Tuesday, November 11, 2014

HUWAG MO AKONG MAHALIN chapter 11


HUWAG MO AKONG MAHALIN  chapter 11

Ni Rhea Hernandez

Pinoy Poems


 

Sa ipinagtapat ni Andrea naliwanagan si Kelvin. Ang mga katanungan sa kanyang isipan nag karoon ng  kasagutan. Ang buong akala niya hindi na niya malalaman kung ano ang mga secreto ng kanyang pag katao. Hindi niya akalain na pinagdaanan ng kanyang ina ang lahat ng mga iyon. Sa puso niya nakakaramdam siya ng matinding pag ka awa.  At galit  sa kanyang ama kung sino man ito. Sana hindi siya patahimikin ng kanyang kunsensya. Ang mahina bulong sa kanyang sarili. Ano pa nga ba ang magagawa niya sa ngayon kundi mahalin ng husto ang kanyang  ina upang malimutan ang mga mapapait na karanasan. Sana matabunan ng kanyang pag mamahal ang lahat ng sakit at masasamang karanasan pinagdaanan ng kanyang ina. Isususlit niya ang mga araw na darating na mag kasama sila. Babawiin niya ang mga araw at taon nawala dahil sa kanilang pag kakahiwalay  ng mahabang panahon .

Wala salita lumabas sa kanyang mga labi kundi “Mama kalimutan na natin ang kahapon , isipin na lang natin ang bukas”. Mama isang araw lumabas tayo para muli kayong mag kita ng boss naming ni Kuya Mando. Matagal tagal narin kayong hindi nag kikita. Saka wala kana ring aalalahanin na makakasakit ka ng damdamin ng iba. Matagal nang walang mag seselos sa iyo. Di tulad ng dati kaya ka lumayo natatakot kang makasira ng isang  pamilya. Ngayon single na si Mr Ricky Ramirez kaya lang paano na  sa pag babalik ng kanyang anak na si Alice itutuloy ko ang naudlot na panliligaw  sa kanyang anak, ang litanya ni Kelvin sa kanyang mama. Isang matamis na ngiti ang tinugon nito sabay sabi  sana nga kayo ang mag katuluyan ng anak ni Ricky.

Mabuting tao si Ricky at natitiyak ko na may busilak din puso ang kanyang anak.  Ginawan ng paraan ni Kelvin na muling mag kaharap ang dating matalik na mag kaibigan. Kahit matagal na silang di nag kikita  sa mga sandaling iyon masasabi mo na parang walang maraming taon ang namagitan sa kanilang dalawa. Sa muling pag kikita  nabuhay ang pag asa ni Ricky sa pag ibg na inuukol niya  kay Andrea. Kahit kaunti walang nabawas sa kanyang nararamdaman  para  kay Andrea. Bagkus lalu pang pinatatag ng maraming mga taon. Ang buo niyang akala nakalimutan na niya si Andrea. Pero nag kubli lang pala ito sa puso niya  nang  mga panahong lumipas.

Ngayon wala na ang hadlang sa nadarama niyang pag ibig kay Andrea gusto niyang ligawan  ito. Palagay niya hindi pa huli ang lahat upang  itama niya ang malaki niyang pag kakamali noon. Panahon na para ituwid ang kanyang ginawang di maganda kay Andrea. Kay habang panahon niyang dala dala sa kanyang konsensya. Hindi niya  alam kung  bakit niya nagawa ang ganoon  kay Andrea. napaka buting kaibigan nito sa kanya. Ang akala ni Andrea  ay  super bait niya  sigurado siyang pag nalaman nito ang buong katotohanan sigurado siyang isusumpa siya nito.

Sa nakitang  pagiging close ng dalawa nag karoon ng lakas ng loob si Kelvin sabihin kay Mr Ramirez  kung ano ang nararamdaman niya sa anak nitong si Alice. Sa  sinabi ni Kelvin  parang binuhusan ito ng isang timbang tubig na may yelo. Kahit hindi niya tunay na anak si Alice  pero sa puso at isipan niya ito ay tunay niyang anak. Si Alice ay anak ng kanyang asawa sa ibang lalaki. Noong una hindi niya ito matanggap. Kaya pala  hindi siya nahirapan ligawan ito at ang mga magulang ay walang tutol sa kanilang pag papakasal. Yon pala nag dadalantao na ito at nag pakasal sa iba ang ama ni Alice. Kaya naman inilaan niya ang lahat ng kanyang oras at panahon sa pag papalago ng negosyo ng pamilya. Dahil sa pangarap niyang maging isang mayaman.   Hindi naman siya nabigo na palaguin ng husto ang negosyo ng pamilya. Ngayon isa na sila sa mga kinikilalang higante sa larangan ng industry. Isa na sila sa kinikilala sa buong bansa. Hindi nasayang ang lahat ng kanyang pag sasakripisyo ng kanyang kaligayahan.

Pero ngayon puede na siyang lumigaya. Wala nang dahilan para maging malungkot muli. Alam niya sa piling ni Andrea magiging masaya siya. Kahit noon pa ito ang nag patibok ng kanyang puso. Siniil lang niya ang sariling kaligayahan para  matupad lang ang kanyang mga pangarap. Ang akala niya magiging lubos ang kaligayahan niya kung magiging matagumpay sa negosyo. Yong tinitingala sya na isa sa mga malaking kompanya. At kung papalarin siya at tugunin ni Andrea ang kanyang pag ibig wala ng problema. Magiging anak na niya si Kelvin sa mata ng tao. Hindi na niya kailangan ipag tapat ang kanyang ginawang kasalanan. Sasarilinin na lang niya ito dadalhin hanggang sa kanyang hukay ang buong katotohanan na siya ang ama nito. Siya ang lalaking walang kunsensya na nag samantala sa pag kababae ni Andrea. Laking papasalamat niya noon at hindi siya nakilala nito. Nag sisi man siya kung bakit niya nagawa ang ganoon kay Andrea wala na siyang magawa kasi tapos na at nasakatuparan na niya ang makamundo niyang pag nanasa  dito. Huli na noong mahimasmasan siya na mali ang kanyang ginawa.

Ilang araw at gabi rin siyang binagabag ng kanyang kunsensya. Masasabi rin niya na hanggang ngayon dala dala niya ang ginawa niyang kasalanan sa nag iisang babae na minahal niya ng lubusan. Hindi niya alam o hanggang ngayon tinatanong pa rin niya ang kanyang  sarili kung bakit niya nagawan ng ganoon si Andrea. Ang alam lang niya ng mga sandaling yaon gustong gusto niyang maangkin ang babaeng kanyang iniibig. Hindi niya napigilan ang makamundong pag nanasa para dito. Kahit na noong makita niya na durog na durog na buong pag katao nito di niya magawang aminin dito na siya ang lalaking may takip ang mukha.

Kaya pala ganoon na lang ang gaang ng loob niya kay Kelvin ito pala ang anak nila ni Andrea. Bunga ng kanyang kabaliwan. Sadyang kay liit ng mundo. Hindi mo akalain na pag tatagpuin silang mag ama sa mga sandali na di nila inaasahan. Sana tanggapin ni Andrea ang pag ibig na iaalay  para mabuo na ang  kanilang  pamilya. Sa  pag iisip at pag babalik tanaw sa kahapon  ni Ricky Ramirez. Sa pananahimik ni Ricky Ramirez  inisip ni Kelvin na ayaw sa kanya para sa kanyang nag iisang anak. Hindi mapigilan ni Kelvin ang  kabahan ng mga sandaling  iyo. Mahal na mahal niya si Alice gagawin niya ang lahat para mapasang ayon ang ama nito. Kahit ano gagawin niya  kahit gamitin pa niya ang kanyang ina. Para  lang mapapayag ito na ligawan niya  si Alice. Noong mag salita ulit si Kelvin at tinatanong muli kung ok lang dito na ligawan niya si Alice.  Parang  naalimpungatan si Ricky sa kanyang pag babalik tanaw sa kahapon. Saka palang bumalik ang kanyang isip na kaharap pa pala niya ang kanyang tunay na mag ina.

Ok lang Kelvin kahit sinong ama ikatutuwa nila kung isang tulad mo ang  mangingibig ng kanilang anak. Sa tinuran ni Ricky Ramirez natuwa si Andrea kaya naman nagawa nitong hawakan ang kamay ni Ricky sabay pag papasalamat at tinanggap nito ang pag papaalam ng kanyang anak na ligawan ang nag iisa nitong dalaga. Bulong  ni Ricky kung alam mo lang kung pupuede ipakasal na niya ito agad upang maging anak na rin niya si Kelvin .   
Ano kaya ang gagawin ni Kelvin pag natuklasan niya na si Ricky Ramirez ang hinahanap niyang nag walanghiya sa kanyang ina?***** ABANGAN*****                                                                                                                          

Thursday, October 9, 2014

HUWAG MO AKONG MAHALIN chapter 10


HUWAG MO AKONG MAHALIN  chapter 10

Ni Rhea Hernandez

Pinoy  Poems


Kay tagal niyang pinag isipang pag higantihan si Ricky Ramirez sa pag aakalang inabandona sila ng kanyang Ina. Iyon pala walang ginawa ito kundi sa ikakabuti nilang mag ina. Walang ginawa kundi mahalin ang kanyang ina. Sayang na pag mamahal dumating sa maling oras at panahon. Sanay naging maligaya sana silang pareho kung nag kakilala sila sa tamang  oras.  Kung noong magkatagpo ang kanilang mga ladas sana’y malaya pa si Ricky Ramirez di sin sana hindi nila naranasan ang mga pasakit na dinanas nila ng mahabang panahon. Dalisay na pag ibig kayang mag paraya at mag tiis huwag lang makasira ng kinabukasan ng iba.

Paano nga ba kayo naging mag kaibigan ni Mr Ramirez ngayon na dati ninyo siyang boss. Ngayon hindi lang si Kelvin ang nakikinig sa pag kukuwento ni Andrea pati na si Mando naging interesado sila  na kung paano naging malapit sa isa’t isa ang kanilang boss sa mama nila. Paano ang isang Andrea ay  mahalin at ibigin ng isang Ricky Ramirez ng mga panahong iyon.  Sabi nga noon para silang langit at lupa.

Nag umpisa ang pagiging mag kaibigan nila noong araw nang kanyang interview  sa inaaplayan niyang trabaho bilang isang salelady ng isang kilalang department store.  Tanghali na noong magising kaya naman nag mamadali siya sa pag bibihis. Halos lakad takbo ang ginagawa niya para lang umabot sa tamang oras ng kanyang interview . ayaw niyang ma late kahit isang minuto. Iniisip niya na baka ito ang maging daan para di siya matanggap sa trabaho. Kailanga pa naman niyang mag padala ng pera sa kanyang mga magulang ng mga panahon iyon.

Pag pasok niya sa building sa kakamadali niya mayroon siyang  nakabun guan. Sumabog lahat ang hawak niyang mga papel. Kaya naman inis na inis si Andrea sa nakabungo sa kanya. Anak naman ng tokwa kung kailan ka nagmamadali   saka naman  ikaw mamalasin. Ang bulong nito habang pinupulot ang mga nahulog niyang gamit.  Ganoon din ang lalaking nakabungo sa kanya  nakitulong na rin sa pag pulot at panay sorry nito . Hindi naman niya pinapansin kasi iba ang nasa isipan niya.

Hindi niya halos nakita ang mukha ng lalaki. Hindi niya napansin na halos di nito inaalis ang mga paningin sa kanya. Nabihag ni Andrea ang puso ng lalaking nakabangaan niya. Noong matapos niyang mapulot lahat ang gamit niya sabay takbo papunta sa elevator. Anak naman ng tokwa ohh! Kung kailan ka nag mamadali saka ang tagal ng elevator bumaba. Kung puede nga lang mag hagdanan ginawa na niya . kaya lang baka lawit na dila niya di pa siya nakakarating sa pupuntahan niya.  Sa wakas bumukas na rin ang elevator. Pag pasok niya kasunod niya ang lalaking nakabangga sa kanya. Saka pa lang niya napag masdan ito. Wow! Kay pogi naman pala niya makalalaglag panty ika nga.

Ito ang unang bumasag ng kanilang katahimikan. Tinanong siya bakit sya nag mamadali? Kasi late na ako sa aking  interview kasi ba naman na late ako ng gising. Nakasimangot  pa rin siya ng mga sandaling yaon. Kailangan ko pa naman ang trabahong ito. Huwag kang mag alala hindi ka pa naman huli hindi pa nag uumpisa wala pa doon ang mag  i interview sa inyo. Bakit mo naman alam ? basta alam ko  ! Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi nito. Sa loob loob ni Andrea parang nakakaloko ito ahh. Ano nga pala pangalan mo? ako nga pala si Ricky, ikaw ano name mo? Andrea sabay abot ng kamay  tanda ng pag kikilala nila. Ewan ba niya para siyang nakuryente noong mag lapat ang kanilang mga palad. Kahit hindi nila alam sa isa’t isa sa unang pag kikita at pag lalapat ng kanilang mga palad umusbong  ang isang dakilang pag ibig. Pag mamahal na mapag paraya  sanay umintindi  kung ano ang tama  at mali. Sabay bukas ng elevator. Mabilis na iniwan ni Andrea si Ricky .

Noong pumasok siya sa room ng mga aplikante siya ang nasa hulihan. Sana naman pag dating sa kanya mayroon pang bakante para sa kanya. Bakit naman kasi tanghali na siyang nagising kaya eto siya nasa hulihang pila. Inip na inip na siya na dumating ang oras ng kanyang  interview. Sa kabilang dako Bagot na bagot na rin ang taga interview ali na lang matapos na ito. Halos dina niya iniinterview ang mga aplikante lagi niyang sinasabi tatawagan na lang ang mga ito. Sa inip niya sumilip sya sa pintuan kung ilan pa ang nasa labas. Sa totoo lang hindi naman yon ang reason bakit siya sumilip . gusto niyang makita kung malapit ng pumasok si Andrea. Muling masilayan ang maamo nitong mukha. Kung puede nga lang inuna na niya ito kanina pa. kaya lang alam niya makakahalata ang mga aplikante kung gagawin niya ito. At saka ayaw niyang ipakita sa mga empleyado niya na may palakasan system. Ayaw niyang malaman ni Andrea kaya siya matatanggap dahil sa kanya. Sa wakas masasalang na siya. Laking gulat niya ang napasukan niyang mag  i interview sa kanya  ay si Ricky.

Hindi nag pahalata si Ricky na nasasabik siyang makita ulit ang dalaga. Dahil last na ito puede na tagalan ang pag iinterview. Kung yong iba di pa umiinit ang puwet sa opuan tinatapos na niya ang interview. Pero kay Andrea halos wala na siyang maitanong ayaw pa niyang tapusin . Sa loob loob ni Andrea dumadaan siya sa butas ng karayom para makuha ang posisyon inaaplayan niya. Sa dami ng tinatanong malamang baksak siya. Mukhang pag labas niya sa kuwartong ito mag uumpisa na uli siyang mag hanap na ma aaplayang trabaho. Para bang kay taas ng posisyon inaaplayan niya para lang naman saleslady  kung mag tanong ito akala mo NBI at  Nasa interrogation room siya. Pero mali lahat ang iniisip ni Andrea. Kasi ba naman mag uumpisa na siya ng trabaho kinabukasan. At nag paalala pa ito na matulog siya ng maaga ng di ma late sa pag  gising. Isang matamis na ngiti ang isinukli ni Andrea sa huling sinabi ni Ricky. Iyon na ang umpisa ng kanilang pagiging mag kaibigan.

Kahit alam nila sa kanilang mga sarili na higit pa sa pagiging kaibigan ang kanilang nararamdaman. Pinanatili nila na maging matalik na mag kaibigan lang. dahil sa mga sandaling yaon hindi na malaya si Ricky Ramirez. Mayroon na itong asawa at ang mga magulang nito ang may ari ng department store  pinapasukan niya. Alam ni Andrea na busilak ang nararamdaman nito para sa kanya. Kuntento na nakikita siya nasa mabuting kalagayan. Kahit hindi sinasabi ramdam niya ang pag aalala sa kanya. Nanatiling  malapit na mag kaibigan lang sila . Masasabi nila sa isa’t isa ang mga problema . wala silang sikreto sa isa’t isa. Kaya naman akala ng marami mayroon silang relasyong dalawa.

Hanggang  isang araw nga mayroon nangyari , na  rape si Andrea ng hindi niya nakikilalang lalaki.  Doon niya nakita kung paano nagalit si Ricky. pero wala siyang magawa kung paano tutulungan ang nag iisang babae na nag patibok ng kanyang puso at nag iisang kanyang minamahal ng lubos. Ang akala niya kung kakalimuan niya ang nangyari makakapag move on na siya. Lalaya siya sa masakit na karanasan.  Pero  di nag tagal nalaman ni Andrea na nag dadalang tao siya. At iyon nga ikaw Kelvin ang bunga ng  kahayupan ng lalaking iyon.   Inalok ni Ricky na aakuin niya ang dinadalang sangol pero hindi pumayag si Andrea. Ayaw niyang masira ang tahimik nitong pamilya dahil  lang sa pag tulong sa kanya.

Noong isilang ang dinadala ni Andrea nabalitaan niyang mag kakaroon na rin ng anak si Ricky. kaya naman pinili na ni Andrea na mag pakalayo layo kay Ricky. natatakot siya na dumating ang araw na dina niya kayang pigilang kung ano ang isinisigaw ng kanyang puso. Makalimot siya kung ano ang tama. Alam niya na mayroon katugon ang kanyang pag ibig. Pero kailangan niyang supilin ito. kasi nga dina malaya ang lalaking pinag uukulan niya ng wagas na pag ibig.  Doon nawala ang communication nila sa isa’t isa.

Hindi niya akalain ang dalawa niyang anak ang magiging daan upang mahalungkat muli ang kanilang kahapon. Ang tunay niyang anak na si Kelvin na kay tagal nawalay sa kanya. At si Mando na itinuring na rin niyang isang tunay na anak buhat noong ampunin niya. Ipinagtapat na rin ni Kelvin na kaya siya nasa kompanya ni Ricky Ramirez ay upang pag higantihan ito sa ginawang pag iwan sa kanila ng kanyang mama. Ngayon maliwanag na kanya na wala naman pala itong kasalanan sa kanila  ng mama niya. At higit sa lahat puedeng puede na niyang ituloy ang binabalak niyang panliligaw kay Alice. Maling mali siya noong sabihan niya si Alice na” HUWAG  MO AKONG MAHALIN” ngayon ramdam niya kung gaano niya nasaktan ang damdamin ng dalaga. Kaya naman hindi niya ito masisi kung bakit ito lumayo  sa kanya.  Ano ang magiging katapusan ng pag ibig ni Kelvin para kay Alice***** ABANGAN*****

Wednesday, October 8, 2014

HUWAG MO AKONG MAHALIN chapter 9


HUWAG MO AKONG MAHALIN  chapter 9

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


Ang buong akala ni Kelvin ok na sila ni Alice noong mag kita sila sa mall. Pero bakit biglaan itong umalis ng wala man lang siyang narinig kahit anong dahilan. Tinatanong niya ang sarili kung siya ba ang dahilan ng biglaaang pag alis nito? Dismayado si Kelvin sa mga pangyayari. Sinisisi niya ang sarili kung bakit wala ngayon si Alice. Pero wala na siyang magawa kahit sisihin pa niya ang sarili niya.

Tinawagan niya si Mando at sinabi niyang papunta na siya sa parking lot at doon na sila mag kita para sabay na silang umuwi sa bahay nito. Gusto na niyang makasama ang kanyang ina para gumaang  gaang  naman ang nararamdaman niyang bigat sa kanyang dibdib. Kahit hindi alam nito na siya ang nawawalang anak pag nakakasama niya ang kanyang ina pakiramdam niya kahit anong  problema ay gumagaang  kaya niyang harapin kahit anong bigat pa ito.

Noong dumating si Mando sa parking lot  agad niyang napansin  mayroon kakaiba  kay Kelvin.  Bakit ano ang problema nababasa ko sa iyong mukha na mabigat ang iyong dinadala dyan sa dibdib mo.  Napangiti ng walang buhay si Kelvin sa tinuran ni Mando. Kahit kay tagal nilang nag kalayo hanggang ngayon kabisado pa rin nito  kung mayroon siyang dinaramdam  . hindi ka pa rin nag babago kuya Mando hanggang ngayon alam na alam mo kung mayroon akong pino problema. Anu nga ba yang nag papagulo ng takbo ng  isip mo? Ang seryosong tanong nito kay Kelvin.

Si Alice tuluyan ng lumayo. Lumipad na siya pa America kaninang umaga. Ahh ! yong bulaklak kaninang umaga ibibigay mo sana iyon kay Alice.  Kaya pala  kanina para kang may sakit . hindi ko naisip yon  nag alala ako kanina kung bakit matamlay ka. Yon pala broken hearted ka. Nakukuha mo pa akong tuksuhin eto na nga di pa man nag uumpisang mang ligaw iniwasan na at nag pakalayo layo . mahal ka noon ! makikita mo hindi mag tatagal babalik din yon. Kasi ma mimis ka niya ng husto. Iba yata ang karisma mo pag dating sa babae. Makikita mo ilang araw lang nandiyan na iyon at nililigawan ka na ulit. Ikaw kasi masyado kang pakipot. Babae na nag paparamdam sa iyo na mahal ka,  di mo pinapansin. Pag katapos ngayon iniwan ka eto ka para kang manok nakatuka ng uod.

Kaya pag bumalik si Alice huwag kanang pakipot. Napangiti  si Kelvin sa mga tinuran ni Mando. Ikaw talaga hindi naman ako nililigawan ni Alice ahh. Asus ikaw lang yata ang manhid hindi mo nakikita at nararamdaman. Buong opisina kaya alam na alam na mayroon gusto sa iyo ang anak ng boss natin. Nag pa hard to get ka pa yon pala masama din yang tama mo sa kanya. Ayan ang napala mo sa pag papakipot mo iniwan ka tapos ngayon hahabol habol ka. Kung alam mo lang ang dahilan kung bakit pilit ko siyang iniiwasan noon hindi mo ako sasabihan ng ganito. Sinasabi ko lang ito sa iyo para magising ka sa katotohanan Kelvin.

Dumerecho na sila sa bahay nila Mando. Tulad ng dati pag dating nila nakahanda na ang dinner. Biglang nag bago ang aura ni Kelvin. Hindi niya alam kahit di niya sinasadya kusang nag bago ang expression ng kanyang mukha.

Tuwing nag kikita sila ng kanyang Ina hindi niya namamalayan malaki ang nag babago sa  kanya . Kailan kaya niya ito puedeng tawagin Ina na wala na siguro  siyang mahihiling at iisipin pang iba. Habang tumatagal lalu niya na mimis na mayakap ang kanyang ina awitan siya ng oyayi  habang nakaunan siya sa kandungan nito.  Siguro walang kahulilip na katiwasayan ng damdamin ang kanyang madarama sa mga sandaling iyon.

Habang kumakain silang tatlo halata ni Andrea ang pagiging matamlay ni Kelvin. Kahit pinipilit ni Kelvin na maging masaya sa harap ng kanyang ina mababakas parin ang kanyang dinaramdam sa pag alis ni  Alice ng wala paalam.  Natapos ang dinner nila na punong puno ng kuwentuhan at biruan. Hindi namamalayan ni Kelvin natatabunan na ng saya ang lungkot na kanyang nararamdaman. Alam niya, dahil ito sa kanyang ina.

Pag kakain iniwan ni Andrea ang dalawang binata para makapag usap ito na di naiilang sa kanya. Kaya naman lumabas ito sa garden at pinagmamasdan ang liwanag ng buwan at mga nag kikislapang mga bituin.  Naging  ugali na kasi ni Andrea ang pag masdan ang buwan tuwing kabilugan ito.  Pakiwari kasi niya nakapaloob dito ang imahen nang isang mag ina habang nasa kandungan niya ang bugtong nitong anak at ipinaghehele sa kanyang malamyos na awitin.  At muling bumabalik sa kanyang alala ang nawalay  niyang anak.  Siguro kung nabubuhay pa ito ganap ng binata o kaya may asawa na rin ito at mayroon na siyang apo dito. Sayang nga lang at maaga  kinuha  ang hiram na buhay  ng kanyang nag iisang anak. Kung alam lang niya  nakakasama  pa niya ang anak niya na ang buo niyang akala patay na.

Sa lalim ng kanyang iniisip hindi niya namalayan na nakalapit  na pala si Kelvin sa kanya. Pinag mamasdan siya inaarok kung ano ang kanyang iniisip. Muntik na siyang mapalundag  sa gulat noong maramdaman niya ang presensya ni Kelvin sa tabi niya.  Mukha po yata naabala ko ang inyong pag mumuni muni. Parang ang lalim ng iniisip ninyo.

 Hindi naman naalala ko lang ang namayapa kong anak. Ganoon po ba . puede po ba akong mag tanong kahit isa lang  hypothetical  question.  kung sakaling  malaman ninyo na buhay pa ang inyong anak  ? ano ang inyong gagawin at iisipin? Ano ang inyong mararamdaman?  Kunwari ako yong anak ninyong nawawala at ang buo ninyong   akala  ay matagal ng patay? Ano ang gagawin ninyo?  Huwag kang mag biro ng ganyan. Siguro ako na iyong pinakamaligayang ina sa buong mundo.  Kahit sinong ina maipag mamalaki ka .  gugustuhin mag karoon ng isang anak na tulad mo. Sana nga ikaw ang aking anak. Pakiramdam ko nga hindi ka iba sa akin. Pakiramdam ko nga parang sa akin ka nang galing ako ang iyong ina.

Hindi napapansin ni Andrea  ang mga mata ni Kelvin sa   pag uunahan sa pag agos ang  mga luha.  Biglang niyakap ni Kelvin ang kanyang ina at sabay sambit na mahal na mahal kita Inay. Nabigla man si Andrea  gumanti ito sa yakap  kay Kelvin. Ako po  ito ang inyong anak! Buhay na buhay pa po ako. Nakaligtas ako sa kamatayan noon dahil sa mga taong tumulong sa akin na siya kong kinilalang mga magulang ngayon. Binigyan nila ako ng magandang kinabukasan.  Wala silang inilihim sa akin tungkol sa  pag katao ko. Kung paano nila ako napulot na halos na wala ng buhay.

Hindi makapaniwala si Andrea na ang hinahanap niyang anak ay nasa tabi lang niya. Nniyakap niya ng ubod ng higpit  si Kelvin sabay sambit ng anak. Kailan mo pa nalaman na ako ang iyong ina? Buhat pa noong magkakilala kami ni Kuya  Mando. Akuman po noong una hindi makapaniwala na mag kakatagpo pang muli ang  aming mga landas pag kalipas ng maraming mga taon. At sa muli naming pag tatagpo kasabay na pag kakatuklas ko na kayo ang tunay kong ina. Base sa mga kuwento ni kuya Mando. Natakot lang kaming sabihin agad at baka kayo atakihin sa puso. Kaya naisip naming  ang ganito ang unti unting  mapalapit sa inyo.

Masayang masaya ang mag ina sa muli nilang pag sasama. Walang malaman gawin si Andrea sa kanyang anak. Yakapin pupugin ng halik himasin ang mukha nito. Hindi siya makapaniwala eto ang anak niya nayayakap nahahalikan nahahawakan niya ang mukha. Salamat po Diyos ko at ibinalik mo sa akin ang bugtong kong anak. Maraming salamat at hindi mo siya pinabayaan.  Binnigyan mo siya ng magandang buhay.

Totoo po ba na si Ricky Ramirez ang tunay kong ama. Isang mahinang iling ang tugon ng kanyang ina. Hindi ko nakilala ang tunay mong ama. Biktima ako ng isang masaklap na karanasan. Biktima ako ng isang  rape. Ang tanging nakaka-alam nito ay si Ricky Ramirez sa kanya ko lang nasabi ang sinapit ko sa kamay ng isang lalaki ni minsan di ko nakita kung sino siya .matalik kong kaibigan noon si Ricky. Hindi siya kumibo ng isipin ng marami na siya ang ama ng aking dinadala noon. Ayaw niyang madagdagan pa ang aking pag hihirap. Nangyari ang bangungot ng buhay ko noong minsan nag overtime ako nang bigla nalang may isang lalaki na  lasing sa pinagbabawal na gamut ang humablot sa akin sa isang madilim na lugar at doon nangyari ang bagay na labag sa aking kalooban , Kelvin hindi ko siya namukhaan dahil sa gamut na ipina amoy sa akin noon. Kaya nawalan ako ng malay. Nagising na lang na walang na akong saplot  at  nakuha na niya ang buo kong pag katao.

Ang akala ko noon ang manahimik ako walang makaka alam sa nangyari. Pero  nag bunga ang kahayupan iyon at ika nga ang naging bunga.dahil wala naman ibang lalaking malapit sa akin kung hindi si Ricky kaya ang inisip ng marami na siya ang ama ng dinadala ko. Para ilayo si Ricky sa kahihiyan  na pinag bibingtangan siya na wala naman siyang kasalanan. Ayaw naman niyang pasinungalingan ang lahat dahil naaawa siya sa kalagayan ko.  Kaya walang paalam nagpakalayo layo ako sa mga kakilala ko. Alam ko hinanap ako ni Ricky noon pero hindi niya ako nakita. Sabi nga mahirap makita ang taong ayaw mag pakita.

Hanggang isilang kita noon kahit hirap akong itaguyod kita hindi ako lumapit kay Ricky. Ayaw kong guluhin muli ang tahimik na niyang buhay. Alam ko kasing may lihim na pag mamahal sa akin ito.  Ang  pag kakaalam ko hindi mahal ni Ricky ang kanyang asawa. Pinakasalan niya ito para umangat sa buhay.mataas ang pangarap ni Ricky . kaya kahit mahal ko siya lumayo ako. Ayaw kong maging daan ng pag kasira ng isang pamilya.

Hanggang dumating sa atin ang isang akasidente na siyang nag pahiwalay sa atin ng napaka habang panahon.  Noong mawala ka dumating ako sa  punto na ayaw kong nang mabuhay. Anu pa ang saysay ng buhay ko kung wala ka naman Kelvin ang nag iisa kong anghel . halos masiraan ako ng bait noon. Hindi ako tumigil sa pag hahanap sa iyo hanggang matagpuan ko si Mando. Inampon ko siya dahil sa kanya ko nakita ang iyong katauhan. Dahil nagkaroon kayo ng malalim na ugnayan. Iisa ang inyong dinanas na kalupitan ng lipunan. 

Ano na ang mangyayari sa mga plano ni Kelvin sa paghihiganti kay Ricky Ramirez*****ABANGAN*****

Tuesday, September 16, 2014

HUWAG MO AKONG MAHALIN chapter 8


HUWAG MO AKONG MAHALIN chapter 8

 Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

Masayang masaya si Kelvin  noong umagang magising mababakas mo kasi  napapangiti ito mag isa. Bago pumasok sa opisina dumaan muna sa isang flower shop. Balak niyang bigyan ng mga bulaklak si Alice. Pag dating sa parking lot  ay   muling  sinulyapan ang  binili niyang bulaklak. Sana magustuhan  ito ni Alice. Ang mga biniling  bulaklak na kay titingkad na kulay pula tulad ng pag ibig niya kasing tingkad ng mga rosas.Tulad ng puso niya na punong puno ng pag mamahal . bawat bulaklak ay para bang nakangiti tulad ng kanyang  puso punong  puno  ng pag asa. Pag dating niya sa parking lot nag dadalawang isip siya kung aakyat na siya o iintayin na lang si Alice doon. Kaya naman nag desisyon siya na intayin na lang nito anumang sandali  darating na ang dalaga. Lagi namang nasa oras ito kung pumasok. Madalas nag kakasabay pa nga sila sa pag baba sa kanilang kotse. Laging mayroong ngiting nakalaan sa kanya ang dalaga.

Pero naiinip na siya wala pang  Alice na dumarating . nagtataka siya bakit wala pa ito. Maaga kayang pumasok  kaya hindi niya nakita  dumating. Kaya naman kinuha niya ang mga bulaklak at tinungo niya ang elevator.  Pag dating niya sa itaas dumeretcho na siya sa opisina ni Alice. Nais na niyang iabot ang mga bulaklak at humingi ng sorry sa mga masasakit na salitang kanyang binitawan noon. Gusto niyang makita ang magiging reaction nito sa gagawin niya. Siguradong matutuwa ito sa kanyang peace offering .

Pero si Kelvin pala ang masosopresa. Wala pa rin si Alice hindi pa rin ito pumasok. Laglag ang balikat na tumuloy  sa kanyang office. Kaya naman inuutos na lang niya sa isang empleyada na ilagay sa isang flower vase ang mga bulaklak. Napansin ni Mando ang pagiging matamlay ni Kelvin. Bro bakit may sakit ka ba masama ba ang pakiramdam mo?  Sana hindi ka na lang pumasok kung masama ang pakiramdam mo. Ang sunod sunod na pag aalala ni Mando para kay Kelvin. Bro wala akong sakit wala lang ako sa mood. Ang mabilis na sagot nito.  Huwag mo na lang akong pansinin lilipas din ito.Puede bang sa inyo ako mag dinner gusto ko lang mag palipas ng aking nararamdaman ko. Baka sakaling gumaan pag kasama ko si mama Andrea. Oo ba matutuwa si mommy pag tumawag ako at sabihin doon ka mag didinner mamaya. Alam mo naman yon basta ikaw napakasigla niyang mag luto pag darating ka sa bahay. Kailan mo nga ba balak ipag tapat sa kanya ang buong katotohanan na ikaw ang pinanabikan niyang anak. Huwag kang mag alala malapit na.

Lingid sa kaalaman ni Kelvin pag katapos nilang mag kitang muli ni Alice sa mall nag pasya itong umalis muna. Natatakot kasi siya na maling signal na naman  ang hatid  nang mga ikinikilos ni Kelvin. Baka lalu lang siyang masaktan. Kaya naman noong oras na maghiwalay sila ni Kelvin kinausap niya ang papa niya. Na aalis muna siya at sa ibang bansa siya muna  hahanap ng katiwasayan ng isipan at damdamin. Saka na niya iisipin ang  tungkol sa kanilang negosyo .

Nag tataka man si Mr Ricky Ramirez  sa mga ikinikilos ni Alice hindi pa rin ito nag  tanong kung ano ang nangyayari sa anak. Kabisado na niya ito . Na kahit anong gawin niya hindi  mapipilit na ipag tapat sa kanya  kung anuman ang dinaramdam nito. Lumaking malayo ang loob ni Alice sa kanyang ama buhat noong mamatay ang kanyang  ina. Alam din niya na siya ang sinisisi nito kung bakit namatay na malungkot ang Ina  ni Alice. Wala daw mahalaga sa kanya kundi ang kanilang company. Kahit na malubha na ang karamdaman ng  Ina niya hindi pa rin mahagilap ang papa niya . lagi itong wala sa bahay laging walang oras para sa kanilang mag Ina. Naitindihan naman niya ang kanyang papa ang  lahat ng ginagawa nito ay para din sa kanilang dalawa ng mommy niya. Pero kahit ganoon mayroon pa rin siyang nararamdamang hinanakit dito.

Hanggang ngayon hindi pa rin niya maitanong sa kanyang ama bakit parang bale wala lang ito sa kanya.  Bakit hindi niya nakitaan ng kahit kaunting  pag dadalamhati sa pag kakasakit ng kanyang Ina. Madalas niyang itanong noon sa kanyang sarili mahal ba  ng  kanyang Ama ang kanyang Ina. Pero kahit minsan hindi niya maisatinig ang mga katanungan sa kanyang Ama. Natatakot siya sa maaaring isagot nito. Natatakot siya na matuklasan ang katotohanan. Na hindi sila minahal ng kanyang Ama .lolokohin niya ang sarili kung sasabihin niya na malaki ang pag kukulang nito bilang Ama. Sa totoo lang binibigay nito ang lahat ng pangangailangan niya. Buhat noong bata pa siya,  tama sa mga material na bagay bastante siya. Bagkus sobra sobra pa nga sa kanyang inaasahan.

Kung alam lang ni Alice  ang buong katotohanan hindi siya mag tatanim ng kahit kaunting hinanakit sa kanyang Ama.  Alam ni Alice sa puso niya mahal na mahal niya ito. Kahit marami silang hindi napag kakasunduan madalas. Hindi nag babago ang pag galang at pag mamahal niya sa Ama niya. Yong nga lang hindi niya alam paano nga ba maging malapit dito. Ito na ang nakasanayan nila ang maging malamig sa isa’t isa. Pareho nilang hindi alam paano nga ba ipapakita ang tunay nararamdaman sa bawat isa.

Habang papalayo ang eroplanong sinasakya ni Alice alam niya ang kanyang puso naiwan. Ang pag ibig niya kay Kelvin na kahit minsan alam niya na hindi mag kakaroon ng katuparan. At ang matagal na niyang iniintay na mahalin din siya ng kanyang Ama. Ang maramdaman niyang hindi siya laging nag iisa. Kailan nga ba siya masasanay  sa pag iisa. Bakit lagi siyang umaasa na sanay mahalin din siya ng mga taong kanyang minamahal. Sadya bang ipinanganak siya sa mundong ito na laging namamalimos ng pag mamahal. Kung alam lang ni Alice mahal na mahal siya ng kanyang ama at ng lalaking mahal niya na si Kelvin. Hindi lang marunong mag paramdam ng pag mamahal ang kanyang ama. Ang alam niya basta ibinigigay niya ang lahat ay sapat na ito para maipadama ang pag mamahal niya. Basta sagana at maginhawa sa buhay magiging kuntento na. kung alam lang ng papa niya hindi niya kailangan ang mga karangyaan binibigay nito sapat na yong lagi silang mag kasama tulad ng ibang mag aama .

Hindi namamalayan ni Alice bumabalong na pala ang kanyang mag luha. Bakit nga kay aga binawi ang hiram na buhay ng kanyang Ina. Di sin sana punong puno siya ng pag mamamhal nito. Ang kanyang ina lang naman ang tunay na nag mamahal sa kanya. Mis na mis na kita  mama sanay buhay ka pa .  Hinahanap hanap ko ang mga haplos mo sa aking buhok pag ganitong ako’y nalulungkot. Isang haplos lang ng iyong pag mamahal  lahat ng lungkot at pag aalala napapalis.  I wish sana kapiling pa rin kita hanggang ngayon.

Pinahid ni Alice ang mga luha  at sabay usal na mag pakatatag ka babae wala na ang iyong Ina  matuto kang lumaban sa agos ng buhay. Huwag kang maging mahina sa mga mata ng taong walang pag papahalaga sa iyo. Wala silang iniintay kundi ang pag kalukmok mo. Ang pag bagsak mo sa iyong kinalalagyan. Huwag mong hayaan na maging masaya sila sa iyong pag luha. Huwag mong ipakitang mahina ka. Lumaban ka sa agos ng buhay.  Walang lalaban para sa iyo kundi ikaw. Unti unting naiba ang expression ng mukha ni Alice matapos pag sabihan ang sarili. Ito na ang huling iyak mo Alice Ramirez. Ipangako mo ito sa iyong sarili. Sumilay ang isang mapaklang ngiti sa kanyang mga labi.

Lumipas ang mag hapon na wala sa mood si Kelvin. Iniisip niya paano muli niyang makakausap si Alice. Noong mag uuwian na nakasabay niya papuntang parking lot si Mr Ricky Ramirez.  Nag kabalitaan at nag kamustahan. Kaya naman nag karoon siya ng pag kakataon itanong bakit hindi na pumapasok si Alice.  Ewan ko ba sa batang iyon pabago bago ang isip . sabi niya sa akin noon nag eenjoy na siya sa pag tratrabaho dito tapos bigla bigla na lang ayaw ng pumasok tapos kahapon laking gulat ko na nag papaalam na lilipad siya papuntang America. Kaya ayon  kaninang umaga sumakay siya sa unang eroplanong lumipad papuntang  America.  Hindi ko alam kung kailan nanaman siya babalik. Sabay bungtong hininga. Alam ni Kelvin na mabigat sa kalooban nito ang pag alis ng nag iisa niyang anak.

Lalung naging malungkot si Kelvin noong malaman na umalis ng bansa si Alice. Alam niya na siya ang isa sa mga dahilan bakit ito bilaang umalis . bagsak ang balikat ni Kelvin noong sumakay sa kanyang kotse. Nag lulumo siya sa katotohanang hindi na niya muling makikita si Alice.  Ngayong umalis si Alice  ano na ang kakahinatnan ng mga nadarama nilang damdamin sa isa’t isa. Kailan kaya nila aaminin  na mahal nila ang isa’t isa.*****ABANGAN*****

Friday, September 5, 2014

HUWAG MO AKONG MAHALIN chapter 7


HUWAG MO AKONG MAHALIN  chapter 7

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

Kailangan tapusin na niya ito. Gagawa na siya ng paraan para patunayang  anak siya ni Ricky Ramirez. Kung papa ano may naisip na siya . kailangan ma pa test niya ang DNA nilang dalawa. Sa ganitong paraan lang hindi na maitatanggi nito na anak siya.  Pero paano , hindi naman puedeng humingi siya ng sample para mapa test.  Ahh ! si Alice mas madaling kuhanan ng sample. Kailangan makipag bati siya dito . lalapitan niya ito hihingi siya ng sorry sa kagaspangan ng ugaling ipinakita niya  para maaya niyang mag kape o kumain sa labas para makuha niya kung  ano  ang kailangan niya para sa pag test ng DNA.

Samantala sa tagal na mag kakasama sila Mando at Kelvin sa iisang opisina naging close na rin sila at mag kasundo sa maraming bagay. Tulad dati noong mga bata pa sila  madali napalapit sa isa’t isa.  Pakiramdam nila matagal na silang mag kakilala. Lingid sa kaalaman ni Kelvin unti unting tinutuklas ni Mando ang buong pag katao nito. Kahit sa kinikilala nitong magulang . nalaman niya ang storya ng buhay ni Kelvin. Hindi lang kasi sa opisina ang pagiging mag kaibigan nila.  Naging mag kabarkada kahit sa labas ng opisina. Mag kasama sa mga gimikan ng mga tulad nilang mga binata. Nag kataon naman na iisa lang ang hilig nilang sport. Pati sa pag kain mag kasundo sila kaya naman madalas silang lumalabas  after office hour.

Dahil dito ang lihim ng pag katao ni Kelvin hindi na mahirap para kay Mando na alamin. Dahil dito napatunayan niyang ang Kelvin noon at sa ngayon ay iisa. Gustong gusto na niyang sabihin dito ang kanyang natuklasan pero paano pag sinabi niya ito mawawalan siya ng mommy. Babawiin kaya ni Kelvin ang kinikilala niyang ina. Na alam na alam niya na hindi pa nabubura sa puso nito ang nawawala niyang anak. Saan  siya pupulutin after ipag tapat niya ang katotohanan.

Pero dala ng kanyang konsensya hindi niya matiis na itago kay Kelvin ang katotohanan sa kanyang mga natuklasan. Kahit wala itong maalala sa kanilang kahapon .  ipinagtapat ni Mando ang lahat. Sinabi niya ang mga araw na mag kakasama sila sa sandikatong kanilang nasalihan noon mga bata pa sila. Sa mga pag kukuwento ni Mando unti unting bumabalik sa kanyang alaala ang kahapon.  Sa tulong ni Mando ang nawawalang karanasan sa kahapon ng buhay ni Kelvin ay kanyang naalala na ngayon. Ang mga pasakit at hirap na dinanas nila sa loob ng sindikato. Ang magandang samahan nilang dalawa. Ang pag tuturingan nila na parang mag kapatid.

Kaya pala ang gaang agad ng loob ko sa iyo kasi ikaw pala ang aking kuya. Doong sa madilim kong kahapon ikaw pala ang aking karamay. Nag yakap sila hindi mapigilan ni Kelvin ang pag agos ng kanyang mga luha. Parang bumalik siya sa pag kabata noon na si Mando ang kanyang taga pag ligtas. Ang nag iisang tumayo lumaban para sa kanya noon.

Mayroon pa akong ipag tatapat sa iyo. Ang tunay mong ina ang siya kong kinikilalang ina. Siya ang umampon sa akin noong malaman niya na para tayong  mag kapatid. Noong mabatid niya na patay kana ang mga alala mo dahil sa akin lagi niyang binabalikan. Hindi siya nag sasawa na makinig  sa pag kukuwento ko tungkol sa iyo.  Kahit anong gawin ko hindi ko mapalitan at matumbasan ang pag mamahal niya sa iyo. Ang kawalan mo hindi ko mapunuan sa puso ni mama. Kahit kailan hindi kita napalitan sa puso niya. Alam ko minahal din niya ako pero ibang klase ang pag mamahal niya sa iyo. Isa siyang ulirang ina. Naging mabait siya sa akin at busog ako sa pag mamahal niya. Ang mga gusto niyang ipalasap sa iyo sa akin niya ginagawa. Kahit alam kong hindi para sa akin natutuwa ako mayroong isang ina akong nasasandalan hanggang ngayon. Maraming salamat dahil sa iyo naranasan ko mag karoon ng isang ina.

Tara sumama ka sa akin ipapakilala kita kay mama. Kay tagal ka niyang kinasabikan. Ngayon na kaagad agad. Hindi kaya siya mabigla kung mag papakilala ako agad na anak niya?  Ano gusto mo ipakilala muna kitang kaibigan ko? Hayaan mo munang mag kalapit kami saka ako mag papakilala sa kanya. Dahil sa kahilingan ni Kelvin ganoon nga ang ginawa nila. Unang kita palang ni Kelvin iba na agad  ang naramdaman niya. Ibig niyang yakapin at sabihing inay ako ang nawawala mong anak. Pero paano baka mabigla siya at atakihin sa puso. Baka hindi niya kayanin ang katotohanan.  Sabi nga ni Kuya Mando mahina ang puso nito. Kailangan unti unti ang gagawin niyang palapit dito.

Pero di alam ni Kelvin unang kita palang sa kanya ng kanyang ina iba na ang naramdaman nito.  Nag tataka siya bakit tuwing makikita niya ang kaibigan ni Mando kay lakas ng tibok ng kanyang puso.  Bakit kung nawawala na ito sa kanyang paningin hinahanap hanap niya ito. Kaya naman madalas sabihan niya si Mando na kumbidahin ang kaibigan niyang doon sa kanila mag hapunan  at mag luluto siya. Na siya namang gustong gusto ni Kelvin para mapalapit siya sa kanyang ina. Kaya naman noong lumaon naging tambayan na nila ni Mando ang bahay nito.

Lumabas na ang DNA nila ni Alice Ramirez bakit ganoon negative ang resulta. Hindi sila mag kapatid.  Ano ang katotohanan hindi siya anak ni Ricky Ramirez  o kaya si Alice Ramirez ang hindi anak. Dahil sa resulta ng DNA naging palaisipan sa kanya ang buo niyang pag katao. Sino nga ba ang tunay niyang ama. Dahil dito naging masaya ang puso niya. Hindi na niya kailangan supilin kung ano ang nararamdaman niya. Hindi pala sila mag kapatid ni Alice. Kay tagal niyang pinarusahan ang kanyang sarili na hindi naman pala dapat.

Dahil sa resulta ng DNA nila nag karoon ng kalayaan ang mga nararamdaman nila sa isa’t isa. Wala ng hadlang para tikisin pa ni Kelvin kung ano ang nararamdaman niya kay Alice. Saka na niya problemahin kung sino sa kanilang dalawa ang tunay na anak ni Ricky Ramirez. Ang mahalaga ngayon may laya na siyang ligawan si Alice. Ang babae unang nag patibok ng kanyang puso. 

Masiglang masigla si Kelvin noong pumasok siya sa opisina. Sabik na siyang muling masilayan ang kanyang minamahal. Sana nga pumasok na uli ito  ngayon. Parang kay tagal na hindi sila nag kita. Muli sinulyapan ni Kelvin ang mga bulaklak na kanyang binili bago pumasok.  Halos mabingi siya sa lakas ng kalabog ng kanyang dibdib. Ngayon lang siya mag bibigay ng bulaklak sa  isang babae. At ngayon din lang siya manliligaw kung saka sakali. Sana naman hindi siya pahirapan ni Alice. Sa dami  binigay niyang pasakit dito natatakot siya na baka naging manhid na ang puso nito para sa kanya.

Naalala pa niya ang huli niyang sinabi dito na  HUWAG MO AKONG MAHALIN  na kahit kailan hindi mag kakaroon ng katuparan ang kanyang nararamdaman para sa akin. Sana mapatawad niya ako  ang usal na dalangin ni Kelvin.  Alam niya kasi na sobra nasaktan si Alice sa kanyang mga binitiwang salita  dito. Sana naman hindi pa huli ang lahat para sa aming pag mamahalan.  Bakit kasi hindi niya agad naisip na mag pa DNA.  Di sana matagal na silang naging masaya  at hindi niya nasaktan ang damdamin ng dalaga. Mapatawad kaya ni Alice si Kelvin?  *****ABANGAN*****

HUWAG MO AKONG MAHALIN chapter 6


HUWAG MO AKONG MAHALIN  chapter 6

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

Lumipas ang maraming araw , linggo at buwan hindi nagsawa si Alice sa pag paparamdam kay Kelvin na  mahal niya ito. Pero ganoon pa rin ito sa kanya malamig pero nararamdaman naman niya na may care ito sa kanya. Kaya naman naguguluhan siya sa kung ano talaga ang saloobin nito sa kanya. Tulad kanina sa may parking lot pag baba niya sa kanyang car hindi siya tumitingin sa dinaraanan niya mayroon kasi siyang kinakalikot sa kanyang bag. Hindi niya napansin ang paparating na sasakyan na muntik na siyang mabundol nito. Nandoon si Kelvin para I save siya sa muntikan niyang aksidente.

Doon ramdam na ramdam niya ang pag aalala nito sa kanya. Pakiramdam nga niya para siyang babasaging cristal kung pangalagaan at ingatan. Ang kanyang  yakap at titig ng mga sandaling iyon habang  siya  inililigtas  sa aksidente. Para bang punong puno ng pag  aalala at pag mamahal. Tumatagos sa kaibuturan ng kanyang puso. Halos mag dikit na nga ang kanilang mga labi.

Ipinikit ni Alice ang kanyang  mga mata at kanyang iniintay na mag lapat ang kanilang mga labi. Pero walang labing lumapat sa kanyang  mga labi bagkus isang nakakabinging salita ang narinig niya. Sa mga labi nito. Anu ba Alice bakit ba kung mag lakad ka ay tatanga tanga ka. Kung di ko naagapan nabundol ka ng sasakyan ng isang tatanga tangang  driver. Sa susunod kasi kung tatawid ka mag iingat ka at huwag yong kung ano ano ginagawa mo.

Sa kanyang narinig para siyang napahiya sa kanyang sarili . para makabawi sa masasakit na salitang binitiwan ni Kelvin isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha nito. Sabay sabi bitiwan mo nga ako. Para kang nakakaloko niyan hanggang ngayon yakap yakap mo ako. Anu ka sinasamantala mo ang pag kakataon para mayakap mo ako. Dahil doon bigla siyang binitawan nito. Kaya naman muntik na siyang  mapasalampak sa semento.

Gigil na gigil si Alice  pero sa totoo lang may kilig siyang naramdaman sa pang yayari.  Iyong isipin na halos mag lapat na ang kanilang mga labi. Amoy na niya ang hininga nito. Sayang sana hinalikan na siya nito. Hindi naman siya tatangi. Bagkus  tatanggapin niya ng taos puso. Siguro siya na ang pinakamaligayang babae kung nag kataon. Isang matamis na ngiti ang namutawi sa kanyang mga labi. Sayang talaga, mayroon din kaya pag mamahal sa kanya si Kelvin? Natatakot lang dahil mag kaiba ang mundo aming ginagalawan.

Samantala si Kelvin sinisisi ang sarili. Ano ba ang pumasok sa isipan mo at muntik mo nang halikan ang kapatid mo! Ang paninisi ni Kelvin sa kanyang sarili.  Bakit ba pag dating sa kanya nasisira ang pag control sa iyong sarili. Bakit hindi isang pag mamahal ng isang kapatid ang nararamdaman mo  sa kanya.  Sabi ng kanyang isip pero ang puso niya iba ang idinidikta. Mahal na mahal niya ito. Hanggang kailan niya kayang kalabanin  ang nadarama ng kanyang puso.

Kailangan kausapin na niya si Alice na ibaling sa iba ang nararamdaman nito. Hindi sila ang para sa isa’t isa. Kailangan tapatin na niya ito para mabaling sa iba ang kanyang nararamdaman. Baka umasa siya na mag kakaroon ng katuparan balang araw ang nadarama niya para sa akin. Kaya naman nag lakas loob si Kelvin na tapatin na si Alice. Kumakatok si Kelvin sa opisina ni Alice panay ang buntong hininga niya. Kaya ba niyang saktan ang babae ito. Alam  na alam niya sa puso niya kung maaari huwag makaramdam ng sakit at pighati ang babaeng  pinaka  mamahal niya. Pero kailangan tapatin na niya ito. Para hindi masaktan lalu pag dating ng araw.

Noong makita ni Alice na si Kelvin ang bisita niya sa kanyang opisina. Parang lumundag sa tuwa ang puso niya. Ano kaya nakain ng lalaking ito at naisipan siyang  dalawin sa kanyang opisina.  Matagal tagal na rin siya dito pero ngayon lang siya sinilip nito .  kaya naman siya nag papakahirap mag opisina araw araw para lang mapansin siya nito. Alam na alam ng papa niya na wala siyang balak mag trabaho. Noon kahit anong pilit nito na pag aralan ang pag papatakbo ng kanilang negosyo lagi niyang tinatanggihan. Pero eto siya nag oopisina at siya pa ang humiling sa papa niya na mag tratrabaho siya.  Kahit nag tataka hindi na nag dalawang isip ito na bigyan siya ng mataas na posisyon sa kanilang company. Hindi naman nag sisi ang papa niya sa pag bibigay sa kanya ng nasabing posisyon kasi ginagawa naman niyang ang lahat para magampanan ang posisyon niya. Para  mapansin ni Kelvin ang kanyang kakayahan.

Ayaw niyang isipin nito na abo ang laman ng kanyang ulo. Nakikipag tagisan siya ng talino dito. Alam niya ang gusto ni Kelvin sa babae yong  may laman ang utak . kaya naman ginagawa niya ang lahat para hindi siya mapahiya dito.  Sadya namang may angking galing at talino si Alice pag dating sa negosyo.  Yong nga lang may pagka spoil brat kung minsan.

Malalim ba ang iniisip mo papansin ni Kelvin .  Ano ba ang kailangan mo at naligaw ka sa opisina ko? Alam ko naman na iniiwasan mong magawi dito. Kung hindi importante hindi mo ako papasyalan dito sa opisina ko. Oo tama ka mayroon akong importanteng sasabihin sa iyo. At sana maintindihan mo ako kung ano at bakit.

 Sabihin mo at pilit kong iintindihin kung anoman ito. Alam ko magiging masyado akong rude sa iyo pero kailangan sabihin ko ito para hindi ka umasa at masaktan pag dating ng panahon. Mmmm bakit naman ako masasaktan? Alice kung maaari ay HUWAG MO AKONG MAHALIN!  Hindi dapat at masasaktan ka lang . kaya hanggang maaga pigilan mo ang puso mo na mahalin ako. Dahil hindi mag kakaroon ng katuparan ito kahit kailan. Huwag mo nang  itanong bakit ko nasabi ito. Basta ilagay mo sa iyong isipan at sa puso mo na hindi ako karapat dapat sa iyong pag mamahan. Huwag na huwag mo akong mahalin  masasaktan kalang pag dating ng araw.

Dahil sa sinabi ni Kelvin sa kanya hindi lang pag kapahiya sa kanyang sarili ang naramdaman niya kundi nanliit siya. Ganoon ba ang dating niya sa lalaki ito. Masyadong haling sa pag mamahal dito. Halata ba masyado na mahal na mahal niya ang lalaki.  Ano nga ba ang kulang sa kanya at hindi siya kayang mahalin nito. Hindi niya akalain na tatapatin siya ng ganito.  Sadya bang mahirap siyang mahalin? Bakit kasi siya pa ang minahal ng puso niya. Kay dami namang lalaki diyan. Na gustong masungkit ang matamis niyang oo. Pero eto si Kelvin harap harapan sinasabi sa kanya na huwag ko siyang mahalin.

Layas lumayas ka sa opisina ko! Pumunta ka lang dito para sabihin sa akin na napaka tanga ko . nag kakagusto sa iyo at sino ka para sabihan ako ng ganyan? Sino ka ba para insultuhin ako ng ganito ? ano ang ipinag mamalaki mo at nakaya mo akong ipahiya ng ganyan?  Alis ! ka na ayaw kong makita yang pag mumukha mo!  Sino ba siya para sabihan akong huwag ko siyang mahalin!

Hindi mapigil ni Alice ang pag agos ng kanyang mga luha. Umiiyak ba siya dahil nasaktan siya sa sinabi ni Kelvin o dahil hindi pa man wala na siyang pag asa sa pag ibig nito. Alin nga ba ang totoong iniiyakan niya. Aminin man niya sa hindi ang pag agos ng kanyang mga luha ay dahil sa pag kabigo niya sa pag ibig ni Kelvin. Kaya niyang tanggapin ang lahat ng masasakit na salita galing dito. Pero ang katotohanang wala na siyang pag asa sa pag mamahal nito hindi niya kayang tanggapin.

Nag sisiman si Kelvin sa ginawa niya pero wala siyang magawa. Ayaw man niyang saktan ang nag iisang babae na nag patibok ng puso niya wala siyang magawa. Ayaw niyang mag kasala sa mata ng Diyos. Kapatid niya sa ama si Alice . bakit ba siya pinaparusahan ng ganito. Ano nga ba ang nagawa niya bakit kailangan niya masaktan  ng labis labis ang babae minahal niya ng wagas.

Ilang araw  hindi pumasok si Alice sa kanyang opisina. Tinatanong siya ng kanyang papa bakit hindi siya pumapasok. Lagi niyang sagot tinatamad siya. Hindi naman siya mapilit ng papa niya . alam nito pag ayaw niya walang nakakapilit sa kanya. Hindi naman niya masabi ang tunay na dahilan. Baka pag buntunan ng galit ay si Kelvin. Kahit sinaktan nito ang puso niya ang kapakanan parin nito ang iniisip niya.

Samantala hindi na mapakali si Kelvin nag aalala na siya sa hindi pag pasok ni Alice. Hindi niya alam kung ano na ang nag yayari dito. Gustong gusto na niyang tanungin ang papa nito kung bakit hindi pumapasok si Alice. Sinisisi niya ang sarili sa mga pangyayari.hindi niya malaman ang gagawin mag tetext siya pero di naman niya ma I send.  I dial niya ang numero ng telephone pero di niya mapindot ang call.  Alalang alala na talaga siya. Para siyang manok na di mapangitlog. Hindi siya mapakali sa opisina niya.

Kaya naman pati trabaho niya hindi siya makapag concentrate . masissiraan yata siya ng ulo pag hindi niya malalaman ang kalagayan ni Alice. Mis na mis na niya ito gusto na niya itong makita. Ano ang gagawin niya. Total hindi siya makapag trabaho ng maayos naisipan niyang mag lakad lakad muna.  Mag ikot ikot  baka sakali mawala sa isipan niya si Alice.

Samantala ganoon din si Alice bored na bored na siya sa bahay . ilang araw na rin siyang nag kukulong sa kanyang kuwarto. Kaya naman naisipan niyang mag ikot ikot para makapag isip ng tuwid. Baka sakali luminaw ang utak niya kung makakasagap siya ng sariwang hangin. Hindi niya akalain ang makakasalubong niya sa kanyang pag lalakad ang lalaking hinahanap ng puso niya na ayaw niyang makita . Ganoon din si Kelvin  hindi niya inaasahan ang hinahanap hanap ng puso niya sa pag lalakad niya doon lang pala niya makikita.

Hindi napigil ni Kelvin ang puso niya sa kasabikan makita si Alice . kaya naman sabik na sabik siyang niyakap ito. Parang  kay tagal  nilang hindi nag kita. Gulat na gulat man si Alice sa ikinikilos ni Kelvin ay hinayaan niya ito. Sapagkat ang puso niya tigib din ng tuwa sa pinapamalas ni Kelvin. Hindi niya akalain na mis din siya ng lalaking ito . noong mahimasmasan ito saka nag sorry . kung nasaktan man kita hindi ko sinasadya. Naging makatotohanan lang ako.  Hindi tayo puede , bakit nga di tayo puede?

Bakit  hindi ka na pumapasok? Ako ba ang dahilan? Mmm masyado naman yata lakas ng kompiyansa mo sa iyong sarili? Nag pahinga lang ako nag bakasyon iniisip mo na agad  dahil sa iyo? Sino ka ba para maging dahilan ng hindi ko pag pasok sa trabaho? Kung ganoon papasok kana bukas? Ang tanong ni Kelvin. Oo naman tapos na kasi ang bakasyon ko. Ikaw ano ginagawa mo dito oras ng trabaho ahh! Mayroon lang akong bibilhin kaya ako nandito. Hindi masabi ni Kelvin ang totoo.  Kaya siya nandoon dahil sa kanya.  Hindi siya makapag trabaho ng maayos ng dahil kakaisip sa dalaga. Kaya siya nag papalipas ng oras sa mall. Ohh ! sige balik na ako sa opisina. See you tomorrow sa office. Isang tango lang sinagot ni Alice.

Magaang na ang dibdib ni Kelvin sa pag balik niya sa opisina. Sa pag kikita nila ni Alice sa mall parang laking ginhawa ang kanyang naramdaman. Ano nga ba mayroon ka Alice nagugulo mo ang mundo ko? Isang sulyap lang muli mong naayos ang takbo ng buhay ko. Bakit ikaw pa kay dami naman dyan? Hanggang kailan kakayanin ni Kelvin sikilin ang nararamdaman niya para kay Alice*****ABANGAN*****

Thursday, September 4, 2014

HUWAG MO AKONG MAHALIN chapter 5


HUWAG MO AKONG MAHALIN  chapter  5

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

Hindi akalain ni Kelvin na mag e enjoy siya sa dinner nila ni Mr Ramirez. Akala niya ito na ang pinaka boring niyang dinner. Pero mali siya dahil kay Alice Ramirez ito na yata  ang  pinakamasayang  dinner sa talang buhay niya. Hindi niya alam kung bakit walang pag siglan  ng tuwa ang puso niya. Hindi niya alam kung ano mayroon si Alice bakit hindi siya pinatulog mag damag.  Kahit ano gawin niyang pikit sa kanyang mga  mata hindi siya dalawin ng antok.  Ayaw maalis sa kanyang isipan ang  maamong mukha ni Alice Ramirez. Ngayon lang niya naramdaman ang ganitong kaligayahan dahil lang sa isang babae. Hindi niya maitatanggi na attractive siya dito.

Pero ano ang gagawin niya? Alam niya na kapatid niya ito sa ama. Kaya ba niya ito nararamdaman dahil lukso ng dugo. Kaya ba isang istranghero damdamin para sa kanya? Dahil ngayon lang niya nakita ang nag iisa niyang kapatid. Naguguluhan si Kelvin sa kanyang nadarama. Pero alam niya sa kanyang sarili hindi pag mamahal bilang isang kapatid ang kanyang nararamdaman. Hindi siya maaaring mag kamali sa nararamdaman niya. Hindi puede kailangan supilin niya kung ano man ito. Makakasira sa kanyang mga plano sa pag hihiganting gagawin niya sa kanyang ama.

Saka hindi niya gustong isali si Alice sa binabalak niyang pag hihiganti. Walang itong kasalanan sa kanya. Hindi niya kasalanan na maging anak ni Ricky Ramirez. Kung kinilala lang siya nito di sin sana lumaki silang mag kasama o mag kakilala.  Bakit nga kaya di siya kinilala ng kaniyang ama.dahil kaya isang sales lady lang  ang kanyang ina. Hindi nababagay sa kanilang angkan?

Dapat na niyang kalimutan kung ano ang kanyang nararamdaman .  Ngayon palang patayin na niya kung ano man damdaming umuusbong sa puso niya.  Ang dapat niyang pag tuunan paano niya makukuha ang pinakamataas na posisyon sa company. Maging kaagapay ni Mr Ramirez. Kung president siya ang pagiging vice president naman ang target ni Kelvin. Kailangan niyang mag pakitang  gilas. Alam niya hindi mag tatagal makukuha din niya ang posisyong iyon.  Bukas na bukas din uumpisahan ko na ang pag papabango kay Mr Ramirez ang mahinang bulong sa kaniyang sarili.

Kahit puyat at halos walang tulog maaga pa rin pumasok ayaw niyang may  masabi ang mga kasamahan niya sa departamento niya. Isinubsob ang ulo sa mga tambak na trabahong iniwanan ni  Mr Santos.  Kasalukuyang hinihilot niya ang kanyang batok ng bilang  may kumatok sa kanyang office.  Tuloy ano kailangan mo ? ang tanong niya na hindi man lang pinag aksayahan tapunan ng tingin kung sino ito. Mukha yatang sumasakit ang batok mo sa dami ng trabaho. Bati ng pumasok. Biglang tinaas ang ulo sa nadinig niyang boses. Hindi siya maaaring mag kamali  boses yon ni Alice Ramirez. Ano ang ginagawa ng babaeng ito sa opisina niya?

Galing ako sa opisina ni papa . tinanong ko sa kanya nasaan ka? At saan ang  opisina mo? Noong una ayaw niyang ibigay sa akin at sigurado daw siya na guguluhin kita sa trabaho mo.  Pero kinulit ko siya. Kaya eto ako ngayon. Alam kasi ni papa hindi ko siya titigilan hanggang di niya binibigay.

Kasi alam ng papa mo na masyado kang spoil sa kanya. At alam din niya na wala kang ginusto na di mo nakukuha. Kasi nga laki ka sa layaw. Lahat ng maibigan nakukuha kahit sa anong paraan. Hindi ba tama ako sagot ni Kelvin kay Alice.

Ang sama naman ng pag kakilala mo sa akin . hindi naman ako ganoon. Alam mo bang istrikto si papa. Lalu na noong bata pa ako. Lahat nga sabihin niya batas sa aming bahay. Wala nakakabali noon . kahit ako. Kaya nga lumaki akong malayo sa kanya. Nag tataka nga ako ngayon bakit ako ininvite niya kagabi sa dinner ninyo. At laking pasasalamat ko na pinag unlakan ko siya. Dahil doon nakilala kita.

Ganoon ba ! bakit ka nga pala napasyal sa opisina ko? Mayroon ba akong maipag lilingkod sa inyo kamahalan! Sabay yuko tanda ng pag saludo sa isang prinsesa.

Anu bayan para naman akong isang  prinsesa niyan. Sabay tampal sa braso ni Kelvin. Busy ka ba sa trabaho? Baka naman puedeng samahan mo akong mag shopping o mag pasyal pasyal matagal tagal na rin akong wala dito. Itinapon ako ni papa sa  ibang bansa para mag aral. Kaya naman medyo ligaw na rin ako dito.

Napakamot sa kanyang batok si Kelvin. Ano gagawin mo akong alalay mo? O isang bodyguard mo? Di ba mayroon  ka namang  driver ? bakit ako pa yong napili mong istorbohin? Alam mo naman kakaumpisa ko pa lang isang tambak ang trabaho ko. Humanap ka ng ibang aabalahin at huwag ako.  Dahil sa mga sinabi ni Kelvin parang napahiya si Alice. Nag mamadaling lumabas ng opisina ni Kelvin. At noong isara yong pintuan ay gumagalabog.

Alam ni Kelvin napahiya ito. O sumama ang loob sa kanya. Na siya namang gusto niya at sinasadyang gawin. Na sanay  iwasan na siya nito. Para hindi siya mahirapan supilin kung ano manang umuusbong na kanyang nadarama para dito. Hindi dapat kasi nga half sister niya ito na di niya alam na anak siya ng papa niya sa isang saleslady nila dati.

Kailan kaya siya mag kakalakas loob na sabihin dito na anak siya nito. Hanggang ngayon kaya itatangi parin na anak siya nito. Kahit nakikita na niya na karapat dapat siyang ipag malaki kahit na sinong magulang. Sa mga naabot niya walang magulang ang ikakahiya siya kahit isa siyang putok sa buho.

Samantala si Alice isang bakol ang mukha halos hindi maipinta sa sama ng loob at sa karanasan pag papahiya sa kanya ni Kelvin .bakit ganyan ang mukha mo Alice ang tanong ni Mr Ramirez sa nag iisa niyang anak. Papa kung mahal mo ako tanggalin mo dito si Kelvin. Akala mo kung sino kung mag salita yong hambog na yon. Hindi siya nararapat dito sa company natin. Ni wala pa siyang napapatunayan ang yabang yabang na mag salita.

Bakit naman anak anu ba ang ginawa ni Kelvin sa iyo at nag puputok yang butse mo. At gusto mo pang tanggaling siya sa posisyon niya. Alam mo ba yang hinihiling mo?hindi nakakibo si Alice kasi alam din naman niya na siya ang mali. Hindi nga naman tama yong inasal niya kay Kelvin. Pero alam niya kaya siya nakapag salita ng ganoon dahil napahiya siya sa kanyang sarili.

Alice tinatanong kita ano ginawa ni Kelvin sa iyo at ganyan na lang ang galit mo sa kanya. Noong Makita ni Alice na   galit ang kanyang papa kay Kelvin saka niya naisip na mali siya at hindi na dapat siya nag sumbong dito. Baka nga tanggalin ng papa niya ito sa trabaho mawalan na siya ng pag kakataon na mapalapit dito. Mahal na yata niya ito. Alam niya na mayroon na siyang nararamdaman . Hindi niya kailangan sabihin sa kanyang papa ang lahat. Kaya naman nag isip na lang siya ng palusot. Kasi ba naman hindi yata niya ako natandaan . noong masalubong ko siya kanila malapit sa opisina niya ni hindi man lang niya ako pinansin. Para bang hindi niya ako kilala .

Yon lang ba ang ikinagagalit mo?  Iyan din ang mga naririnig kong bulong bulungan ng mga kababaihan dito na may pag ka suplado daw itong si Kelvin. Pero pag kausap ko naman ito hindi ko napapansin iyon. Ang totoo magalang na bata ito. Mabait  at masipag sa trabaho.  Wala akong nakikitang dahilan para tanggalin siya sa kanyang posisyon. Bagkus itaas ng posisyon ang nararapat sa kanya. Sa sipag at talino niya hindi malayo na mangyari ito. Karapat dapat sa kanya. Iniintay ko lang na mag karoon siya ng sapat na kaalaman tungkol sa company natin at bibigyan ko siya ng promotion.

Lihim na napangiti si Alice sa tinuran ng kanyang ama. Kung saka sakali mapaibig niya ito hindi siya mahihirapan sa kanyang papa. Baka ito pa nga ang gumawa ng paraan para sa kanila ni Kelvin . intayin na lang kaya niya na dumating ito. Ang kailangan nalang ay paano niya mapapa ibig sa kanya ang mailap na binata. Wala pang lalaking tumangi sa aking kong kagandahan. Ang bulong ni Alice sa kanyang sarili. Humanda ka Kelvin isa ka rin mapapa ibig sa akin. Ang mahinang bulong ni Alice sa kanang sarili.

 

Saan kaya hahantong  ang pag mamahal ni Alice kay Kelvin***** ABANGAN*****

Wednesday, August 27, 2014

HUWAG MO AKONG MAHALIN chapter 4


HUWAG MO AKONG MAHALIN  Chapter 4

Ni Rhea Hernandez

Pinoy poems


 

Kinabukasan maaga palang  gising na si Kelvin ayaw niyang ma late sa unang araw niya sa opisina. Noong ipakilala siya ni Mr.Ramirez ang mga kababaihan mga kinilig sa bago nilang head department.  Guapo na at mukhang kay bango nang magiging boss natin. Kaya lang mukhang suplado ang tipid ngumiti bulong ng isa sa mga empleyado. Hindi nakaligtas sa pandinig ni Kelvin ang lahat kaya medyo lumingon siya para malaman nito na narinig niya ang sinabi .

Naku Joyce narinig ka ni Mr guapo  sabad ni Daisy. Lagot ka hayan  o  sama ng tingin sa iyo. Dahil sa pag lingon ni Kelvin biglang natahimik ang mga bulong bulungan ng mga empleyado.  Kaya naman noong makaalis na si Mr. Ramirez ay kinausap ni Kelvin ang lahat ng mga under niya sa departamento.

Kung sinoman sa inyo ang may ayaw sa pamumuno ko  sa department na ito .sabihin ninyo sa aking ng harap harapan. Hindi iyong pag nakatalikod ako saka kayo nag bubulungan . Sa akin ninyo ideretcho kung anuman ang ibig ninyong sabihin. Ayaw ko na mayroon maririnig kung ayaw ninyo sa akin bukas ang pintuan ng office ko sabihin ninyo lahat  kung ano ang gusto ninyong sabihin at makikinig ako. Yong ayaw sa pamumuno ko Malaya kayong mag palipat sa ibang departamento o mag resign. Nag kakaintindihan ba tayo.

Mukhang mahigpit ang bago nating boss di tulad ni Mr Santos . Naku mag sitigil na kayo baka marinig nanaman kayo ay unang araw niya ehh masabong tayo ng dalawang beses. Nagtawanan silang lahat. Huwag kayo, mukha naman siyang mabait ahh. Saka di naman siya mukhang galit kanina noong pulungin tayo. Medyo may pagka prangka lang kung ano ang ayaw at gusto niya. Maganda nga ang ganoon para di tayo nangangapa kung ano ang gusto niya.

Pero napapaisip si Mando kapangalan lang kaya ni Kelvin ang bago nilang boss.  Bakit ganito ang aking pakiramdam? Parang si Kelvin na kasama ko noon at itong bagong boss naming ay parang iisa lang . ipinilig  ni mando ang kanyang ulo. At sabay saway sa sarili. Mag tigil ka nga Mando patay na ang kaisa isa mong itinuring na kapatid. Namatay siya mahigit na (16) labing anim na taon na ang  nakakaraan, patay na siya.  Pero kung nabubuhay ito maaaring mag kasing edad sila.talagang di mawala sa isipan ang mga isiping si Kelvin kaibigan niya noon at ito ay iisa.

Si Kelvin ang batang nagpamulat sa kanya ng tama at tuwid na pamumuhay. Utang niya ang mga tinatamasa niya ngayon. Ultimo ang pag mamahal ng ina nito at kanyang naranasan. Utang niya ang lahat ng kung ano mayroon siya ngayon.

Siguro kung hindi sila naging mag kasangga noon ni Kelvin hindi siya aampunin ng ina nito.  Kahit kasi ano ang gawin niya hindi niya mapantayan si Kelvin sa puso ng kinikilala niyang ina ngayon. Hindi niya magawang mapunuan ang puwang sa puso nito. Si Kelvin pa rin ang hinahanap hanap  kahit alam niya na matagal ng patay. Ramdam naman ni Mando na mahal siya nito. Pero hindi pa rin niya mapantayan  si Kelvin. Ano nga ba laban niya dito si Kelvin ang tunay na anak at siya ay isang ampon lang .

Ehem! Hindi niya napansin nasa tabi napala  niya si Kelvin. Sa lalim ng kanyang iniisip. Mukhang lumilipad ang isip natin sa sabi ni Kelvin kay  Mando. Kanina pa ako dito nakatayo sa harapan mo hindi mo ako pansin. Tagos tagusan ang tanaw mo. Oras ng trabaho mukhang nanaginip ka. Hindi naman nag iisip lang ako tungkol doon sa bagong  project nang  ating department. Ganoon ba ,iyong nga sana ang itatanong ko sa iyo. Kailangan ko ang case study nito. At yong proposal  kailangan ko na itong pag aralan.

Hayaan mo pag natapos ko na ang proposal dadalhin ko sa office mo. Kakayanin mo bang matapos hanggang bukas ng hapon. Susubukan  ko kung kakayanin bukas. Huwag mong subukan  gawin mo para matapos. Alam ko di mo kayang tapusin yan hanggang bukas. Kahit nga ilang araw di mo makakayang mag isa iyan. Wala namang  ginagawang apurahan ang mga kasamahan mo. Bakit di ka gumawa ng grupo  para matapos hanggang bukas yong gagawin ninyong proposal.

Team work ang kailangan lalu na sa ganitong situation.  Ngayon mo subukan ang kakayahan mo na humawak ng mga tao. Maging isang captain  ng mga kasamahan  natin . Siguro sa tagal mo dito kilala mo na kung sino at ano ang mga kakayahan  ng bawat isa.

Mukhang mahihirapan siyang pakisamahan ang bago nilang boss. Ibang iba style niya kay Mr. Santos. Sabagay may punto naman talaga siya. Kung di kaya, aminin hindi naman masamang humingi ng tulong sa kasamahan sa trabaho.Sabagay tama naman lahat ng sinasabi niya. Wala naman masama sa mga sinabi niya kanina.bagkus favor naman lahat sa akin!  Siguro  mas tamang sabihin ay nasaling ni Kelvin ang pride ko! ang bulong ni Mando sa kanyang sarili.

Kaya naman tinawag ni Mando ang lahat na kasamahan niya at hiningi nito ang tulong na kailangan niya. Tulad ng sabi ni Kelvin sya ang tumayong captain ng  buong team. Noong una mga tahimik at super seryoso. Isipin mo nga naman kailangan nasa table na ni  Kelvin ang  proposal ng bagong project kinabukasan. Pero noong bandang hapon nag kakatawanan na sila . kasi ba naman malapit na nilang matapos ang pinapagagawa ni Kelvin.  Napapangiti si Mando kung sya lang  gagawa nito baka next week pa niya matapos. Pero sa tulong ng kasamahan niya eto matatapos na.

Hello Kelvin  nagulat pa siya sa pag tawag ni Mr Ramirez. Nagulat siya kasi pinuntahan pa siya talaga ng president ng company. Puede naman na tawagan sya sa telephono. Mayroon ka bang  gagawin tonight? Wala naman .kung ganoon puede mo ba akong samahang mag dinner. Habang nag di dinner mayroon akong idi discuss syo. Walang pong problema. Anong oras po ba gusto ninyong mag dinner at saan .

Huwag ka nang mag abala tungkol dyan nakapag pa reserve na ako . sabay na lang tayo lumabas ng opisina mamaya. Ipasunod mo na lang sa driver ng company yong car mo sa restaurant. Para naman habang daan nakakapag usap tayo.

Sige po , mag kita na lang tayo sa ibaba mamayang uwian. Anu kaya ang pag uusapan namin. Gaano kaya kahalaga iyon. Bakit dina lang dito sa opisina pag usapan. Kailangan pa naming lumabas. Talaga ang mga mayayaman ang daming  ka ek ekan nalalaman.

Kung ano ano lang naman napag usapan nila sa loob ng car. Noong sapitin nila ang restaurang lumapit  ang isang waiter at sinamahan sila  kung saan ang table nila . Nag taka si Kelvin bakit hindi for two ang set ng table. Mayroon pa silang kasama sa dinner sino kaya ito. Noong nakaupo na sila mayroon isang magandang babae na papalapit sa kanila. Simple lang sya pero mababakas mo sa kanyang mga kilos na isa syang sopistikada, napapabilang sa alta sociadad.

Hindi maialis ni Kelvin ang kanyang mga paningin sa babaeng ito. Sa kauna unahang pag kakataon tumibok ng ganito ang puso niya. Ano mayroon ang babaeng ito at ang bilis ng tibok ng puso niya. Sa unang pag kakataon yata ma iin love na siya. Sa isang babae na di niya alam kung sino .

Pero para siyang binuhusan ng isang timbang tubig na may yelo sa kanyang nabatid. Ang babaeng nag pabilis ng tibok ng puso niya ay nag iisang anak Ni Ricky Ramirez yon ang akala niya. Kapatid niya sa ama si Alice Ramirez. Hindi nila alam na mag kapatid sila sa ama. Kailan kaya niya masasabi sa boss niya na siya ang panganay na anak nito. Na kanyang tinangihan buhat noong pumintig siya sa sinapupunan ng kanyang ina. Hindi pa siya inilalabasa sa sanlibutan inaayawan na siya ng kanyang ama.

Lingid sa kaalaman ni Kelvin unang tingin palang  sumasal na tibok ng puso ni Alice Ramirez. Sya ba ang matagal ko nang hinahanap. Ang lalaking  mag papatulala at mag papakilig. Simpleng sulyap lang nito para na siyang pinapaso.  Siya ba ang matagal konang hinahanap. Ito ba ang sinasabi nilang pag ibig. Kay tagal kong nag intay para makita si mr right.

Samantala si Kelvin hindi mapakali. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito. Hindi maaari mag kapatid kami sa ama. Mali ito mali ang iniisip ko , kaya may kakaibang nararamdaman, baka marahil sa lukso ng dugo. Tama kapatid ko sya kaya ganito ang aking nararamdaman at pag didikta ni Kelvin sa kanyang sarili.

Saan hahantong ang mga nararamdaman nila Kelvin at Alice. Sa unang pag kikita palang nag pahiwatig na ang mga puso nila na nag mamahal na ito.*****ABANGAN*****