Wednesday, July 25, 2012

LOVE STORY "ELIZABETH" chapter 3

LOVE STORY “ELIZABETH” chapter 3

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems




             Sa buong mag hapon kung saan saan nakarating sila Elizabeth at mommy Lily. Nag enjoy siya sa kanilang pamamasyal. At higit siyang nag enjoy  sa  lugar na pinuntahan nila na isang parte ng kanilang hacienda. Very private ang lugar tahimik walang ibang tao pero kay ganda ng kapaligiran. Mommy Lily bakit walang mga tourista dito. Kasi ayaw ni Anthony na masira ang natural na kagandahan ng lugar na ito.  Madalas dito si Anthony noong kabataan niya. Maraming memory sa kanya ang lugar na ito. Ang mahinang agos ng tubig galing sa bundok  malamig at kaaya ayang pag masdan. Hindi kalakihan ang batis pero maganda at nakaka in love ang kabuuan ng lugar.

              Dito sila nag tampisaw ng mahabang oras. Akala mo silang mga bata na nag laro sa tubig. Noong matapos sila sa paliligo hindi maubos ang kuwento ni mommy Lily. Alam mo ba huling maligo ako dito noong ako’y dalaga pa. kasama ko ang aking mga kaibigan sa school. Buhat noon pumapasyal ako dito paminsan minsan pero di ako lumulusong sa tubig. Hindi ko akalain Elizabeth parang bumalik sa akin ang mahabang panahong lumipas. Kanina na habang tayo’y nag tatampisaw sa tubig  parang bumabalik sa aking gunita ang aking kabataan. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya kanina. Hindi ko iniisip ang aking edad. Pakiramdam ko muli kong nararamdaman ang aking kabataan.

Natutuwa naman po ako at kahit papaano napapasaya ko kayo kahit  kaunti.

              Matapos nilang maligo nakaramdam sila ng pag kagutom. Nag bihis na sila at tinahak nila ang papunta sa kabayanan. Sa harap ng isang seafood restaurant sila huminto. Mahilig ka bang kumain ng seafood. Ito ang mga paborito ko lalu na ang hipon, alimango at inihaw na isda. Isipin mo yon iisa pala ang hilig natin sa pag kain. Kay daming pag kain ang inorder ni mommy Lily. Habang kumakain nag kukuwentuhan sila. Nakakapag taka hindi sila nauubusan ng napag uusapan. Sabi ni Elizabeth hindi niya akalain ang bakasyon niyang ito parang isang panaginip. Kung nanaginip man siya ayaw pa muna niyang magising. Kay tunog ng halakhak ni mommy Lily. Bakit mo naman nasabi ito. Kung hindi ko kayo nakilala ewan ko kung ano ang aking kinasapitan. Hindi siguro ako mag e enjoy ng katulad ngayon. O baka pabalik na ako ngayon sa Maynila. Kasi hindi ko alam ang akin gagawin dito. Ngayon alam ko na hindi dapat ako pumalaot ng wala akong tiyak na pupuntahan.

              Kung hindi ka nag lakas loob na mag bakasyon mag isa di sana  tayo nag kakilala. Oo nga pala ano ang tingin mo sa anak kong si Anthony? Palagay mo ba magugustuhan mo siya? Isang matamis na ngiti ang tugon ni Elizabeth. Ang inyong anak nasa kanya na yata lahat ng katangian ng isang lalaki na hahanapin ng isang babaeng katulad ko. Pero ang tanong po kung ang katulad ng inyong anak ay mag kakagusto ba naman sa isang katulad ko. Isang karaniwang salelady sa isang mall. Samantala ang inyong anak ng isang haciendero. Isang tinitingala sa lugar na ito. Ang isipin na magustuhan ako  ng inyong anak ay isang panaginip. Na kahit kailan hindi mag kakaroon ng isang katuparan. Alam mo kung ako masusunod Elizabeth isang katulad mo ang  gusto kong makasama ng aking anak. Yong makakasundo ko sa lahat ng bagay. Makakasama ko ng patag ang aking kalooban.

              Pero may sariling pag iisip ang inyong anak at may kalayaan siyang pumili ng babae niyang mamahalin. Ang isang katulad ng inyong anak sa tipo niya hindi siya mag papadikta sa inyo kung sino ang kanyang mapapangasawa. Alam ko yan nasabi ko lang ito. Kung bibigyan lang ako ng karapatan pumili para sa aking anak ikaw ang gusto ko. Kahit ngayon lang tayo nag kakilala ramdam ko na mayroon kang busilak na katauhan. Ito ay aking nararamdaman. Isang kang masunurin at mabait na bata. Napaka suerte ng iyong mga magulang nag ka anak sila ng isang katulad mo. Bakit inirereto ninyo sa akin si Anthony wala po ba siyang kasintahan ngayon.  Baka sa kasalukuyan panay samid niya ngayon kasi pinag uusapan natin siya.

              Pag kakain natin dalhin kita sa pamilihan. Para Makita mo kung ano ang gusto mong bilhin para pasalubong sa iyong mga magulang. Ang biglang pumasok sa isipan ni Elizabeth dadalhin siya sa mall para sa  mabibiling pasalubong sa kanyang mga magulang. Pero sa isang tiange sila nag punta. Sa mga paninda ay mga native na product  sa kanilang bayan. Natutuwa siya kung anu ano ang pinamili nito. Hindi gaanong namili si Elizabeth kasi kakaunti naman ang baon niyang pera. Saka wala naman talaga siyang balak mamili para sa pasalubong. Bakit di ka namili ng mga pasalubong mo wala ka bang nagustuhan sa mga native na paninda dito sa amin. Isang ngiti lang ang itinugon ni Elizabeth. Sa kanyang pag ngiti alam niya nakuha ni mommy ang ibig niyang ipahiwatig.

Hindi na nag tanong si Elizabeth bakit kay daming binili ang mommy Lily niya. Baka lang mahilig mangulekta ito ng mga native.

              Sa pag liilibot nila sa kung saan saan ginabi na sila sa pag balik sa hacienda. Kahit alam niya na pagod na pagod sila sa pag lalakwatsa. Alam ni Elizabeth na pareho silang nag enjoy sa pamamasyal nila. Siguro ang pag lapat ng kanyang likod sa kama makakatulog siya ng mahimbing. Lalu na hindi siya nakatulog ng maayos noong nakaraang gabi. Lingid sa kaalaman ng dalawa kanina pa hindi mapakali si Anthony. Sabik na sabik siyang umuwi ng maaga para Makita si Elizabeth. Pero noong dumating siya sa  mansion wala pa ang mga ito. Laking pag ka dismaya ang kanyang naramdaman. Kasi wala pa sila di pa bumabalik sa pamamasyal nila.

              Nag paluto ng masarap na hapunan si Anthony sa kanilang kasangbahay. Gusto niya na mag enjoy si Elizabeth sa pag stay sa kanilang mansion. Gusto niya na hindi makakalimutan nito ang araw na inilagi niya sa kanilang hacienda. Hindi maintindihan ni Anthony bakit niya ito ginagawa.  Hindi naman siya ganito sa mga nagiging mga bisita ng kanyang ina. Bukod tangi ang kanyang nararamdaman para kay Elizabeth. Sa bawat minutong nag daraan ay kinaiinipan ni Anthony. Kay dalas niyang sumilip sa bintana. Gusto niyang masiguro na kung papadating na ang kanyang ina at ang kauna unahang babae na nag papagulo ng kanyang isipan. Bakit ginugulo ni Elizabeth ang dati nniyang tahimik na buhay. Dapat nab a siyang maniwala sa pag ibig sa unang pag kikita. Ito ay salungat sa kanyang paniniwala sa ngalan ng pag ibig.

              Dahil pagal ang kanyang katawan sa mag hapon trabaho sa hacienda. Hindi lang pagod sa katawan pati na ang isipan. At sa nag daang gabi hindi siya pinatulog ng mga isipin tungkol kay Elizabeth. Kaya hindi niya namalayan nakatulog pala siya sa pag hihintay sa kanyang ina at kay Elizabeth. Kaya noong dumating ang mga ito ay di  niya namalayan. Alam ng kanyang ina na pagod ito sa mag hapon kaya din a pinagising sa kasambahay para sa kanilang hapunan. Alam niya pag nakaramdam ito ng gutom ay kusang gigising para sa kanyang hapunan. Pag katapos nilang mag hapunan nag pasya silang mag pahinga ng maaga. Dahil sa mag hapon nilang mag lilimayon napagod ng husto si mommy Lily. Kaya naman nag paalam na ito na papasok sa kanyang room at mag papahinga na. kaya naman si Elizabeth pumasok na rin sa guestroom na inilaan para sa kanya. Nag linis lang ng katawan at nag palit ng damit pantulog at nahiga na rin siya.

              Kay daling dinalaw ng antok si Elizabeth ilang minuto lang buhat lumatag ang kanyang likod sa higaan siya ay nakatulog na. kay himbing ng kanyang pag kakatulog. Katunayan sa himbing ng pag kakatulog siya nanaginip. Napapanaginipan niya na namamasyal siya sa tabing dagat at mayroon siyang kahawakan ng kamay. Isang lalaki na di niya Makita ang mukha. Sa kanyang panaginip ito daw ang kanyang makakasama sa habang buhay. Kinabig siya at nilapatang ng isang kay tamis na halik.dahil doon nagising si Elizabeth. Laking pag hihinayang isang panaginip lang pala. Akala niya natagpuan na niya ang lalaki mag bibigay ng kulay ng kanyang buhay. Dahil sa panaginip na yon naalingpungatan siya at nagising . kaya naman nahirapan na siyang bumalik sa kanyang pag tulog. Pabiling biling siya sa kanyang higaan. Dahil kaya sa maalinsangan ang panahon kaya hindi na siya makabalik sa pag tulog.

              Kaya naman naisipan niyang lumabas at mag pahangin. Sa may hardin siya nag tungo gusto niyang ang amoy ng mga bulaklak. Hindi niya akalain kabilugan pala ng buwan. Sa ilalim ng buwan at sa loob ng isang napakagandang hardin. Para bang sa isang novella lang niya nababasa. Hindi niya akalain na magaganap pala ito sa kanyang buhay. Kaya naman nag I imagine siya sa mga sandali iyon . iniisip niya na isa siyang prinsesa na mamasyal sa maluwang na hardin. Kaya naman ipinikit niya ang kanyang mga mata at ibinuka ang mga kamay na parang nag sasayaw. Hindi niya alam mayroon dalawang mata na kanina pa siya pinag mamasdan . pinipigil ang pag tawa sa kanyang ginagawa. Pero noong lumaon parang gusto na rin niyang makisayaw sa babae sa hardin.

              Bakit ba namamagneto siya sa kagandahan ni Elizabeth. Hindi nag tagal naramdaman nito na hindi siya nag iisa sa lugar na iyon. Kaya naman huminto siya sa kanyang ginagawa at dali dali siyang nag tatakbo papasok sa mansion. Hindi niya nakita na sa kanyang daraanan nandoon si Anthony. Bakit ka tumigil sa iyong pag I imagine. Lalung napahiya si Elizabeth itinungo nito ang ulo dala ng pag kapahiya. Hinawakan ni Anthony ang kanyang baba at itinaas ang kanyang mukha. Huwag kanang mahiya . ako lang naman ang nakakita kung ano ang iyong ginagawa. Anu ba at hating gabi na nandito ka pa sa hardin at nag sasayaw sa ilalim ng sikat ng buwan. Pagsilip ko kanina sa bintana akala ko may isang diwata ditto sa handin ni mommy. Bakit ka ba nandito ng ganitong oras. Hindi na kasi ako makatulog kaya naisipan kong mag pahangin  nainganyo ako sa amoy ng mga bulaklak at noong tumingala ako nakita kong kabilugan pala ang buwan. Iniisip ko kanina na isa akong prinsesa na namamasyal sa hardin kaya nakita mo akong nag sasayaw.

              Nakakahiya naman sa iyo naabala ko yata ang  pag I imagine mo. Napapahiya na nga yong tao. Lalu mo pa tinutukso sabay yuko ng ulo ulit ni Elizabeth. Alam mo ba lalu ka lang nagiging cute pag ganyan ang inaasal mo.yong kanina pa pinipigil ni Anthony pag tawa  ay kumawala na. alam mo ba na papatawa mo ako ng di mo sinasadya. Bakit naman kita napapatawa ala naman akong ginagawa para matawa ka. Oo nga pala anong oras kayo dumating ni mommy hindi ko namalayan ang pag dating ninyo ahh. Medyo ginabi nga kami sa pamamasyal. Kung saan saan ako dinala ni mommy kanina. Siguro kung akong mag isa lang ang mamasyal hindi ko mararating ang narrating naming kanina. Ang pinakagusto ko yong batis tahimik at romantic ang kapaligiran. Alam mo ban a iyon din ang pinaka paborito kong lugar ditto sa hacienda. Sabi nga ng mommy mo. Siguro madalas mong dalhin doon ang GF mo?  Hindi ba sinabi sa iyo ni mommy na ala akong girlfriend ngayon matagal na nakakasawa  na kasi ang relasyon na puro pa cute lang ang gusto. Walang alam kundi ang mag pa cute sa mga lalaki.

              Hindi naman lahat ng babae pa cute lang ang alam. Ikaw buti pinayagan ka ng BF mo na mag bakasyon na mag isa. Kasi kasali ako sa pederasyon ng mga walang boyfriend. Sa ganda mo nayan ala kang boyfriend. Bakit ikaw kay guapo mo mayaman lahat na yata ng katangian hinahanap ng isang babae nasa iyo pero sabi mo ala kang GF. Ako hindi nakakapag taka na alang BF kasi sino ba ang papatol sa isang katulad ko na isang saleslady lang at anak mahirap isang kahig isang tuka ang pamumuhay. Kahit may manliligaw mag iisip ako ang ilang beses o isang daang beses bago makipag boyfriend. Baka sa lagay na lumigaya ako ay lalu lang madagdagan ang aking problema.

              Nag enjoy ka ba sa pamamasyal ninyo ni mommy kanina. Sana ako na lang ang maging tour guide mo bukas. Medyo naayos ko na ang major na problema. Yong naitira kaya na nilang ayusin. Anu ba ang plano mo bukas. Wala plano hindi namain napag usapan ni mommy kung sasamahan niya ako ulit o ako na lang mag isa ang lalabas bukas. O baka stay lang dito sa bahay. Pahinga muna. Ilang days ka ba dito? Sa Friday uuwi na ako. One week lang ang vacation ko ehh! Kahit gustuhin ko man na pahabain ang bakasyon ko hindi puede at baka sa pag balik ko sa Maynila ay wala na akong trabaho. Alam mo na kay hirap mag hanap ngayon ng mapapasukan . lalu na kung ala kang padrino. Kaya eto bagsak ko isang sales lady lang.

              Marangal naman ang iyong trabaho ikinahihiya mo ba ito? Hindi naman kaya lang paano ko matutulungan ang aking mga magulang sa pag papaaral ng aking mga kapatid kung sa akin pa lang kulang na ang sinasahod ko. Saan nga ba makakarating ang kakarampot na kinikita ng isang sales lady. Kung hindi nanalo sa isang raffle hindi makakapag bakasyon kahit ilang araw lang.Sa isang katulad ko ala pinag hahawakan kundi ang mga pangarap . mangarap na baling araw mag himala ang langit at maambunan ng suerte. Siempre sasabayan ng sariling pag susumikap. Hindi naman  ako nawawalan ng pag asa na baling araw makakaahon din kami sa aming kahirapan. Kahit anong hirap iginagapang n gaming mga magulang an gaming pag aaral kahit vocational.

             Puede bang mahingin ang phone number mo para kung matapos na ang bakasyon mo puede pa rin kitang tawagan. Ibinigay ni Elizabeth ang cp # niya . pinag ring ni Anthony ang cp niya tiniyak niya na tama ang binigay niyang numero. Akala mo siguro mali ang number na bigay ko ano?  Nag sisiguro lang dami kayang ganoon. Bakit ko naman gagawin iyon hindi naba ako nahiya sa mommy mo pinatuloy ninyo ako dito ng libre at kasama pa ang libreng tour guide. Sa sinambit ni Elizabeth sabay silang nag katawanan. Salamat nga pala sa pag bibigay ng airplane ticket a mommy ko. Kung hindi di hindi kita nakilala ngayon. At hindi mo makikita ang mala Adonis kong katawan. Biglang pinamulahan ng mukha si Elizabeth. Biro lang huwag kang mahiya . sorry nga pala sa nag yari siguro iniisip mo na grabe ako

              Sana maging close din tayo bago ka umuwi sa Maynila. Oo ba iyon lang pala. Sabi ng mommy mo mahilig ka daw sa photography anu ang mga subject mo madalas. Nature lovers ako kaya kalikasan ang madalas na subject ko ang sumunod mga babae. Ang modelo ko. Madalas kasi mga commercial model ang kinukuhanan ko. Kung saan saan na uwi ang kuwentuhan nila hanggang mausisa nila papasikat na ang araw. Inabutan ng sikat ng araw ng di nila napapansin. Napapahaba napala ang kuwentuhan nila. Kaya saka pa lang nila nag hiwalay ang nag balik sa kanilang mga kuarto.nakangit ang mga labi ni Elizabeth. Hindi maalis alis ang ngiti nito. Ganoon din si Anthony.

              Sa pag gising ni mommy Lily nag tataka siya tanghali na hindi pa bumababa ang dalawa. Kaya naman sinilip ni mommy ang mga room nila. Natiyak niya na talagang mga tulog pa ang mga ito. Mahimbing pa ang tulog ni Anthony bakit kaya hanggang ngayon tulog pa ito baka may sakit kaya dahan dahan pumasok sa room ng anak at sinalat ang noo kung may lagnat ito . pero normal naman ang timpla  hindi naman mainit o di naman malamig. Dahil sa ginawa sa anak nag dilat ng mata si Anthony. Mom anu ginagawa ninyo. Sinasalat ko ang noo mo baka kako may sinat ka kaya di ka pa bumabangon. Ngumiti lang si Anthony at sabi kasi mommy umaga na noong ako matulog saka mom huwag ninyong gisingin si Elizabeth umaga na rin sya nakatulog sabay kami. Hayaan mo lang syang matulog. Ngayon nag kalinaw na ang kanyang tanong kung bakit di pa gumigising itong dalawang bata.

              Anu ba ang ginawa ninyo at umaga na kayo natulog. Nag kuwentuhan lang kami. Noong mag hiwalay kami papasikat na ang araw. Kaya puyat siya at ako. Mom puede matutulog uli ako saka na ang mga tanong antok pa ako ehh!! Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa mga lab ni mommy Lily. Mukhang may tama si Anthony kay Elizabeth. Puede  mag ala kupido ako sa dalawa. Masama ang binabalak ni mommy gagawa siya ng paraan para ang dalawa ay mag katuluyan.lingid sa kaalaman ng dalawa nagiisip si mommy Lily na mga paraan kung paano niya pag lalapitin ang dalawa.

              Anu paraan ang iniisip ni Mommy Lily? Mag tagumpay kaya siya sa kanyang binabalak? Tama kaya ang hinala niya na parehong may gusto sa isat isa ang mga ito? ABANGAN! Copyright by Rhea Hernandez 7/25/12*****


No comments:

Post a Comment