LOVE STORY “ELIZABETH ”
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
kasalukuyang nag uusap ang mag kaibigan sina Elizabeth at Mhara. Nang alang anu ano may lumapit sa kanila na nag bebenta ng raffle tickets. Nahihiya naman sila na hindi kumuha kasi kasamahan nila ito. kaya naman nag hati silang dalawa sa isang ticket. Medyo may kamahalan kaya napagkasunduan na lang nilang mag kaibigan na mag hati. Kung mananalo sila di mag hati na lang sa mapapanalunan. Pero isang malakas na halakhak ang binitiwan ni Elizabeth. Paano naman sa talang buhay niya hindi pa siya nanalo sa kahit anong raffle. Ok lang yan para makatulong na lang tayo sa may pa contest. Isang ngiti lang ang pinakawalan ni Mhara. Wala naman siyang hangad na manalo. Nahihiya nga lang sila sa kasamahan nila kaya napabili sila ng ticket.
Matapos bayaran nila ang kasamahan nila tumalikod na ito at nag alok pa sa iba nilang mga katrabaho. Napag tuunan ni Elizabeth kung ano ang mga papremyo. Mayroon isang premyo ang nakapukaw ng kanyang atensyon. Ang free airplane ticket for two sa Palawan . Sinabi niya kay Mhara sana kahit ito man lang makuha natin. Hindi pa ako nakakarating sa Palawan . Ayos na ayos pag nanalo tayo sabay tayong lilipad sa Palawan . Isipin mo kung mapapanalunan natin ito puede tayong mag bakasyong dalawa. Matagal tagal na rin tayong mag kaibigan pero di pa tayo nakapag bakasyon ng sabay sa isang lugar ng katulad ng Palawan .
Nag katawanan lang sila parang nag hahanap ka ng karayom sa bunton ng dayami. Ang pag kakataon nating manalo dyan. Suerte na lang kung manalo tayo kahit maibalik lang kung mag kano ang pag kakabili natin sa ticket. Sabagay tama ka dyan Mhara. Ibinigay ni Mhara ang ticket kay Elizabeth at sabay sabi ayan itago mo at baka mag dilang anghel ka mapanalunan natin ang airplane ticket na gusto mo. Next month pa iraraffle yan kaya itago mo na lang muna. Inabot naman ni Elizabeth at inilagay niya sa kanyang wallet. Sabay bulong sana manalo ka at ng mawala naman ang malas ko sa mga raffle. Sabay pa silang humalakhak na mag kaibigan sa kanyang tinuran. O sya tapusin na natin ang pag kain at matatapos na ang break time natin.
Matapos ng araw na yon nawala na sa loob ni Elizabeth ang tinago niyang ticket sa kanyang wallet. Patuloy ang pag lipas ng mga araw at lagi siyang abala sa kanyang trabaho bilang isang saleslady sa isang mall. Pareho sila ni Mhara yon nga lang mag kaiba sila ng hawak na producto. Siya sa mga pang paganda at mga pabango at si Mhara sa mga dress. Kahit secretaria ang tinapos niya hindi siya makakuha ng trabaho bilang secretary. Kahit na maganda siya at husto sa tindig. Sabi nga ng nanay niya kailangan niya ng padrino para mapasok sa isang company. Saan naman siya kukuha ng padrino pang karaniwang mag sasaka ang kanyang ama at simpleng maybahay ang kanyang ina. Iginapang nga lang nila ang kanyang pag aaral. Alam niya na hirap na hirap ang mga ito na pag aralin siya.
Buti nga sinuwerte siyang matangap sa mall na ito noong mag apply siya. Na kahit wala siyang padrino. Sabagay maganda siya at husto sa tindig di lang yon hindi naman nakakahiya ang kanyang grade. Kasi ba naman isa siya sa mga top ten sa klase nila noong high school hanggang sa vocational na kinuha niya secretary course. Kung may ikakaya nga lang ang kanyang mga magulang gusto niyang maging isang guro o nurse. Gusto niyang makapag abroad para kumita ng malaki laki para matulungan niya ang kanyang mga magulang. Gusto niya itong maihango sa kahirapan ng kanilang pamumuhay. Pero kahit anong gawing pag susumikap ng kanyang mga magulang hindi talaga nila kakayanin na pag aralin siya ng mga ito.
Kaya naman tangap na niya na hindi niya matutupad ang pangarap niyang maging isang nurse. Sabagay kuntento na rin siya sa kanyang trabaho. Kahit paminsan minsa hindi niya ma take ang pamimitig ng kanyang mga binti sa tagal ng kanyang pag kakatayo. Kaya naman kung ala siyang costumer palakad lakad siya sa harap ng kanyang puwesto. Akala mo siya ang modelo ng kanyang mga producto kaya minsan nag kakatawanan sila ng kasamahan niyang sales lady. Pag ganitong matumal ang benta nakakapag isip siya na anu kaya mag abroad na lang siya. Kahit DH papasukin niya. Pero humihina ang loob niya tuwing mayroon siyang nababalitaang napapahamak sa kanilang mga amo. Mayroon pang na rerape ng kanilang mga amo mismo. Nawawala ang kanyang interest mag abroad.
Tuwing uwian madalas mag kasabay sila ni Mhara sa pag uwi. Lalu na kung hindi ito nasusundo ng kanyang BF. Sabagay paminsan minsan nga lang itong sunduin pag mayroon lang silang date. May kalayuan din naman ang trabaho nito sa trabaho nila.halos sabay lang ang kanilang labas sa trabaho. Kaya madalas nag iintay sa lobby si Mhara sa kanyang BF. Habang hindi pa dumadating ang BF nito sinasamahan ni Elizabeth si Mhara para hindi mainip sa pag iintay. Pag alam na niyang malapit na ito saka siya nag papaalam kay Mhara na mauuna na siyang umuwi.
Bakit kasi di pa mag BF para lagi tayong double date kung lumakad para mas Masaya ang pag labas labas natin. Ayy! naku Mhara tigilan mo nga ako dyan sa sinasabi mo. Wala pa akong makitang lalaki na mag papatibok ng puso ko.yong bang sa unang pag kikita pa lang namin ay nauumid na ang aking mga dila.yong bang gusting sumungaw ng puso ko para masilayan niya ang lalaking nag papatibok nito. Yong bang pakiramdam ko na laging tinatambol ang dibdib . yong mararamdaman kong kinakabog ang puso ko sa pag tibok nito. Ayy! Naku kaibigan huwag nga ganyan kung anu ano ang pinag iisip mo. Ang pag ibig hindi hinahanap kusa itong dumadating sa buhay ng isang tao. Isang mahinang tawa ang tugon ni Mhara.
Sa mga kuwento mo lang mababasa ang ganyang klaseng pag iibigan. Sa totoong buhay iba ang pag susuyuan ng mag sin irog. Sabay tanong ni Elizabeth ikaw paano mo ba nalaman na siya na talaga ang hinahanap mong partner mo sa buhay. Sigurado ka na ba na siya na ang lalaki gusto mong makasama hanggang tumanda ka. Oo kung ngayon mo ako tatanungin. Ako din di ko akalain na siya ang aking mamahalin marami naman nanliligaw sa akin na mas higit sa kanya ang mga katangian pero siya pa rin ang aking pinili. Siguro iyan ang bunga ng pag ibig. Hindi natin masasabi bakit at papaano natin nagugustuhan ang taong minamahal natin. Iyan ang hiwaga ng pag ibig. Hindi natin nakikita ang mga kapintasan nito. Ang mga nakikita ng iba bulag ka sa mga ito. Di ba sabi ng iba bulag daw ang umiibig. Kasi puso ang nangungusap sa pag dating dito. Hindi nakikita ng mata kundi nararamdaman ng puso.
Bakit nga ba Mhara walang paki alam ang nag mamahal sa mga sinasabi ng iba? Hindi ko kayang sagutin ang tanong mo. Kasi hindi ko alam din ang sagot sa tanong mo. Pero pag umibig ka mararamdaman mo na lang ito. Bakit kasi di mo subukang mag mahal. Kasi ba naman hanggang ngayon hindi ka pa nag kakaroon ng BF. Paano po naman ako mag kakaroon ng BF? Sabi mo nga hindi pa nabubulag ang mga mata ko. Napatawa lang si Mhara ikaw talaga minsan napaka pilosopo mo. Ahh! Basta pag nakaramdam ka ng pag mamahal at umibig ka sana ako ang unang mong sasabihan . huwag kang mag alala ikaw ang makakaalam kasi wala naman akong ibang mapag sasabihan kundi ikaw. Alam mo naman buhat noong high school pa tayo sangang dikit na tayo. Di ba napag kakamalan pa nga tayong mag kapatid noon. Sa ating sobrang close sa isa’t isa. Oo nga natatandaan ko pa nga daming na iingit sa atin noon.
Isipin mo ilang taon na nga ba tayong nag titiis sa isa’t isa sabay ng isang malutong na pag tawa. Ahh! Ganoon pinag titiisan mo lang akong kasama at kaibigan at balik na tanong ni Mhara. Alam na alam naman nila na nag bibiro lang sila sa isa’t isa. Kilala na nila ang likaw ng bituka ng bawat isa. Sa lungkot, sa problema at sa tuwa lagi silang mag kasama. Sabi nga ng mga magulang nila subok na sila ng panahon sa pagiging mag kaibigan. Madalas din naman silang mag katampuhan pero nalulusutan din nila. At siguradong babalik uli ang dati nilang sigla bilang mag kaibigan. Sabi nga ni Elizabeth hindi na siya makakakita pa ng isang kaibigan tulad ni Mhara. At ganoon din ito sa kanya.
Lumipas ang mga araw iisa ang routine ng buhay nilang mag kaibigan. Sabay papasok sa trabaho at sabay din sila sa pag uwi. Hindi lang nag kakasabay pag may date si Mhara at ang BF nito ang kasama sa pag uwi. Okay lang kay Elizabeth na paminsan minsa mag isa siyang umuuwi. Hindi nila pansin na yong binili nilang ticket ay tapos na. Isang araw lunch break nila lumapit uli ang kasamahan nila sa table nila. Ang akala nila mayroon nanaman ibebenta sa kanila ito. Hindi pala isang magandang balita ang hatid sa kanila. Ang kanilang ticket ang nanalo sa airfare for two pa Palawan . Hindi akalain dininig ang kanyang munting kahilingan. Nawala na nga sa loob nila ang tungkol dito. Kailangan gamitin ninyo ang ticket sa loob ng isang buwan kung hindi mawawala ito.
Hindi naman sila basta basta nakakapag bakasyon sa trabaho. Kailangan mag file muna sila ng bakasyon kung ok na saka palang sila puede. Kaya naman sabay silang nag file ng isang linggong bakasyon. Silang dalawa ang mag babakasyon sa Palawan . Sana puedeng gawing cash na lang ang airplane tickets na ito. Pero kailangan gamitin nila kung gusto nilang makuha ang premyo nila. Sabagay ito naman ang hiling nila noon para makapag bakasyon sila. Hindi nila akalain na ibigay sa kanila ng hindi inaasahan. Salamat na lang at pareho silang nakakuha ng bakasyon at nag handa na sila sa bakasyon sa Palawan . Bahala na hindi sila puedeng mag pa book sa mga hotel at mamahal. Ang sabi nila bahala na lang sa pag dating nila doon mag hahanap na lang sila na murang matutuluyan ng limang araw nila sa Palawan .
Nakahanda na ang lahat ang lipad nila ay Sunday afternoon.na ka book na sila at ang balik nila ay Friday naman. Para naka relax na sila sa pag pasok nila sa susunod na Monday. Excited na sila sa nalalapit nilang bakasyon. Pero Saturday night biglang nag kasakit ang ina ni Mhara. Isinugod sa hospital. Biglang tumaas ang presyon nito. Buti naagapan agad at hindi nauwi sa stroke. Pero ayaw iwanan ni Mhara ang kanyang ina. Hindi na rin sana siya tutuloy sa nalalapit nilang bakasyon pero ayaw pumayag ni Mhara na pati siya hindi lalakad. Kahit man lang siya makarating sa pinapangarap nilang lugar. Hindi naman nila puedeng I cancel na at hindi din nila puedeng gawing cash ang premyo nila. Kaya napilitan si Elizabeth na lumakad mag isa. Hindi naman siya lang ang taong nag babakasyon mag isa. Bahala na nasa hustong gulang na rin siya.
Kaya naman kinaumagahan maaga siyang nag punta sa domestic airport para sa kanyang pag babakasyon. Nabawasan na ang kanyang saya. Iba siempre yong kasama niya ang kanyang matalik na kaibigan sa pag babakasyon. Habang nakaupo siya at nag hihintay ng kaniyang pag departure. Napansin niya isang may edad ng babae na nakikiusap na kung puede na makasakay siya ngayon sa aalis na flight kailangan lang niyang makabalik agad sa Palawan . Ang sagot ng teller sa kanya tignan po natin kung may mag cancel kasi puno na ang eroplano. Maawa awa si Elizabeth sa ale. Parang mayroon itong emergency kaya gustog gusto nitong makasakay na sa eroplano. Hindi nag dalawang isip si Elizabeth na lapitan ito at inialok ang isang pa niyang ticket na parasana kayMhara.
Laking papasalamat nito at sabi hulog ka ng langit sa akin. Ikaw ang anghel na pinadala para sa akin. Isang ngiti lang ang tugon ni Elizabeth. Nag pakilala siya dito at ganoon din. Tawagin mo na lang ako na Lily. O kaya mommy Lilyi ang tawag sa akin ng aking nag iisang anak. Sige po mommy Lily. Kaya naman silang dalawa ang mag katabi sa eroplano. Dahil unang pag sakay sa eroplano noong papataas na halatang namutla siya at halatang takot siya. Kaya naman hinawakan ni mommy Lily ang kanyang mga kamay at sinabi 1st time mo ano? Opo napalalunan ko lang po ang ticket sana kasama ko ang bestfriend ko kaso nag karoon siya ng emergency kaya ako na lang po ang tumuloy. Saan ka nga pala tutuloy sa Palawan para madalaw naman kita para sa pasasalamat sa pag sagip mo sa akin. Wala po yon sayang din naman po yong ticket ala naman gagamit.
Pag dating po sa Palawan mag hahanap ako ng matutuluyang hotel o cottage na ma aarkila ko ng 5days habang nasa Palawan po ako. Ibig mong sabihin hindi ka naka book kahit saan. Anu akala mo parang Maynila na madaling humanap na hotel na matutuluyan doon. Ang lakas ng loob mong lumipad na alang pupuntahan .hindi ka ba natatakot na mag isa.medyo po natatakot kung ala akong Makita di sakay na lang uli ako sa airplane pabalik. Mag stay na lang po ako sa airport .atleast po nakarating ako sa Palawan . Kahit sandali mag iikot ikot pag ala talaga babalik na lang po ako sa Maynila. Malakas loob ko kasi dapat kasama ko ang bestfriend ko pero ngayon mag isa na lang ako kaya medyo takot po ako.
Kung gusto mo sa akin ka na lang tumuloy kung mag titiwala ka sa isang estranghero na ngayon mo lang na meet. Pero huwag kang mag alala mabait naman ako at iginagalang ng nakakarami.tumanaw si Elizabeth sa mukha ng mommy Lily at parang binabasa nito sa kanyang mukha ang pag katao nito. At sabay ngiti na sa unang kita ko pa lang sa inyo na isa kayong kagalang galang at pag kakatiwalaan. Kaya nga po inalok ko sa inyo ang ticket ng kaibigan ko. Isang ngiti ang isinagot ni mommy Lily kay Elizabeth . Ineng huwag kang mag titiwala agad agad sa tao sa una mo palang kita. Pasalamat ka at totoong mabait ako at mapag kakatiwalaan. Marami mapag samantalang tao ngayon sa panahon ito. Ewan ko bakit magaang kaagad ang pakiramdam ko sa inyo sa unang kita palang hindi naman po ako ganito na kaagad nag titiwala sa mga estranghero sa akin. Lalu na sa estrangherong lugar para sa akin.
Kaya naman sa pag baba nila ng airplane sabay na sila at ang service ni mommy Lily ay nag iintay na sa parking lot. Hindi akalain ni Elizabeth isang magarang kotse ang nag hihintay sa kanila. At naka uniform pa ang driver nito. Habang tumatakbo ang sasakyan panay turo ni mommy Lily sa magagandang tanawin. Akala mo isa siyang tourist guide. Hanggang ang tinatahak nila ay parang isang plantation ng mga pina , saging at iba’t ibang gulay. Sa tantiya ni Elizabeth isang hacienda ang pinapasok nila. Hindi siya nag kamali isang haciendera pala si mommy Lily. Totoo palang iginagalang siya sa kanilang lugar kasi siya ang nag mamay ari ng napakalawak na taninam na kanilang nadaanan kanina. Parang nanliliit si Elizabeth sa kanyang sarili. Kung titignan mo nga naman si mommy Lily sa kanyang kasuutan akala mo lang na isa siyang principal sa isang school.kapita pitagan. Iyon pala isa itong donya at ubod ng yaman.
Alam mo Elizabeth magugulat ang asawa ko kasi 1st time kong mag sama ng ibang tao dito. Napaka suerte ko naman po. At pinag katiwalaan ninyo ako na isama dito sa bahay ninyo. Medyo malayo lang ito sa kabayanan sa mg tourist spot na gusto mong puntahan. Pero bukas pasasamahan kita sa driver ko para malibot mo ang magagandang tanawin dito. Huwag na po masyado naman malaking abala ako sa inyo. Sapat na yong pinatuloy ninyo ako dito at hindi na ako mamoblema sa titirhan ko ng 5days pero kung mayroon po akong Makita bukas na matutuluyan lilipat na lang po ako. Nakakahiya po kasi na maiistorbo ko ang katahimikan ninyo. Iyon nga ang gusto ko kasi masyadong tahimik ang bahay na ito. Minsan nakakabingi ang katahimikan. Kaya madalas lumuwas ako ng maynila kasi doon alang nakakakilala sa akin kung ano ako dito. Hindi tulad dito daming mata naka tingin sa akin pag lumalabas.
Anu ang mang yayari kay Elizabeth sa kanyang pag babakasyon sa Palawan ? Anu ang gagampanan ni mommy Lily sa buhay niya? Mag babago ba ang kanyang buhay ?ABANGAN!! copyright by Rhea Hernandez July, 23,2012*****
No comments:
Post a Comment