Thursday, May 31, 2012

LOVE STORY "TRISHA" chapter 4

LOVE STORY “TRISHA” chapter 4

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems




              Sa pag kakatuklas ni Trisha sa kanyang ama at nakaharap pa niya. Nag dulot ng isang laksang kaligayahan kay Trisha. Pero mayroon siyang kinatatakutan. Maintindihan kaya ni Darwin ang katayuan ng kanyang ama. Matatangap kaya nito na isang criminal ang tunay niyang ama? Hindi malaman  ni Trisha kung ipag tatapat na niya sa lalaking itinitibok ng kanyang puso ang katotohanan. Wala pa naman siyang obligasyon na ipag tapat kung ano man ang sekreto ng kanyang pag katao. Pero mahal siya nito at mahal di niya ito yong nga lang di pa niya sinasagot si Darwin.

              Ngayon masasabi na niya buo ang kanyang pag katao. Nakaharap na niya ang kanyang ama at nakasama kahit isang araw lang. noong gabing umuwi sila ng kanyang ina hindi siya nakatulog. Kay daming mga bagay ang pumapasok sa kanyang isipan. Kay daming mga katanungan. Kailangan balikan niya ang kanyang ama na di nalalaman ng kanyang ina. Gusto niyang makausap ito ng hindi kaharap ang kanyang nanay. Gusto niyang mag bonding silang dalawa lang. gusto niyang makasama ng matagal ang kanyang amang kinasabikan ng mahabang panahon.

              Gusto niyang kalimutan na ang kahapon at harapin ang bagong buhay na kasama ang kanyang anak at babaeng pinaka mamahal. Alam niya na mayroong magandang bukas na nag iintay sa kaniyang pamilya. Ang pintuan ng magandang kinabukasan ang muling mag bubukas para sa kanila. Hindi siya nawawalan ng pag asa na darating ang mga sandaling ito sa buhay niya. alam niya at nanalig siya kay Lord na pahihintulutan niyang lumigaya ang kanyang mga mahal sa buhay. Alam niya hindi natutulog ang Diyos. Nakikita nito ang kabutihan ng puso niya. At ito ay gagabayan niya sa mapalaya at mabigyan siya ng parol sa taong ito.

              Kahit nakakahinayang ang mga panahong lumipas. Pero hindi nawawalan ng pag asa si Marc na mag kakaroon ng magandang bukas na nag hihitay sa kanila. Dahil sa mga pag subok na dumating sa kanyang buhay dito siya natutong lumaban sa buhay. Manalig ng lubos kay Lord. Siya lang ang naging sandigan niya habang pinag hihinaan siya. At sa panahong nawawalan na siya ng pag asa. Si Lord lang ang nasandigan niya at tumulong gumabay sa kanya. Kung wala si Lord sa buhay niya baka matagal na siyang nawalan ng pag asa sa buhay. Baka hindi niya natagalan ang mga pasakit na kanyang pinag daanan. Natutunan niyang harapin ang bukas na nakangiti at may pag asa tinatanaw dahil sa pag mamahal niya kay Lord natutunan niyang lumaban sa malalaking pag subok na kanyang pinag daanan.

              Lalu na ngayon na tangap siya ng kanyang anak. Hindi niya akalain na parang walang mahabang panahon na namagitan sa kanila. Kung papalarin siya at mabigyan ng parol isusulit niya ang bawat sandali ng buhay niya sa piling ng kanyang mag iina. Ipapadama niya dito ang kanyang pag mamahal na kay tagal niyang iningatan sa kanyang puso. Kay daming taon na pinangarap niyang makita nag kanyang anak sa personal. Dahil ito ang kanyang pinaniniwalaan at alam niya di siya bibiguin ni Lord gagawa ito ng paraan para makasama niya ang kanyang anak. At nag yari nga ayon sa kalooban niya. at alam niya at nanalig siya na mag kakasama sama silang lahat. at alam din niya sa kalooban ni Lord mangyayari ang lahat ng ito. Kaya hindi siya nawawalan ng pag asa. Kahit na pang habang buhay ang hatol sa kanya. Alam niya gagawa at gagawa ng paraan ang Diyos na ituro sa kanya ang paraan paano siya makakalaya at makakasama ang kanyang mag iina. Sana itong taon na ito ibigay na niya ang matagal na niyang hinihiling. Ang apply niyang parol alam niya ito ang katuparan.

              Muling dumalaw si Trisha sa kanyang ama sa pangalawang pag kakataon muli silang nag kaharap ng kanyang ama. Hindi kasama ni Trisha ang kanyang ina gusto niya na masolo ang kanyang ama para maibsan ang kanyang pananabik sa ama. Saka ang dami niyang gustong malaman sa kanyang ama. Madami siyang tanong na gusto niyang mag karoon ng kasagutan. Ang mga tanong na ayaw sagutin ng kanyang ina. Na ngayon gusto niya sa kanyang ama itanong ang mga katanungan na matagal na niyang gustong makamit ang kasagutan.

              Alam ni Marc na kaya mag isa dumalaw ang kanyang anak mayroon gustong malaman. Sigurado siyang puputaktihin siya ng katanungan ng kanyang anak. Kaya naman handa na siya dito. Sinabi na ni Carol sa kanya na kung ano ang mga tanong nito at kung bakit di niya sinasagot ang mga tanong ng anak. Gusto ni Carol na siya ang sumagot sa mga tanong ng kanilang anak. Gusto nito na siya ang mag paliwanag sa kanilang anak. Kung bakit at ano ang dahilan. Masaya ang mag oras na mag kasama silang mag ama. Kahit maraming tanong maganda naman ang bonding nila sa isa’t isa

Masayang masaya si Trisha sa pag bobonding nila ng kanyang ama. Kay raming tanong sa kanyang isipan ang nabigyan ng kasagutan kaya naman kay gaang ng kanyang kalooan noong sapitin niya ang kanilang bahay.

              Inabutan ni Trisha na ini intay siya ng kanyang ina.  Bakit alam nito na sa kanyang ama siya galing. Hindi naman niya sinabing pupunta siya dito. Hindi niya alam nag tatawagan pala ang kanyang ama’t ina. Ngayon hindi na siya nag tataka kung bakit hindi nabibigla ang kanyang ama sa kanyang mga katanungan. Talaga si nanay gusto niya laging nasa ayos ang lahat. Ano masaya ka na ngayon at ang matagal mo ng tanong nasagot ng iyong ama. Isang matamis na ngiti ang isinagot ni Trisha sa kanyang ina. Pahuni huni pang umakyat sa kanyang roon ito. Ngayon alam na ni Trisha na balak ng kanyang ama na pag nakuha nito ang kanyang parol mag papakasal sila at magiging legal na siyang anak. Hindi na siya putok sa buho. Mag kakaroon na ng bendisyon ng diyos ang pagiging mag asawa ng kanyang ama’t ina.

              Napakadakilang pag iibigan ang pag mamahalan ng kanyang mga magulang. Kahit sinubok na ng mahabang panahon lalu pa itong tumitibay at yumayabong. Kahit nasa loob na ng kulungan ang kanyang ama. Ang ganitong pag iibigan sana kanyang masumpungan sa lalaking kanyang mamahalin. Sana tulad ng kanyang ama kung mag mahal si Darwin. Sana kasing dakila nito ang pag ibig na inihahandog sa kanya. Sana una at huling pag ibig niya si Darwin at ganoon din ito sa kanya. Ngayon ang pag mamahalan ng kanyang ama ang ideal love niya.

              Sa pag kikita nila ni Darwin ipinagtapat na niya ang tungkol sa kanyang ama.  Ang pagiging isang bilango nito sinabi din niya ang dahilan kung bakit nakakulong ang kanyang ama. Ngayon niya mapapatunayan kung gaano siya kamahal ni Darwin. Makikita niya kung paano niya ito matatangap na ang kanyang nililigawan ay isang anak ng criminal. Kahit wala siyang kasalanan isa pa rin siyang bilango nakakulong pa rin siya. Mababakas mo sa mukha ni Darwin ang pag kabigla ng marinig ang katotohanan. Saglit na nawalan ng kibo ito at halatang nag iisip. Ok lang Trisha hindi mo naman kasalanan na makulong ang iyong ama. At saka  wala naman siyang kasalanan. Nag mahal lang siya ng sobra sobra. Kahit makapatay siya basta mailigtas lang niya sa kapahamakan ang mahal sa buhay. Isang dakilang pag sasakripisyo ang ginawa ng iyong ama. Hindi niya inisip ang pang sariling kaligtasan. Handa siyang pangalagaan ang mga mahal sa buhay. Walang mag babago kung ano ang aking nararamdaman sa iyo. Mahal pa rin kita at iniibig kahit sabihin mo pa na isang criminal ang iyong ama. Wala naman naging apekto sa aking nararamdaman sa iyo. Ang matatas na sabi ni Darwin kay Trisha. Nag iisa ka sa puso ko.

              Sa mga tinuran ni Darwin parang may kung anong  humaplos sa kanyang puso. Sadyang mahal siya ni Darwin. Hindi tumitingin sa kung ano ang katayuan niya ok lang sa kanya kung isang bilango ang kanyang ama. Gusto nang sagutin ni Trisha si Darwin pero nag pipigil pa  siya. Gusto niya na ipakilala muna si Darwin sa kanyang ama. Minsan isang araw aayain nia si Darwin na dumalaw silang dalawa sa kanyang ama. Hindi naman nag dalawang isip si Darwin na sumama sa babaeng pinakakamahal niya. anu kaya ang magiging reaksyon ng kanyang ama. Pag nakita niya ang lalaking nanunuyo sa unica jiha niya.

              Pumasa kaya si Darwin sa panuntunan ng kanyang ama ? mahigpit kayang ama si Marc? ABANGAN! Copyright by Rhea Hernandez May 31, 2012

No comments:

Post a Comment