LOVE STORY “ELIZABETH” chapter 4
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
Natuklasan ni mommy Lily na mayroon pag tingin ang kanyang anak sa bago niyang kakilala na si Elizabeth . Ang akala niya mahihirapan siyang kumbinsihin ang anak na ligawan ito. Sa unang pag kikita palang gusto na niya si Elizabeth . Kaya nga sa bahay niya ito pinatuloy habang nag babakasyon. Sa nakikita niya sa unang pag kikita palang noong dalawa ang mayroon na silang nararamdaman sa isa’t isa. Pero kilala niya ang kanyang anak na hindi ito naniniwala sa ganoong pag ibig. Paano daw iibigin ang isang tao o mamahalin mo ito ng hindi mo pa kilala ang kanyang pag katao. Ni hindi mo pa alam kung ano pamilya mayroon sila. Kailangan kilala mo na ng lubusan ang taong iyong mamahalin kasi di lang isang araw mo ito pakikisamahan kundi habang buhay.
Alam ni mommy Lily na hindi basta basta mag papahayag ng pag mamahal ito sa isang babae na gusto lang niya. Gusto nito kilalanin niyang mabuti kung karapat dapat na pag ukulan ng panahon at pag mamahal. Kay tagal na niyang pinag tutulakan ito na mag asawa na. hindi na kasi ito bata gusto niya na Makita ang pag laki ng kanyang magiging apo. Pero kahit anong tulak ang gawin niya at kay dami na rin babae ang naipakilala niya. Pero ni isa walang pumasa sa pamantayan niya. Kaya natatakot din siya ngayon na baka si Elizabeth ay hindi pumasa sa kanyang pamantayan sa babae. Alam ni mommy Lily na isang dahilan kaya niya inanniyahan ito na doon na sa kanila mag stay gusto niyang ipakilala sa kanyang anak. Alam niya magugustuhan ito ng anak niya. Magandang bata itong si Elizabeth at mayroon magandang ugali. Alam niya nababakas niya ito sa pag katao niya. Kahit sa unang kita pa lang niya alam niya na maganda ang naging pag papalaki ng kanyang mga magulang sa kanya.
Kaya noong bumangon na sila Anthony at Elizabeth nag dahilan si mommy Lily na masama ang pakiramdam niya kaya di niya masasamahan si Elizabeth sa pag lilibot kaya kung maaari si Anthony na muna ang sumama dito upang Makita niya ang kagandahan ng kanilang lugar. Maigsi lang naman ang kanyang panahon ng kanyang bakasyon 2days na lang ang natitira sa kanya at babalik na ito sa Maynila. Kailangan na mag kalapit ng husto ang dalawa bago matapos ang pag babakasyon nito sa kanila. Sinabi niya kay Anthony kung saan na niya nadala si Elizabeth para dina sila pumunta doon. Sige mag handa na kayo para marami kayong mapuntahan. Nilingon ni Anthony si Elizabeth at sabi mag dala ka ng pampaligo punta tayo sa island na dinadayo ng mga tourista. Noong pumasok si Elizabeth sa kanyang room nag iisip siya anong pampaligo ang dadalhin niya wala naman siyang bathing suit. Noong maligo sila ni mommy Lily naka short siya at naka t shirt. Bahala na kaya pack niya ay isang short at t shirt bahala na. wala siyang pera para bumili ng bathing suit. Hindi niya uubusin ang pera niya na ilang araw lang niyang gagamitin.
Kahit sa puso niya alam ni Elizabeth na may gusto siya dito pero hindi niya pinapansin kahit ano gawin niyang isip hindi puede. Langit at lupa ang kanilang pagitan. Kahit kailan hindi magkakalapit ang dalawang ito. Lagi na lang titingalain ng lupa ang langit. At ang langit lagi lang niyang tutunghayan ito. Kaya pilit na sinisikil ni Elizabeth ang kanyang nararamdaman. Total malapit na siyang umuwi at hindi na muli silang mag kikita. Ramdam din niya na mayroon ibang pag tingin sa kanya si Anthony ramdam niya na ingat na ingat din ito sa mga ikinikilos.
Kahit ano gawin nilang dalawa hindi nila mapigilan ang kanilang mga puso. Tuwing nag kakadikit ang kanilang mga balat akala mo sila nakukuryente. Habang naliligo sila sa dagat nawala ang mga alalahanin sa kanilang isipan. Nadala sila ng magandang tanawin at kapaligiran. Dahil ang mga nararamdaman nila ay iisa at mag katugon hindi sila nahirapan para mag kaintindihan. Ang kanilang mga puso ang nag uusap. Kaya lumilipas ang mga oras na hindi nila namamalayan. Hindi kabagot bagot sa kanila ang mga oras. Ang mag habulan sa buhangin at mag kaminsan sabay silang gumugulong na mag kayakap ng hindi nila sinasadya. Mag laro sa tubig para silang mga bata na walang sawa sa pag tatampisaw sa tubig. Noong umahon sila sa tubig pagod na pagod sila at nagugutom.
Nag bihis na sila ang nag aya si Anthony na kumain sila. Sa isang class na restaurant sila kumain sa gilid ng beach. Napaka gentleman ni Anthony sa kauna unahang pag kakataon na feel ni Elizabeth na para siyang isang princesa kung ituring. Pakiramdam niya ingat na ingat ito sa kanya. Ani na lang subuan na siya sa kanyang pag kain. Kung mayroong ibang tao na makakakita sa kanila ang iisipin mag kasintahan sila. Kahit wala silang relasyon pero ang kanilang mga puso ay nag kakaintindihan. Yon nga lang ayaw aminin ng kanilang mga isipan. Si Elizabeth hindi siya naniniwala sa mala fairytales na pag ibig. At si Anthony naman hindi siya naniniwala sa sa instant na pag ibig. Kaya ayaw nilang paniwalaan na pag ibig ang kanilang nararamdaman ngayon. Ang sa isipan nila nababaitan lang sila sa isa’t isa. Dahil mag kasundo sila sa maraming bagay. Kaya maganda ang chemistry nilang dalawa. Hindi pa rin sila naniniwala na pag ibig ang namamagitan sa kanila.
Kay daling lumipas ang mga oras at araw. Hindi nila namalayan tapos na pala ang limang araw na bakasyon ni Elizabeth kailangan na niyang bumalik sa Maynila kinabukasan. Gusto pa niyang mag stay ng matagal pero kailangan na niyang bumalik sa kanyang trabaho. At mag tataka ang kanyang mga magulang pag di siya bumalik sa takdang oras. Hindi nga nila alam na lumakad siyang mag isa. Ang alam ng mga ito kasama niya si Mhara sa pag babakasyon. Sigurado siyang makakagalitan pag nalaman na mag isa siyang pumalaot sa isang lugar na stranghero siya. Buti na lang at mayroon siyang nakilala na katulad ni mommy Lily. Anu kaya ang nagging kapalaran niya kung hindi niya inalok ang ticket noong kay mommy Lily. Makikilala din kaya niya si Anthony.
Huling gabi na niya sa bahay nila Anthony. Parang kay bigay ng kanyang kalooban na lisanin ito. Ayaw niyang iwan si Anthony parang gusto na niyang aminin na pag ibig ang namamagitan sa kanila. Pero anu pa ang saysay nito kung aaminin niya ang kanyang nararamdaman kung mag kakahiwalay na sila. Mainam na yong hindi niya alam ang tunay kong saloobin. Ang bulong ni Elizabeth sa kanyang sarili. Saka baka mali din ang pakiramdam niya dito. Baka isipin niya na assuming lang siya. Kasi sa pakiramdam niya may gusto din sa kanya si Anthony ayaw lang aminin sa kanya ang nararamdaman. Kesa naman siya pang babae ang mag tapat ng pag ibig. Siguro tatanda siyang dalaga kung siya ang manliligaw sa lalaki. Di bale na lang mas mabuti pang sikilin niya ang kanyang nararamdaman kesa ibaba niya ang kanyang pag kababae. Kaya minsan naibulong niya sana lalaki na lang siya para may laya siyang ihayag kung ano ang laman ng kanyang puso. Bakit ang lalaki lang ang may karapatang manligaw? Bakit masagwa pag ang babae ang manligaw. Nakakababa ng moral.
Tulad ng unang gabi niya sa bahay na ito hindi siya makatulog. Noong una namamahay siya ngayon naman hindi siya makatulog sa isiping iiwan niya ang puso niya dito. Minsan pa lang nakaramdam ng pag ibig ang puso niya hindi pa mag kakaroon ng katuparan. Napakailap ng antok pabiling biling siya sa kanyang higaan. Kaya naman bumangon siya at balak mag pahangin sa hardin. Hindi niya akalain nandoon din pala si Anthony nakaupo sa gilid ng mga halaman at parang ang lalim ng kanyang iniisip. Tatalikod na sana siya ayaw niyang abalahin ang pag iisa nito. Pero sa pag hakbang niya papalayo biglang nag salita ito. Bakit ka aalis agad? Di ba kaya ka pumunta dito gusto mong makasagap ng sariwang hangin? Bakit di ka pa nag tatagal aalis kana? Dahil ba nakita mo ako nag papahangin din? Hindi ka rin ba makatulog tulad ko? Oo masyado kasing maalinsangan kaya siguro di ako dalawin ng antok. Ang tugon ni Elizabeth .
Sandaling namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa. Wala sino man ang gustong mag umpisa ng usapan. Hanggang hindi makatiis si Anthony sa nakakabingin katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Huling gabi mo na pala ngayon? Anong oras ang alis mo. Bago mag alas dose ang alis ko. Siguro mga alas nuebe aalis na ako papunta airport. Maaga pala ang alis mo di dapat matulog kana para di ka mapuyat bibiyahe ka pa bukas. Oo nga kaya lang ayaw akong dalawin ng antok. Kaya naisipan kong bumaba baka sakali antukin ako pag nakalanghap ng sariwang hangin. Hindi napala kita muling makikita. Puede ba kitang dalawin sa Maynila pag nagawi ako doon. Isang banayad na tango ang itinugon ni Elizabeth. Ok lang puede iwanan mo ang kontak number mo at address para kung saka sakali mag karoon ako ng time ay dalawin kita sa inyo.
Ibig kiligin ni Elizabeth noong sabihin nito na dadalawin siya sa kanila. Pero di naman sinabi kung kailan. At hindi naman sinabi na talaga siya ang sasadyain nito. Kung sakali lang na magawi siya sa Maynila baka dalawin lang siya para kamustahin. Kahit papaano nag karoon ng pag asa si Elizabeth na hindi ito ang kanilang huling pag kikita.mayroon pang kaunting change na baka ligawan at mag tapat ito ng pag mamahal sa kanya. Sa kanyang pag muni muli nagulat pa siya ng kalabitin ni Anthony. Ok ka lang ba bigla kang natahimik dyan.ok lang ako. Siguro medyo inaantok kana kaya natatahimik ka. Medyo, babalik na lang ako sa room ko at baka makatulog na ako sa pag higa ko. Tatalikod na sana si Elizabeth ng hawakan nito ang isa niyang kamay sabay kabig.
Halos magkadikit na ang buo nilang katawan sa higpit ng pag kakayakap ni Anthony. Pinag mamasdan nito ang maamong mukha ni Elizabeth. Parang mayroong magneto sa kanilang mga labi unti unting nag lalapit ng di nila namamalayan. Nag abot ang kanilang mga labi nilasap nila ang tamis ng unang halik. Parang naparalisa ang buong katawan ni Elizabeth ng subukan siyang hagkan ni Anthony. Hindi niya akalain na bigla siyang hahalikan nito. Halos hinahabol nila kapwa ang kanilang hiningan noong bitawan ni Anthony ang kanyang mga labi. Panay hingi ng despensa nito hindi daw niya napigilan ang kanyang sarili. Nalulungkot siya at mag kakahiwalay na sila na hindi niya nasasabi ang kanyang nararamdaman.
Hindi niya maintindihan kung bakit nasasaktan siya ngayon papaalis kana. Kung puede huwag kanang umalis dito ka na lang. alam kong kahit ano ang gawin ko hindi ko mapipigilan ang pag lisan mo. Mahal na yata kita ito ang binubulong ng puso ko. Pero sabi ng isip ko napaka aga para malaman ko na pag ibig itong aking nararamdaman. Pero habang iniisip ko ang ganoon lalung nahihirapan ako na iwaksi ka sa aking isipan. Hindi ko alam kung kakayanin ko na malayo sa iyo. Hindi ko alam kung mayroon katugon ang nadarama kong pag ibig sa iyo. Hindi namalayan ni Elizabeth na tumutulo napala ang kanyang mga luha. Hindi luha ng kalungkutan kundi kaligayahan. Parang nalulunod ang kanyang puso sa tuwa. Ang buo niyang akala siya lang ang umiibig sa lalaking ito. Bakit ka lumuluha galit ka ba sa ginawa kong pag halik sa iyo. Sana patawarin mo ako sa aking kapangahasan. Hindi ko lang napigilan ang aking damdamin.
Muling yumakap si Elizabeth kay Anthony ang ibinulong niya ang kanyang kasagutan. Alam ko napaka igsi pa ng ating pag kikilala at pag sasama pero ewan ko ba itong puso ko nag huhumiyaw ayaw tumigil sa pag kalabog pag ikaw nasisilayan. Ang puso ko ang nag didikta na mahal ka na rin nito. Bago natapos ang maigsi niyang bakasyon natagpuan niya ang kanyang pag ibig na kay tagal niyang hinanap. Sinabi niya noon mag mamahal lang siya sa lalaking mag papakabog ng kanyang dibdib. At ganoon nga ang nagyari. Si Anthony ang nag papakabog ng kanyang dibdib kahit pigilan ng kanyang isipan hindi niya mapahinto. Tama siya ang pag ibig kahit hindi mo hanapin kusa itong dumadating sa panahong hindi mo inaasahan.
Kaya naman bago natapos ang gabing iyon nag kaunawaan na ang dalawang puso na sa unang pag kikita palang ang nag mahalan na ng hindi nila nababatid. Kusang sumungaw ang mga puso nila at ito ang nag uusap sa kanilang narararamdaman. Sa kauna unahang pag kakataon naramdaman ni Elizabeth ang kakaibang ligaya dulot ng kanilang pag mamahalan. Kay igsi ng mag damag para ipadama ang tunay nilang nararamdaman. Kahit ubod nila ng ligaya dahil sa mga sandaling yaon alam na nila na sila nag mamahalan. Pero hindi nila maiwasan ang malungkot dahil ilang oras na lang muli silang mag kakahiwalay. Babalik na si Elizabeth sa Maynila. Parang ayaw na nilang matapos ang magdamag. Ayaw na nilang matapos ang mga bawat sandali.
At muli inabot sila ng pag sikat ng araw sa hardin. Hindi na sila natulog sinulit nila ang mga natitirang oras nsa mag kakasama sila. Kinakabahan si Elizabeth baka magalit si mommy Lily pag natuklasan nito na sila na ng kanyang nag iisang anak. Baka isipin niya na masyado siyang nag samantala sa kabaitan nito. At pati anak niya ay kanang inakit. Natatakot siya baka ayawan siya nito para sa kanyang anak. Alam niya na isang kahit isang tuka lang ang buo niyang pamilya. Masyadong alangan sa estado ng kanilang pamumuhay. Pero para kay Anthony wala siyang pakialam kung mahirap man ang pamilya niya ang mahalaga sa kanya kung sino ang itinitibok ng kanyang puso. Hindi nila alam malulubos ang kaligayahan ni mommy Lily sa kanilang ibabalita.
Anu na ang kakahantungan ng pag iibigan nila Anthony at Elizabeth ngayon uuwi na sa Maynila si Elizabeth ? Maging matatag kaya ang pag mamahalan nila kung long distance ? anu ang gagawin nila para mag kalapit sila dalawa? ABANGAN!! Copyright by Rhea Hernandez 7/26/12
No comments:
Post a Comment