LOVE STORY “ELIZABETH “ chapter 2
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
Napaka suerte naman niya at may isang mommy Lily siyang nakilala sa pag babakasyon niya sa Palawan . Ipinakilala siya sa asawa nito at mabait din tulad ni mommy Lily. Ang nag iisa daw nilang anak ay gala kaya laging wala sa kanila tulad ngayon. Walang araw ang dating nito. Mag iisang buwan na daw di umuuwi ang kanilang anak. Mahilig sa photography kaya kung saan saan nakakarating. Ang balita nila nasa isang isla ngayon ito. Kaya yong room nito ang pinagamit sa kanya. Kasi daw matagal ng hindi nagagamit ang mga guestroom kaya marumi. Ang puede lang ay ang room ng kanilang anak. Kasi daw everyday nililinis para sa pag dating ng kanilang anak. Kahit alam nila na hindi naman ito uuwi ay pinalilinis pa rin niya.
Dahil biglaan ang pag dating mo kaya hindi niya napalinis. Bukas ko na ipapalinis ang guestroom para makalipat ka doon. Pang samantala doon ka muna matulog ngayong gabi sa room ni Anthony. Baka po dumating bigla ang anak ninyo ala siyang matulugan. Di mag tiis siya sa maalikabok na guestroom sabay tawa ni mommy Lily. Kung ngayon lang hindi pa uuwi iyon. Tumatawag naman yon pag uuwi sya. Nag eenjoy pa iyon sa ginagawa niya. Lagi nga akong nagagalit sa batang iyon alang kahilig hilig mag asikaso ng hacienda. Pero siya pa rin ang nag dedesisyon kung may malaking problema. Bilang isang presidente dito kailangan niyang umuwi paminsan minsan dito. Hinahayaan niya sa kanyang katiwala lahat.
Kung ganitong wala siya ako ang humaharap sa biglaang problema kaya nag mamadali akong bumalik. Dapat kasi sa isang lingo pa ang balik ko dito. Wala siya wala pa ako kailangan ang presensya ng isa sa amin. Oo nga pala anu ba ang natapos mo at anu ang trabaho mo Elizabeth . Isa po akong salelady sa isang mall at tapos ako ng secretarial. Mahirap lang kami kaya hindi ako kayang pag aralin ng aking mga magulang. Ganoon ba kuntento ka na ba sa iyong buhay ngayon. Wala ka bang ambisyong mag aral na muli at makakita ng magandang trabaho. Anu wala kung mabibigyan lang ako ng pag kakataon mag aral at makakita ng mas magandang trabaho ay akin pong susungaban. Binalak ko na din mag abroad pero natatakot akong maparis sa ibang kababaihan na napapariwara sa pag layo. Alam ko din marami ang sinusuerte pero marami din ang minamalas.
Sige mag pahinga ka muna at kung mag didinner na tayo ipapatawag na lang kita sa kasangbahay ko. Alam ko na pagod ka at hindi ka sanay sa pag sakay ng eroplano kaya medyo tense ang iyong katawan. May katotohanan ang sinabi ni mommy Lily. Nag shower siya at nag palit ng damit dahil sa preskong pakiramdam noong mahiga siya hindi niya namalayan nakatulog siya. Nagising lang siya sa mahinang katok sa pintuan ang isang kasambahay tinatawag na siya para sa hapunan. Kamusta nakapag pahinga ka bang mabuti. Isang mahinang tango ang sagot niya. Bukas ka na lang mag umpisa sa pamamasyal. Total hanggang Friday ka naman dito di ba? Pag maluwag ang time ko sasamahan kita sa pamamasyal mo.
Alam mo Elizabeth kahit kanina lang tayo nag kakilala ang gaang agad ang loob ko sa iyo. Parang ang tagal na kitang kakilala. Gusto mo bang mag trabaho sa akin? Gagawin kitang alalay ko sa mga Gawain ko dito sa hacienda. Kung mag kano man ang kinikita mo sa iyong trabaho doblehin ko. Talaga lang magaang ang loob ko sa iyo at parang mayroon nag sasabi sa akin na mapag kakatiwalaan kita. Pag isipan mo at kung ready ka na sabihin mo lang sa akin. Pero huwag mong isipin ngayon sa pag babalik mo sa Maynila ka mag isip. Pag samantala habang nandito ka ienjoy mo lang ang bakasyon mo. Habang kumakain ng dinner ang dami nilang napag usapan kung anu anu lang. Tama si mommy Lily kahit siya nag tataka kung bakit malapit agad ang loob niya dito. Palagay siyang mag kuwento ng buhay buhay niya. Kahit na nga mga kapalpakan niya noong bata pa siya naikuwento niya.
Hating gabi na hindi parin sila tumitigil sa kuwentuhan . kahit iniwanan na sila ni daddy Ruben. Bago nga sila iwananan nito biniro pa sila na aba matulog na rin kayo may bukas pa para mag kuwentuhan. Alam mo ba Elizabeth ngayon lang nakipag kuwentuhan iyan ng ganyan sa bagong kakilala. Kahit na nga sa mga kaibigan niyan hindi nag kukuwento iyan ng ganyan. Ewan ko ba kung ano mayroon ka at malapit agad ang loob niya sa iyo. Mag alas dos na yata ng madaling araw sila nag hiwalay sa kuwentuhan. Kaya naman noong lumapat ang likod ni Elizabeth sa kama tulog agad siya.
Kaya naman noong mag bukas ang pintuan ng kuarto niya hindi niya naramdaman. May isang matipunong lalaki pumasok sa room at sabay hubad ng suot na damit alang itinira. Sabay bagsak ng katawan sa kama at hinagilap ang kumot at siyang itinakip sa katawan. Saka palang niya nalaman na mayroon tao sa kama . Sa pag bagsak ng katawan sa kama biglang nagising si Elizabeth at biglang nag titili. Sumigaw ng ubod ng lakas kaya naman nagising sila mommy at daddy sa kabilang room.dali daling lumipat ang mag asawa sa room. Samantala sabay hagilap ni Elizabeth sa buhayan ng ilaw. Saka tumambad sa kanyang harapan ang hubad na katawan ng isang lalaki. Na katulad niya na gulat na gulat bakit may babae sa kanyang room.
Kaagad tinakpan ni Elizabeth ang kanyang mga mata para hindi niya Makita ang nakalantad sa kanyang harapan. Dali daling hinagilap ni Anthony ang kumot at siya niyang itinakip sa kanyang hubad na katawan. Sabay sabi ok na puede kanang dumilat. Sino ka at ano ang ginagawa mo sa room ko. Hindi na nakasagot si Elizabeth at ang mommy na niya ang nag paliwanag. Biglaan ko siyang bisita. Ala ng time para linisin ang guestroom kaya pinagamit ko na ang room mo total wala ka naman. At hindi ko alam kung kalian ka uuwi. Bakit biglaan ang uwi mo hindi ka man lang tumawag. Dati rati tumatawag ka kung uuwi kana. Nakatangap ako ng tawag tungkol sa problema kaya dali dali akong umuwi. Masyado ng late tumawag ayaw kong gisingin kayo sa inyong pag tulog kaya dina ako tumawag.
Oo nga pala Elizabeth siya ang nag iisa kong anak si Anthony. Anthony siya si Elizabeth ang bago kong kaibigan. Sabay abot ng kamay kay Elizabeth ngimi nakipag kamay naman ito. Sabay sabi ng kanyang mommy puede ba Anthony mag damit ka muna. Isipin mo sa unang pag kikilala ninyo nakita muna ang buo mong katawan bago malaman ang name mo. Napuno ng halakhakan ang buong room sa tinuran ni mommy. Sabay talikod ni Anthony at pinulot lahat ng damit niya nakakalat sa floor. Dali daling pumasok sa bathroom ang nag suot ng damit. Sa pag labas ni Anthony narinig niya na humihingi ng pasensya ang mommy niya sa inasal niya kanina. Malay ba niya na may magandang dalaga sa room niya.
Anthony doon ka muna matulog sa isang guestroom. Tignan mo Elizabeth si mommy hindi ka pinatulog sa guestroom kasi maalikabok tapos ako itong nag iisa niyang anak ay papatulugin niya doon. Dali daling tumayo si Elizabeth na at ang sabi ako na lang doon Anthony nakakahiya sa iyo nakikitulog lang ako dito. Saka sa iyo naman ang room na ito. Ako na lang ang lilipat sa guestroom. Ayy ! naku Elizabeth huwag kang mag alala sanay iyan matulog sa madawag na gubat. Di hamak na malinis ang guestroom ko doon. Mommy ikaw talaga hindi mo ba na mis ang guapo mong anak.sabay yakap dito at pupog nag halik sa ina.
Nang maiwan mag isa si Elizabeth saka lang siya napapangiti sa kanyang nakita. Kung hindi lang siya nahihiya hindi siya pipikit pag mamasdan niya ang kabuuan ni Anthony. Matipuno wala kang maipipintas sa katawan nito. Hindi mapunat puknat sa kanyang isipan si Anthony. Ngayon lang may lalaki na hindi niya maialis sa kanyang isipan. Para bang tukso nakikita niyang nakatayo sa kanyang harapan ang hubad nitong katawan. Anu ang nag yayari sa kanya bakit di niya maialis sa kanyang isipan ang anak ng bago niyang kaibigan. Hindi niya namamalayan tinatanong na niya ang kanyang sarili. Anu kaya Malaya pa rin kaya ito? Mayroon bang GF si Anthony? Anu ang tingin niya sa akin? Masyadong malayo ang agwat ng kanilang buhay. Hindi siya magugustuhan nito. Isa lang siyang mahirap isang kahig isang tuka. Bakit ba niya iniisip ang mga ito. Bakit ba niya ginugulo ang isipan niya sa lalaking ngayon lang niya nakita at sagwa pa ang ng pag kikita nila. Muli nangiti si Elizabeth na isipin niya na akala mo siya si adan kanina wala man lang saplot sa katawan. At parang napako sa kanyang harapan kanina.
Samantala sa kabilang room hindi rin makatulog si Anthony. Samantala kanina antok na antok na siya kaya nga dina niya nakuhang buhayin ang ilaw. Kaya hindi niya nakitang may isang magandang dalaga sa kaniyang kama . Hehehe kung makikita mo lang ang mukha niya kanina gulat na gulat sa pag kakita niya sa aking katawan. Parang kanila lang siya nakakita ng hubad na katawan. Anu kaya ang dahilan at nandito sya sa aming bahay. Anu ang konekson niya kay mommy.matagal na bang kakilala niya ito? Bakit ngayon ko lang yata nakita ito? Kay amo ng kanyang mukha. Kahit gulat na gulat siya kanina mababakas mo pa rin ang kanyang kagandahan. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang pantulog. Kitang kita mo ang kanyang kabuuan. Ang dalawang bundok na kay yabang ng pag kakatayo. Napansin kaya niya na hindi ko maialis ang aking paningin sa kanyang angking kagandahan. Mayroon na kaya siyang BF o asawa. Sigurado ako dalaga pa siya sa porma palang ng katawan niya parang wala pang nakakasaling sa kanyang kagandahan. Kanina gumana ang mga mata ng isang photographer. Hindi nakakaligtas sa mapanuring mga mata ang ganoong kagandahan. Bihira siyang humanga sa mga modelong babae. Ang pag ka pure niya ang nakakaakit at nakakahalina sa isang mapanuring mata. Siguro kung siya ang aking magiging modelo kahit mag hapon hindi ako mag sasawang pag masdan at kunan ang iba’t ibang angulo ng kanyang katawan.
Sinikatan na ng araw si Anthony sa kanyang pag iisip tungkol sa babae sa kanyang kuarto. Ngayon lang may isang babae na gumulo sa kanyang isipan. Lingid kay Anthony na ganoon din si Elizabeth ginugulo ni Anthony ang kanyang isipan. Mag katugma ang mga nadarama ng dalawa. Parang sabay na pinana ni Kupido ang kanilang mga puso. Hindi pa naman naniniwala si Anthony sa ganitong klaseng pag iibigan. Lagi niyang tinatanong noon paano mo mamahalin ang isang tao na ngayon mo lang nakita at nakilala. Ang pag ibig ay nabubuo sa haba ng panahon at sa mga pinagsamahan ng dalawang tao. Dito mabubuo ang at nadedevelop ang pag ibig. Parang mali ang kanyang pananaw tungkol sa pag ibig. Parang susubukan siya ngayon ng pag kakataon. Parang umiibig siya sa unang pag tatama palang ng kanilang mga mata. Hindi baka nagagandahan lang siya kay Elizabeth kaya ganito siya.
Pilit sinasalungat ng kanyang isipan kung ano nararamdaman ng kanyang puso. Pinutol ng mga katok ang kanyang mga iniisip. Ang kanilang kasambahay at tinatawag na siya para sa agahan. Gusto ng kanyang mommy na sabay sabay silang kumain. Muli niyang makakaharap ang babaeng hindi nag patulog sa kanya kahit siya pagod na pagod sa biyahe. Sa pag harap niya sa hapag kainan kaagad siyang binati ng kanyang ina at tinudyo. Anu mukhang hindi ka nakatulog sa dami ng alikabok sa guestroom ahh! Isang ngiti lang sinagot ni Anthony sa kanyang ina. Naputol lang ang pag bibiruan ng mag ina noong dumating si Elizabeth at humihingin ng paumanhin at late siya sa pag baba para sa almusal. Ok lang kakababa ko rin lang eto binubuska pa rin ni mommy. Kamusta ang pag tulog mo ok lang medyo naninibago pero nakatulog naman ako ng maayos.
Paano nga pala kayo nag kakilala ni mommy? Matagal naba kayong mag kakilala? Saan ka niya nakilala? Hep hep Anthony isa isa lang ang tanong mahina ang kalaban. Para ka naman taga NBI niyan ahh! Ang mommy ni Anthony ang sumagot lahat ng tanong nito. Laking gulat nito noong marinig ang kuwento. Hindi niya akalain na ilang oras lang ang pagitan ng pag kikilala nila. Sorry sa malaking abala nagawa ko sa inyo! Hayaan ninyo mamaya sa pag labas ko mag hahanap ako ng matutuluyan hanggang sa Friday masyado ng malaking abala ang naidudulot ko sa inyo. Tulad kagabi hindi ko sinasadyang sumigaw na parang pinasok ako ng mag nanakaw. Pati pag tulog ninyo mommy at daddy naistorbo. Naku Elizabeth hindi mo kasalanan iyon itong anak naming ang nakakahiya. Isipin mo mag hubad sa harapan mo at tabihan ka sa kama . Bakit ako sabi ni Anthony kasalanan ko ba na mag hubad sa sarili kong kuarto?
Kalimutan na natin ang nagyari kagabi walang maygusto noon. Total nandito na ang anak ko siya na lang ang mag aayos ng gusot sa hacienda kaya free ako ngayon araw na ito kaya masasamahan kita Elizabeth sa pamamasyal para naman pati ako makapamasyal na rin. Matagal tagal na rin ako na hindi nakakalibot dito.mag dala ka nga pala ng pangpaligo mo at maliligo tayong dalawa mag tatampisaw tayo sa tubig dagat mamaya. Mom akala ko ako ang kanyang magiging escort at ikaw ang aayos ng problema dito. Hey mag tigil ka nga di ba kaya ka umuwi ura urada dahil doon. Itinaas ni Anthony ang dalawang kamay sa pag suko sa kanyang ina. Sa kaloob looban niya nag hihimagsik kasi gusto niya na siya ang makasama ni Elizabeth sa kanyang pamamasyal. Kailangan matapos niya ang problema sa madaling panahon. Kahit bago pa bumalik sa Maynila si Elizabeth .
Habang nasa plantasyon siya hindi maialis ni Anthony isipin kung anu na ang ginagawa ng kanyang ina at ni Elizabeth. Hindi kaya ipinakikilala ng kanyang mommy sa mga guapong kabinataan ito. Nag puputok ang kanyang kalooban pag iyon ang sumasagi sa kanyang isipan. Bakit siya nag kakaganito nakakaramdam ba siya ng selos kahit sa isipan lang. gusto na niyang matapos ang kanyang ginagawa para makauwi na siya at masilayan niyang muli ang dalaga. Naiinis na siya sa kanyang sarili bakit siya nag kakaganito. Hindi niya ang strangherong pakiramdam na namumuo sa kanyang kalooban. Hindi pa niya ito nararamdaman kahit kanino. Ngayon lang siya nag kaganito para sa isang babae. Na kung tutuusin hindi pa nga niya kakilala. Wala pa siyang alam sa kanyang pag katao. Nag tataka siya kung bakit ganito siya sa babaeng ito. Ano mayroon siya at kinasasabikan niyang Makita ito.
Saan hahantong ang nadarama ni Anthony? Ito na kaya ang tinatawag na pag ibig? Nabihag ba ni Elizabeth ang kanyang puso? Mapag labanan kaya ni Anthony kung anuman ang kanyang nararamdaman? ABANGAN!! Copyright by Rhea Hernandez 7/23/12
No comments:
Post a Comment