LOVE STORY “Blue Ivy” chapter 3
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
Habang daan panay dasal ni Blue Ivy na sana hindi mainit ang ulo ng kanyang papa. Sa kauna unahang pag kakataon nakita ni Blue Ivy na hindi nagalit ang kanyang Papa sa isa niyang manliligaw. Hindi niya akalain na mapapaamo ni Jhoey ang papa niya. Kaagad nagustuhan at nakagaanan ng loob, dahil magalang at mabait daw ito. Paano naman kay bait tignan ni Jhoey parang di makabasag pinggan. Sa kanilang pag uusap napakagalang ni Jhoey. Halos lahat ng sabihin ng papa ni Blue Ivy ay puro opo ang sagot. Sa katangian ni Jhoey ito ay siyang nagustuhan ng kanyang ama.
Pag ganito daw kabait ang aakyat sa kanya ng ligaw ok lang daw total nasa hustong gulang na siya. Ayaw lang daw niya yong mga tambay sa kanto at alang alam kundi ang mag basag gulo. Alang ginawa kundi uminom at manigarilyo. At walang respeto sa mga nakakatanda sa kanila. Bihira na sa mga kabataan ngayon ang tulad ni Jhoey na magalang at marunong rumespeto sa nakakatanda sa kanya. Ayaw naman naming na tumandang dalaga ang aming anak na babae.
Sa di inasahan ni Blue Ivy na mabago ni Jhoey ang pananaw ng kanyang papa. Ganito ba kalakas ang pag kumbinsi ni Jhoey? Hindi niya inaasahan ang ganito. Akala niya aabutin siya ng sampal ng kanyang ama. Pero baligtad ang nag yari. Nagustuhan siya ng ama niya at di lang yon ok na sa kanila na tumangap ng manliligaw. Sa di inaasahang pag kakataon. Nabago ang pananaw ng kanyang papa. Naging napaganda pa ang pag sama ni Jhoey sa kanya sa pag uwi niya ngayon.
Inabot na ng gabi si Jhoey sa kanilang bahay. Wala na siyang masasakyan pabalik. Paano pa siya makakauwi. Di naman kabayanan ang kanilang lugar. Para mayroon itong matutulugang motel o hotel. Kaya sa bahay nila Blue Ivy ito pinatulog ng kanyang mga magulang. Sa kauna unahang pag kakataon na may umakyat ng ligaw sa kanya sa bahay . At kaunaunahan din may isang lalaki na kanyang manliligaw na natulog sa kanilang tahanan. Tuluyan nag taka si Blue Ivy sa kinikilos ng kanyang ama.
Kinabukasan akala ni Blue Ivy uuwi na si Jhoey pero ayaw umalis na di siya kasama. Gusto nito na ipakilala din siya sa kanyang mga magulang. Ayaw sumama ni Blue Ivy saka na lang. mayroon namang next time ehh. Para makasama si Blue Ivy ipinag paalam ni Jhoey sa kanyang papa. Ang ipinag tataka ni Blue Ivy bakit pumayag ang kanyang papa na sumama siya sa lalaking ito. Muling nag taka ito bakit ganito ka bait ang papa niya. Sa kanyang boyfriend na si Jhoey. Anu ba ang pinakain niya sa kanyang ama. Naging malaking palaisipan sa kanya ang mga ito.
Lingid sa kaalaman ni Blue Ivy kinausap ng kanyang papa si Jhoey. Gusto nito na makausap ang mga magulang ni Jhoey. kailangan daw na sa lalung madaling panahon mag kausap sila. Ang buong pag aakala ng ama ni Blue Ivy kaya nag lakas loob na harapin siya kasi mayroon ng nag yari sa kanilang dalawa. Pero gustong itama ito ni Blue Ivy. Ayaw pa niyang mag asawa. Gusto pa niyang makatapos ng kanyang pag aaral. Bakit nag kaganito ang pangyayari. Simpleng hatid lang para ma meet ang kanyang mga magulang ganito na.kay bilis ang pangyayayri.
Noong dumating sila sa bahay nila Jhoey tuwang tuwa ang kanyang ina at nakasama siya sa pag uwi. Kay tagal na kasi nilang iniimbitahan pero alang pag kakataon na mapasyal siya dito. Sa totoo lang talagang iniiwasan niya . Ayaw niyang mapasubo ng di oras. Sinabi ni Jhoey sa kanynag mga magulang na gusto silang makausap ng papa ni Blue Ivy. Kahit di sabihin ni Jhoey kung bakit sila pinapatawag. Nahuhulaan na nila kung bakit. Sigurado silang ang pag uusapan nila ang pag iisang dibdib ng dalawang bata.
Sa pag kakataon na ito ang dalawa niyang pinsan ang kanyang sinisisi. Kung di sila nakipag sabuwatan kay Jhoey na ihatid sila di iisipin ng kanyang papa na mayroon ng nagyari sa kanila. Pero ano ang kanyang magagawa di niya kayang salungatin nag pasya ng kanyang ama. Makakapag asawa siya ng wala sa oras at mahihinto rin sila sa kanilang pag aaral. Anu itong kanilang pinapasok. Anong kinabukasan ang kanilang haharapin. Ngayong pareho silang hindi handa sa pag aasawa. Nasaan na ang kanilang mga magagandang pangarap. Hindi na matutupad pa.
Ito ba ang mga kanyang kinatatakutan. Ang mga bagay na nararamdaman niya nitong mga nag daang mga araw. Ito ba ang mga agam agam niya. Hindi niya akalain makakasal siya at mag kaka asawa na wala sa panahon. Ayaw pa talagang mag asawa ni Blue Ivy. Umiiyak siya sa kanyang ina na kausapin ang papa niya na huwag ituloy ang kanyang kasal sa huwes. Sa kanilang tahanan ang salita ng kanilang papa ay isang batas na dapat sundin. Pero paano na ang kanyang kinabukasan. Paano na ang kanyang pag aaral. Guguho na parang kastilyong buhangin ang kanyang mga pangarap sa buhay.
Buwan ng November ang napag usapan nilang araw ng kasal sa huwes. Saka na lang daw muna ang kasal sa simbahan. Sabi ng marami anung ligaya daw kung ikaw ay ikakasal. Bakit ganito ang nararamdaman ni Blue Ivy para siyang na trap sa isang kuweba na di niya makita ang lagusan. Ito ba ang uri ng kasal na kanyang pinapangarap. Parang wala sa kanyang hinagap na ikasal ng ganito. Hindi ganitong kasal ang kanyang pinapangarap. Anu pa ang magagawa ni Blue Ivy. Sa mga labi ni Jhoey mababakas mo ang lubos ng kanyang kaligayahan. Pero itong si Blue Ivy parang pinagbagsakan siya ng langit at lupa.
Hinding hindi niya pinangarap na ganitong kasalan ang kanyang kakahantungan. Dahil lang sa isang hatid sa bahay nauwi sa isang kasalan. Panay ang iyak ni Blue Ivy ayaw pa niyang mag asawa. Masyado pa siyang bata para dito. Nabalitaan nila Tracey at Grace ang biglaan pag aasawa ng kanilang pinsan. Gusto sisihin ni Blue Ivy ang dalawa niyang pinsan pero ano pa ang silbi nito. Nag yari na ang di dapat mang yari. Ito na nga ba ang kinatatakutan niya. Kaya ayaw niyang ipakilala si Jhoey sa kanyang mga magulang.
Mahal mo naman si Jhoey diba ang tanong ni Tracey. Oo naman mahal ko na siya natutunan ko na siyang mahalin noon pa. ang kaso di pa ako handa sa pag aasawa. Saka pangarap kong makatapos ng pag aaral. Paano pa ako makakapag aral kung ikakasal na ko. At isa pa si Jhoey nag aaral pa rin tulad ko. Paano na pareho pa kaming hindi handa sa pag harap sa buhay may asawa. Sayang nga ang pag aaral mo gaganda pa naman ang mga grade mo nitong mga nagdaang semester. Sigurado akong mahihinto na ako sa pag aaral.
Ang pag ayaw niya sa nalalapit niyang kasal nakarating sa kanyang papa. Mag aaral ka pa sa pag aasawa din naman ang bagsak mo. Bakit ka pa mag aaral. Di ngayon palang huminto kana at mag asawa ka na lang. harapin mo na lang ang pagiging isang may bahay. Noon ko pa sinasabi sa iyo na huwag ka nang mag aral sa maynila.pag nag asawa ka sa bahay lang ang bagsak mo. Kailangan pa bang mag aral o pag aralan kung paano maging asawa at ina ng mga anak mo. Mag aral ka at hindi , dyan ka din babagsak. Ang pagiging isang maybahay. Talagang sa probinsya iba pa rin ang pananaw pag ikaw babae ang papel mo lang ang taga silbi sa iyong asawa at taga pag alaga ng mga anak..
Hindi naiiba ang kanyang papa sa ganitong paniniwala. Naging mapilit lang noon si Blue Ivy na pag aralin siya sa Maynila. Sa pangako niyang pag bubutihin ang pag aaral. At hindi uunahin ang pakikipag ligawan. Pero ano itong ginawa mo nasa unang taon ka pa lang sa Maynila mayroon kanang boyfriend. Inuwi mo pa dito sa atin. Kung pakikipag ligawan lang ang inaatupag mo doon bakit kailangan pa naming ng mama mo ang gumasta ng napakalaki. Kung pakikipag ligawan din lang di mag asawa ka na lang.
Gustong ipaliwanag sa kanyang papa ni minsan di pa sumagi sa isipan niya na mag aasawa siya agad. Pero sarado na ang isip ng kanyang papa. Pag sinabi nito parang batas na kahit sino wala ng makakabali. Pag sinabi nito na pakakasal siya kay Jhoey sa darating na buwan ng November ito ang dapat maganap. Kaya naman noong pumunta ang mga magulang ni Jhoey itinakda ang kanilang kasal sa huwes muna sa buwan ng November at sa darating na Marso ang kanilang kasal sa simbahan. Wala na talagang magawa si Blue Ivy. Naging sunod sunuran na lang siya sa mga magiging desisyon ng kanilang mga magulang ni Jhoey.
Sa pang yayaring ito masayang masaya si Jhoey. Magiging asawa na rin niya ang babaing kanyang pinapangarap. Hindi niya iniintindi kung mahihinto siya sa kanyang pag aaral. Ang mahalaga lang sa kanya ngayon ay ang makasama niya si Blue Ivy na kay tagal na niyang pina pangarap. Makakasama na niya ito araw at gabi. Ang mahalaga ikakasal na sila at magiging mag asawa na sila. Ala siyang pakialam kung ano ang mag yayari sa kinabukasan.
Nag kausap muli sila ni Jhoey tungkol sa naging plano ng kanilang mga magulang. Ang napag kasunduang ikakasal sila sa darating na buwan ng November. Tuwang tuwa si Jhoey at ikakasal na sila ni Blue Ivy. Pero ang tanong niya dito di ba puedeng huwag muna natin ituloy ang pag papakasal natin di pa tayo handa at di pa tapos ang pag aaral natin. Kabaligtaran ito sa ating mga pinapangarap noon. Isang ngiti lang ang sagot ni Jhoey.bakit pa tayo mag aantay ng napakatagal na panahon kung puede naman tayong ikasal ng mas maaga. Payag naman ang ating mga magulang . di ka ba natutuwa di sila tutol sa ating pag mamahalan.
Anong kinabukasan ang nag iintay sa buhay may asawa ni Blue Ivy? Maging maligaya kaya siya? Kahit maaga siyang nalagay sa buhay may asawa? Bakit mukhang di masaya siya sa nag yayari sa kinila ni Jhoey? Hindi ba sapat ang pag mamahal niya. ABANGAN!! Copyright by Rhea Hernandez 2/12/12
No comments:
Post a Comment