LOVE STORY “ELIZABETH” chapet 5
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
Hindi na nga natulog ang dalawa. Inabot sila ng sikat ng araw na mag kahawak kamay. Ali na lang huwag sana matapos ang mga oras na mag kasama sila. Sinusulit nila ang natitirang oras ni Elizabeth sa lugar nila. Ilang oras na lang gagayak na ito papunta sa airport. Parang gustong pigilan ni Anthony ang pag alis ni Elizabeth. Kung wala lang siyang problemang inaayos pa sa hacienda lilipad siya kasabay ni Elizabeth papunta sa Maynila. Siguro mga ilang araw pa bago siya makasunod dito. Gusto niyang iwanan ang mga ito kung ayos ng lahat ang mga problema. Ipinangako niya kay Elizabeth na susunod siya sa Maynila oras na ok na ang lahat.
Kumain lang sila ng almusal at nag ayos na ng kanyang mga gamit. Noong matapos na niyang ipack lahat ng kanyang gamit bumaba na siya. Nandoon na si Anthony at ito ang mag hahatid sa kanya sa airport. Niyakap siya ni mommy Lily at sabi babalik ka ulit dito ahh. Sa pag babalik mo hindi ka na ulit lilisan hindi mo na ako iiwanan Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni mommy Lily sa kanya. Tumanaw si Elizabeth kay Anthony at isang mahinang tango ang isinagot sa kanya. Ibig ipahiwatig na sinabi na niya sa kanyang mommy ang tungkol sa kanila. Napahiya si Elizabeth baka isipin ni mommy Lily na sinamantala niya ang kabaitan nito sa kanya. Pero napansin siya nito ang sabi iha huwag kang mag alala gusto kita para sa aking anak. Gusto ko nga kung ako masusunod mag pakasal na kayo para mag ka apo ako agad. Ngayon lang nag sabi si Anthony tungkol sa babae kanyang mahal.
Sa airport panay bilin ni Anthony mag iingat siya at alam niya wala pa itong tulog sa nakaraang mag damag. Habang iniintay nila ang departure ng eroplanong sasakyan ni Elizabeth hindi mabitaw bitawan nito ang dalaga. Sabi ni Anthony araw araw tatawag ako para kamustahin ka. Huwag kana mag papaligaw sa Maynila ahh. Alam ko sa ganda mo nayan maraming lalaking aaligid sa iyo doon. Isang pinong kurot ang isinagot ni Elizabeth. Hindi napo nabihag mo na ang mailap kong puso. Ikaw lang ang gumising dito at nag pakabog ng ganito. Asahan mo na magiging tapat ito sa iyo habang tumitibok.isang mahigpit na yakap ang itinugon ni Anthony at isang damping halik sa kanyang mga labi. Sabay bulong sa kanya kung wala tayo dito sa airport hindi lang ganyang halik ang gusto ko. At sinabayan ng isang mahinang tawa. Ikaw talaga puro kapilyuhan ang iniisip mo.
Pinagagaang ko lang ang ating pag hihiwalay. Para kasing sasabog ang aking dibdib pag naiisip ko mamaya maya hindi na kita makikita. Alam mo ba ngayon ko lang ito naramdaman sa isang babae. Kay tagal kong hinanap ang ganitong klase ng pag mamahal hindi ko matagpuan. Hindi ko akalain dadating pa ito sa buhay ko. Akala ko walang ganitong klase ng pag mamahal. Hindi nga ako naniniwala sa pag ibig sa unang pag kikita. Kaya noong mga unang araw mo dito pilit kong inaalis sa isipan ko. Pero kagabi hindi ko na siya mapigilan. Akala ko pag wala ka na mawawala din itong aking nararamdaman. Pero ayaw pumayag ng puso ko na lumisan ka ng hindi mo nalalaman ang saloobin ko. Parang di ako mabubuhay kung mawawala ka sa piling ko. Hayaan mo pipilitin ko na sundan ka sa madaling panahon. Hindi ako tatagal na hindi ka Makita ng mahabang panahon. Parang hindi na makukumpleto ang araw ko kung di ka kasama.
Dumating siya sa kanilang bahay ang inaasahan ng kanyang magulang na isang masiglang anak ang darating at dahil naging Masaya siya sa kanyang bakasyon. Pero baligtad ang nag yari bagsak ang balikat at akala mo namatayan ito. Kaya naman nag usisa ang kanyang ina. Kamusta ang bakasyon mo hindi ka ba nasiyahan sa pinuntahan mo. Nasiyahan po katunayan ang saya saya ko at kay dami napasyalan. Ehh bakit ka matamlay ngayon. Pagod lang po at ala pang tulog kaya matutulog muna ako at mag papahinga. Sa sinabi ng anak hindi na ito nangulit pa hinayaan na ang anak na mag pahinga. Pero hindi naman siya natulog ang ginawa niya tinawagan si Mhara ang kanyang bestfriend. Kinamusta niya ang ina nito at sagot ni Mhara Elizabeth kilala kita hindi ang ina ko ang gusto mong kamustahin dami kang kuwento ano.
Pero sasagutin ko rin ang tanong mo ok na siya para lang siya nag dahilan. Back to normal na siya ngayon. Ohh ! ngayon nasagot ko na ang tanong mo sige na mag kuwento ka na. ikinuwento niya ang lahat lahat mula sa airport sa pag kilala nila ni mommy Lily at hanggang sa pag hahatid ni Anthony sa kanya sa airport noong papauwi na siya. Best kinikilig naman ako sa love story mo. Nakita mo na rin ang lalaking mag papakabog ng iyong dibdib ahh! Ngayon naniniwala na ako sa iyo na mayroon ganyang klase ng pag iibigan. Ilang araw ka lang nawala nag bakasyon pag uwi mo mayroon ka ng boyfriend. Paano kailan tayo mag double date ? para ka naman nakakainsulto Mhara kasasabi ko lang natatakot ako baka makalimutan na ni Anthony ang relasyon namin ngayong hindi na niya ako nakikita.
Isang malutong na tawa ang pinakawalan ni Mhara. Pustahan hindi pa tayo natatapos mag usap mag beep yang phone mo, mayroon kang incoming call. Ipapaputol ko ang daliri ko kung hindi ang iyong prince charming ang tumatawag. Sige sagutin ko muna ito saka na lang uli tayo mag usap. Ayy naku bukas na lang tayo mag kita sa work. Sigurado ako mag telebabad ka dyan. Ok byee na naiinip na yong nasa kabilang linya. Ibinaba na nga ni Mhara ang phone. Humugot ng hininga si Elizabeth sana nga si Anthony ito. Hindi nga nag kamali si Mhara. Si Anthony ang nasa kabilang linya. Lalung lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Kamusta na ang babes ko? Nakauwi kaba ng maayos? Nakapag pahinga ka naba? ang sunod sunod na tanong ni Anthony. Teka muna isa isa lang ang tanong mahina ang kalaban. Natawa si Anthony ikaw talaga nag aalala lang ako sa iyo. Hindi ka pa nag tatagal umalis dito na mis na kita .
Ikaw din naman na mis ko ang mabining sagot ni Elizabeth. Akala niya sa pag uwi niya makakalimutan siya nito. Akala ni Elizabeth makakapag isip ito na masyadong malaki ang agwat ng stado ng buhay nila. Ang akala niya nadadala lang siya ng magandang kapaligiran. Pero hinahanap hanap ng puso niya ang lalaki. Bahala na itataya na niya ng buo ang kanyang puso sa kanilang relasyon. Kahit natatakot siya pero ang puso niya ang nag uumapaw sa kaligayahan. Sa kauna unahan pag kakataon susugal siya sa ngalan ng pag ibig. Babes bakit bigla kang natahimik dyan. Wala lang sana hindi ka mag bago? Sana pang habang buhay ang nadarama mong pag mamahal? Sana tama ang aking naging desisyon na isugal ng lubusan ang aking puso para sa iyo. Babes hindi ka nag kamali bagkus magiging maligaya tayo habang buhay.
Noong mag paalam na si Anthony parang nakalutang sa ulap ang pakiramdam niya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata nakatulugan niya ang magagandang isipin kaya naman kahit tulog na siya nakangiti pa rin siya, kahit kasi siya ay pagod at puyat sa nakaraang mga gabi hindi siya nakakaramdam ng panlalata bagkus parang ang sigla ng puso niya. Punong puno siya ng pag mamahal. Sadya bang ganito ang pakiramdam ng isang umiibig. Hindi pa kasi siya na in love noon. Kahit nga puppy love hindi pa rin siya nakaranas. Noong tumibok puso niya ay ura urada pa. isipin mo sa loob ng limang araw na kanyang pag babakasyon pag uwi niya may boyfriend na siya. Sigurado siya marami ang mag tataas ng kilay sa kanya. Marami mag iisip na easy girl siya kasi ang dali nakuha ang matatamis niyang oo. Ngayon lang nag tapat ng pag mamahal iyon din oras na yon sinagot at binigyan niya ng katugunan ang lalaki.
Kay bilis ng pang yayari kahit siya nabibilisan at naguguluhan kung bakit niya nagawa iyon . Samantala mayroon siyang manliligaw taon na ang binibilang hindi niya magustuhan. Ilang beses naba niya ito tinapat na hindi niya mahal mapilit pa rin. Ang lagi niyang kinakatuwiran walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin. Ang kasabihan ito hindi umubra sa kanya. Kay sarap ng kanyang tulog halos magdamag yata siyang mahimbing ang pag kakatulog . pagod at puyat at sa lahat in love siya. Ring ng kanyang telepono ang gumising sa kanyang mahimbing na pag kakatulog. Nakapikit pa ang kanyang mata kinapa niya ang kanyang cell phone at sinagot. Pag helow niya ang sumagot sa kabilang linya ang nag pagising sa kanya ng husto. Boses ni Anthony ang nasa kabilang linya. Musta ang babes ko masarap ba ang tulog nakapag pahinga ka bang mabuti? Mga sunod sunod na mga tanong ang narinig niya.
Goodmorning aga mong napatawag? Sinadya ko talagang agahan para gisingin ka. Bangon na baka mahuli ka pa sa pag pasok mo sa mall. Wow sweet naman ng e loves ko. Baka mamihasa ako niyan hanap hanapin ko. Baka mag sawa ka sa pag subaybay sa akin. Hindi hindi ako mag sasawa na alagaan ka at mahalin ng tulad ng pag mamahal ko sa sarili ko. Sige ginising lang kita hindi ako makikipag telebabad sa iyo alam ko na mag aayos ka pa sa pag pasok mo. Tawag na lang ulit ako mamaya pag nasa work ka na. check ko kung nakarating ka ng maayos sa work mo. Byee na babes I LOVE YOU! Mag iingat ka lagi para sa akin. Noong ibaba na ni Elizabeth ang phone ibig niyang kiligin sa mga pag alala ibinibigay sa kanya ni Anthony.
Bumangon na si Elizabeth na parang kay gaang ng kanyang katawan. Kay sarap palang mag mahal at mahalin ng iyong minamahal. Masigla pumasok sa trabaho si Elizabeth sa pag bungad pa lang niya sa mall nakita na niya ang kanyang bestfriend. Nakangiti na may kasamang panunukso. Oyy! Ang kaibigan ko inlove na. kay ganda ng aura ng mukha mo ahh! Halatang hiyang ka sa naging bakasyon mo. Di ngayon di mo na itatanong kung ano ang feeling ng isang in love. Hindi pa sila nag tatagal mag usap na mag kaibigan nag beef ang kanyang cell phone noong check niya si Anthony nag send ng msg kinakamusta siya at tinatanong sa kanya kung nasa work na siya. Habang binabasa niya ang massage ni Anthony napapangiti siya. Napaka maalalahanin naman ng boyfriend niya. Sana hindi mag bago ito sa kanya. Pag oras ng break time nag send ng massage nag papaalala na huwag mag pakagutom. Sa kanyang lunch at sa kanyang pag uwi mag iingat daw siya sa daan. Tatawag na lang daw siya pag nasa bahay na si Elizabeth . Pag dating niya sa bahay nag bihis lang siya ng pambahay at di nag tagal tinawag na siya ng kanyang ina na mag hahapunan na sila.
Pag kaligpit ng kanilang pinag kanan pumasok na siya sa room niya at mag papahinga. At alam na ng kanyang mga magulang matutulog na siya at papasok uli kinabukasan. Lagi naman ganoon ang routine niya noon. Pero ngayon di pa siya matutulog iniintay niya ang pag tawag ni Anthony. Hindi nag tagal nag ring nga ang kanyang cell phone at hindi siya nag kamali si Anthony nga ang tumawag. Nag kuwentuhan sila sa mga naganap sa araw nila. Bakit ganoon hindi siya nabo bored na kausap ito kahit halos mag baga na nga ang kanyang tainga sa pakikipag usap sa kanyang boyfriend. Dati dati ayaw na ayaw niya nakikipag telebabad sa telepono. Pero ngayon ani na lang huwag ng ibaba pa ni Anthony ang phone. Pero sadyang maalalahanin ito alam niya na may pasok pa siya kinabukasan kaya nag paalam na ito para daw di siya mapuyat ng husto. Tamang tama lang para matulog siya at mahusto daw niya ang 8hrs na sleep.
Huwag ng makipag telebabad pa sa iba matulog na ha babes at siempre hindi niya nakakalimutan mag sabi ng I love you. Kay sarap talaga pag mayroong nag mamahal sa iyo at nag alala. Hindi kaya siya mag bago sa kanyang nararamdaman ngayon long distance relation nila. Sana hindi mag tagal ang ganito nilang relasyon. Hindi pa rin nasasabi ni Elizabeth sa kanyang mga magulang tungkol sa kanyang boyfriend. Sana huwag silang tumutol. Alam niya matatakot ito kasi hindi nila kauri ang lalaking kanyang minahal. Malaki ang agwat ng kanilang estado sa buhay. Baka dumating ang araw maging ito ang dahilan para masira ang kanilang pag mamahalan. Sabagay hindi naman tutol ang mga magulang ni Anthony sa kanya. Bagkus gusto pa nga siya ng mga ito para sa kanilang anak.
Hanggang saan makakarating ang pag mamahalan nila Anthony at Elizabeth ? Mauwi nga kaya ito sa kasalan? ABANGAN! Copyright by Rhea Hernandez 7/30/12