Monday, February 13, 2012

PAG IBIG .... PAG IBIG!!

PAG IBIG …. PAG IBIG!!
NI Rhea Hernandez
Pinoy poems

Pag ibig ko sa iyo walang kapantay,
Kahit ano pag subok hindi mamatay,
Itong puso ko sa iyo’y mag hihintay,
Hanggang dulo ng daigdig mag lalakbay.

Nadaramang damdamin kasing init ng apoy,
Hindi kayang patayin ng ihip ng hangin tunay,
Pag suyo mo siyang pinapangarap nitong buhay,
Nagsisilbing liwanag tulad ng bukang liwayway

Ikaw lang dito sa aking puso at isipan,
Para kang isang panaginip di maintindihan,
Dumating sa buhay nagbigay ng kaligayahan
Pag ibig na hatid mo siyang kinahuhumalingan

Pagmamahal walang kapantay nararamdaman
Ganitong pag ibig nadama kasidhing kaligayahan
Sa pag mamahal at sa piling mo nasusumpungan
Walang  puedeng magpaliwanag yan katotohanan

Ang makasama ka parang dinuduyan sa kaligayahan
Kailangan kita sa aking buhay magpakailan man
Ang pag ibig na di makakalimutan anumang paraan
Pag mamahal nanalaytay dugo sa ugat ng katauhan

Ikaw ang pangarap ng aking puso’t isipan
Ikaw lang nagsisilbing kaligayahan
Sa piling mo ito langit at paraiso natagpuan
Walang makakapaglarawan sa nararamdaman

Buong puso’t kaluluwa pag ibig na alay
Taos pusong pag mamahal handog ng buhay
Ang pag mamahal para sa iyo sa ugat nanalaytay
Kasidhing pag mamahal siyang  dumating sa buhay

Dumating man ang mabigat na pagsubok sa buhay
Pag mamahal hindi mag babago ito’y tunay na tunay
Mawawalan ng sigla ang buhay kung ikaw mawawalay
Kung laging ikaw ay kaagapay mawawala ang lumbay
Copyright by Rhea Hernandez  2/13/12

No comments:

Post a Comment