Monday, February 27, 2012

AKING INANG

AKING INANG

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems




Aking pang natatandaan

Mga dulot mong kaligayahan

Sa munti nating tahanan

Matiyaga mong binabantayan



Ikaw ina nagtiyaga nag aruga

Sa walo mong supling pinagpala

Sa mga pag kaing iyong inihahanda

Dito sa puso di mawawala ang alaala



Ikaw ina laging nakasubaybay

Sa busilak mong pusong taglay

Alang hinangad, aming tagumpay

Sa kalungkutan ikaw dumadamay



Sa mga pangarap ikaw naka alalay

Pag mamahal mo alang kasing dalisay

Mga pangaral mo taglay habangbuhay

Dito sa puso’t isipan aking inilagay



Mga haplos mong napaka sarap

Lagi kong itong pinapangarap

Kami  inaruga at nagpakahirap

Aming mga sumpong  iyong tangap



Inang namimiss kitang tunay

Kay tagal akong sa iyo nawalay

Sa malayong lugar ako’y naglakbay

Sa aking pag babalik di nahintay



Kahit kailan dina kita masisilayan

Pero dito sa puso’t isipan iingatan

Mga ala ala mo mananatili kailan man

Ikaw ang pinakamabuti kong kaibigan



Tangap mo lahat ng aking kalokohan

Ikaw noon ang lagi kong sumbungan

Sa mga problema kay dali mong lapitan

Ngayon ikaw wala na ako’y iniwan



Mga magaganda mong pangaral

Alam kong kapiling mo Maykapal

Kasama mo lagi aking pag mamahal

Lagi kitang ipag darasal sa Maykapal

Copyright by Rhea Hernandez 2/27/12

No comments:

Post a Comment