Tuesday, November 19, 2013

BIKTIMA "YOLANDA"

BIKTIMA "YOLANDA"
ni rhea hernandez
pinoy poem
www.tulawento.blogspot.com

Kaunting tulong malaking bagay
Sa mga nasalanta syang ibigay
Taos pusong inyong inaalay
kapit bisig sa inyong pag damay

at pag iyong silang pagmamasdan
sa pasakit na kanilang pasan
puso mawawasak ng tuluyan
sinapit bigay ng kalikasan

di mapigilan agos ng luha
kirot sa puso syang nadarama
noong nakita,sinapit nila
mga kahabag habag naulila

kay daming kaluluwang nanaghoy
mga tulong kanilang iniinta
maliit na pag asa syang taglay
hindi bibitiw habang mag buhay.....
11/18/13 rhea hernandez

Tuesday, November 12, 2013

YOLANDA


YOLANDA

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poem


 

Mga kababayang kong Pilipino

Sabay sabay nating isa puso

Ang dalangin makayanan ito

Mga pag subok dala nitong bagyo

 

Trahedya sa bansang Pilipinas

Lahat ng tao ay nagilalas

Ulan at hangin sadyang kay lakas

Mga puno,bahay, buhay nalagas

 

Puso’t damdamin puno ng sakit

Tuwing makikita ang hagupit

Bagyong Yolanda sadyang kay lupit

Kay saklap ng kanilang sinapit

 

Bigyan lakas ng loob Diyos ko

Pagkatapos malakas na bagyo

Muling makatayo sa natamo

Harapin ang bukas may pangako

Tuesday, October 8, 2013

IKAW ANG AKING TALA


IKAW ANG AKING TALA

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

ikaw ang tala nagbigay ng liwanag

sa gabing madilim walang maaninag

ikaw ang naging  gabay  tuwing kadiliman

pasakit nadama haplusin ng  sinag

 

ang iyong ganda sadyang kaakit akit

sa gabing tahimik ikaw ay kayrikit

ikaw liwanag sa madilim na langit

ang pusong busilak iyong inaakit

 

isip na tuliro di nag alinglangan

tala nagbigay buhay sa kadiliman

pawiin ang lumbay  pusod ng karimlan

huwag agawin  yaring kaligayahan

 

tumingin sa tala kung ibig sumaya

sa mga labi nangingiti’t natutuwa

ang alahanin ito lumiligaya

ang makapiling ka siyang nagpasaya

 

ibulong sa tala ang nararamdaman

madilim na buhay iyong tinanglawan

tala ng buhay bakit ikaw  lilisan

kailan muli  mayayakap  mahagkan

 

isang  maliwanag na tala sa langit

sa puso’t isipan hindi ka mawaglit

kahit itong mata ay aking ipikit

kislap iyong ningning dito nakadikit

 

kay bilis dumating syang bilis lumisan

bakit pagsuyong wagas ‘yong tinakasan

wagas napagsinta di pahalagahan

pangarap gustong abutin mahawakan

 

talang marikit puso iyong damhin

ang damdaming uhaw ay iyong alipin

pag suyong wagas sana iyong angkinin

lumayo ng tuluyan ang paninimdim

 

tala sa magdamag  ikaw ay lumisan

muli  sisikat ang araw sa silangan

para sa bagong bukas at kapalaran

tunay na saya makamit ng tuluyan

ni Rhea Hernandez 10/8/2013

ISANG MUKHA NG PAG IBIG


 ISANG  MUKHA NG PAG IBIG

 

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

Wala pang muwang sa mundo mag katagpo

Sa bugso ng damdamin hindi matanto

Nag patangay sa matamis na pagsuyo

Agos ng pag ibig  sadyang balatkayo

 

Tanong  ano  ba ang mukha ng pag ibig

Sadya bang ito’y tunay na makamandag

 Nadarama hindi  maipaliwanag

Kahit ang kinabukasan mawiwindang

 

Buong pag katao nagulo nalito

Dahil sa maagang pagsuyo natamo

Kay ilap ng pangarap na paraiso

Pagmamahal ng bawat puso nagbago

 

 Puede lang ibalik ang nakaraan

Hindi hahayaan ang nararamdaman

Para hindi masaktan ang kalooban

Araw’t  gabi kaulayaw kalungkutan

 

Masayang  buhay napalitan ng lungkot

Ang tuwa at saya ngayon isang  kirot

Matamis na pagsuyo ito’y nawaglit

Pag daloy ng mga luha siyang pumalit

 

Kung maibabalik lang ang nakaraan

Hindi nakatanaw ngayon sa karimlan

Kadiliman kasama ang kalungkutan

Maagang pag ibig dulot kasawian

 

Paano ba madarama ang ligaya

Nalimutan naba ang maging Masaya

Bakit tinangay ng pighati ang tuwa

Kaulayaw sa tuwina ang pag luha

 

kailangan bang lingunin ang kahapon

para makamit ang ligaya sa ngayon

ito na ba ang tamang pagkakataon

mga kasawian sa buhay ay ibaon

ni Rhea Hernandez  10/7/2013

 

Sunday, October 6, 2013

KAHIT SA KABILANG BUHAY


KAHIT SA KABILANG BUHAY

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poem


 

Pag suyo sa iyo di man lang kumupas

Kahit naging masalimoot  ‘tong landas

Sa pag tahak nitong  pag ibig  na wagas

Sa mahabang panahong  nag pupumiglas

 

Pag suyo dumating na parang bangungot

Sa puso laging nang  may kasamang lungkot

buong pag katao pighati ang dulot

sa pag ibig na alay   sadyang naudlot

 

Sakaling mga landas muling pag tagpuin

Sana lang ang kahapon  alalahanin

Doon muli kang angkinin mamahalin

Sa poong maykapal syang idadalangin

 

Di tulad ng panaginip nag lalaho

Hindi man tumimo sa isip at puso

Sa kabilang buhay tayoy mag tatagpo

Hindi na muling tayong  mag kakalayo

 

Kailan mag sasalubong ating landas

Kung kailan tayo’y wala ng mga lakas

Ilang dekada naba  ang pinalipas

Kahit itong pag ibig tunay at wagas

 

Kung pag tatagpuin pa rin ang tadhana

Sanay dina muling itong mawawala

Sa  puso hindi nawalan ng pag asa

Na muling mag kakasama sa ligaya

 

Pag suyo natin pinanday ng panahon

Kahit pinaglayo ng  pag kakataon

Muling  natin dudugtungan ang kahapon

Ibayong saya kung  magkakaganoon

 

Hihintayin ka sa pangalawang buhay

Di mag hihiwalay laging hawak kamay

Mag kasama’t sabay tayong mag lalakbay

Hirap at pasakit itoy walang saysay

 

Bubuo tayo ng bagong kasaysayan

Ang katiwasayan ating panindigan

Sa kabilang buhay ating pagsaluhan

Noon hindi nabigyan ng katuparan

Rheahernandez 10/6/2013

Tuesday, June 18, 2013

LOVE STORY "KHATIE"


LOVE STORY “KHATIE”

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


              kaya aga umibig sa edad  desi siete nag asawa. Akala niya basta gusto mo mahal mo na. dahil bata pa basta guapo at gusto puede ng mag pakasal. Walang pakialam sa kahahantungan. Buong akala mabubuhay na sila sa kanilang pag mamahalan. Kahit anong pigil ng kanyang mga magulang sumigi pa rin siya. Nag tanan sila dahil mahal daw nila ang isa’t isa. Ganoon na lang ang galit ng kanyang ina’t ama. Pero wala din silang nagawa kundi ipakasal sila ni  Lowie. Sabi ng kanyang ina pinasok mo yan pangatawanan mo. Pero hindi naming hahayaan na mag sama kayo ng walang basbas sa simbahan. Mag sama kayo ng legal na mag asawa. Ito ang salitang binitawan ng kanyang mga magulang. Khatie sa umpisa palang alam mo na ang pinasok mo ay di birong relasyon. Kaya pangatawanan mo ito kahit anong mangyari. Ang paalala ng kanyang ina . Huwag kayong mag alala mahal na mahal ko si Lowie. Siya ang buhay ko ngayon. Ayy naku  Khatie sana ganyan pa rin ang isagot mo sa akin pag dumating ang mga pagsubok sa ngalang ng mag asawa. Isang kibit  balikat na lang ang tugon ni Khatie sa mga litanya  ng kanyang ina.

               Anong saya ni Khatie nasunod ang gusto niya. Ang buo niyang akala mahal na mahal siya ni Lowie. At ganoon din siya parang hindi siya mabubuhay ng malayo kay Lowie. Maling mali ang kanyang ina na ang sabi pag sisihan niya ang maagang pag aasawa. Pero eto siya ngayon ang saya saya nila ni Lowie. Bawat sandali tigib ng saya at tuwa. Ilang buwan ba silang ganoon sabi nga ng nanay niya ang sweet ninyo baka kayo langgamin . pero di nag laon dinala ni Khatie ang kanilang unang supling. Noong malaman na buntis siya anong tuwa ni Lowie. Totoo ba Khatie magiging tatay na ako? Ang kulit mo talaga ano ilang beses ko bang sasabihin ko sa iyo ?  Sabay yakap kay Lowie. Palalakihin natin ang ating anak ng busog sa pag mamahal tulad natin. Papatunayan natin sa kanila na mali lahat ang kanilang mga sinabi sa atin. Sana kasing  ganda mo ang magiging anak natin pag babae at kasing guapo mo naman pag lalaki ang dugtong ni Khatie sa sinabi ni Lowie. Makikita mo ang sweet ng pag sasama ng dalawa sa mga sandaling yaon.

               Habang lumalaki ang kanyang tiyan unti unting nag bago si Lowie. Wala na ang maganda niyang korte. Ang laki laki ng kanyang tiyan. Madalas tamad pa siyang maligo at mag suklay ng buhok. Ewan ba niya bakit siya ganito. Malaki na ang tiyan niya noon lang siya nag lilihi yata. Noong mga unang buwan naman ng kanyang pag bubuntis pinag tatanong niya paano ba ang mag lihi. Pero ngayon eto siya kung kailan malaki na ang tiyan saka siya nag lilihi. Na siyang ikinawalang gana ni Lowie sa kanya. Mag ayos ayos kanga ang losyang losyang mo na. nakakakita naman ako ng buntis di naman tulad mo. Ano naman ang magagawa ko para akong mag kakasakit tuwing na babasa ako ng tubig. Ayy naku Khatie daig  mo pa ang pusa di naliligo. Hindi ka na nga naliligo di ka pa rin man lang mag suklay. Nakikita mo pa ba ang sarili mo sa salamin. Wala na yong Khatie na minahal ko noon. Nakakawalang gana ka namang tignan. Di huwag mong tignan. Ang sagot ni Khatie kay Lowie. Sabay tulo ng kanyang mga luha noong tumalikod na si Lowie. Noong lumaon madalas na silang mag away ni Lowie. Na siya naman niyang dinamdam ng husto.

               Natutong bumarkada si Lowie at uminom. Hindi na yata sanay umuwi ng bahay ng di lasing. At si Khatie hindi na rin niyang mapigilan ang mag bunganga. Pumapasok palang sa pintuan si Lowie sinasalubong na niya ito ng mura. Hoy! Lalaki buti alam mo pa ang daan papauwi dito sa atin? Hayaan mo kakalimutan ko na rin ang umuwi ang reply naman ni Lowie. Pag tulad mo naman ang uuwian ko ayy naku buti pa nga dina lang ako umuwi. Daig  pa armilite yang bunganga mo kung umarangkada nakakatulig. Sakit sa tainga. Walang araw na yata na di sila nag aaway na mag asawa. Araw at gabi ang pag tulo ng luha ang lagi niyang kaulayaw. Ngayon niya naiisip ang sinabi ng kanyang ina  na di biro ang buhay mag asawa. Lalu na kung hindi ka pa handa sa pag papamilya. Kahit mag sisi siya sa pag suway sa kanyang mga magulang wala na siyang magawa. Kundi pag tiisan ang pinili niyang buhay. Sabi nga ng kanyang ina ikaw ang gumusto niyan pag tiisan mo.

               Hanggang isilang niya ana una nilang anak. Kasabay ng mabalitaan niya na mayroon ibang babae si Lowie. Kay daling nakakita ito ng kanyang kapalit. Noong una hindi siya makapaniwala. Ang alam niya mahal siya nito. Hindi niya kayang ipag palit siya sa iba. Ngayon nanganak na siya babalik na ulit sa dati ang katawan niya at muli siyang mag aayos sa kanyang sarili. Tapos na ang kanyang pag lilihi. Pero bakit ganoon kay dali niyang makalimot sa kanilang pag mamahalan. Ganoon lang ba kababaw ang pag mamahal ni Lowie sa kanya. Ang buo niyang akala nag lilibang lang ito kasi di niya maibigay ang kanyang pangangailangan bilang lalaki. Sapagkat buntis siya sa kanilang anak.

               Dapat naunawaan ni Lowie ang kanyang situation. O sadya lang di siya tunay na mahal nito. Ang kanyang katawan lang ba ang ginusto nito. Ang kanyang kabataan at kagandahan. Noong pumangit na siya sa kanyang paningin kay dali siyang ikuha ng kapalit. Ilang balding luha ang inubos ni Khatie sa pag iyak dahil sa pag luluko ni Lowie. Hanggang tuluyan na silang iwanan nito. Hindi naba natin maaayos ang ating pag sasama ang tanong ni Khatie kay Lowie. Habang nag iimpake ng mga damit niya.patawarin mo ako Khatie hindi na ikaw ang itinitibok ng aking puso. Hindi na kita mahal siya na ang mahal ko ngayon. Daig pang sinalpal ng mag kabilang pisngi niya.  Nakisama na si Lowie sa bago niyang minamahal. Kaya naman napilitan bumalik sa kanyang mga magulang si Khatie. Humingi ng tawad sa kanyang mga magulang sa maaga niyang pag aasawa. Walang magawa ang kanyang mga magulang kundi muli siyang tanggapin kasama ang kanyang  anak.

               Problema niya kung paano niyang bubuhayin mag isa ang kanilang anak. Hindi naman puede yon habang buhay siyang umasa sa kanyang mga magulang. Nahihiya na siya na may asawa na siya sa kanila pa siya nakasandig.  Ang walang hiya niyang asawa ang may kasalan ng lahat ng ito. Dahil sa kanyang anak kaya kay aga naging matured si Khatie. Kinakailangan buhayin niyang mag isa ang kanilang anak. Kaya naman nag hanap siya ng mapapasukan. Anu nga ba ang mapapasukan ng isang high  school graduate lang. kung naging masunurin lang siyang anak di sin sana hanggang ngayon studyante pa siya sa isang kolehiyo. Kung hindi sana siya nag padala sa bugso ng damdamin di sin sana wala siyang ganitong kalaking problema. Kahit kailan wala sa una ang pag sisisi. Sino nga ba ang dapat sisihin kundi ang puso niyang kay agang umibig sa maling lalaki.

               Panay hanap ng mapapasukan wala siyang makita kahit ano. Kay hirap talagang mag hanap ng trabaho ngayon. Isang araw  nakita ni Khatie may kausap ang kanyang ina. Dati nilang kapitbahay pero ngayon lumipat na sa isang malaking bahay.  Kay tagal nitong nawala sa kanilang lugar yon pala namasukan DH sa Hongkong. At nabangit nito ang kaniyang amo nag hahanap pa ng isang DH kasi umalis na for good yong isa niyang kasamahan. Kaya naman kaagad  tinanong niya ito kung puede siya na lang ang kunin. Sanay ka bang mahirapan kakayanin mo bang maging isang kasambahay sa ibang bansa. Mukhang kay bata mo pa ineng ang sagot nito sa kanya.  Huwag po kayong mag alala kakayanin ko po alang alang sa aking anak. Lahat aking gagawin para lang mabigyan siya ng magandang kinabukasan. Ang matatas na sagot ni Khatie sa kaibigan ng kanyang ina.

                  Kilala naman ito ang kanyang ina kaya naman pumayag na siya na lang ang isama sa kanyang pag babalik sa Hongkong. Inayos niya ang kanyang mga papeles na kakailanganin para makapag trabaho siya sa Hongkong. Sadyang hindi madali ang pinasukan niyang trabaho. Pero kinakaya niya. Sa tulong ng kaibigan ng kanyang ina. Iniwan niya ang kanyang anak sa pag aaruga ng kanyang mga magulang.  Unang mga araw , buwan parang hindi niya kakayanin ang inip niya sa kanyang anak. Hirap na ang katawan mo sa trabaho. Hirap pa ang isip mo sa kakaisip sa iniwan niyang anak . homesick ang pinakamahigpit niyang kalaban sa mga sandaling yaon. Wala siyang dalangin sana malampasan niya kung ano ang kanyang nadaramang sakit at pag kainip sa anak at mag magulang niya.

               Kay tuling lumipas  ng mga araw at buwan. Ang kontrata niyang 2years natapos din. Mayroon siyang isang buwang bakasyon with pay kaya naman sinamantala niya ito upang Makita niya ang bugtong na anak. Mag tatatlong taon na ito ngayon. Kilala pa kaya siya ng kanyang anak. Alam niya hinuhubog sa magandang asal ng kanyang ina ang kanyang anak. Hindi siya nag tataka noong umuwi siya kilala siya ng kanyang anak. Halos hindi ito bumibitiw sa kanya noong  dumating siya. Sabik na sabik siya sa baby niya. Na halos sanggol pa lang noong kanyang iwan ito ngayon malapit na itong mag aral. Kaya kakailanganin niyang muling lumayo para sa magandang kinabukasan nito. Sa murang isipan ng anak itinanim niya na kailangan niyang lumayo para sa kinabukasan nito. Anak huwag ka sanang magagalit sa akin kung di man kita naaalagaan ng personal. Sa murang edad ng kanyang anak akala mo naiintindihan ang kanyang sinasabi. Mag papakabait ka sa lola mo pag wala ako. Huwag mo siyang bibigyan ng sakit ng ulo tulad ng ginawa ko sa kanya noon.  Sana  sa pag laki mo huwag mong tutularan ang ginawa ko. Sana maging iba ang kapalaran mo kaysa akin. Dahil bata pa ito hindi naiintindihan ang mga sinasabi niya pero parang may isip ang kanyang anak nakatingin sa kanyang mag mata at parang naiintindihan ang kanyang mga tinuran.

               Lumipas ang maraming taon . Dahil matagal na siya sa Hongkong nagagawa na niyang umuwi at dalawin ang kanyang anak kada anim na buwan. Umuuwi lang siya pag di peak season para mura lang ang kanyang pamasahe. Naiintindihan naman ng kanyang anak kung bakit di siya umuuwi pag may okasyon tulad ng pasko , bagong taon at iba pa. pero kung may emergency nakakauwi siya. Tulad noong nag kasakit ang kanyang ama. Malapit lang naman kahit ilang araw lang siya umuwi ginagawa niya. Kay tulin ng mga taon hindi niya lubos maisip na  mayroon na siyang anak na gragraduate sa college. Ang pangarap na hindi niya natupad ang kanyang anak ang tumupad nito. Isipin mag 20 na pala sa susunod na birthday ang kanyang dalaga. Ibig sabihin mag 37 na siya sa susunod niyang birthday. Tuwing makikita niya ang kanyang anak hindi siya nag sisi kung bakit siya na in love ng maaga.  Kung maraming kasawian siyang natikman sa pag aasawa pero pag nayayakap at nakikita niya masaya ang kanyang dalagang anak nawawala lahat ng pagod at lungkot sa puso niya.

               Minsan pinag tutulakan na siya ng kanyang anak na mag asawa ulit. Baka sa second time around matagpuan na niya ang Gloria. Mama , ngayon mag tatapos na ako sa aking pag aaral puede ka ng mag hanap ng bagong mamahalin. Huwag mong sayangin ang iyong kabataan. Sapat na yong mga sakripisyo mo ginawa para mapag aral ako. Anak ikaw ang aking kaligayahan. Ano pa ba ang hahanapin ko. Kahit hindi kita nasubaybayan sa iyong pag laki  eto ka isang matino at mapag mahal na anak. At tinupad mo ang aking pangarap na makapag tapos ka ng pag aaral na di nag aasawa. Isang malutong na tawa ang pinakawalan ng kanyang anak. Kasi mama hindi ko pa nakikita ang lalaking aking mamahalin. Ipangako mo mama muli kang mag mamahal . Pag dumating ang tamang panahon at tamang lalaki  muli akong mag aasawa ang lagi niyang sagot sa anak. Saan nga ba siya makakakita ng lalaking mag mamahal sa kanya kung wala naman siyang time para sa kanyang sarili. Subsob ang kanyang ulo sa trabaho para mabigyan niya ng magandang kinabukasan ang nag iisa niyang anak. Pero ang lalaking mag mamahal pala sa iyo ay hindi hinahanap . kundi kusa itong lumalapit sa iyo.

               Minsan sa kanyang pag uwi mayroon siyang nakasakay na isang African American noong una di niya pinapansin ito. Pero panay tingin sa kanya. Hanggang hindi na rin makatiis itinanong ang kanyang pangalan. Kahit dugo ilong sa pag English wala paki si Khatie. Masarap kausap ito may sense of humor ika nga. 1st time lang daw niya dito sa Pilipinas kaya  samahan niyang mamasyal bilang isang tourist guide. Babayaran naman daw siya kada lakad. Ayaw lang niyang masayang ang kanyang pag babakasyon. Total isang buwan lang naman siya dito at kailangan na uli siyang bumalik sa America. Sabi ni Khatie tamang tama lang sa kanyang bakasyon.  Makakalibot siya ng libre may bayad pa. kaya naman bago sila mag hiwalay nag palitan sila ng mga phone number at email .

                Ang buong akala ni Khatie nag bibiro lang ito. Kaya naman hindi niya binigyan ng panahon. Pero kinabukasan mayroon tumatawag sa cell phone niya  laking gulat niya si Steve ang African American nakilala niya sa airplane. Gusto daw nito pumunta sa Boracay puede daw ba siya. Hindi pa niyang kilala ito sasamahan na niya agad sa Boracay  kaya naman nag isip siya paano malulusutan. Kaya sabi niya balak niyang ipasyal ang kanyang anak at ina kaya di siya puede. Pero ang sabi bakit di mo na lang sila isama sa Boracay para mas masaya tayo. Walang problema sagot ko lahat ang gastos ang sabi ni Steve. Wow galante ang negrong ito ang bulong ni Khatie. Hindi masama sumama kasama naman niya ang anak niya at ina. Halos one week sila doon isinulit nila ang bakasyon libre .

                 Habang nag babakasyon sila panay tukso sa kanya ng kanyang ina at anak. Halata daw na may gusto sa kanya ang kanong itim na kasama nila. Mukha naman daw matino may sariling construction company. At hindi naman nag kakalayo ang kanilang edad. 45 years old palang ito  tapos siya 37 tamang tama lang daw sabi ng kanyang ina. At mag kakaroon pa siya ng pag kakataong makapunta sa America. At puede din niyang kunin ang kanyang anak para sa magandang kinabukasan. Sa mga tinuran ng kanyang ina napapaisip siya. Paano kung sadya lang mabait si Steve at wala namang talagang gusto sa kanya ito. At saka natatakot siyang mag mahal ulit. At isa pa legal ang kasal niya kay Lowie papaano siya mag aasawa kung saka sakali. Anak sana mo na problemahin ang dati mong katayuan . magagawan ng paraan ang mga iyon may annulment naman dito sa atin. Kung talagang mamahalin ka ni Steve gagastusan niya ang annulment mo. Yon nga ang tanong doon mahal kong ina. Kung mahal nga ba ako ng itim na ito. Sabay nag tawanan ang mag iina. Oo pala siguraduhin mo muna na mahal ka niya bago tayo mag isip ng kung ano ano. Mama sa tingin ko naman masama ang tama niya sa iyo. Kung hindi bakit niya tayo isinama sa kanyang pag babakasyon dito. O baka naman kinikilala  ka pa niya kung isa kang mabuting babae na puedeng ipag malaking asawa pag dating ng panahon. Ay naku anak ewan ko hindi ko kayang sagutin yan sa ngayon. Tangin si Steve lang ang nakakaalam kung ano talaga ang nasa kanyang isip. Sa ngayon ienjoy na lang natin itong ating libreng bakasyon.

                    Natapos ang isang buwang bakasyon walang binangit si Steve tungkol sa pag ibig. Kaya inisip na lang niya na sadya lang mabait yong tao kaya naging malapit sa kanya. Noong bumalik siya sa trabaho nawala na sa isip niya si Steve. Pero noong mag check siya ng email niya kay dami napala itong email sa kanya. Nag papasalamat sa time na ibinigay niya kay Steve. Habang buhay daw niya I treasure ang bawat sandali mag kasama sila. Sa lahat ng kanyang mga bakasyon ito ang pinakamasaya siya , kasi kasama kita Khatie ang sabi ni Steve. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinaligaya sa mga araw na mag kasama tayo. Ni minsan di ko pa naramdaman ang ganitong feeling kanino man. Ako man nag tataka sa aking sarili kung bakit ang gaang ng aking pakiramdam pag kasama kita, Khatie. Nangingiti si Khatie sa mga palipad hangin ni Steve sa kanya sa pamamagitan ng email msg. hindi niya akalain romantiko pala ito.

               Habang binabasa ni Khatie ang mga  email ni Steve hindi niya maiwasang kiligin. Ilang taon o dekada naba last niyang kiliging ng ganito. Nahulog na rin ba ang loob niya sa lalaking ito. Ni minsan di niya naisip na mapapalapit siya sa isang itim. Sa totoo lang walang dating sa kanya ang mga lalaking itim. Ni minsan di niya naisip na ma in love siya sa isang African American. Pero eto siya ngayon kinikilig sa sulat palang sa kanya sa email. Sabagay sadyang kay bait ni Steve. Ang pag aasikaso at pag aalala ni minsan di niya naramdaman sa kanyang asawa. Kahit noon kay Lowie hindi ganito ang naramdaman niya. Sabagay noon dala ng kabataan mapusok . pero ngayon matured iba na ang panuntunan ano nga ba ang tunay na nakakapag pakilig sa isang babae.

                Halos araw araw nag papadala ng email si Steve at paminsan minsan tumatawag pag di siya busy sa kanyang construction company. Kay tuling lumipas ang mag araw. Matatapos na pala ang isang taon at muli siyang mag babakasyon sa pinas kahit isang buwan lang. Saka na lang siya muling babalik sa Hongkong.  Gusto ni Steve sabayan siya sa kanyang bakasyon. Aayusin niya lahat at dapat ayusin sa kanyang company at sasabay siya sa pag babakasyon ni Khatie. Gustong gusto na niyang makita muli ang babae kanyang minamahal. Na sa unang pag tatama palang ng kanilang mga mata noong mag kasabay sila sa airplane alam na ni Steve na si Khatie ang matagal na niyang hinahanap. Kung kaya hanggang ngayon binata  siya. Nag tataka man si Steve mag iisang taon na siyang lumiligaw dito di pa siya sinasagot pero alam naman niya na may pag tingin din ito sa kanya.

                  Hindi alam ni Steve natatakot si Khatie na mag mahal muli. At isa pa kasal siya kay Lowie at hindi pa ito annul. Kaya bantulot siyang sagutin ito. Hindi niya alam kung kayang tanggapin ni Steve ang katotohanan. Kaya ang binabalak niya. Ipag tapat na niya ang katotohanan. Para dina siya umaasa na may kakapuntahan ang kanilang pag mamahalan. Kaya naman sa muli nilang pag kikita hindi na nag dalawang isip si Khatie na bastedin si Steve. Kaya naman gulat na gulat si Steve kung bakit ganoon ang desisyon nito. Alam naman niya at ramdam niya na mahal siya nito. Kaya naman naging makulit si Steve bakit iyon ang kasagutan niya. Sinabi ni Khatie wala namang kakapuntahan ang kanilang pag iibigan. Sapagkat hindi naman sila makakasal kasi nga kasal sila ng dati niyang asawa. Wala namang divorce dito sa Pilipinas.

                Isang malakas  na tawa lang ang sinagot ni Steve at isang tanong ang muling sinambit. Kung saka sakali may divorce dito sa Pilipinas at puede kang mag pakasal  sasagutin mo ako at payag kang mag pakasal tayo kasi mahal mo ako. Isang mahinang tango lang ang sagot ni Khatie kay Steve . iyon lang sapat na para lubusan ang kaligayahan nito. Kung ganoon walang problema. Ang akala ko hindi mo ako mahal kaya ayaw mo sa akin ang tanong ni Steve. Puede kitang pakasalan sa America. Doon mag file ka ng divorce sa iyong dating asawa after 6 months malaya kana . pag kalipas ng anim na buwan puede na tayong mag pakasal. Total may iba ng asawa si Lowie walang dahilan para harangin nito ang I file mong divorce sa kanya. Ang kailangan lang  ayusin natin ang kinakailangan mga papeles. Dadaan tayo sa butas ng karayon pero ok lang basta ikaw ay aking makakasama habang buhay. Isang mahigpit na yakap lang ang naging tugon ni Khatie sa mga tinuran ni Steve. Mayroon palang paraan para sila makasal ni Steve. Puede pala siyang lumigaya sa piling  nito.

                Natapos nanaman ang isang buwang bakasyon nag paplano na si Khatie na bumalik sa Hongkong . pero pinigilan na siya ni Steve na mag work. Siya na ang bahala sa kanyang mga gastusin at ang kanyang asikasihin na lang ay ang mga papeles na siyang mag dadala sa kanya  sa America. Gusto ni Steve sa madaling panahon makalipad na siya pa America para ma I file na niya ang divorce niya. Alam niya na anim na buwan ang pinakamaikli  ipaghihintay nila para tuluyan na siyang lumaya sa dating asawa. At mag karoon sila ng pag kakataong maging mag asawa. Ang kanilang inaasam asam.  Kay tulin lumipas ang mga araw ito na ang pinaka iintay  niya ang kanyang interview.  Naka full support naman si Steve kaya naman hindi na ito nahirapang kunin ang kanyang visa.

               Noong makuha ni Khatie ang kanyang visa agad agad  pinadalhan siya ng ticket ni Steve para mag kita na muli sila sa America. Kung noon si Khatie ang tourist guide ni Steve sa Pilipinas ngayon si Steve ang nag papasyal sa kanya. Ang saya saya niya kasama na niya si Steve nakarating pa siya sa America na kay tagal na niyang pinangarap na makatungtong sa lupain ng mga Americano. Sa bawat araw na mag daan  nalulubos ang kaligayahan ni Khatie. Lalu niyang napapatunayan sa kanyang sarili na mahal na mahal siya ni Steve. Lahat ginagawa para mapasaya siya at mag enjoy siya habang iniintay niya ang approval ng kanyang divorce paper. Hindi niya akalain mararating niya ang Disney, Universal studio, at ang Hollywood at marami pang magagandang tanawin. Hindi nag sasawa si Steve na ipakita sa kanya ang kagandahan ng America.

                Isang araw nakita siya ni Steve na katanaw sa kawalan si Khatie. Bakit ano ang iyong iniisip. Don’t tell me na nag babago na ang isip mo? O kaya nag sisi ka na kung bakit mo ako minahal? Ang sunod sunod na tanong ni Steve kay Khatie. Isang iling ang sagot niya. Hinding hindi ako mag sisi na minahal kita. Kaya lang natatakot ako baka muli akong masaktan. Minsan na akong nag mahal nag tiwala pero nasaktan lang ako at lumuha. Lumapit si Steve at buhat sa kanyang likuran niyakap siya nito at sabay sabi na hinding hindi kita hahayaan masaktang muli. Kay tagal kitang hinanap at ngayon ikaw aking natagpuan hindi na kita papakawalan pa. kung saan saan ako nakarating para lang hanapin ang babaeng mag papatibok ng aking puso. Unang kita ko pa lang sa iyo sabi ko sa aking sarili ikaw na yon. Hindi ko rin alam kung bakit at paano sa unang sulyap ko pa lang saiyo nasabi ko na ikaw ang gusto kong makasama habang buhay. Sa mga salitang binitiwan ni Steve nag unahang tumulo ang kanyang mga luha sa kagalakan. Bakit ka lumuluha mayroon ba akong nasabi na hindi mo nagustuhan? Huwag kang mag alala luha ito ng kaligayahan.

               Lumipas ang mga araw at buwan lumabas na ang divorce paper ni Khatie. Kaya naman inayos agad ni Steve ang kanilang kasal. Sa pangalawang pag kakataon ikinasal si Khatie kay Steve. Hiniling ni Khatie sa Poong Maykapal na sana ganap na siyang lumigaya sa pangalawang pag kakataong ito. Sana hindi mag bago si Steve ng tulad ni Lowie. Sana’y tunay at wagas ang pag ibig nito sa kanya. Naging Masaya si Khatie sa piling ni Steve. Hinddi niya akalain na mayroon pangalawang Gloria. Habang tumatagal ang kanilang pag sasama nararamdaman ni Khatie kung gaano siya kamahal ni Steve. Hindi siya pinayagan mag trabaho. Ito na rin ang nag bibigay ng pera para sa suporta sa kanyang anak at magulang. Wala siyang ginagawa kundi ang pag silbihan si Steve. Pero na iinip siya sa bahay pag wala ito at pumapasok sa kanyang company. Hindi niya kaya ang sobrang katahimikan ng bahay nila ni Steve. Kaya naman kinausap niya ito na gusto niyang mag work habang wala si Steve sa bahay.

               Hindi pumayag si Steve na mamasukan si Khatie bagkus isinama niya ito sa kanyang company at tinuruan kung paano patakbuhin ang kaniyang business. Matiyaga si Steve sa pag tuturo ng mga pasikot sikot ng kanilang negosyo. Kaya naman sabay silang umaalis ng bahay at sabay din silang dumarating.  Kaya naman ang kanyang pag kainip ay lubusan ng nawala. Nag eenjoy kasi siya sa pagtulong kay Steve. After ng 3 buwan lumabas ang greencard ni Khatie. Hindi niya akalain na inayos pala ni Steve ang kanyang mga papeles upang makauwi siya ng Pilipinas. Para madalaw niya ang kanyang anak at mga magulang. Pag dating  nila sa Pinas ang annulment naman niya ang inasikaso nito. Gusto ni Steve na makasal din sila sa pinas. Para naman Makita at maka attend ang kanyang anak at magulang sa araw ng kanilang kasal. Masayang Masaya si Khatie sa piling nito . kahit di pa niya hinihingi binibigay na sa kanya ang lahat ng kanyang pangangailangan. Muli silang bumalik sa America habang  iniintay nila ang resulta ng annulment ni Khatie.

                Kaytulin lumipas ang mga taon.  Ika 3taon na nilang kasal nag file si Khatie ng kanyang pag ka American citizen . sa tulong ni Steve kaydali niyang nakuha ang kanyang anak at mga magulang. Ngayon wala na siyang mahihiling pa. kasama na niya ang kanyang mga mahal sa buhay. Dahil kay Steve hindi na muli silang mag kakahiwalay ng kanyang anak. Hindi na niya kailangan mangibang bayan para sa kanyang anak. Di nag laon ang kanyang iniintay na mapawalang bisa ang kasal niya kay Lowie nakuha na niya. Kahit gusto ni Steve na pakasalan siya sa pilipinas hindi na nila ginawa. Sapat na para kay Khatie ang kasal nila dito sa America. Masaya na siya at kuntento na sa kanyang buhay sa tulong ni Steve. Salamat sa pag mamahal nito at sa walang sawang pag aasikaso sa kanya.****THE END**** written by : Rhea Hernandez 6/18/13

Friday, June 7, 2013

LOVE STORY "RODRIGO"


LOVE  STORY  “RODRIGO”

Ni  Rhea  Hernandez

Pinoy poems


               Sa edad 20 noong niya sinabi sa kanyang sarili talagang umiibig na siya. Natagpuan na niya ang babaeng kanyang pinapangarap. Inaamin naman niya hindi naman ito ang unang kanyang niligawan. Sa katunayan kung sasagutin siya nito pangatlo na siya sa magiging girlfriend . Pero dito siya tinamaan ng husto. Unang kita palang niya nasabi na niya sa kanyang sarili siya na nga. Hindi na ako mag hahanap pa ng iba. Halos mag kababata sila pero hindi lumaki mag kakilala. Iisang lugar lang naman sila nakatira. Ipinag tataka niya bakit hindi niya ito nakikita man lang sa kanilang location.

                Si Carol mas bata lang sa kanya ng isang taon. Maganda at mahinhing kumilos. May taas 5’5” at balingkinitan katawan. At mayroong mahabang buhok na para bang kay sarap haplus halusin. Kung titignan mo parang lagi siyang nag papa rebound ng buhok. Hindi sinasadya sa maynila pa niya ito nakilala. Pareho silang nag attend ng isang party ng common friend nila. Noong mag kausap sila nagulat pa sa isa’t isa na iisa ang kanilang location. Kung sa iba nga sasabihin mag kababata sila . pero di nga niya ito matandaan.  Ang pinag tataka niya kilala siya ni Carol.

                Hanggang matapos ang party hindi na hiniwalayan ni Rodrigo itong si Carol . kaya naman noong mag kita kita uli sila ng mga kaibigan niya katakut takot ang inabot niyang kantiyaw sa mga ito. Sa totoo lang mga bro tinamaan talaga ako kay Carol. Tulungan naman ninyo akong mapalapit sa kanya. Mas close ninyo siya kaysa akin. Napahiya na nga akong noong party. Isipin ninyo kilala niya ako tapos ako di ko siya kilala. Yon pala iisa ang school naming noong elementary at high school  una lang ako sa kanya ng isang taon kaya niya ako kilala. Bakit hindi ko siya napapansin noon. Ngayon isang sulyap lang hindi ko na maalis ang mga mata ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano mayroon siya at naakit ako ng ganito sa kanya. Bro maganda naman kasi siya kahit sinong lalaki mapapalingon sa kanya.

               Inumpisahan ni Rodrigo ang panunuyo sa dalaga. Katunayan hindi siya sanay mang ligaw sa babae. Kasi sa hindi pag mamayabang  ang mag nag daang girlfriend niya ito ang mga nag pakita ng mga motibo para ligawan niya. Kaya hindi nahirapan si Rodrigo na mapasagot ang mga ito. Pero  ngayon kay Carol  hindi niya makapa kung ano ang kanyang score dito. Kay hirap basahin ang mga kilos nito. Mabait naman sa kanya ito at lagi siyang hinaharap pag umaakyat siya ng ligaw. Parang may gusto na wala kaya hindi niya matantiya kung ano ang kahihinatnan niya sa panunuyo sa dalaga.

               Naging regular na ang kanyang pag hatid sundo dito sa bahay school o school to bahay. Unti unti sa araw araw nilang pag kikita nadarama na ni Rodrigo na mayroon na siyang naaaninag na pag asa. Kay tuling lumipas ang mga araw at buwan. Mag iisang taon napala siyang lumiligaw sa dalaga pero hindi pa niya tinutugon ang kanyang alay na pag ibig. Kaya naman isang araw kinulit ng kinulit nito ang dalaga na bigyan na ng tuldok ang kanyang pag hihirap ng kalooban. Isang matamis na ngiti lang ang isinasagot ni Carol kay Rodrigo. Ok naman tayo ng ganito ahh. No commitment no obligation. Di ba mas maganda ang ganito. Pero di ko masabing ikaw ang girlfriend ko. Kasi wala tayong official na usapan.  Isang matamis na ngiti ang ibinigay sa kanya. Kaya naman hindi siya  kinakabahan na mababasted .

               Halata na ayaw pang umamin na mahal din niya si Rodrigo. Sa totoo lang takot si Carol na makipag relasyon dito. Nababalitaan kasi niya na playboy ito. Kabi kabila ang babaeng nag kakagusto sa kanya. Ayaw niyang masaktan pag dating ng araw. Alam ni Carol na masyado siyang selosa. Baka lagi lang silang mag away pag sila na. lalu na kung  hindi siya mag babago sa pagiging malapit sa mga babae. Ayaw ni Carol na mahulog ng tuluyan sa pag mamahal niya dito. Baka di niya kayanin ang masaktan pag dating kay Rodrigo. Noon pa naman kasi humahanga na siya sa lalaki. Kahit noong high school pa lang siya may lihim na siyang  pag tingin dito. Yong nga lang ni minsan di siya tinapunan nito ng tingin.

               Tapos ngayon lumiligaw sa kanya at sinusuyo siya hindi niya mabitiwan ang kanyang matamis na oo. Natatakot kasi siya na mapabilang sa mga babaeng nag daan sa buhay nito. Ayaw niya mapabilang doon sa mga babae sa buhay niya. Ok na ang ganito walang commitment sa isa’t isa. Kung iwanan siya hindi gaanong masakit. Di alam ni Carol bakit natatakot siya sa hinaharap. Para kasing nakikita niya na masasaktan lang siya pag dating ng araw. Hindi siya nakakasiguro na sya  lang ang babae sa buhay ni Rodrigo.  Natatakot siya nabaka totoo ang kanyang mga nababalitaan noon na di nasisiyahan ito sa iisang babae lang.  iyon ang di niya kakayanin ang mag karoon ng kahati sa puso nito.

               Naging lalung masigasig si Rodrigo sa panliligaw kay Carol kaya naman kahit anong iwas ang gawin niya para di sagutin ang lalaki hindi na niya maitago ang kanyang nararamdaman dito. Kaya di nag laong bumigay na rin si Carol. Ang matagal ng hinihintay ni Rodrigo sagot buhat kay Carol ay kanyan ding nakamit. Anong ligaya niya sa wakas natapos na rin ang pag hihirap niya sa panliligaw sa dalaga. Halos mapalundag siya sa tuwa ng araw na yon. Parang gusto niyang ipag sigawan sa buong mundo na girlfriend na niya si Carol. Batid ni Rodrigo iba klaseng pag mamahal ang nararamdaman niya kay Carol kakaiba sa lahat ng babaeng nag daan sa buhay niya. Alam niya na pang habang buhay na ang piling niya dito.

               Lumipas ang mga araw na walang pag siglan ng tuwa ang puso ni Rodrigo at ni Carol. Tulad ng ibang mag kasintahan halos araw araw nag kikita sila. Hatid sundo ni Rodrigo si Carol. Nag adjust siya ng kanyang mga subject para masundo at maihatid niya sa school ito. Walang sawa si Rodrigo sa pag hawak ng mga kamay ni Carol habang sila’y nag lalakad. Hindi nila ikinahihiya ipakita kung gaano siya ka sweet  sa kanyang girlfriend. Madalas sabihin ni Carol sa kanyang sarili na hindi siya nag kamaling mahalin si Rodrigo. Damang dama niya ang pag mamahal nito sa kanyan.

               Subalit si Rodrigo ay hindi naiiba sa karaniwang mga lalaki. Kahit mahal na mahal niya si Carol hindi niya maiwasan tumingin at humanga sa ibang babae. Laluna kung ito na ang nag bibigay nga motibo. Sabi nga niya palay na ang lumalapit sa manok tatanggi pa ba siya. Kaya naman ang every day niyang pag hatid sundo kay Carol naging tuwing every other day na lang. ang dahilan niya masyadong madami siyang dapat asikasuhin sa kanyang pag aaral. Napapabayaan na niya ito sa daming oras na inuubos niya sa kasintahan. Itong naman si Carol naawa sa kanyang Boyfriend kaya naman  hindi nag dalawang salita ito pumayag  na di sila mag kita everyday.

                Pero ang totoo hindi pag aaral ang dahilan kaya nag bawas ng araw si Rodrigo sa pag dalaw kay Carol. Kundi si Jhena  ang nag bigay ng motibo at halos ito na ang nangligaw kay Rodrigo. Si Jhena maganda at sexy  laging nagiging muse sa kanilang school. Unang kita palang nito kay Rodrigo nag kagusto na siya. Kaya naman ginawa niya ang lahat para maakit ang lalaki. Wala pang lalaki na tumangi kay Jhena. At isa na doon si Rodrigo. Mahal na mahal niya si Carol pero hindi niya matangihan ang ganda at pang halina ni Jhena. Kaya naman natukso siyang patulan ito. Total naman mag kahiwalay  ang school nila . hindi na niya ito malalaman. Mag iingat na lang siya para hindi siya mahalata ni Carol. Kay Jhena walang problema kasi alam niya na nakikihati lang siya kay Rodrigo. At ramdam niya na mas mahal nito si Carol. Kaya kung maaari ibigay na niyang lahat ang gusto nito.

               Naging super lambing ni Jhena na siyang kahinaan ni Rodrigo. Moderno ang pananaw nito sa buhay. Ok lang sa kanya ang pre marital sex. Na siyang kabaligtaran ni Carol. Masyadong makaluma ang pananaw ni Carol pag dating dito. Kaya naman kay daling matukso si Rodrigo kay Jhena. Kahit di niya mahal  ito pero  naibibigay naman ang kanyang pangangailangan bilang isang lalaki. Kaya naman napapalapit na rin ang kalooban niya kay Jhena.  Samantala si Carol buong buo pa rin ang pag titiwala niya kay Rodrigo. Alam niya mahal na mahal siya nito at hindi gagawa ng isang bagay na ikasasama ng kanyang loob at ikasisira ng kanilang relasyon.

               Isang araw nag karoon ng okasyon sa kanilang school kaya walang pasok. Kaya naman nag kaayaan sila Carol at mga kaibigan nito na manood ng movie. Noong papasok na sila sa sinehan siya namang papalabas sila Rodrigo at Jhena. Kitang kita ng dalawang mata ni Carol ang dalawa.  Mag kaakbay at masasabi mo agad na mayroong namamagitan sa dalawa. Akala ni Carol siya lang ang nakakita sa dalawa. Pero pati pala ng kanyang mga kaibigan kitang kita nila. Pakiramdam ni Carol para siyang pinag sakloban ng langit at lupa. Halos hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya akalain na magagawa ito ni Rodrigo sa kanya.

               Nakita na lang ni Carol sumusunod siya sa dalawa. Kaya naman hindi na sila natuloy manood ng sine.  Kitang kita ng dalawa niyang mata ng pumara ng taxi ang mga ito. Kaya naman ang mga kaibigan ni Carol tumawag din ng taxi. Pinasundan ang taxing sinasakyan nila Rodrigo. Tama nga ang hinala ng mga kaibigan ni Carol sa isang motel huminto ang taxing sinasakyan ng mga ito.  Bumaba ang mga  ito  at kumuha ng isang room. Hanggang loob nakasunod sila Carol. Noong papasok na sa room ang dalawa saka nag pakita si Carol kay Rodrigo. Wala ni isang salita namutawi sa kanyang mga labi. Kundi  ang nag uunahang pag tulo ng kanyang mga luha ang nakita ni Rodrigo. At ang mga mata nito na kitang kita mo ang galit at panunumbat. Iyon lang at tumalikot na si Carol.

                 Hinabol ni Rodrigo si Carol at gustong mag paliwanag pero mabilis na nakasakay uli ito sa kanilang taxi. Naiwan si Rodrigo na hindi malaman ang gagawin. Hindi na natuloy ang pag pasok nila ni Jhena sa room. Walang nagawa si Jhena kundi sumunod sa kagustuhan ni Rodrigo. Hindi nabigla si Jhena sa pang yayari kasi alam naman niya na mayroong girlfriend itong si Rodrigo. Natutuwa pa nga siya kasi ngayon mag kakasira na ang dalawa. Pag kakataon na niya na masolo si Rodrigo.  Kung mawawala nga naman ito sa buhay ng lalaki di masosolo na niya ito. Mag kakaroon na siya ng pag kakataong  na mahalin siya nito. Na kay tagal na niyang dinadasal na masolo ang pag tingin ng binata.

                  Samantala hindi matanggap ni Carol na nagawa ni Rodrigo na pag taksilan siya. Ang buo niyang paniniwala na mahal na mahal siya nito. Bakit hindi niya naramdaman ito . na hindi lang siya ang babae sa buhay nito. Iniisip niya ano ba ang nagawa niyang pag kukulang sa kanilang relasyon at nakuha siyang ipag palit sa iba. Sabagay aminado naman siya na mas maganda ito kaysa kanya. Mas moderna samantala siya may pag ka Maria Clara ang dating. Kaya siguro nag hanap ng iba si Rodrigo. Hindi niya kayang ibigay ang makamundong  pag nanasa nito hanggang hindi pa sila nakakasal. Halos mag damag na umiyak si Carol. Sabi nito sa sarili ok lang Carol umiyak ka ng umiyak ngayon bukas  huwag ka ng iiyak. Ang katulad niyang lalaki hindi iniiyakan ng matagal.

               Kinabukasan magang maga ang mata ni Carol sa kakaiyak . kaya naman hindi siya pumasok sa school. Ayaw niyang lahat sa kanya nakatingin . baka akalain nila namatayan siya ng kamag anak.  Ramdam na ramdam niya ang kirot sa kanyang puso. Hindi niya mailarawan kung gaano ito kasakit. Sa talang buhay niya ngayon palang siya nakaramdam ng ganitong sakit . hindi niya malaman saan nag gagaling ang sakit na kanyang nararamdaman. Buti kung may sugat siya alam niya na ito ang masakit. Pero ngayon sa kaloob looban niya nag gagaling ang sakit. Pero hindi na siya umiiyak. Sabi nga niya inubos na niyang lahat ang luha niya para kay Rodrigo noong nag daang mag damag. Tama na yon ngayon dapat na niyang harapin ang realidad. Ang katotohanan na sa ginawa ni Rodrigo tinapos na nito ang kanilang relasyon.

               Ang inaasahan ni Jhena na masosolo si Rodrigo ay mali. Sa muli nilang pag kikita tinapos na nito kung anoman mayroon sila. Handa siyang humingi ng tawad kay Carol at muli itong suyuin. Sa puso niya si Carol talaga ang tinitibok nito. Pero buo na ang desisyon ni Carol na iwasan si Rodrigo. Nag hanap ito ng bagong boarding house lumipat siya at hindi ipinaalam. Kaya naman sa pag punta ni Rodrigo sa tinitirhan ni Carol wala na ito.  At pag sa bahay naman nila siya umaakyat ng dalaw hindi siya hinaharap nito. Palaging may dahilan para di sila mag kita man lang. kung ilang beses siyang pabalik balik dito ni anino ni Carol di niya nakikita. Sadyang tinapos na ni Carol ang kanilang ugnayan sa isa’t isa. Pati schedule nito sa school pinalitan niya para di sila muling mag katagpo.

               Lumipas ang mga araw buwan at taon natapos na rin ang kanilang kursong kinukuha. Kahit papaano nag hilom na ang mga sugat na nilikha ng kanyang  pagiging marupok sa pag ibig. Pero  ang pag ibig niya kay Carol ay nanatili pa rin sa puso niya. Pero kailangan na niyang mag move on.  At dito niya nakilala si Elena. Halos pareho sila ng mga katangian ni Carol. Niligawan niya at hindi nag tagal naging kanyang kasintahan. Mag ka minsan nakikita niya si Carol sa katauhan ni Elena. Kahit pilit niyang iwaglit nandoon pa rin hindi niya malimutan ang pag mamahal niya dito. Pero mahal din niya si Elena yong nga lang ibang level na ito. Hindi kasing tindi ng pag mamahal niya kay Carol. Pag kalipas ng maramng taon hindi na niya alam kung nasaan na si Carol.

                Hanggang nag pakasal na sila ni Elena.  Nag kaanak naging good father at good provider siya sa kanyang pamilya pero hindi best husband. Alam ni Rodrigo na hinahanap hanap pa rin ng kanyang puso si Carol. Para hindi maramdaman ni Elena na mayroon ibang laman ang puso niya nag padestino siya sa malalayong lugar. Ayaw niyang saktan ang damdamin ng kanyang asawa. May pag kakataon na si Elena ang kasiping niya ang nasa isipan niya ay si Carol nasana ito ang ina ng kanyang mga anak. Sana’y ubot niya ng saya kung ito ang kasama niya sa araw araw. Pero ano ang magagawa niya naging marupok siya sa ngalan ng pag suyo noon. Huli na ng kanyang natuklasan na mahal na mahal niya ito. Kaya naman ala siyang ginawa kundi maging honest sa kanyang asawa. Hinding hindi niya sisirain ang pag titiwala nito sa kanya. Ayaw na niyang maulit muli ang nang yari sa kanila ni Carol.

               Lumipas ang maraming taon naging mabuti siyang husband  kay Elena. Ama sa kanyang mag anak kahit papaano nakalimutan na niya si Carol. Ibinuhos niya ang buong pag mamahal sa kanyang mag iina. Hanggang dumating ang isang malaking pag subok sa kanilang pag sasama. Nag karoon ng malubhang karamdaman si Elena. Hindi nag laon kinuha na siya ng Maykapal.  Nag pasalamat si Rodrigo sa Diyos lumisan si Elena na hindi nabatid na hanggang ngayon iniingatan pa rin niya sa puso ang kanyang pangarap na makasama bilang asawa si Carol. Namayapa ito na hindi nalaman na may kahati siya sa kanyang pag mamahal. Kahit sa katotohanan hindi naman siya nag taksil dito naging matapat siya bilang asawa kay Elena. Yong nga lang sa puso niya may iba itong tinatangi.

               Pag katapos ng babang lukasa muling  nag abroad si Rodrigo. Kailangan na niyang bumalik sa company kanyang pinag tratrabahuhan. Kabi kabila ang inabot niyang tukso sa kanyang mag anak. Paano yan Dad binata kana nanaman puede ng humanap ng maliligawan. Huwag kang mag alala sa amin malalaki na kami kaya na naman ang mga sarili naming. Ang mahalaga maging maligaya sa natititra mo pang buhay . isang makahulugang ngiti lang ang isinukli ni Rodrigo sa mga anak niya. Sabi niya sa kanyang sarili siguro mag aasawa lang uli siya kung si Carol ang babae. At muli niyang naalala ang babae minahal niya ng lubusan pero hindi niya pinahalagahan noon pero hanggang ngayon iniingatan sa puso niya..

               Mag check in na siya sa eroplano noong mapansin niya ang babae sa unahan ng pila . nakatalikod sa kanya ewan ba niya parang nag karoon siya ng interest Makita ang mukha ng babae. Kung puede nga lang lagtawan niya ang ilang nakapila para mapalapit siya sa babaeng ito gagawin niya. Dasal niya sana lumingon ito para Makita niya ang mukha nito.natapos siya ni hindi man lang lumingon . sayang gusto pa naman niya Makita ang mukha nito kahit isang saglit lang. Siguro ang ganda niya kasi likod pa lang nakita niya nag karoon na agad siya ng interest Makita ito. Noong makatapos siya hindi na niya Makita ang babae. Ang laking panghihinayan di man lang niya nakita ang mukha nito.

                Panay lingap niya nag babakasali muli niyang Makita ito. Pero bigo siya kaya naman tuloy tuloy na siya sa loob ng eroplano. Hinanap niya ang kanyang upuan nakita niya may nakaupo na sa tabi niya. Wala dito yong nakaupo pero nandoon sa upuan ang mga gamit niya. Siguro nasa restroom siya.  Nakayuko siya may inaayos sa kanyang bag ng may nag salita nakikiraan . hinding hindi niya makakalimutan ang timbre ng boses na yon . si Carol ang nag mamay ari nito. May sikdo ang kanyang dibdib noong lingunin niya ang babae. Hindi nga siya nag kamali si Carol ito. At ito rin ang babae sa unahan ng pila kanina. Kaya pala kahit nakatalikod siya nakilala siya ng puso ko ang bulong ni Rodrigo.

               Mag katabi sila ni Carol sa eroplano. Pag nag biro nga naman ang pag kakataon hindi mo inaasahan magaganap. Ni sa panaginip niya di niya akalain mangyayari ito ngayon. Maganda pa rin si Carol parang walang nag bago maliban na lang mababakas mo na ang kanyang edad. Malaki na ang itinanda nilang pareho. Sa wakas dina siya iniwasan nito ngayon. Siguro nagamot na ng panahon ang sakit na idinulot niya dito. Ang tagal ng biyahe ni hindi siya nainip.parang kulang pa ang oras sa kanilang pag kukuwentuhan. Kanyang napag alaman hanggang ngayon dalaga pa rin itong si Carol. Pero may isang anak sa pag kadalaga. Kaya pala hindi na niya ito nakita buhat noong mag graduate sila at wala na siyang nabalitaan pa.  nag migrate napala siya sa Canada at dito niya nakilala ang ama ng kanyang anak.

               Hindi sila nag pakasal kasi ang daming hindi nila napag kakasunduan. Mas minabuti na lang niyang maging single mom kesa mag patali sa isang relasyon walang kakapuntahan. Kaya buhat noon sa kanyang anak uminog ang mundo niya.   Ngayon may sarili ng mundo ito. Nasa hustong gulang na kaya nag sasarili na ng kanya. Ganito naman ang mga kabataan  sa Canada gusto ng total freedom. Ok naman yong anak ko malaki ang pag papahalaga sa kanyang sarili. Parang mommy niya. Hindi nakalimutan ni Rodrigo kunin ang cell phone number at kung saan nakatira ito.

               Sayang baba na si Rodrigo  pag dating ng eroplano sa Hawai. Dito na siya mag tratrabaho ng dalawang taon singkad. Samantala si Carol sa Canada ang kanyang distinasyon. Muli nabuhayan ng pag asa si Rodrigo na mag karoon ng katuparan ang kanyang pinapangarap. Halos araw araw nag te text si Rodrigo kay Carol. At regular din ang pag tawag. Hanggang mauso ang facebook libre na nakakapag usap pa sila ng matagal na walang gastos.  Pakiramdam ni Rodrigo bumabalik siya sa pag kabata. Para bang kaya niya ang lahat para sa pag mamahal niya kay Carol. Napatawa ng malakas si Carol noong minsan sabihin ni Rodrigo na para siyang nag bibinata lang ngayon. Lalu na kausap niya ito.

               Kay tulin ng mga araw ang dalawang taong kontrata ni Rodrigo matatapos na. sa wakas mag kikita silang muli ni Carol ng personal. Dalawang taon din ang tiniis niya na muling mag kita sila ni Carol. Sa loob ng dalawang taon naihanda na rin nito ang kinabukasan nila. Alam niya na may anak na puedeng humadlang sa kanilang pag mamahalan. Dahil sa facebook muli silang nag ligawan at nag mahalan muli. Hindi lumilipas ang mag hapon ng hindi nakakausap kahit sandali lang.

                Dumating na ang pinaka iintay niyang  araw na makapag tapat  ng kanyang saloobin kay Carol nang personal.kahit dalawang taon silang nag kakausap by facebook iba pa rin yong personal niyang sabihin ang laman ng kanyang puso.  Handa niyang pakasalan ito kahit saan naisin ni Carol. Total pareho naman silang Malaya. Mahigit na ring 2 taon siyang biyudo at si Carol naman ni minsan di pa nakakasal. Sa wakas mag kakaroon na ng katuparan ang matagal ng pangarap ni Rodrigo ang makasama ang babae kay tagal niyang iningatan sa kanyang puso. Ang akala niya hindi na ito mag kakaroon ng katuparan. At mananatili na lang pangarap. Pero eto ngayon kaharap niya ang babaeng kanyang pinapangarap ng mahabang panahon.

               Kahit noon nag kahiwalay sila dahil dalisay at wagas ang pag mamahal na sumibol sa kanilang puso. Nanatili sa kanilang mga puso kahit ilang dekada na ang lumipas at noong muling nag katagpo umusbong at yumabong ang nausyami nilang pag iibigan noon. Sadyang ang tunay na pag ibig hindi nawawala kahit ilang dekada ang mag daan. Maaaring mag karoon ng pag kakataon na mag kalayo pero darating ang panahon na muli itong mag kakaroon ng magandang katapusan sa muling pag tatagpo ng landas. Ang wagas na pag ibig hindi nawawala sa puso ninoman. Ito ang napatunayan ni Rodrigo at pinapangako niya na hindi na muli silang mag kakahiwalay ni Carol. Babaunin na niya sa hukay ang pag mamahal niya dito. Mag sasama sila sa hirap at ginhawa hanggang kamatayan.******THE END****** written by : Rhea Hernandez  6/7/13****                                  

Wednesday, May 29, 2013

LOVE STORY "REYNALDO"


LOVE STORY “ REYNALDO”

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


               Pangalawa buhat sa panganay  kaya noong mag asawa ang kanilang panganay na kapatid sa kanyang balikat naatang ang pag tulong sa kanyang ina sa pag papa aral ng mga nakakababatang kapatid.  Nag aral ng paka Police pero di nagamit ang pinag aralan at nag trabaho agad. Masaya naman siyang nakakatulong sa kanyang ina. Sabi nga ang mabait na anak hindi kayang tiisin ang ina na  hihirapan sa pag pasan sa  kanilang mag kakapatid.  Maaga kasing pumanaw ang kanyang ama kaya naman hirap ang kanyang ina sa kanilang kabuhayan. Sa gusto niya siya na ang tumatayong panganay sa kanilang mag kakapatid. Ang kuya niya mayroon ng sariling pamilya.

               Noong makilala niya si Isabel  tumibok ang kanyang pihikang puso. Sinuyo niya hanggang mapasagot . naging sila at nag plano ng masayang pamilya. Kaya naman noong sapitin ni Reynaldo ang edad 26 nag plano silang mag pakasa l ni Isabel. Anong ligaya ni  Reynaldo at makakasama  na niya habang panahon ang babaeng kanyang nililiyag. Bumoo ng isang payak at tahimik na pamilya.  Ginawa niya ang lahat para bigyan ng maalwang buhay si Isabel. Kaya naman ang gabi ginagawa niyang araw para kumita ng malaking pera.

                Noong ipanganak ang panangay nila anong ligaya ni Reynaldo sa wakas mayroon ng bunga ang kanilang pag mamahalan ni Isabel. Lalu niyang minahal ang asawa sa pag bibigay nito ng isang malusog na anak na lalaki. Wala siyang pag siglan ng kanyang kagalakan noong marinig niya ang unang uha ng kanyang anak. Nasambit niya ganito pala ang piling ng nagiging isang ama. Kanyang nabulong sa sanggol anak gagawin ko ang lahat mabigyan ka lang ng magandang kinabukasan. Kay liit ng baby natatakot hawakan ni Reynaldo baka mabali niya ang mga buto nito. Napaka fragile naman ng isang bagong silang na sangol. Nasisiyahan na siyang pag masdan at hipuin ng kanyang mga daliri ang baby.

               Lalung nag sumikap si Reynaldo sa kanyang trabaho para sa kanyang mag iina. Habang dumadaan ang mga araw lumalaki ang baby nila ni Isabel lumalaki na rin ang gastusin. Kahit anong gawin niya ganoon pa rin ang buhay. Walang pag babago at pag asenso. Kahit na nga yata mag dumapa siya sa pag kayod hindi sila aasenso. At muling nag dalantao si Isabel.  Dala dala na nito ang kanilang pangalawang anak.  At muli isang lalaki ang kanilang bagong baby.

                 Lumipas ang mga taon nag aaral na ang mga bata. Ang panganay nila nasa  grade 4 at ang bunso nasa grade 2. Ngayong pareho na silang nag aaral lalung hirap na sila sa mga gastusin nahihirapan ng I budget ang kinikita ni Reynaldo. Nag iisip silang mag asawa kung paano ang kanilang gagawin para kahit papaano mabigyan ng ginhawa ang mga anak nila. Kaya naman nag desisyon si Reynaldo na mag abroad. Nag appy siyang isang industrial technician sa isang company sa Saudi Arabia. Sinuwerte naman at nalakad agad siya at maganda naman ang kita . Kaya kahit papaano nakakalasap na ng ginahwa ang kanyang mag iina.

               Ibayong hirap ang dinanas ni Reynaldo . halos masiraan siya ng bait sa kanyang nararamdamang homesick. Pero tuwing maiisip niya kaya siya nandoon ay para sa kinabukasan ng kanyang mag mahal sa buhay. Nakakayanan niya ang kanyang homesickness. Lagi niyang iniisip gaano lang yong dalawang taon . mabilis lang naman itong lilipas.  Bawat araw na mag daan check niya ang mga number nito sa kalendaryo. Araw araw binibilang niya kung ilang araw nalang at makakauwi na siya at makakapiling muli ang kanyang mag iina. Noong mag bakasyon si Reynaldo after 2 years anong saya nilang mag anak. Para na nga ayaw na niyang bumalik uli sa Saudi. Pero kailangan niyang bumalik para sa kanyang mag iina. Para sa kanilang kinabukasan.

               Sa muli niyang pag lisan  mas ibayong sakit nanaman ang kanyang naramdaman noong iwanan niyang muli ang mga ito.hanggang isang araw tumawag si Isabel at ipinag paalam na yong isa nitong pinsang babae ay makikitira sa kanila. Hindi nag dalawang isip si Reynaldo sa pag sagot ng oo. Ang iniisip niya makakabuti sa kanyang asawa ang mayroong makakasama para hindi gaanong mainip tulad niya. Hindi niya akalain ito pala ang pinakamalaki niyang pag kakamali. Mahilig ang pinsan niyang  makihalubilo sa mga kalalakihan. At kung minsan naiimpluwensyahan nito si Isabel na sumama sa mga lakad nito. Dito nag umpisa ang kalbaryo ni Reynaldo.

                 Marami ang nakakaratin sa kanyang balita na ang kanyang asawa ay gunagawa ng hindi maganda. Noong una hindi siya naniniwala. Kilala niya ang kanyang si Isabel. Hindi ito haliparot tulad ng ibang babae. Pero dahil sa pinsan nito na masamang impluwensya. Natutong mapalapit sa ibang lalaki. Kaya naman humingi siya ng bakasyon para pag usapan nilang mag asawa ang pag labas labas nito at pakikipag mabutihan sa ibang lalaki. Noong umuwi siya ramdam na niya na mayroon naiba sa kanyang asawa. Naramdaman niya ang pag lalamig nito at wala na ang dating Isabel na mapag kalingan at mapag aruga sa asawa. Nag usap sila at inayos ang pag kakaroon nila ng mis communication. Bago bumalik si Reynaldo sa Saudi ang buong akala niya natapos doon ang problema nilang mag asawa.

                 Nag kapatawaran sila. Humingi ng tawad si Isabel at binigyan niya ito ng pangalawang pag kakataon. Nangako na mag babago na ito. Iiwasan na niya ang tukso. Parang ayaw na ni Reynaldo bumalik ayaw na niyang iwan ang asawa. Baka sa pag alis niya muling matukso ito. At muli pag taksilan siya. Pero pinagtulakan siya ni Isabel. Paano na daw ang buhay nila kung hindi na siya mag aabroad. Paano na yong mga anak nila. Matitigil sa pag aaral sa pribadong  school. Ibabalik ba nila  uli sa public school. Tuwing maiisip niya ang kapakanan ng dalawa niyang anak.  Lumalakas ang loob niyang bumalik uli sa Saudi. Muling lumisan at nag hanap buhay sa malayong lupain ng Saudi Arabia. Para sa kinabukasan ng mahal niyang asawa at mga anak. Kahit may agam agam sa kanyang puso . wala siyang magawa kundi muling mag tiwala sa kanyang asawa.

               Saktong limang taon na siya sa Saudi noong muling mayroong siyang nababalitaan. Kahit anong tanong niya kay Isabel laging sinasabi nito na sinisiraan lang siya. Kasi naiingit lang ang mag ito sa gumaganda na  nilang pamumuhay. Unti unti na silang nakakapag pundar ng mga gamit at mayroon na silang sariling bahay. Pero hindi mapakali si Reynaldo sa kanyang mga nababalitaan. Malakas ang ugong ng mga balita na mayroong kinakasama ang kanyang asawa. At ang kanyang pinapadalang pera ang ginagastos nila para mag pakaligaya.

               Hindi nakatiis si Reynaldo at hindi siya mapakali. Masama ang kanyang kutob na hindi pa nag babago ang kanyang asawa. Patuloy pa rin siyang niloloko. At nag papasasa sa kanyang pinaghirapan sa Saudi. Kaya naman lingid sa kaalaman ni Isabel kumuha siya ng private inbistigator. Pinasubaybayan niya ang kanyang asawa. At dito nakakuha siya ng solid na ebidensya na pinuputungan siya ng tae sa ulo ng kanyang asawa. Mayroon nga itong lalaki ni walang hanap buhay. Kundi umaasa lang sa kanyang pinapadalang pera. Kaya naman noong mayroon na siyang katibayan pinutol na niyang lahat ang sustento. At  umuwi si Reynaldo ng walang pasabi. Lihim siyang umuwi upang hulihin sa akto ang asawa.

                Kitangkita ng kanyang dalawang mata ang kataksilan ni Isabel. Para siyang pinag sakluban ng langit at lupa. Kung di niya napigil ang kanyang sarili baka napatay niya ang mga ito. Tinatanong niya sa kanyang sarili ano ba ang nagawa niyang pag kakamali at ganito siya ay pinaparusahan . wala naman siyang hinangad kundi ang bigyan  sila ng magandang kinabukasan. Kahit ganoon pa man handa pa rin niyang patawarin si Isabel iwan lang nito ang lalaki niya. Pinapili ni Reynaldo ito ang sabi niya kakalimutan niya ang lahat iwanan na niya ang lalaki niya. Anong kinabukasan ang maibibigay sa kanya nito isang tambay at walang hanapbuhay.

               Lalung nadismaya si Reynaldo noong ang lalaki nito ang pinili ni Isabel. Ibig ipamukha nito sa kanya na mas mahal na niya ito kaysa kanya. Nakalimutan ni Isabel ang kanilang pag mamahalan sa loob lang ng limang taong pag kakahiwalay. Napilitan lang siyang lumayo para sa kanilang kinabukasan . bakit ganito ang hinangad  niya ay magandang buhay para sa kanila . bakit ang pag sasakripisyo niya ay nauwi sa pag kawasak ng kanyang masaya at buong pamilya. Ito ba ang bunga ng pag papakahirap niya sa malayong lugar ng Saudi Arabia. Kaunting ginhawa kay laki ng hininging kapalit.

                Nalaman niya kaya pala yong lalaki niya ang pinili dinadala nito ang una nilang anak. Muling nag dadalang tao ang kanyang asawa pero hindi na siya ang ama. Kung noong anong ligaya niya noong dalhin nito ang kanilang anak ngayon naman ibayong kalungkutan ang dulot nito sa kanya. Upang makalimot at makaiwas sa mga taong makakati ang dila nag pasya si Reynaldo bumalik na muli sa Saudi Arabia. Sa muli niyang pag lipad laylay ang kanyang balikat. Kung noon Masaya siyang umaalis dahil sa isipin gagawin niya ang lumayo para sa kanyang mga mahal sa buhay. Pero ngayon aalis siya para kalimutan ang mga masasakit na nangyari sa kanya.lalayo upang kalimutan ang mahal sa buhay.

               Tatlong taon na ang nakakalipas buhat noong huli siyang lumisan sa pilipinas. Pero eto pa rin siya sariwa pa ang sugat na nilikha ng kanyang asawa. Tuwing naiisip niya parang binibiyak ang kanyang dibdib sa sakit na nararamdaman niya. Sabi nga ng mga kaibigan at kasamahan niya sa trabaho. Mag hanap ka na ng bagong mamahalin para mawala ang sakit ng puso mo. Nahihirapan na siyang mag tiwala muli sa mga babae. Natatakot siyang muling masaktan.  Lalu na ang dami niyang naririnig sa kanyang mga kasamahan na halos pareho ng kanyang karanasan.

               Ngayon ang tingin ni Reynaldo sa mga babae marurupok sa tukso.  Mahirap pag katiwalaan. Matalikod kalang sandali nag hahanap na ng ibang kalinga. Kung puede lang  huwag ng muling mag mahal ang puso niya. Ayaw na kasi niyang masaktan muli. Hirap mag hilom ang sakit. Tuwing naalala niya si Isabel muling nag nanaknak ang sugat ng puso niya. Lagi niyang tinatanong hanggang kalian ito. Kung siya ang tatanungin gusto na niyang makalimot ng tuluyan. Ayaw niya ang kanyang nararamdaman.

                Kalian kaya matutong mag patawad ang kanyang puso? Kailan babalik ang sigla ng buhay? Saan masusumpungan ang tunay na kaligayahan? Mayroon pa bang magandang bukas  na mag iintay sa kanya? Matututo pa bang mag mahal muli ang kanyang sugatang puso? Kay daming katanungan walang makapang kasagutan.siguro hanggang sariwa pa ang sugat sa puso ni Reynaldo ang lahat hindi siya matutotong mag mahal. Wala naman siyang ginawa kundi hangarin at pangarapin bigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mag iina. Pero ano itong kanyang  natamo. Saan ba siya nag kamali lagi niyang tanong sa kanyang sarili? Sana makaalpas na siya sa pighating kanyang  nararamdaman. ** THE END**  ni   Rhea Hernandez 5/29/13  ….