LITRATO NG KAHAPON
Ni Rhea Hernandez
pinoy poems
www.tulawento.blogspot.com
kay sarap balikbalikan ang buhay sa kabukiran
kaiga igayan pag masdan ang buong kapaligiran
nag dudulot ng sigla at munting kalungkutan
sa aking puso tuwing aking ito'y pinagmamasdan
muling bumabalik ang kahapon nagdaan
sa mga alala ng aking pinag mulan
luha ko tumutulo ng di ko namamalayan
dito iyong inillathalang mga larawan
mga matatamis na kahapon pinagsaluhan
sa munting bayan na aking sinilangan
hindi ko malilimutan ang aking pinag mulan
saan lumaki binuo ang aking kapalaran
mga alala ng aking kabataan
dito naganap at pinagsaluhan
hirap'tginhawa ating naranasan
sa bkabukiran aking natatandaan
sa mga puno na bumuo ng kasaysayan
mga kalokohan noong aking kabataan
sa kabukiran iginuhit ang kapalaran
hindi ito basta basta makakalimutan
hindi akalain ito aking lilisanin
nangangarap muling makapiling
minsan di mawawalit sa damdamin
lugar na sinilangan ay hindi lilimutin
ni Rhea Hernandez 7/26/12
No comments:
Post a Comment