Monday, February 27, 2012

LOVE STORY "SHINE" chapter 5

LOVE  STORY “SHINE”  chapter 5

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems




              Kahit ano ang mag yari pinilit ni Shine na makapag aral siya. Kahit mangutang siya sa mga kamag anak nila. Minsan kasama niya ang kanyang ama sa pangugutang. Napakiusapan niyang samahan siya sa isa nilang kamag anak. Hindi niya akalain na ganoon sila nilalait ng mga ito. Pinautang nga sila pero inihagis ang pera sa mukha ng kanyang ama. Awang awa si Shine sa kanyang ama.  Pinautang nga pinag silbihan naman ng kanyang ama sa mga gawain kanilang inuutos. Pinag trabaho nila ang kanyang ama.

              Kahit galit siya sa kanyang ama noon dahil kinukuha ang kanyang pang enroll para isugal. Noong nakita niya na kung paano ito inaapi ng kanilang mga kamag anak parang dinudurog ang kanyang puso sa awa sa kanyang ama. Buhat noong maranasan  ng kanyang ama na hagisan ng pera sa mukha para itong natauhan ganoon naba sila. Para silang mga busabos na nililimusan ng kanilang mga kamag anak. Buhat noon nakapag isip isip ang kanyang ama. Kay tagal napala niya napapabayaan ang kanyang pamilya.

              Hindi niya batid na ganoon napala ang turing ng mga tao sa kanyang mag iina. Kay tagal niya isinarado ang kanyang isipan sa mga nag yayari sa kanyang kapaligiran. Bakit siya nabuhay sa mga alala noong siya ma ambush. Kay tagal napala noon. Kay tagal bago siya nagising sa mga pangyayari. Hindi niya akalain na ganoon napala sila kahirap . Sa wakas tuwang tuwa si Shine noong makita niyang nag bago ang kanyang ama. Tumigil na ito sa pag susugal at pag inom. Nag hanap na ng mapag kakakitaan.

              Sa pag babago ng kanilang ama nakikita na nito ang mga pan lalait ng kanilang mga kamag anak at mga kakilala. Namulat na ang kanyang mata at isipan ngayon sa kapaligiran ng kanyang mga mahal sa buhay. Kitang kita niya minsan ang nanay ni Shine nangungutang sa kanilang kapit bahay. Tulad niya noong lumapit siya sa kanyang kamag anak ibinato din sa mukha ng kanyang asawa ang pera at sabay ang mga salitang halos di mo makain. Lagi kayong alang pera pero ang lakas  ng loob ninyong mag paaral ng mga anak. Bakit di nalang ninyo patigilin sa pag aaral yang mga anak ninyo para di ganyang lagi kayong alang pera.

              Lahat ng ito tinitiis ng kanyang ina. Basta makapag aral lang silang mag kakapatid. Minsan  kung lalapit din sila na wala na silang isasaing. Kahit isang kilong bigas ang gagawin ni Shine para lang makautang ng bigas papasok siyang mag laba o kaya taga linis ng bahay. Para lang mayroon silang isaing sa araw na yon. Pag tag ulan naman para silang mga daga nag sisiksikan sa isang sulok kasi tumutolo ang kanilang bubungan. Pero kahit ganito ang kanilang buhay patuloy pa rin silang iginagapang sa pag aaral. Wala daw sila maipapamana sa amin kungdi ang karunungan.

              Kahit hirap at walang mga baon sa pag pasok sa school pumapasok siya at kanyang mga kapatid sa eskuwelahan. Lahat ng hirap kanilang titiisin makapag aral lang sila. Ngayon pagbabago ng kanilang ama nadarama na nila. Tulad ng gawain niyang  sa pag inom at pag susugal. Ngayon katulong na nila sa pag hahanap buhay. Nag bebenta siya ng ice sa mga tindera ng isda sa palengke. Kahit mag kargador sa palengke ginawa na niya. Bumalik na ang dating ulirang asawa at ama. Masayang masaya si Shine sa nag yayari sa kanilang pamilya. Ang tatay niya nagising na sa matagal na pag kakahimbing sa kanyang mga bangungut. Tapos na ang mahabang panahon na pag hihinayan niya sa mga pag hihirap niya pero iba naman ang nakinabang.

              Ngayon dilat na dilat na ang kanyang mga mata sa katotohanan. Hindi na niya pababayaan na maging isang busabos ang tingin ng karamihan sa kaniyang mag iina. Mag susumikap na muli siya tulad ng dati. Ibabalik na niya nag dati niyang katauhan. Isang masipag at ulirang ama sa kanyang mga anak at sa kanyang asawa. Sa palagay niya di pa huli para sa pag babago. Para gumanda uli nag kanilang pamumuhay. Ito ang isang pangako ng isang ama na nag kulang sa kanyang mga anak at asawa.

              Samantala patuloy pa rin ang pakikibaka sa buhay ni Shine. Pag alang pasok sa school nag titinda siya ng mga isda. Mag ka minsan nakakatulog siya sa pagod sa tabi ng mga isda kanyang paninda. Magigising na lang siya na basa ang kanyang likod. Kasi ang tubig ng paninda niyang isda umaagos na sa kanyang hinihigaan. Kaya mag kaminsan o madalas amoy siyang malangsang isda. Kahit dalaga na siya di siya nahihiyang mag tinda. Sapagkat dito siya kumukuha ng kanyang babaunin at ng kanyang mga kapatid.

              Kahit nga sa school nila minsan may bitbit siyang alimango. Para order  sa kanya. Hindi siya nahihiya sa mga ka eskuwela niya na may bitbit siyang paninda kahit sa school nila. Mag  ka minsan sa school inaalok  niya mga guro at mga empleyado sa school . Nag babakasakali siyang mayroon omorder sayang din ang kanyang kikitain. Pang dagdag baon o kaya pambayad sa mga kakailanganin ng kanyang mga kapatid.

              Marami ang naiingit sa kanilang mga magulang. Isipin mo nga halos wala silang makain pero nakakapag paaral ng mga anak. Si Shine isang semester na lang ga graduate na siya.pag katapos nito mag OJT na lang siya at mag exam na siya sa board. Ilang hinga na lang makakaroon na sila ng isang midwife na anak. Marami naiingit sa kanila. Yong mga ibang nag tataas ng kilay sa kanyang pag aaral. Papatunayan ni Shine na mali lahat ang kanilang iniisip na pag isa kang mahirap ala ka nang karapatang mangarap sa buhay.

              Samantala ang ate ni Shine tiniis ang kanyang among malupit. Hanggang makatapos siya sa pag aaral niya. Kahit papaano malaking bagay ang kanyang naipapadala para sa kanyang pag aaral. Pangako nito kay Shine sa graduation niya uuwi na siya. Para tapusin na ang kanyang pag hihirap doon. Kaya naman kahit hirap siya sa pag kita rin ng pera pang dagdag sa pag gastos sa araw araw di niya pinapabayaan nag kanyang pag aaral.kahit kaunting oras na lang ang itinutulog niya. Wala ang kanyang pag sasakripisyo compare sa kanyang ate.

              Ang kanyang ate tinitiis ang kalupitan ng amo niya. Na kung minsan di siya pinapakain kung nagagalit at kung minsan kinukulong pa siya sa banyo nito. Apat na tong singkad ang titiisin niya para lang sa pamilya. Ayos na ayos pag katapos ng apat na taon. Siya naman ang mag tatapos sa kanyang pag aaral. Pangako ng kanyang ate sa kanyang graduation uuwi ito. Para mag kasama sama na muli sila mag anak.

              Kahit bihirang ang kanilang communication ng kanyang ate . pero sa puso at isipan niya di ito nawawala. Patuloy ang takbo ng buhay. Patuloy silang mag kakapatid sa pag aaral. Pero sa ngayon dina tulad ng dati ang kanilang pag hihirap. Kasi katulong na nila ang kanilang ama sa pag baka sa kahirapan. Halos wala na mahihiling pa si Shine. Kahit ganoon pa rin sila kahirap pero masaya siya kasi nag bago ang kanyang ama. Ang dati mapag mahal muli bumalik sa piling nila. Ang ama kanyang na miss ng mahabang panahon nag balik na.

              Tuluyan na kaya ang pag babago ng kanilang ama? Makatagal pa kaya ang ate niya sa kanyang among malupit? Makatapos kaya sa pag aaral si Shine? ABANGAN!!

Copyright by Rhea Hernandez 2/ 27 /12

            

No comments:

Post a Comment