang kanyang pamilya. Ang pag papakasakit ng kanyang ate. Alam niya nahihirapan ito sa kanyang amo. Tinitiis ang lahat para sa kanilang mga mahal sa buhay. Sa pag nanais niyang makaahon sila sa kahirapan. At para makatapos siya sa kanyang pag aaral. Kaya naman noong mag padala ang kanyang ate ng pera para mag enroll sa 2nd sem. Niya  gusto ng kanyang tatay na kunin ang pera para ipangsugal. Pero kahit anong pilit di ibinigay ni Shine.

              Kaya naman ang kanyang nanay ang pinag buntunan ng galit. Kaya napilitan silang umalis pang sandalian sa kanilang bahay para di abutin ng galit ng kanyang ama. Pang samantala nakitira sila sa kapatid ng kanyang ina. Bitbit niya ang maliliit niyang kapatid. At ang kuya naman niya ang bahala sa iba pa nilang kapatid. Kaya habang tumatagal lalung lumalaki ang galit ni Shine sa kanyang ama. Nag palipas lang sila ng ilang araw at bumalik na uli sila sa kanila. Kasi naaawa siya sa kanyang ina. Kasi mag isa na lang niya hinaharap ang galit ng kanilang ama.

              Habang nag aaral may dala dala siyang mga paninda  tulad ng kikat at chocoball at kung anu anu pa. Ang mga nagaganap sa  pamilya ni minsan di  sinabi sa kanyang ate pag tumatawag ito o sa kanilang mga text. Ayaw nilang dagdagan pa ang pag hihirap nito. Minsan sa text na padala ni Shine sa ate nita apat na buwan bago ito maka reply. At kung minsan tumatawag siya marinig lang ang kanyang boses masayang masaya na ang nanay ni Shine. Laging sinasabi patago lang sa kanyang amo ang pag tawag nito. Kay hirap daw makatiempo na parehong wala sila sa bahay para makatawag ang ate niya sa kanila. Kaya damang dama ni Shine ang pag hihirap ng kanyang ate sa naging amo nito. Pag sila Shine naman ang tumatawag sa ate niya laging sinasabi ng amo niya kung di siya tulog nasa banyo.

              Lumipas ang mga araw na puro pagtitiis ang ginawa ni Shine. Aral tinda sa school at pag tulong sa kanyang ina sa pag titinda. Hanggang dumating ang huli na lang niyang semester sa pag midwifery. Naka isang taon at kalahati na siya sa kanyang pag aaral. Isang sem na lang makakatapos na siya. Pero ma late na siya sa enrollment ala pa ang kanyang pera.  Ang kaibigan ng kanyang ate na si ate Wheng kung tawagin niya. Na siya niyang tine text pag may kailangan siya sa ate niya ay wala. Nasa Pinas na ito nag babakasyon. Di niya alam kung paano siya makakapag aral. Paano siya makakapag enroll. Graduating na siya mukhang dina siya makakapag aral.

              Kaya naman nilapitan niya ang mga kamag anak na puedeng utangan at malapitan. 2weeks na siyang late sa pag eenrol. Kaya nag lakas siyang tawagan ang ate niya nakiusap siya sa amo nito kung puedeng  makausap kasi may sakit ang nanay nila kahit wala. Dahilan lang niya iyon para ibigay ang tephono sa ate niya. Naawa naman ang amo niya kaya nakausap niya ito . Iyon pala isang buwan na siya nakapag padala ng pera sa tita nila. Wala silang kaalam alam nasa tita na pala nila ang perang pag pa enroll niya. Dali dali niyang kinuha ang pera para makahabol sa pag eenrol. Kahit late na siya buti tinangap parin siya ng school nila.

              Dahil sa akala niya ala pang padala ang ate niya. Napilitan siya noon na lumapit sa mga puedeng utangan halos di masikmura ang mga salitang natangap ni Shine sa mga ito. Karamihan  sa kanila kung wala daw kaming pera huwag na lang daw siya mag aral. Yong nga daw iba dyan mayayaman na bihira ang makapag paaral ng anak siya pa kaya na isang batugan ang ama at gumagapang sila sa hirap. Nag aambisyon pa siyang makapag aral. Alang nagawa si Shine kundi ang maiyak sa awa niya sa kanyang sarili. Sabi nga niya mag sisikap siyang mabuti sa pag aaral at darating ang aral na lahat ng kanilang sinasabi ay kanilang lulunukin.

              Talagang napakabait ng Diyos nakikinig siya sa mga dalangin ng mga taong taos ang pag hingi ng tulong sa kanya. Tinugon niya lahat ang kanyang mga dasal ng mga panahong iyon. Kaya ang saya saya niya noong makahabol siya sa pag eenrol sa kanyang huling sem sa midwifery. Nag habol na lang siya sa mga notes na di niya natake sa loob ng dalawang week na di siya nakapasok. Isinubsob niya ang ulo niya sa pag aaral para makahabol siya sa mga aralin

                Wala na kayang darating na pag subok sa buhay ni Shine? Anu na ang naging kalagayan ng kanyang ate sa kanyang amo? ABANGAN!! Copyright by Rhea Hernandez 2/24/12


No comments:

Post a Comment