LOVE STORY “Blue Ivy” chapter 5
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
Anu ba ito dumadating sa buhay ko? Ang bulong ni Blue Ivy sa kanyang sarili. Di malaman niya ang gagawin. Kanyang natuklasan buntis nanaman siya . mag dadalawa na ang kanilang anak di pa na babago ang kanyang asawa. Ganoon pa rin ito walang inatupag kundi ang bumarkada at makipag inuman. Kailangan na niyang kausapin ito para sa kanilang anak at sa magiging anak na siya niyang ipinag bubuntis ngayon.
Habang nag uusap sila tinanong niya si Jhoey kung bakit siya nag bago. Nasaan na ang Jhoey kanyang minahal noon. Ang kilala niyang Jhoey isang maginoo at mapag mahal. Nag bago naba ang nadarama mong pag mamahal sa akin. Alang nababago ako ito. Ang sagot ni Jhoey kay Blue Ivy. Anu ba ang inaangal mo ginugutom ka ba dito. Ni hindi ka naman sumasala sa oras ng pag kain. Anu pa ba ang hinahanap mo? Gusto mo ba ako ang mag pakakuba sa pag hahanap buhay? Iyon ba ang mag papasaya sa iyo?
Sa mga binitiwang salita ni Jhoey parang mag balaraw na tumutusok sa kanyang dibdib. Hindi niya akalain na ganito ang kanyang kasasadlakan sa buhay pag aasawa. Akala niya ngayong mag dadalawa na ang kanilang anak ay mag iisip na ito at mag babago na sa kanyang pananaw sa buhay. Ang kanyang mga biyanan para may pag kakitaan si Jhoey ibinili nila ng tricycle para wala ng dahilan na wala siyang mahanap na trabaho. At maging reponsable na sa buhay niya. Noong una mga araw naging exited siyang I drive ito at ipamasada.
Akala ni Blue Ivy nag bago na ang kanyang asawa. Kasi nga regular ng namamasada ng tricycle. Pero ningas kugon lang pala ang kanyang pagiging masipag. Pero noong lumaon dina pamamasada ang inaatupad .lalabas ng bahay sakay ng kanyang tricycle para mamasada yon pala sa inuman din ang bagsak niya. Hindi lang inuman ang kinahuhumalingan niya. Natuto na rin siyang mag sugal at mag drug. Lalu pang napasama kesa dati. Ngayong namamasada siya nag kakaroon ng pera para sa pambili ng drug.
Lalung lumala at na doble ang pag hihirap ni Blue Ivy. Sa dumating na mga araw.kung noon ang problema lang niya ang pagiging batugan ni Jhoey ngayon ang madalas na pag uwi ng lasing sa pinag babawal na gamut. Dito niya natitikman ang ibayong sakit.sa damdamin. At natutu na ring siyang maging isang babaero. Sinagap na nga yata niyang lahat ang kawalang hiyaan ng isang lalaki. Lasengo na nga , nag susugal , at nagyon gumagamit na pinag babawal na gamut di lang yon pati na pambabae pinasok na rin niya. Halos dina makayanan ni Blue Ivy ang mga pasang cruz na kanyang dinadala. Ibig na niyang sumuko sa mga ito.
Tuwing maiisip niya ang kanyang mag anak di niya maiwasang mapaluha. Bakit sila binigyan ng ama na katulad ni Jhoey. Sana mag bago na siya. Pero sa nakikita niya di patungo sa pag babago kundi sa pagkawasak ng kanilang pag sasama. Lalu na pag lumalabas siya at pag uwi sa bahay na sabog na sa pinagbabawal nagamot pag ganito na wala na siyang sinasanto. Dito natikman ni Blue Ivy ang mabibigat na kamoo ng kanyang asawa. Natutunan siyang saktan nito pag sabog sa gamut.
Ito na ang sukdulan halos dina niya makayanan. Pero ano ang kanyang magagawa. Akala ng marami ang ganda ng kanyang buhay. Kung makikita lang nila ang ginagawa ni Jhoey sa kanya siguro sasabihin nila kung bakit siya nag titiis sa ganitong klaseng buhay. Gusto na nga niya sumuko pero naniniwala pa siyang kaya pang ayusin ang kanilang pag sasama. Kaya siya nag titiis sa piling ng kanyang asawa. At paano ang kanilang mga anak. Ayaw niyang lumaki na alang amang makakagisnan . o inang kalalakihan nila.
Kaya naman isang araw dina makatiis si Blue Ivy kinausap niya ng masinsinan si Jhoey. Kung bakit bigla siyang nag bago. Bakit nawala na ang dating Jhoey kanyang minahal. Isang mapaklang ngiti ang ibinigay nito. Minahal mo nga ba ako? Ang tanong nito. Di ba pinag pustahanan lang ninyo ako ng mga pinsan mo? Di ba halos ayaw mo nga akong pakasalan noon? Iyan ba ang sinasabi mong mahal mo ako? Di ba ikaw ang unang gumago sa akin? Sa mga binitiwang salita ni Jhoey di nakakibo si Blue Ivy.
Sapagkat lahat ng iyon ay may katotohanan. Pero hindi totoo na di niya minahal si Jhoey. Natutunan na niya itong mahalin noon pa. pero dahil sa ginagawa niya ngayon ay di malayong mawala na ang lahat ng ito. Sino bang babae ang mananatiling nag mamahal sa isang lalaking tulad niya ngayon. Nag titiis lang siya ngayon sa piling nito dahil sa kanilang mga anak. Para dina lang sila nag aaway lagi tumatahimik na lang siya. At nakamasid lang kung ano ang ginagawa ng kanyang asawa.
Pero di niya alam dahil sa kanyang pananahimik lalung napapaisip si Jhoey na talagang di niya ito mahal. Walang siyang pakialam sa kanyang asawa. Kaya lalung nalulong sa kanyang bisyo. Naging lalung naging malupit ito kay Blue Ivy. Pag kagaling sa labasan at di mapag bigyan ni Blue Ivy na tabihan siya. Sapilitan kinukuha ang kanyang naisin. Dito ang tingin ni Blue Ivy sa kanyang sarili ay napaka liit na. wala ng respeto siyang nararamdaman sa kanyang asawa.
Ang dating pag mamahal na kanyang nararamdaman napalitan ng pag kamuhi at galit. Pero nandito pa rin siya sa piling ng kanyang asawa. Ang sakit ng damdamin kinakaya niyang tiisin pero ang pananakit sa kanya dina niya makayanan. Pag lango na ito sa pinag babawal na gamut sinasaktan na siya. Kahit saan nalang siya tinatamaan. May mga sandaling gusto na niyang bumigay. Parang ayaw na niyang mabuhay pa. pero tuwing maiisip niya ang kanyang mag anak nag babago ang kanyang pag iisip.
Di lang niya binababoy ang pag kababae ni Blue Ivy kung di pati na ang pag katao nito. At di lang iyon pinag bibintangan pa siyang may lalaki iba. Paano mag yayari iyon dina nga siya lumalabas ng bahay. Kapisan pa niya ang kanyang biyanan sa bahay . paano niya magagawa ang ibinibintang sa kanya. Di naman tulad niya na laging nasa labas. Bakit ang kanyang ginagawa ay siya niyang ibinibintang kay Blue Ivy. Siya ang may babae siya ang babaero bakit ibinibintang niya sa kanyang asawa.
Isang araw dina nakatiis si Blue Ivy sa pananakit ni Jhoey. Galing sa pawawalang kibo sumabog ang kanyang pag tittimpi sinagot na niya ang asawa niya at lumaban na siya dito. Dito niya naranasan na maging parang talong ang buong katawan sa bugbog. Dito na siya di nakatiis nag sumbong na siya sa kanyang mga magulang . humingi na siya ng saklolo dito. Di naman nag aksaya ng panahon ang kanyang mga magulang at umaksyon agad. Binawi siya sa kanyang asawa at inuwi sa kanilang bahay.
Noong magising siya naalala niya ang kanyang mga anak gusto niya itong kunin. Subalit ayaw ibigay ng kanyang asawa at biyanan. Kung gusto daw niyang makasama uli ang mga anak bumalik siya sa piling ng kanyang asawa. Ito na siguro ang pinaka huli niyang gagawin ang makisama muli sa kanyang asawa. Nakawala na siya dito dina niya nanaisin pang muling balikan ang inpiernong kanyang pinangalingan. Hinding hindi na siya babalik sa piling ng kanyang asawa. Ayaw na niyang mababoy pang muli ang kanyang pag katao at kanyang pag kababae,
Paano niya makakalimutan na ni minsan di siya naging maligaya sa piling nito. Wala siyang inatupag kundi ang pag inom , pag babarkada, pag susugal at ang kanyang pambabae. Hindi lang yon ang pag bubugbog niya di niya makaklimutan habang siya’y nabubuhay. At pag kaminsan ang pag bababoy sa kanyang pag kababae paano ito mabubura sa kanyang isipan. Paano siya makakapag move on. Kung babalik uli siya sa piling nito. Kahit anong kasidhi ang pag nanais niyang makasama ang kanyang mga anak di niya maisip na balikan pa ito.
Di pa ba sapat ang anim na taong pag titiis at pag durusa sa piling niya. Siguro sapat o higit pa sa isang martir ang ginawa niyang pag titiis sa piling niya. Ni wala nga maalala na naging maligaya si Blue Ivy sa piling ni Jhoey. Bakit nga ba siya nabulag noon sa magandang mga pangako at bakit noon pa di niya nakita ang mga ito sa katauhan niya. Ang anim na taong singkad na pinagtiis sa piling niya siguro kabila pa ng sapat na pag durusa. Pero bakit ngayon nag durusa uli siya sa pag kakawalay sa kanyang mga anak. Wala na bang katapusang pasakit ang kanyang mararamdaman.
Nag tiis siya sa piling ni Jhoey ng anim na taon. Dahil di niya kayang tiisin iwanan ang kanyang mga anak. Pero eto siya ngayon para lang makaiwas sa mga pananakit niya kailangan mag tiis siyang mawalay sa kanyang mga anak na tanging niyang kaligayahan noong nag sasama pa sila ni Jhoey.mga munti niyang anghel na palaging nag papangiti sa kanyang labi. Tuwing sa dina niya kayang makayanan ang mga pasakit sa buhay. Pero ngayon ang mga munting anghel na ito di niya makapiling di niya makuha sa poder ng kanilang ama. Sana noong bago siya lumisan sa pamamahay nila sanay binitbit na niya ang kanyang mga munting anghel.
Wala na bang katapusan ang pag durusa ni Blue Ivy? Nakawala na nga siya sa malupit niyang asawa pero di pa rin siya nakakawala sa pag durusa. ABANGAN!!
Copyright by Rhea Hernandez 2/16/12 :))
No comments:
Post a Comment