Wednesday, February 22, 2012

LOVE STORY "KEVIN C. SANTOS" last part 2

LOVE STORY “KEVIN C . SANTOS” last part 2
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

              Sa muling pag kikita ng dalawang pusong nag mamahalan. Hindi akalain ni Keboy na isang sakitin na Jessica ang aabutan niya. Cancer sa dugo at nasa stage 2 na ito. Labas pasok na siya sa hospital. Tatlong araw  siyang nag stay sa bahay nila Jesca. Nanatili siya doon para lang alagaan siya.kuwentuhan ng mga naging buhay niya sa karagatan. Nanduong minsan nakikinig siya at mag kaminsan nakakatulugan nito ang mga kuwento kanyang sinasambit.madalas habang siya natutulog pinag mamasdan ang kanyang maamong mukha.
              Bagamat kung titignan mo siya maputla at manipis na dahil sa kanyang kapayatan. Para kay Keboy siya pa rin nag pinakamagandang dalaga na kanyang nakilala. Siya pa rin ang babaeng nag patibok ng kanyang puso. Ang babaeng kanyang minahal ng lubusan ngayon parang wala ng buhay at sigla na matatanaw sa kanyang mga mata. Ang dating puno ng sigla ang mga titig ng kanyang mag mata ngayon  wala ka ng mababakas puro pag hihirap na di niya maisatinig man lang
              Bumalik sa kanyang alaala ang mga kanilang pag mamahalan. Noong nililigawan pa niya ito. Ni hindi siya pinahirapan at sinagot siya agad. Mga maliliit na bagay na pinapadala niya kay Jesca . Na kanyang binibili pag dumadaong sa isang lugar ang kanilang barko. Madalas mga t shirt na mag kamukha sila. Couple shirt na madalas na kanilang suot habang sila nga uusap sa skype. Natatandaan pa niya ang huling pag lalambing sa kanya. Gusto daw niya ang bulaklaking na bandana para ilagay niya sa kanyang ulo. Maliliit na bagay na di naman kamahalan. Basta yong mahalaga ang maalala  siya kahit sa maliliit na bagay.
              Mayroon din  binili bag sa kanya ni Keboy. Noong ibigay sa anong ligaya niya. Dahil noon lang daw siya nga karoon ng ganoon kagandang bag. Noong malakas lakas pa siya namasyal  sila sa  Tagaytay   kasi daw di pa siya nakakarating doon. Kaya minsan namasyal sila doon ang  masayang masaya pa siya noon tuwang tuwa siya sa pamimitas ng pina. Kay dami nilang  napitas ng araw na iyon. Kay sarap balikan ang mga masasayang araw na pinag samahan. Kahit hindi sila madalas mag kasama . tuwing mag babakasyon lang siya galing karagatan.
              Nag paalam siya para umuwi sa kanilang bayan. Pero di tulad  ng dati na masaya siya sa kanyang pag babakasyon. Hindi niya nakayanan kaya naikuwento niya sa kanyang mga magulang ang kalagayan ng kanyang minamahal. Bilang kanyang mga magulang nandoon nag kanilang pang unawa at pag damay kay Keboy. Ramdam din nila ang nadaramang kalungkutan ng kanilang anak. Minsan pa lang nag mahal ganito nag nag yari sa minamahal niya. Sa lungkot na kanyang nadarama halos ayaw na niyang muling bumalik sa barko. Parang ayaw na niyang pumalaot sa karagatan.
              Ang nais niyang masubaybayan ang pag galing ng kanyang minamahal. Pero hindi puede ang ganoon . kailangan siyang bumalik sa karagatan tawag ng kanyang tungkulin. Muli siyang lumuwas ng maynila para sa kanyang minamahal. Laking pag lulumo ang kanyang naramdaman noong sapitin niya ang bahay nila Jesca. Pagkat nalaman niyang muling ipinasok sa hospital ito. Halos liparin niya ang kuarto kinalalgyan ni Jessica. Doon niya nakita ang tunay na kalagayan nito. Wala na pala itong buhok. Isang peluka lang pala ang suot suot nito noong huli silang mag kita.
              Muli niya itong niyakap ng mahigpit tulad ng dati. At ibinulong niya na mahal na mahal niya ito. Mag pagaling siya ang sa pag galing niya mag papakasal na sila. Mag intay lang siya ng isang taon na lang at tatapusin niya ang kanyang kontrata. At muli silang mag sasama . tutuparin niya lahat ng kanyang mga pangarap. Ang mag sasama sila at bubuo ng isang masayang pamilya. Isang taon nalang at tayo mag papakasal na. pilit siyang ngumingiti at pabulong niyang sinasabi na “ I will wait for you babe” sa  awa ng diyos sapat na ang kanyang lakas para lumabas uli ng hospital.
              Doon na  tumira si Keboy sa bahay nila Jessica  habang iniintay niya ang araw ng kanyang pag sakay uli sa barko. Ilang araw din siyang nag lagi sa piling ni Jessica. Madalas kantahan ni Keboy si Jescang awiting  “ If tomorrow never comes”  halos di  niya matapos tapos kantahin ang song . di niya namamalayan na umiiyak napala siya habang  kumakanta. Sa totoo lang di siya palasimbang tao , pero dahil sa pag mamahal niya kay Jessica nakita niya ang kanyang sarili na lumalakad ng paluhod sa  Quiapo at hinihiling sa poong  Nazareno na pahabain pa niya ang buhay ng kanyang minamahal.
              Wala siyang paki kung nag hahalo na ang luha at sipon niya sa kahihingi ng awa sa panginoong na pahabain pa niya ang buhay ng kanyang minamahal. Nasasaktan siya tuwing nakikita niya ang kalagayan ng kanyang minamahal. Isang taon  nalang ang hinihiling niya at puede na silang mag pakasal. Matatapos na ang kanyang kontrata at mayroon na siyang kounting ipon  sa mga panahong iyon . isang taon na lang at mag papakasal na silang babae kanyang minamahal. Pag katapos ng kontratang ito dina muli pang babalik sa karagatan. Mag sasama na lang sila ng kanyang babaeng minamahal. Mag sasama sa hirap at ginhawa. Sakit at kalusugan .
              Matatapos na ang kontrata ni keboy sa darating na August kaya plano na nilang pakasal sa buwang ito. Sa muli niyang pag babalik sa barko di siya masaya. Maiiwan niya ang minamahal niya sa ganoong kalagayan. Sa pag uwi niya sa August balak niyang huwag ng bumalik pang muli sa barko. Aalagaan na lang niya si Jesca. Sa muli niyang pag babalik sa barko sa kauna unahang pag kakataon nakaramdam siya ng homesick.
              Sa loob ng barko ngayon nararamdaman na niya kung ano ang homesick na tinatawag. Lalu na kung sumasagi sa kanyang isipan ang kanyang minamahal na si Jessica. Na miss din niya ang kanyang tatay at nanay. Taong 2011 umabot ng 1 hanggang 8 buwan na tanging skype lang ang naging daan para sila mag kita ni Jesca. Sa bawat pag kikita makikita mo ang unti unting pag bagsak ng kanyang pangangatawan. Kay laki ng  kanyang pinangayayat pero mababakas mo pa rin ang pilit niyang pag ngiti kahit nahihirapan siya. Damang dama ni Keboy ang mga pag hihirap na nadarama nito. Kahit di niya sabihin nag mga pag hihirap niya ay kanya pa ring nararamdaman.
              Kahit sa pamamagitan lang ng webcam nag kikita sila at nag uusap. Kung mag kaminsan kinakantahan ni Keboy si Jesca para makatulog ito. Minsan marinig lang  ang boses ni Keboy napapangiti na si Jesca. At siyang nag papakalma sa nadaramang karamdaman ni Jesca. Kay laki talaga nagagawa ng pag ibig. Kahit sa mga huling mga araw nito si Keboy parin nag nasa isipan niya. Siya ang nag bibigay ng lakas para lumaban sa kamatayan. Pero sadyang  traidor ang sakit na leukemia. Kahit anong gawin walang magawa.habang lumilipas ang mga araw lalung lumalala ang karamdaman ni Jesca.
              Dumating ang desperas ng  araw ng pasko  December 24, 2011. walang Jessica na humarap sa skype. Walang isang Jessica na nag pakita sa kanya. Wala isang Jessica na bumati sa kanya. Halos nakatanga na siya araw araw at nag iintay na mag on line siya pero wala ni isang msg na natangap. Maraming bagay ang nag lalaro sa kanyang isipan kung anu na ang nag yayari sa kanyang minamahal. Bakit natitiis siyang di kausapin man lang. nag daan ang pasko at bagong taon wala paring Jesca na nag oonline.
              Jnuary 14 , 2012 ang mama ni Jesca na ang nag msg  kay Keboy. Dito niya nalaman nasa hospital na si Jessica,  dina ito nakakakita malubha na ang kanyang  kalagayan. Walang magawa si Keboy kundi  pumunta sa may bintana ng barko at tanawin ang karagatan. Ibig niyang sumigaw at iatanong bakit di patas  ang buhay. Bakit ang mahal pa niya ang maagang kukunin. Bakit kung sino pa ang mabait siya pa ang unang lilisan dito sa mundong ibabaw. Sino ba ang dapat niyang sisihin.
              Kung puede lang na languyin na lang niya ang karagatan para makauwi at masilayan man lang ang kanyang minamahal gagawin niya. Hindi naman niya hinihiling na pagalingin ng tuluyan nag kanyang mahal. Kundi pahabain lang ng kaunti pa ang kanyang buhay. Sana man lang naintay niya ang nalalapit niyang pag uwi sa August. Pero pagod na ang kanyang katawang lupa. Ang buhay na kanyang hiniram binawi na noong nakaraang  February 12, 2012.
              Hindi na muli niya masisilayan ang kanyang minamahal. Hindi na niya makikita pa ang mga ngiti lagi niyang kinasasabikan.ang mga ngiti niya sa mga picture na lang masisilayan. Hindi siya pinayagan umuwi para masilayan ang kanyang huling sandali dito sa mundong ibabaw. Sa ngayon kasalukuyan siyang nakaburol di niya makikita man lang ang pinakamamahal niyang kasintahan. Sa darating na February 25, 2012 ang kanyang huling araw niya. Ihahatid na siya sa huling hantungan. Pero si Keboy Sa darating pang August puedeng bumaba sa barko.
              Masyadong madaya ang pag ibig kung minsan. Minsan lang siya nag mahal at umibig pero binawi pa agad. Minsan lang nag mahal ng labis nawala na din ito. Pero ang mga alala iniwan ni Jesca sa puso at isipan ni Keboy hindi hindi niya makakalimutan habang siya’y nabubuhay. Bakit ganito nag pag ibig hindi parehas. Hindi alam ni Keboy kung kailan siya makakapag move on….dalangin niya kung nasaan ka man JESSICA  sana maligaya ka at tahimik na at dina mo na mararamdaman ang mga sakit na iyon pinag daanan habang ikaw  noong nabubuhay pa.
              Para sa iyo Kevin  C  Santos ang aking taus pusong pakikiramay sa iyong namayapang kasintahan. Talagang ganoon ang buhay una una lang. nag kataon lang na si JESSICA ang  na una sa atin. Dalangin ko matag puan mo ang katahimikan ng iyong kalooban. Ipag dasal mo lang at ito makakayanan mo rin. Isipin mo na lang nasa mabuti ng kalagayan at din a siya nag hihirap sa mga sandaling ito. Isipin mo nasa langit na siya.
              Dito ko tinatapos ang buhay pag ibig ng isa nating kapatid sa facebook.  Sa mag babasa po nito sana mag laan po tayo ng sandaling dalangin para sa katahimikan ng kaluluwa ni JESSICA… THE END copyright ni Rhea Hernandez 2/21/12
             

No comments:

Post a Comment