LOVE STORY “SHINE” chapter 1
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poem
Ang kuwento kong ibabahagi sa inyo buhay ng isa kaibigan sa facebook. Tawagin na lang natin siya sa pangalang SHINE. Tubong Catabato City at kasalukuyan nasa Dubai . Sa walong mag kakapatid pangatlo siya buhat sa panganay. Sana magustuhan ninyo ang kanyang kasaysayan na aking isusulat ngayon.
Lumaki na isang kahig isang tuka ang kanyang mga magulang noong siya’y ipinagbubuntis. Kaya daw Shine ang ipinangalan sa kanya sapagkat siya ang nag bigay ng suerte sa kanilang pamilya. Araw ng kanyang kapanganakan nanalo sa isang loterya ang kanyang ama. Kaya nag karoon sila ng kaunting puhunan para sa maliit na negosyo. Sa pamamagitan nito kahit papaano naging maganda ang takbo ng buhay nila.
Habang lumalaki si Shine patuloy ang pag lago ng negosyo ng kanyang ama. Kasabay ng pag dami nilang mag kakapatid. Halos yata taong taon nanganganak ang nanay niya kaya umabot sila sa 8 mag kakapatid. Kung ano sipag ng kanyang ama sa pag hahanap buhay ay ganoon din ang sipag niya na bigyan sila ng maraming kapatid. Sa mga pag bibiyahe kasama niya lagi ang nanay nila. Naiiwan lang siya sa bahay pag malaki na uli ang tiyan niya at kung hirap na siyang mag biyahe ng malalayo.
Habang nasa biyahe sila si Shine at mag kakapatid naiiwan sa kanilang tiyahin. Binabayaran nila tatay ito para bantayan . Kaya halos doon sila nag kaisip sa pag aaruga ng kanilang tiyahin.naging maganda ang takbo ng buhay nila sa pag buy and sell ng mga produkto ng kanyang mga magulang. Kahit hindi gaanong malaki ang puhunan nakakaikot naman. Kada biyahe dala dala ng tatay niya ang kaunti niyang puhunan. Para ipamili ulit ng mga kalakal na puedeng ibenta sa ibang lugar. Ilang taon na ganoon ang ikinabubuhay ng mag anak.
Kahit mahirap nakakaraos pa rin. Kahit papaano nakakatikim sila ng mga bagay na di natitikman ng ibang kabataan sa kanilang lugar. Kasi nga madalas sa biyahe sila nakakabili sila na di nabibili sa kanilang lugar. Malayo sila sa kabayanan kaya malayo ang biyahe para marating mo ang city proper. Kahit ganoon lumalaki silang malusog at maalwa ang pamumuhay. Sa pag susumikap ng kanilang mga magulang. Pangarap nilang mabigyan sila ng magandang buhay.
Sa pag sisikap nila naging ok ang takbo ng kanilang pamumuhay. Kahit hindi masagana ok naman nakakaraos ng maluwag sa pag araw araw na pamumuhay. Hangang dumating ang isang masaklap na trahedya sa buhay. Sa hindi inaasahan magaganap sa kanilang buhay. Isang ambush ang naganap habang ang kanyang mga magulang ay kabilang sa mga pasahero doon.
Habang papauwi sila galing sa nakakapagod na pag bibiyahe ng mga producto sa kabilang bayan. Masaya sila sa pag uwi at naubos lahat ang kanilang mga paninda. Daladala na nilang lahat ang perang pinag bentahan.ng maganap ang masaklap na pag holdap/ambush sa kanilang sinasakyan ng mga masasamang tao. Kinuhang lahat ang mga pera at ibang mahahalagang bagay na puedeng pakinabangan. Ang mga magulang ni Shine dirin nakaligtas sa masasamang taong ito.
Lahat ng kanilang puhunan sa pag nenegosyo ng buy and sell kinuhang lahat walang itinira kahit piso. Malaki na lang ang pasasalamat nila isa sila sa mga nakaligtas at di namatay sa pag ambush. Dahil sa pag yayaring ito nawalang ng interest ang kanyang ama na mag hanap buhay muli. Ang katwiran niya mag papakamatay ka sa pag hahanap buhay kukunin lang ng mga halang ang kaluluwa. Buhat noon naging miserable ang kanilang pamumuhay. Halos dumating sila sa wala na silang makain mag kakapatid.
Nawalan nang interest sa buhay ang tatay ni Shine. Naging isang batugan hinayaan na lang ang kanyang ina mag isang mag hanap buhay para sa kanilang mag kakapatid. Kaya ang pinakamatanda nilang kapatid napilitang huminto sa pag aaral para tulungan ang kanilang ina sa pag hahanap buhay. Ang kanyang ate napipilitan ding huminto sa pag aaral. Pero dahil sa kagustuhang matuto kahit pahinto hinto sa pag aaral sa elemtarya pinilit niyang tapusin ito.
Halos nag abot sila ng grado sa pag aaral ng kanyang ate. May mga araw na papasok sila sa paaralan na di pa kumakain ng kahit ano sa almusal. Ni singko wala din silang baon. Tinitiis nila yon para lang makapasok sa school. Nag titiis sila ng gutom para mayroon lang silang matutunan. Para pag dating ng araw muli silang makaahon sa kinasadlakang kahirapan. Sa murang isipan nag isip na sila kung paano makakatulong sa kanilang ina. At kung paano sila makakapag aral na tuloy tuloy. Na kahit man lang high school ay makatapos sila.
Sa murang isipan nag iisip na rin si Shine kung paano siya kikita ng pera para sa kanyang babaunin sa school. Na dina siya hihingi pa sa kanyang nanay. Mga pambili ng mga project sa school.madalas di siya makagawa kasi ala siyang pambili ng mga materyales na kakailanganin para dito. Paano nga naman siya makakapasa kung ni lapis wala siyang pambili. Kaya naman sa murang gulang nag hanap buhay siya bago pumasok at pag labas sa school. Kumukuha siya ng mga bagong pitas na gulay sa taniman at inilalako niya ito sa bahay bahay. Para lang mag karoon siya ng kaunting pera para sa kanyang pag aaral.
Hindi na rin siya umaasa sa kanyang ina. Pinipilit niya na dina siya makadagdag sa bigat na pinapasan ng kanyang ina. Tuwing nakikita niya ito nadudurog ang kanyang puso. Ano ang kanyang magagawa isa pa lang siyang paslit. Kaya kahit man lang sa pag lalako ng mga bagong pitas na gulay ay makatulong siya. Kahit mabigat para sa kanya buhatin ay kanyang pinag titiisan. Lagi niyang iniisip darating ang araw makakaahon din sila dito at hindi na mag lalako ng gulay. Para lang makaraos sa pag araw araw.
Mas lalong nadadagdagan ang kanyang awa sa kanyang ina. Pag nakikita niyang ang kanyang ama pinag bubuhatan pa ito ng kamay. Dahil sa nag yari sa kanila sa ambush natutung mag sugal at uminom ang kanyang ama. Sa isang iglap ang ulirang ama naging isang amang kasuklamsuklam sa paningin ng kanyang mga anak. Lalu na pag natatalo sa sugal at nakainom. Ang kanyang ina ang kawawa.pati na silang mag kakapatid. Pag umuuwi na ito dapat tahimik lang sila kung hindi makakatikim sila ng palo. Siempre pa hindi exempted doon si Shine.Minsan inaabot din siya ng kanyang sinturon. O kaya ng kahit ano ang mahawakan.
Sa hirap na dinadanas ng kanyang ina. Ang mga sakripisyo nito sa pag buhay sa kanilang mag kakapatid. Ay nakukuha pang pag dudahan ng kanyang ama. Na may lalaki siya. Kahit nag kakandakuba na sa pag hahanap buhay para lang makatawid gutom silang mag anak. Ito pa ang gagawin niya . pag bintangan na mayroon lalaki at gawin niyang punching bag. Kaya naman lumaki silang may galit sa ama. Halos itakwil na nila ito. Halos silang mag kakapatid sinasabi sa kanilang ina na iwanan na lang nila ang kanilang ama. Baka gumanda pa ang buhay nila at maging tahimik pa. subalit parang tinik sa lalamunan. Kay hirap alisin sa sistema ang kanilang ama.
Kahit ano ang gawin nilang mag kakapatid sa pag kumbinsi sa kanilang ina. Hindi parin nito kayang iwanan ang kanyang asawa. Parang linta ito sa higpit ng pag kakapit sa kanila. Anu ang kanilang magagawa kung ang mismong ina niya kayang tiisin ang pag bubugbog nito. Anu nga pa ang lakas ng mga batang paslit sa ganitong kalaking problema. Kundi manahimik na lang sila at tulungan ang kanilang ina. Na kahit papaano gumaang ang pinapasang cruz.
Nag papasalamat ang kanilang ina na walang siyang naging anak na pasaway. Ang kuya lang ni Shine ang di nakatapos ng elementarya. Sapagkat ito ang katukatulong ng kanilang ina sa pag hahanap buhay.Ito ang ipinag papasalamat nila sa kanilang ina . hindi tumitigil hanggang di nakikitang nakakapag aral ang kanyang mga anak kahit sila nag hihikahos sa pera. Pinipilit niya na kahit high school lang ay makatapos silang lahat.
Anupang pag subok ang dadanasin ni Shine ? habang siya nag kakaisip lalu lumalaki ang mga pag subok na kanyang dinadaanan.. Anong kinabukasan ang nag iintay sa kanilang mag kakapatid ? Hanggang kailan kakayanin ng kanyang ina ang kanilang ama? ABANGAN!! Copyright by Rhea Hernandez 2/14/12
No comments:
Post a Comment