Tuesday, February 21, 2012

LOVE STORY "KEVIN C. SANTOS" part 1

LOVE STORY “ KEVIN  C. SANTOS” part 1
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

         Ang aking ibabahagi sa inyo isang tunay na pag yayari sa isang kaibigan. Natutuwa ako sa kanya kasi ayaw niyang mag patago sa ibang pangalan. Kaya ang tunay niyang pangalan ang aking gagamitin sa ngayon. At sa kanyang pinakamamahal na kasintahan na pumanaw kamailan lamang. Kasalukuyang nakaburol ngayon at sa darating na Sabado nag kanyang huling hantungan. Kaya aking uunahin isulat ito para umabot sa kanyang huling mga  araw dito sa mundo. At taos puso akong nakikiramay sa kanya.
              Humanga ako sa kanya, Sa kanyang dalisay na pag mamahal, Sa kanyang kasintahan. Isang dakilang pag iibigan na di nabigyan ng mahabang panahon para maipadama nila sa isa’t isa ang tunay na pag mamahalan. Isang dakilang pag ibig.  Ang kanyang baon baon sa huling hantungan. Kahit gaano  man siya naghanda sa pag lisan ng kanyang minamahal di pa rin sapat. Para sa kanyang pag lisan ng kanyang mahal. kahit alam na niya na may taning na ang buhay nito. Di pa rin siya naging handa. Akala niya handa na siya at tangap na niya pero hindi papala. Kahit alam na niya may takdang oras na ang kanyang pag lisan di  pa rin maiwasan ang malumbay at masaktan ng labis labis.
               Dito ko sisimulan ang kuwento ng kanilang pag iibigan. Pista noon sa kanilang bayan. Taong 2008 unang  bakasyon niya  mula sa karagatan. Kay daming mga bisita dumalo. Halos puno na ang kanilang bahay sa dami ng mga kamag anakan na dumalo sa masayang kapistahan sa kanila bayan. Karamihan galing pa sa ibang probinsya. Sa tagal na di nag kita kita ang mag kakamag anak kaya ang gulo gulo ng bahay nila. Masayang masaya si Kevin sa kauna unahan niyang bakasyon galing sa barko natapat sa kapistahan ng kanilang bayan.
              Nag binata si Kevin at umabot sa edad na 28. Na hindi nakakadanas mag karoon ng kasintahan. Kaya noong teenager pa lang siya madalas siyang tuksuhin na isa daw ba siyang bakla.Ni minsan kasi di pa niya naranasan mag ka nobya o girlfriend. Sa kanilang mag pipinsan siya ang pinaka mahiyain sa lahat. Madalas tuksuhin o kinakantiyawan siya ng torpe. Pero sa totoo lang sadya lang  siyang mahiyain talaga. Sa pag dating sa mga babae. O! talaga lang di pa dumadating sa kanyang buhay ang tamang babae. Hindi pa nakikilala ang mag papatibok ng kanyang puso.
              Dahil despiras fiesta sa kanilang lugar mayroon  sayawan sa plasa. Maraming mga dayuhang magagandang binibini dumalo galing sa iba’t ibang lugar. Sa karamihan ng mga magagandang dilag  sa loob ng bulwagan ng sayawan iisa lang ang kanyang napansin. Iisang babae lang ang pumukaw sa kanyang interest. Isang magandang dilag na kulay kayumanging kaligatan, katamtaman lang ang kanyang taas. Parang nabatubalani siya sa angking nitong kagandahan. Hindi niya alam para siyang nagayuma sa angking nitong ganda at kariktan.
              Hindi niya ito malapitan  at maisayaw man lamang . kasi ba naman laging pila ang mga kalalakihan para lang maisayaw siya. Tuwing tatangkain niyang lapitan  para maisayaw man lang sa gabing iyon. Lagi siyang nauunahan ng mga kalalakihan. Dahil sa unang kita palang niya nabig hani na siya sa kagandahan nito. Para lang sa susunod na tugtog ay siya na ang makasayaw nito ang ginawa niya ay sa likuran ng kanyang upuan siya tumayo. Para lang dina uli siya naunahan ng mga kabinataan sa kanilang lugar. Nag siguro na siya hindi siya makakapayag na di niya makilala ang magandang dilag na pumukaw ng kanyang interest.
              Doon niya nalaman ang pangalan nito ay Jessica,  isang laking Maynila at kasalukuyang siyang  nag babakasyon at kasama niya ang kanyang dalawang pinsan. Na nag kataon naman na apo pala siya ng kanilang kapitbahay. Malapit sa kanya ang kanilang kapit bahay na sila lola Turing at Lolo Gorio. Sadyang napaka amo ng kanyang mukha. Kahit siya ay laking Maynila walang ka artihan mababakas sa kanyang mga kilos. Ang kinis ng kanyang kutis  ang kanyang pagka  kayumangi at parang pinaghalong coffee na may gatas.
              Hindi siya tumigil hanggang hindi niya nakikilala ang magandang dalaga na kanyang nasilayan sa bulwagan ng sayawan. Na sa unang pag kakita pa lang niya naakit na siya dito. Jessica ang kanyang pangalan at kung tawagin siya ay Jesca sa kanyang nickname. at kasalukuyang nag aaral sa UP. Siya noon ay 21 yrs old palang at si Kevin or Keboy ay 24yrs old na noong mag ka meet sila sa fiestahan. Naging mabilis ang pang yayari. Naging mabilis nahulog ang loob nila sa isa’t isa. Parang mayroong magneto sa kanilang mga damdamin ng mga sandaling iyon.
              Kinabukasan ipinasyal ni Keboy si Jesca sa buong kabayanan. Kasama ang mga pinsan niya at mga pinsan din ni Keboy. Maraming magagandang tanawin sa kanilang bayan. Kaya ipinakita niyang lahat ito kay Jesca. Noong palang napapansin na niya na masyadong tahimik ito . at parang palaging malalim ang kanyang iniisip. Kahit na ang mga kasamahan nila ay nag kakasayahan sa pamamasyal.kaya naman hindi nakatiis si Keboy sa kanyang nakikita. Kaya naman tinanong niya kung bakit tahimik lang siya at walang kibo. Isang sulyap lang nag kanyang nakuhang kasagutan kay Jesca.
              Napakaigsi ng panahon kanyang inilagi sa aming bayan. Isang buong linggo lang ang kanyang bakasyon. At babalik na siya sa maynila. Anong lungkot ni Keboy noong nag papaalam na si Jesca na uuwina ito sa kanila. Dahil nga nag kapalagayan na sila ng loob bago siya lumisan ng kanilang bayan nag palitan sila ng kanilang  email address at dahil noon wala pa silang facebook account . Iniwan din niya ang kanyang telephone number at home address. Nag susulatan at nag papalitan ng text. Halos araw araw  ang text at tawagan nila. Ang mundo ni Keboy biglang nabago ang takbo. Nag karoon siya ng biglang inspirasyon  bilang isang GF.
              Naging makulay ang 3 buwang bakasyon ni Keboy  dahil kay Jesca. Bago siya sumakay muli sa barko muli siyang nakipag kita kay Jesca. Gusto niyang baunin ang matamis nitong oo. Hindi siya matatahimik kung hindi niya mababaon sa pag sakay uli sa barko ang matamis nitong oo.kung noong nasa  probinsya pa sila pa holding holding hands lang sila para na siyang nasa langit na. at ubod na niya ng saya. Pero ngayong nasa maynila na sila at opisyal na sila na ang mag nobyo. Di lang holding hands ang namagitan sa kanila. Ang kanyang matatamis na labi ay kanyang ipinabaon sa mahal niyang si Keboy. Kay dami nilang pangarap na gustong matupad.
              Ang kanyang mga magulang ay maluwag siyang tinangap nito bilang kasintahan ng kanilang anak. Nag mahalan sila ng ubod ng tamis. Nangarap na mag sasama sa pag dating ng panahon. Mag kakaroon ng masayang pamilya at mag kakaroon ng mga anak na magiging kanilang mga anghel ng buhay nila. Masayang masaya si Keboy noong muli siyang sumampa sa barko. Bagamat mag kalayo sila maligaya na sila at kuntento na sa palitan ng text at email. At kung mayroon pag kakataon nag kakausap sa telephone. Kahit mag kalayo naging matatag ang kanilang relasyon. Feel na feel na ni Keboy na si Jesca na ang para sa kanya. Tanging siya lang ang nag patibok ng kanyang puso at gumising sa kanyang natutulog na damdamin.
              Dumating ang taong 2010 nag tataka man si Keboy kung bakit naging madalang na ang kanilang mga kommunikasyon. Bakit ang iba niyang text , email ay di nito sinasagot. Kahit ganoon pa man inintindi pa rin niya ito. Baka naging busy lang sa kanyang pag aaral. Hindi biro ang mag aral sa UP. Para mabigyan ng sopresa si Jesca kumuha ng bakasyon muli si Keboy para makita niya muli ang babae nag bibigay sa kanya ng saya. Ang nag iisang babae sa kanyang buhay.
              Sabik na sabik si Keboy na makita niya ang kanyang nililiyag.pag tungtong na pag katungtong niya sa lupa ang una niyang ginawa ang tawagan ang kanyang minamahal. Gusto niyang mabatid kung bakit halos dina nito sinasagot ang kanyang mag text at email.bago siya umuwi sa kanyang mga magulang ang una niyang tinawagan ang babaeng kanyang minamahal. Pero sa kasamaang palad ang mama niya ang sumagot sa cell phone nito. At ang sabi wala daw doon si Jesca sa bahay nila. Akala ni Keboy iniiwasan siya nito. Kung anu ano ang pumasok sa kanyang isipan kung bakit ayaw tangapin ni Jesca ang kanyang mga tawag.
              Kaya naman nag desisyon siya na huwag munang umuwi sa kanilang bayan . nag stay muna siya sa isa niyang kasamahan sa barko na kasabay niyang nag bakasyon. Gusto niyang matuklasan kung ano at bakit siya iniiwasan ng kanyang mahal. Hindi siya aalis ng maynila hanggang di niya nakikita ang kanyang minamahal. At gusto din niyang iabot ng personal ang kanyang pasalubong para sa babaeng kanyang pinakakamamahal. Sabik na sabik siyang makita ang babae nag patibok ng kanyang puso.
              Lingid sa kanilang kaalaman alang pasabi nag punta siya sa bahay nila Jessica. Palihim na nag matyag at sumilip sa saradong gate ng bahay nila. Buhat doon mula sa labas maaaninag mo kung sino ang nasa loob ng bahay. Kung sino sino ang mga tao sa loob. Sa pag kabigla ni Keboy mula sa kanyang pag kakasilip kitang kita niya ang babaeng kanyang minamahal ay nandoon sa loob ng bahay. Ang kanyang mahal nakita niya at hindi niya makapaniwala sa kanyang natatanaw.
              Ang maganda at kaakit akit na kanyang kasintahan ngayon at payat na payat at halos dimakalakad ng alang nakaalalay sa kanya.sa pag kakataong ito muli niyang sinubukan tawagan uli ang kanyang cellphone. Pero ang kanyang mama muli ang sumagot nito at sinabing wala doon ang mahal niya at ito daw ay pumunta sa Bulacan. Hindi niya akalain na iyon nag isasagot ng kanyang ina. Subalit kitang kita ng dalawa niyang mga mata nanandoon ang babaeng kanyang minamahal. Nakaupo sa isang silya at may hawak na libro at sa gilid ng silya maykatabing isang basong gatas nito.
              Hindi na makatiis si Keboy nag lakas loob na siyang kumatok sa gate nila. Isang matabang babae ang nag bukas ito ang kanilang kasambahay. Hindi na siya nag intay na papasukin nito. Dali dali siyang tumuloy noong matanawan siya ni Jessica laking gulat nito.para siyang nahihiya tumingin sa kanya. Nahihiya siya sa kanyang kalagayan.  Sa mga sandali iyon di niya maipaliwanag kung ano ang kanyang nararamdaman. Walang mga  salitang namutawi sa kanyang mga labi. Di niya malaman kung ano ang nag yari sa kanyang dila at naumid at walang salitang mabigkas sa mga  sandaling yaon.
              Sa pag kakataong iyon nag yakap sila at ang kanyang mga mata ay nag unahang pumatak ang mga luhang hindi niya mapigilan. At ganoon din si Jessica. Noong mahimasmasan itinanong ni Keboy kung ano ang nagyari sa kanya. Bakit nag kaganoon nag kanyang kalusugan. At buong tapang na ipinagtapat sa kanya na mayroon itong leukemia. Kahit noong una palang sila nag kita alam na niya ito kaya pala noon mababakas mo sa kanyang mga mata ang kalungkutan. Noon nasa stage 1 pala ang kanyang cancer sa dugo. At  ngayon nasa stage 2 na daw ang kanyang sakit. Kahit mayroon  siyang sakit hindi nag bago ang nararamdaman niyang pag ibig dito . ala siyang pakialam kung anong stage pa ito . basta ang alam niya at sinasabi ng puso niya mahal niya ang babaeng ito. Sa mga sandaling yaon mag kahalong habag at pag mamahal ang nararamdaman niya.
              Anu na ang mag yayari sa pag mamahalan ng dalawa? Ngayong nalaman na ni Keboy ang tunay na dahilan kung bakit di nanakakasagot sa kanyang mga text at email si Jessica. Ano ang kanyang gagawin? ABANGAN!! Ang part 2 ng story ni Kevin C Santos
Copyright ni Rhea Hernandez 2/21/12

No comments:

Post a Comment