Tuesday, December 27, 2011

BAKIT NGA BA??

BAKIT NGA BA?
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poem

Bakit nga kita minahal?
Dito sa puso marahil,
Hindi ko ito mapigil,
Pag tibok ayaw tumigil.

Bakit nga ba ikaw  pa rin?
Kahit saan ako tumingin,
Puso alang gustong tangapin,
Ikaw lang ang mamahalin.

Bakit nga ba ako nasasaktan?
Tuwing  ikaw nasisilayan,
Pag tibok di mapigilan,
Ito ang aking kasawian.

Bakit nga puso sugatan?
Dahil sa pag mamahalan,
Mga luha di mapigilan,
Ang siyang katotohanan.

Bakit nga  di  maiwasan?
Sa buhay lagi  nandiyan,
Mga alaala at kaganapan,
Lagi itong kinasasabikan.

Bakit nga ba may pag suyo?
Ang mga binuo nag lalaho,
Pati mga pangako nagulo,
Pero ayaw mong  isuko.

Bakit nga ba di limutin?
Sa pagsuyo ito dalangin,
Ang kahinaan limutin,
Dapat ang puso haplusin.

Bakit nga ba lumuluha?
Pag ang kahapon eto na,
Bakit ang iyong sinisinta?
Di mo malimot talaga.
12/27/11

LOVE STORY "CHIT" chapter 8

LOVE STORY “CHIT” chapter 8
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
www.tulawento .blogspot.con

              Hindi pumayag si Chit sa pag aaya ni Rieno na mag  tanan sila. Ipinipilit ni Rieno na siya ang mas mahal nito kesa sa babae kanyang  papakasalan ng araw na iyon. Nag mamakaawa si Rieno na sumama na lang siya at sila ang mag sama bilang mag asawa. Ano ang magagawa ni Chit isa siyang matuwid na tao. Ayaw niyang makasakit ng damdamin ng isang katulad niyang babae. Iniisip niya ng naguguluhan lang si Rieno sa kanyang nararamdaman. Dadarating araw na tama ang aking naging desisyon ang bulong ni Chit sa kanyang sarili. Sa pag dating ng araw na ito papasalamatan niya  ako sa di ako pumayag sa kanyang mag tanan.
              Alam ni Chit mayroon ding pitak sa kanyang puso si Rieno. Pero bata pa siya 19 yrs old palang marami pang pag ibig na daraan sa buhay niya. Di niya rin tiyak kung tunay ang kanyang nararamdaman. Ang alam lang niya ngayon mahal din niya ito mayroon siyang nararamdaman. Subalit hindi ito sapat para sumama siyang mag tanan sa araw mismo ng kasal ni Rieno. Wala sa kanyang pag katao na sisira ng isang kinabukasan alang alang sa kanyang kaligayahan. Ala nagawa si Rieno sa desisyon ni Chit. Kaya lumisan na bagsak ang kanyang balikat papunta sa simbahan.
              Habang ikinakasal si Rieno nandoon sa isang tabi si Chit. Pinilit niya ang sarili tunghayan ang pag iisang dibdib ni Rieno sa kanyang kasintahan. Habang  ikinakasal si Rieno di niya namamalayan ang pag uunahang pumatak ang kanyang luha sa kanyang mga mata. Halos di niya mawawaan ang sinasabi ng pari. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Parang sasabog sa sakit kung anong kumukurot sa kanyang puso. Sa talang buhay niya ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong sakit. Masakit at nag durugo ang kanyang puso sa mga sandaling yaon.
              Ibig niyang huwag ng tapusin ang kasalan subalit mag tatakaang mga kapatid ni Rieno kung bakit siya aalis sa oras ng kasalan. Kaya naman kahit  hirap na hirap ang kanyang kalooban pinilit niyang tapusin ang kasalan. Iisa lang ang malinaw sa kanyang pandinig ang kiss the bride. Tapos na ang kasal parang kay tagal ang seremonya. Bawat Segundo nag daraan ay parang kay bagal. Bakit di na lang matapos na ang araw na ito para makalayo na siya sa lugar na ito. Pag katapos ng  kasal isang kapatid ni Rieno ang lumapit sa kanya. Gusto makasama siya sa picture ng pamilya nito. Kasi daw itinuturing na siyang bunso sa kanilang mag kakapatid. Alang magawa si Chit kundi pag bigyan ang kahilingan nito. Pag lapit niya napilitan siyang batiin ang bagong kasal. Halos alang boses na lumabasa sa kanyang lalamunan ng mga sandaling iyon.
              Akala niya di niya makakayanan ang lahat . Pero sa awa ng poong may kapal natapos ng alang aberya.  Ngayon niya napatunayan na sadyang malakas ang kanyang loob na harapin ang malalaking pag subok ng buhay. Hindi niya akalain na ganoon pala siya ka tatag sa pag harap dito. Ang pag kumbinsi ni Chit sa kanyang sarili. Pero ang totoo hirap na hirap siyang harapin ang katotohanan. Pero ala lang siyang mapag piliian.
Kung mayroon man di niya gustong gawin . Di niya makakaya ang nais ni Rieno.
              Alam niya darating din ang tamang lalaki para sa kanya. Hindi naman siya nag mamadali bata pa naman siya. Sa reception  doon siya umupo sa malayo sa bagong kasal. Ayaw niyang matanaw ang mga ngiting sa mga labi ni Rieno. Alam kasi niya na pag kukunwari lang ang kanyang pag ngiti sa mga sandaling iyon. Masaya ang lahat sa bagong kasal. Sabi nga ng marami bagay na bagay sila parehong stable na sa kanilang mga trabaho at matagal ng mag kasintahan. Kaya ang iniisip nila na  bagay ang dalawang ito sa isat isa.Nasaksihan  kasi nila ang pag mamahalan ng dalawasa loob ng limang taon. Ala silang kaalam alam na nag bago ang damdamin nito sa huling mga araw bago ang kasal.
              Natapos ang araw na iyon na  hirap na hirap ang kalooban ni Chit. Pag katapos ng kainan ang bagong kasal humayo na. Tumuloy na sa kanilang honeymoon pag katapos ng reception. Naging mahirap kay Chit ang mga nag daan mga araw.pero ala naman siyang magagawa kundi ang mag pagaling ng sugat ng kanyang puso. Walang sigla ang buhay niya ng ilang araw. Pero kailangan niyang mag move on. Kaya naman pilit niyang kinalimutan ito sa kanyang isipan at sa kanyang puso.natapos ang isang linggo na tahimik ang kanyang buhay. Subalit muling nagulo noong bumalik sa honeymoon ang mag asawa. Pang samantala habang di pa ayos ang kanilang lilipatan sa kapilang room doon tumigil.doon nakaramdam ng panibagong kirot sa puso si Chit.
              Parang ang hirap ng ganoon nakikita niya ang lihim niyang minamahal na ang kasama  ay  iba. Masaya sa kanilang bagong buhay. Sana nga masiya si Rieno sa kanyang pag aasawa. Walang dalangin si Chit na sana maging masaya siya sa buhay niya. Sa hirap at sakit na nararamdaman nag desisyon uli siya na lumipat muli ng matitirhan. Nakiusap siya sa isang kaibigan kung maaari doon muna siya pang samantala. Pumayag naman ito kaya nag paalam na siya sa kasamahan niya na lilipat na lang siya ng bagong tirahan. Nag dahilan na lang siya na may tinatapos silang thesis ng kaibigan niya kaya doon muna siya titira para mabigyan ng tamang oras at panahon ang pag aaral nilang dalawa.
              Wala naman silang magawa kasi buo na ang desisyon ni Chit ang lumayo. Eto na naman si Chit. Tuwing masasaktan lumalayo siya. Nagiging ugali na niya yata ang tumakbo sa kanyang kasawian. Alam niya na di maganda ang tumakbo sa mga pag subok na kanyang nararanasan. Pero ala siyang magawa gusto niyang umiwas sa tukso. Baka sa mga darating na mga araw di na niya mapigilan pa ang kanyang sarili maamin niya  kay Rieno na mahal din niya ito. Ang lihim niyang pag mamahal dito ay manantili na lang lihim kanino man. Siya na lang ang makakaalam  kung gaano ito naging masakit sa kanya.
              Sadya yatang di siya para sa pag ibig . kaya naman  naging lalu siyang mailap sa mga lalaki. Ala siyang pinapansin sa mga umaaligid na mga lalaki sa kanya. Lumipas ang mga araw linggo at buwan. Unti unti ng nakakapag move on si Chit sa pangalawa niyang kabiguan. Nasa huling semester na siya ng kanyang kurso. Nasa mahaba siyang pila sa pag papa enroll. Bagot na bagot na siya pero di siya puedeng sumuko kailangan niyang makuha lahat na subject kung hindi di siya makakasama sa darating na graduation.
              Mag isa siyang nag enroll ng araw na iyon . kasi ba naman ang kaibigan niya inuna pa ang pakikipag date bago mag enroll kaya buwisit na buwisit siya. Di siya makaalis sa pila para man lang bumili ng maiinom o makakain. Kasi pag umalis siya mawawala na siya sa pila na kay tagal niyang pinilahan. Di niya pansin na may dalawang mata na sa kanya pa nakatingin. Pinag mamasdan siya sa kanyang pag ka bagot sa pila.  Ito si Peter isang security guard  sa nasabing school at the same time  isang studyante rin.
              Walang paki si Chit kung sino mang lalaki ang nakatitig sa kanya . Basta tuloy siya sa kanyang ginagawa. Pero di nakatiis si Peter na di siya lapitan. Mayabang ang dating kay Chit  isipin mo ba.  Tanong niya hirap ang pumila para lang makakuha ng subject na gusto mo. Ibig sapakin ni Chit ang lalaki di ba niya nakikita halos hulas na hulas na ang kanyang buong katawan sa ka pipila tapos tatanungin ka ng ganito. Pag di ka nga makasapak  ng tao.
              May  yabang na sinabi kukunin ko lahat ng kailangan mong subject ang kapalit ang iyong pangalan at telephone number. Sa una di makapaniwala si Chit pero naging mapilit ito. Kaya sabi na lang kunin mo munang lahat saka ko ibigay sa iyo ang kapalit.iyon lang kinuha niya ang mga listahan kay Chit at tumalikod na ito pumasok sa loob . di nag tagal hawak hawak na nito ang lahat na class card na kailangan niya. Sige pambayad na lang ang kailanga. Di makapaniwala na ganoon lang niya makukuha ng kadali ang halos mag hapon na niyang pinag hihirapan.
              Pumunta sila sa cashier para mag bayad na. Ang haba pa rin ng pila dito. Inaabot niya ang kamay niya sa akin para akayin si Chit papasok sa loob. Wow! Pinahahanga ako ng lalaking ito bakit sobra siyang malakas sa loob isa lang naman siyang security guard dito. Pero noong pumasok siya di niya akalain ang marinig niya  bati dito. Sir anu po kailangan ninyo. Nagulat si Chit bakit sir ang tawag sa kanya. Pag talikod ni Peter kinalabit ni Chit ang teller bakit sir ang tawag mo sa kanya. Nangiti ito sa kanya di mo ba kilala si sir Peter isa siya sa anak ng board of director dito sa school. Nagulat si Chit di niya akalain may ipag yayabang naman talaga.
              Di ba security lang siya dito nangiti uli tanong ni  Chit anu lang niya iyon. Ayaw kasing ipaalam sa lahat na isa siya sa anak ng may ari nitong school pero kaming mag nag tratrabaho dito kilala siya . kasi siya minsan ang humaharap sa amin pag busy ang daddy niya. Naku mabait po siya down to earth siya. Ala kang maipipintas sa kanya. Ganoon ba sagot na lang ni Chit. Nakatapos siya na alang kahirap hirap . noong lumabas na sila  paano nayan asan na ang phone number mo. At your name. natawa si Chit alam na nito ang mga info niya kinuha na niyang lahat paano ba siya ma enroll kung kulang ang mga information niya. Nag papatawa ka ba nakita mo na kanina lahat ahh.!
              Humalakhak ito ng isang malutong di mo pa binibigay sa akin di ba ito ang condisyon ko? Tutulungan kita kapalit ng name at phone number mo. Napapailing lang si Chit ala siyang magawa kundi ibigay . kahit naman di niya ibigay makukuha din naman nito ang lahat nag info niya kung gugustuhin niya ng alang kahirap hirap. Pag katapos nito inaya siyang kumain. Nag paunlak naman si Chit sa paanyaya ni Peter. Ok lang naman kumain medyo kanina pa siya nagugutom. Isa sa medyo kilalang restaurant sa Recto sila kuamin di na lumayo kasi ayaw ni Chit na lumayo pa.
              Masayahin si Peter pala kuwento alan nga dull  na time  habang kumakain sila . dami niyang kuwento pero di mo mababakasan na mayabag siya sa kanyang pag kukuwento. Si  peter na kaya ang magiging  kapalaran ni Chit.. Si Peter na kaya ang sagot sa kanyang mga kabiguan sa pag ibig …magiging maganda kaya ang kanilang bukas, maging makulay din kaya ito sa darating na mga araw…ABANGAN!!
Copyright by Rhea Hernandez  12/27/1

Friday, December 23, 2011

LOVE STORY "CHIT" chapter 7

LOVE STORY “CHIT” chapter 7
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems


              Galing si Chit sa bakasyon sa kanilang probinsya. Pag balik niya masaya silang nag kuwentuhan ni Rieno. Gusto sana  nito na sabay uli silang  umalis  sa pag pasok kinabukasan. Subalit tumangi si Chit gusto na kasi niyang iwasan na madalas silang mag kasama ng kuya Rieno niya. Kasi nga nararamdaman na niyang nahuhulog na ang kanyang kalooban dito. Hindi niya alam kung nakakahalata na si Rieno na umiiwas siya sa mag kasama sila ng madalas.
              Lingid sa kaalaman ni Chit nag babalak ng pakasal sila Rieno at nag GF nito. Matagal na nilang balak ito. Ilang taon na nga ba silang mag kasintahan 5 taon na. noon pa nila planong pakasal. Para nga nakalimutan na ni Rieno kung kailan. Pinaalala lang sa kanya ng GF niya na bago matapos ang taon  sila mag papakasal. Limang buwan na lang buhat ngayon ikakasal na sya sa loob loob ni Rieno. Bakit di siya excited sa darating na kasal nila. Inumpisahan na nila ang mga dapat gawin ang pag aayos ng mga invitation, mga dapat isuot nilang pareho , mag damit na isusuot ng mga abay.
              Ang dami palang dapat asikasuhin kung ikaw ay ikakasal ang sabi ni Rieno sa kanyang kasintahan. Di lang yan ang mas mahirap iayos yong maliliit na bagay.  Gumagawa na sila ng mga listahan ng kanilang gagawing abay. Bilang nangiti si Rieno ng di niya sinasadya. Naalala niya ang sabi ni Chit na gusto niyang maging flower girl sa kanyang kasal kasi isip bata sya. Ibig niyan mapahalakhak noong kanyang naalala pinigil lang niya dahil katabi niya ang kanyang kasintahan. Napailing na lang siya para alisin sa kanyang isip si Chit.
              Lumipas ang mga araw, weeks  at buwan na di namamalayan. Kay bilis ng mga araw na lumipas.Ilang linggo na lang ikakasal na si Rieno. Nag papamigay na nga sila ng invitation. Yong para kay Chit gusto ni Rieno siya mismo ang mag abot nito. Kaya naman isang hapon habang nag gigitara at kumakanta si Rieno sa kanyang tambayan. Inaabangan niya ang pag dating ni Chit para ibigay ang invitation ng kasal niya. Di nag tagal dumating na ang kanyang iniintay. Kinawayan ni Rieno si Chit para ito lumapit. Siya namang lapit ni Chit. Nag kamustahan muna at nag kuwentuhan sandali saka niya inabot ang invitation. Binati siya ni Chit inabot ang kanyang mga palad. Inabot naman niya ito noong mag daupang palad na sila akalamo  mayroon kung anong nanulay na kuryente sa kanyang katauhan.
              Bakit ganito ang nararamdaman ni Rieno simpleng pag kakamay lang akala mo siya hinihigop ng kuryente di niya mawari. Lingid sa kanyang kaalaman ganoon din ang naramdaman ni Chit. Parang ayaw na niyang bitawan ang kamay nito. Ilang minuto din silang ganoon di nila namalayan na napatulala sila sa isa’t isa. Kung di pa dumating ang isang kapatid ni Rieno at gusto ring gumitara at kumanta di sila matatauhan sa kanilang pag kakatulala sa isa’t isa. Bahagyang napahiya si Chit sa pangyayari kaya naman nag paalam na siya aakyat sa room niya. Naiwan nag iisip si Rieno bakit ganito ang kanyang nararamdaman para kay Chit. Simpleng hawak lang ng kamay parang ang ligaya na niya.
              Sa katunayan di niya ito nararamdaman sa kanyang mapapangasawa. Mag damag na di pinatulog ng pangyayari si Rieno. Bakit mayroon koneksyon siya kay Chit. Alam niya mayroon siyang nararamdaman dito noon pa di lang niya matiyak kung ano. Kanina noong mag daupang palad sila noong mahawakan niya ang mga kamay nito di niya ma explain ang kanyang naramdaman. Ngayon alam na niya kung ano ang kanyang tunay na feeling kay Chit. Mahal na niya ito pag mamahal na ngayon lang niya naramdaman.
              Ibang klase ang pag ibig na kanyang nadaraman para kay Chit. Di lang pag mamahal ng isang kapatid kundi isang  wagas na pag ibig. Na matagal na niyang inaalagaan sa kanyang puso. Ayaw lang niyang intindihin at ayaw lang iyang harapin at siya ay natatakot  sa kalalabasan ng kanyang nararamdaman. Noon pa ito sa puso niya  ayaw lang niyang aminin ang katotohanan kaya itinatago na lang niya sa likod ng kanyang dibdib. Masyadong bata si Chit para sa kanya. Kulang kulang ten years ang tanda niya dito.
              Noong pumasok si Chit sa kanyang room di sya mapakali.  Ano itong kanyang naramdaman kanina. Parang in love na siya sa kanyang kuya Rieno. Ganito ang kanyang nararamdaman noon kay Alex. Estrangherong pakiramdam mula sa kaibuturan ng puso niya. Oh! Lord huwag po  pls. ikakasal na siya may araw na ng kanyang kasal. Nakahanda  na ang lahat. Huwag po ninyo akong bigyan ng isang mabigat na dalahin sa aking konsensya. Sana pag gising ko kinabukasan wala na ito sa aking damdamin. Hindi tama itong aking nararamdaman.
              Halos mag damag na di nakatulog si Chit sa kaiisip kung paano siya makakaiwas sa tukso. Ayaw niya siya ang maging dahilan sa pag kawasak ng dalawang nag mamahalan. Panay dasal ni Chit na sana malampasan niya ang pag subok na ito sa kanya. Sana mali ang kanyang pakiramdam. Mali ang kanyang nararamdaman. Pero kahit ano ang gawin niya isip pumapasok pa rin sa kanyang isipan ang mga pang  yayari. Kailangan maging doble na ang aking pag iwas sa kanya para di ako matukso na aminin sa kanya  kung ano ang nararamdaman. Kinabukasan maagang bumangon si Chit para pumasok kailangan mauna siya kay Rieno. Ayaw niyang  makasabay ito at baka makita sa kanyang mga mata ang katotohanan. Di pa naman siya marunong mag sinungaling.
              Hanggang kaya niya iiwasan niya si Rieno. Ayaw niyang dahil sa kanya masira ang matagal ng relasyon ng dalawa. Nakahanda na ang lahat para sa kanilang kasal. Napamahal lang sa kanya si Rieno kasi mabait ito isa lang itong nakakatandang kapatid. Ito ang laging isinisiksik ni Chit sa kanyang utak. Isang araw kumatok sa kuarto niya at gusto siyang makausap. Hindi niya ito pinagbuksan ng pintuaan. Sabi lang niya inaantok na siya at gusto nang matulog. Alang nagawa si Rieno kung di umalis na sa labas ng pintuan. Pag uwi ni Rieno sa kanila gumawa siya ng isang sulat inilagay niya nag lahat doon kung ano ang kanyang nararamdaman. At hinihiling nito na mag kita sila sa isang lugar na puede silang mag kausap ng sarilinan.
              Inipit ni Rieno ang sulat sa pintuan ng room ni Chit alam niyang gising pa ito at makikita kung ano ang inilagay niyang sulat. Tama ang hinala ni Rieno gising na gising pa si Chit. Di pa siya dalawin ng antok. Ilang araw na lang kasal na ng lalaking kanyang natutunan ng mahalin ng di niya namamalayan. Binasa ni Chit ang sulat. Habang binabasa niya ito panay tulo ng kanyang mga luha. Di niya akalain na ganito ang laman ng kanyang sulat.ipinag tapat dito na mahal na mahal siya nito. Mas mahal pa kita sa aking GF. Kaya puede ba tayong mag kita kahit sandali lang..Alang nagawa si Chit kundi pag bigyan ang kuya niya.
              Noong magkaharap na sila  saka inamin  ng bawat isa  kung ano ang kanilang mga nararadaman. Sinabi ni Rieno na mahal na mahal siya nito. Kung titingbangin mas mahal pa niya si Chit kesa sa kanyang GF.handa niyang iwanan ito  kung sasama siyang mag tanan ngayon. Panay iling ni Chit no hindi ko kayang makasakit ng damdamin ng kapwa ko babae. Naguguluhan ka lang ngayon sa iyong nararamdaman. Kay tagal mo ng minahal siya. Ako ngayon mo lang naramdaman iyan. Nasa stage ka lang ng pag kalito dahil sa darating mong kasal.
              Halos nag mamakaawa na si Rieno na mag tanan na lang sila at tatalikuran niya ang kanyang kasal. Panay iling ni Chit hindi ko kaya ang gusto mong mang yari. Isa akong matuwid na tao alam ko ang tama sa mali. Darating din ang araw na makakalimutan mo rin ako. Ilang araw na lang kasal mo na. nakahanda na ang lahat kaya huwag mo itong sirain. Naging matatag ang desisyon ni Chit. Hinding hindi siya ang magiging dahilan ng  kung hindi matutuloy ang kasal nito. Nakikiusap ako sa iyo kuya Rieno. Huwag na huwag mong isipin na iwanan sa kahihiyan ang iyong GF. Babae din ako alam ko ang sakit na maidudulot nito sa kanya.
              Nag hiwalay sila ng mga araw na iyon na malinaw ang desisyon ni Chit. Na hindi siya ang magiging sanhi ng pag kasira ng kasal ng dalawa. Pero pag uwi ni Chit sa bahay saka niya ibinuhos ang sakit na kanyang nararamdaman.sa gabi nababasa ang kanyang unan sa mga luhang umaagos sa kanyang mag mata. Alam niya sa kaibuturan ng kanyang puso nandoon na ang pag mamahal niya sa lalaking  tumulong sa kanya para kalimutan ang unang kasawian pero ano ito. Panibagong sakit at pag durusa ang kanyang hinaharap.
              Dumating ang araw ng kasal ng kanyang lihim na minamahal. Bago lumakad si Rieno papunta sa simbahan kinatok nito ang pintuan ni Chit. Nag paalam at minsan pa binangit uli niya kung gugustuhin niya di siya tutuloy sa simbahan kung sasama siyang mag tanan dito. Isang iling lang ang sinagot ni Chit kay Rieno. Tinanong siya nito dadalo ka ba sa araw ng kasal ko. Huwag kang mag aalala darating ako sa araw ng iyong kasal. Iyon lang tumalikod na si Rieno. Para pumunta na sa simbahan kung saan siya ikakasal.
              Habang ikinakasal nasa isang tabi lang si Chit pinapanood niya ang lalaking nag turo sa kanya na muling mag mahal pero alang kalayaan. Namalayan lang ni Chit na nag uunahang umagos ang kanyang mag luha sa kanyang mga mata. Hindi niya mapigilang di mapaluha sa sakit na kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyo. Naitanong tuloy ni Chit sa kanyang sarili bakit ang malas niya sa mga lalaking kanyang mga minamahal. Naitanong niya sa kanyang sarili na kailang ko kaya makikita ang tamang lalaki sa akin . ang lalaking di ako sasaktan at papaiyakin ng tulad nito.
              Matagpuan pa kaya ni Chit ang tamang lalaki sa buhay niya?  Sadya kayang laging bigo na lang siya sa kanyang pag ibig? Talaga kayang ala siyang suerte sa pag ibig? Abangan po natin sa susund na kabanata… ABANGAN!!
Copyright by Rhea Hernandez 12/22/11
               
             

Thursday, December 22, 2011

IKAW LANG!!

IKAW LANG!!
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems


Ikaw lang ang aking iniintay,
Hanggang kailan ako malulumbay,
Ito ba’y pang habang buhay,
Ikaw lang ang mamahalin tunay.

Wala  akong hinangad kundi ikaw,
 Nangangarap na ikaw makaulayaw,
Hinahanap hanap sa puso pumukaw
Sana dumating ang araw ikaw maligaw.

Sana dumating ang araw ikaw pa rin,
Umaasa darating  ako’y kakausapin,
Kahit mag intay ako ikaw iintindihin,
Wala ka na sa buhay kahit ano gawin.

Maalala mo pa rin kaya ako giliw,
Ang puso ko sabik sa pag kauhaw,
Uhaw sa pag mamahal mo matighaw,
Dito sa puso ko ikaw nangingibabaw.

Mabatid kung gaano kita kamahal,
Bawat sandali ikaw ipinagdarasal,
Dito sa puso lalagi ang pagmamahal,
Di mag mamaliw sa puso magtatagal.

Pinanabikan ikaw makapiling tuwina,
Ano ang aking magagawa wala ka na,
Lumisan ka sa piling ko lumayo ka,
Iniwan mo ang puso kong nagdurusa.

Ayaw ko man ala akong magawa,
Ikaw ang nagdulot ng tuwa at dusa,
Dito sa maramdamin kong puso sinta,
Noon ikaw nag bigay dito ng saya.

Bakit ngayon ikaw ang dahilan ng sakit,
Kay lupit ng tadhana aking nakamit,
Para makalimutan ang sakit na dulot,
Dapat na lang bang mata aking ipikit.


Ikaw lang tanging naging dahilan,
Kung bakit itong puso nasasaktan,
Sadya bang ako’y pinaparusahan,
Puso maramdaman ang kapayapaan.

Bakit ito’y iyong pinagkakait sa akin,
kasalanan pinaglaruan ang damdamin,
sabi mo ako lang ang iyo mamahalin,
ngayon saan ka giliw hahanapin.
By: Rhea Hernandez 12/22/11

LOVE STORY "CHIT" chapter 5

LOVE STORY  “CHIT” chapter 5
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems


              Pag katapos malaman ni Chit na pinag sabay sila ni Alex. Siya na mismo ang gumawa ng paraan para iwasan ito. Lumipas ang panahon unti unti na nakakarecober si Chit . Sa masakit na naranasan sa pag mamahal niya kay Alex. Matuling lumipas ang mga araw , linggo at buwan di niya akalain mag iisang taon na pala. Buhat noong masaktan siya. Wala pa ring pumapalit sa kanyang puso. Kahit marami din ang nag tangka na ligawan siya. Sabi niya sa kanyang sarili sakit lang ang idinudulot nito sa kanya. Kaya naman panay iwas niya sa mga lalaking nagpapahiwatig ng pag kainterest sa kanya.
              Samantala nagiging malapit siya sa mag kakapatid na sa kabilang room . kasi ba naman para siyang bunso sa kanila . siya ang pinakabata at dahil malayo sa pamilya si Chit kaya parang kapamilya na rin ang turing niya dito. Mga ate at kuya na ang tawag niya dito. Madalas nga pag tinatamad siyang mag luto. Kakatok siya dito at itatanong niya kung puede siyang makikain. Sobra lapit nila sa isa’t isa mag iisang taon na nga pala silang mag kapit kuarto.dito sa manila sila na ang naituturing ni Chit na pangalawang pamilya.
              Dahil takot ng mag tiwala sa mga lalaki si Chit, kaya naman ala siyang pinapansin sa mga lalaking umaaligid sa kanya. Kuntento na siya na alang lalaking nag iistorbo sa kanya. At saka ala pa siyang makita na puedeng ipalit kay Alex. Takot na yata ang puso niyang mag mahal pang muli. Ok na ang ganito ang sabi ni Chit sa kanyang sarili. Makakatapos siya ng pag aaral na alang istorbo. Sakit lang ng ulo at ng puso ang dulot ng lalaki sa buhay niya.
              Isang umaga nakasabay niyang muli sa pag pasok si kuya Rieno niya . Isa ito sa mag kakapatid sa kabilang room. Tulad pa rin nag dati si Rieno ang syang nag bayad ng kanilang pamasahe. Biniro nga ni Chit si Rieno. Kuya sana everyday sabay lagi tayo para lagi akong libre sa pamasahe. Nginitian lang siya nito iisa kasi ang derection ng school niya at ng opisina ni Rieno. Buhat noong biruin niya si Rieno nag taka siya halos everyday na mag kasabay silang pumapasok. Sabay na silang nag aabang ng jeep.
              Ang ganda na nga ang samahan nila ni Rieno, turing niya dito parang kuya na niya. At dahil isang accountant si Rieno naging tutor niya ito sa kanyang accounting subject. Katulad ngayon dinatnan niyang nag gigitara si Rieno sa tambayan. Tinawag siya nito at sinabi  tara kumanta at sa amin ay  makisabay sa pag kanta, natawa siyang ayy! naku kuya kung gusto mong mabato ng kamatis pakantahin mo ako. Iyon lang ay nag katawanan na sila. Baba ka dito samahan mo akong gumitara at kumanta ang sigaw ni Rieno kay Chit. Kuya ikaw ang umakyat mag luluto ako ng banana que tara pamierdahin kita. Ang balik sa salita ni Chit
              Alam ko na kung bakit mag luluto ka ng miyienda. Aber nga kuya bakit? Ang tanong ni Chit kay Rieno. Kasi marami kang assignment sa accounting at mag papatulong ka. O kaya may thesis ka na malapit na ang deadline di mo pa tapos. Tumawa ng malakas  si Chit. Bakit mo alam na ang banana que ay suhol? Tumawa si Rieno di tama nga ang aking hula. Tumango lang si Chit at sabi sige naman kuya babagsak ako kung di ko siya matatapos sa takdang panahon. Iyon lang tumayo na si Rieno at sumunod  na kay Chit. Ikaw bata ka kung di lang malakas ka sa akin di kita tutulungan dyan sa problema mo.
              Tulad ng mga nag daang mga araw mag katulong nilang tinapos ang mga aralin ni Chit. Hating gabi na yata sila nakatapos. Di naman naging boring ang pag aaral nila kasi sa pagitan ng mga sandali nag kukuwentuhan sila. Masarap kausap si Rieno may pag ka seryoso  pero pag dumali mag biro sasakit ang tiyan mo sa katatawa.  Dahil sa ganitong pag kakataon. Kaya mas close si Chit kay Rieno kaysa sa iba nitong mga kapatid.
              Si Rieno cute sya di gaanong kataasan halos mag kasingtaas lang sila ni Chit. Pero wag ka super talino paano ba naman noong nag aaral pa ito ay nag magna cum laude lang naman. Sa dalas nilang mag sama halos naikuwento na ni Chit kung bakit ala syang BF sa kasalukuyan. At ganoon din si Rieno nag kuwento na rin. May GF sya matagal na at nag babalak na silang pakasal this year. Wow !! kuya abay ako ha sa pag bibiro ni Chit.
Pero flower girl ang gusto ko, sabay silang nag katawanan. Talaga ha! yan ang gusto mo di kaya masyado ka ng malaki at matanda para doon ipaubaya mo na yon sa mga bata. Sabay sabi ni Chit ok lang kasi isip bata naman ako. Iyon lang nag  katawanan na sila..
              Palagi ganito sila mag usap  kaya naman di sila na bo bored sa isa’t isa. Minsan nga nalilibang sila sa pag uusap di nila pansin mag hahating gabi na pala mag kausap pa sila. Kaya mag uunahan na silang tatayo at sasabihin hating gabi na pala nandito pa tayo at gising na gising may pasok pa bukas . Aantukin nanaman ako nito sa classe ko. Ang sabi ni Chit. Hahaha ikaw kasi ang daldal mo kaya ayan hating gabi na eto pa tayo nag uusap. Ohh !! ako pa ang sinisi mo ikaw din naman ahh! Sige na nga hahaba pa uli ito ang sabi ni Chit. Good night na kuya. Uwi na baka ka mapalo ng mga kapatid mo hahaha.
              Nag hiwalay na  nga sila. Bago natulog set ni Chit ang alarm niya natatakot siyang di nanaman magising sa oras. Puyat nanaman kasi siya. Naka ngiting natulog si Rieno. Di niya alam kung bakit ang gaang gaang ng kanyang loob kay Chit. Basta may hiniling ito sa kanya di niya matangihan. Ano ba itong kanyang nararamdaman.nag feeling teenager ba  siya uli. Ang bata niya kung ikukumpara sa edad ko ang bulong ni Rieno sa kanyang sarili. Ahh! Basta parang bunso ko lang siyang kapatid. Malambing lang kaya malapit sa akin puso. Ang gustong ipaintindi ni Rieno sa kanyang sarili.
              Kinabukasan noong magising si Chit inayos niya ang mga gamit at naligo na para di siya mahuli sa pag pasok. Noong nakabihis na nag mamadaling siyang lumabas sa room niya. Kita niya nakatayo sa may gate si Rieno at iniintay siya. Akala ko di ka pa lalabas ehh! Ibig ibig ko uli umakyat para katukin ka at baka tulog ka pa. ang mahabang tanong ni Rieno kay Chit. Di po nag set ako ng alarm ko kasi alam ko di ako magigising ng maaga sarap yata matulog hahaha. Nag katawanan na lang sila. Sabay na silang nag lakad papunta sa abangan ng jeep.
              Tulad pa rin ng dati si Rieno ang nag bayad ng kanilang pamasahe. Kaya naman nag biro si Chit kuya para libre uli ako sa pasahe sabay tayo sa pag uwi. Para malaki ang aking natitipid sa allowance ko. Iyon lang bumaba na si Chit. Mas una kasing bumababa siya kaysa kay Rieno. Nakangiting naiwan si Rieno sa jeep. Talaga si Chit pala birong masyado. Pero nagtataka si Rieno sa kanyang sarili bakit sya masaya noong sabihin ni Chit na sabay sila sa pag uwi mamaya. Di pinansin ni Rieno kung ano ang kanyang nararamdaman. Masaya lang siyang kasama ang batang ito.
              Mag hapon naging busy si Rieno sa kanyang trabaho. Di niya napansin uwian na pala. Dali dali niyang inayos ang kanyang mga gamit at uuwi na. nakasakay na siya sa jeep nang mapadaan siya sa school nila Chit. Di niya namalayan pumapara na siya . bumaba at tinungo niya ang school ni Chit. Di niya maintindihan bakit siya ganito kay Chit. Nakita na lang niya ang sarili niya nasa gate ng school at iniintay niya ang pag labas ni Chit. Laking gulat ni Chit sa pag labas niya nakita niya ang kuya Rieno niya. Kuya aba tinutoo mo ang biro ko ahh! Paano yan di libre na naman ako sa pamasahe hahaha.ang biro ni Chit.
              Ano tara na aya ni Chit siguradong mahirap nanaman makasakay nito labasan na ng mga studyante. Kaya naman nag aya si Rieno na tara kain muna tayo para dumalang dalang ang pasahero. Magandang idea yan kuya basta ikaw ang mag babayad kasi lapit ng masaid ang laman ng wallet ko ehh! Oo naman ako ang taya ako ang nag aya di ba? Saka alam ko ala kang pera banana o kamote lang kaya mong bilhin tapos ikaw na ang mag luluto. Di mo nga kayang bumili ng banana que o kamote que. Paano naman laki matitipid pag ako ang mag luluto ang dali lang naman. Yong halaga ng isang tuhog puede ko ng miryenda for one week kung ako ang bibili ng saging at mag luto. Saka mas masarap akong mag luto kesa kanila.
              Iyon lang nag kakatawanan na naman siya. Sa totoo lang naging mababaw ang kaligayahan ni Rieno pag si Chit ang kanyang kasama. Kay dali nito gawing masaya ang mga sandali niya. Simpleng mga salita ni Chit napapangiti siya. Kahit corning jokes napapatawa siya. Hindi nga niya maintindihan ang kanyang sarili nitong mga nag daang mga araw.  Kung bakit siya napapalapit ng ganito kay Chit. Hindi niya  malaman ang dahilan. Dahil ba malambing siya sa akin. Pero ang tingin ko naman kay Chit parang kuya lang ang turin sa akin, mga bulong sa isipan ni Rieno. Pinilig ni Rieno ang kanyang ulo para ginigising ang sarili sa pangangarap ng gising.
              Sa isang malapit na restaurant lang sila pumasok. Pumili lang sila na malapit sa sakayan ng jeep. Para di na sila mag lakad ng malayo mamaya. Maliit  na restaurant ang  napili nila.  Pero mukha naman masasarap ang mga pag kain. Kaya doon na lang sila. Naging masaya naman sila sa pag sasalo ng dinner. Naging maasikaso si Rieno sa kanilang dinner. Di akalain ni Chit na ganoon pala siya kaasikaso ni Rieno. Habang kumakain sila tinanong ni Chit si Rieno kung bakit siya sinundo sa school. Ang sagot di ba sabi mo sunduin kita para malibre ka sa pamasahe . Kaya naman tinupad ko lang ang wish mo kaninang umaga. Para ka pala isang  isang jennie. Anong klase ang lampara mo doon lang nag katawan nanaman sila. Di nila napansin napatagal pala sila sa pag kain halos mag sasarado na ang restaurant.
              Bakit kaya ginagawa ni Rieno ang mga bagay na it okay Chit. Totoo kaya ang hinala ni Chit na mayroon pag tatangin si Rieno sa kanya….. maganda kaya ang kapupuntahan kung sakali? Mag karoon kaya ng katugunan ang niloloob ni Rieno para kay Chit. Tunay kaya ang nadarama niya ? isang malaking katanungan kung ano ang nararamdaman ni Rieno para sa kanyaABANGAN ANG KASUNOD NA KABANATA
Copyright ni Rhea Hernandez   12/20/11    

LOVE STORY "CHIT" chapter 6

LOVE STORY  “CHIT” chapter 6
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

              Di inaasahan ni Chit na susunduin sya ni Rieno. Pag labas niya ng gate ng kanyang school nakita niyang nag aabang na siya dito. Laking gulat niya di niya akalain na totohanin nito ang kanyang biro noong  bumaba siya sa jeep. Kahit nagulat siya may naramdaman siyang tuwa sa kanyang puso. Isipin mo nga binigyan siya ng pansin ng kanyang kuya Rieno. Bago sila umuwi inaya pa siyang kumain ng dinner. Kahit ba naman di sa gaanong sikat na restaurant  at least  nag effort na pakainin siya nito bago sila umuwi.
              Simple lang ang restaurant na pinasok nila ang simpleng hapunan ang inorder nila. Tulad pa rin ng dati  pag mag kasama sila di nila napapansin ang oras na lumilipas sa dami nilang pinag uusapan. Sa sobrang kadaldalan  ni Chit. At ganoon din si Rieno nagiging madaldal na rin siya pag si Chit ang kanyang kausap. Nakakalimutan nila ang pag lipas ng mag oras. Kahit simpleng patawa panay tawa na ni Chit. Di nila alam kung bakit ganito ang kanyang nararamdaman pag kausap niya si Rieno. Samantala ganoon din si Rieno sa kanya .
              Sa palagi nilang pag sasama nadedevelop na ang feeling ni Chit kay Rieno na di niya napapansin. Hinahanap hanap na niya ito sa araw araw. Di kumpleto ang araw niya pag di niya nakikita o nakakausap ito. Anu na ito aking nararamdaman ang tanong ni Chit sa kanyang sarili. Di maaaring mahulog ang kanyang damdamin may roong kasintahan ang kanyang kuya Rieno. Kaya naman pinipigil niya ang kanyang sarili na mahulog ng tuluyan. Isang kapatid lang ang turing niya dito di maaari ito. Ayaw niyang makawasak ng isang magandang relasyon.. kaya nag desisyon si Chit na bawas bawasan ang madalas nilang pag sasama ni Rieno.
              Baka kaya siya ganito dahil madalas nga silang mag kita. Kahit sino namang babae mapapa in love kay Rieno paano sobrang bait at maalalahanin. Lalu na pag kasama mo ito pakiramdam mo laki kang safe. Sa kanya laging nakaalalay sa iyo at di ka niya pababayaan. Kahit sinong babae ito ang hanap. Ang ituring kang parang isang princess.
 Ito ang isang sa mga katangian ni Rieno. Na siyang hinahangaan ni Chit. Kung minsan na lang sila nag kakasabay sa pag pasok. Ito ay sinasadya ni Chit  para di sya masyadong mapalapit sa kanyang kuya kuyahan.
              Minsan tinanong siya ni Rieno habang nasa jeep sila isang umaga. Bakit di na tayo madalas mag kasabay. Kung minsan late ka na kung pumasok minsan naman sobrang aga.  Ayy!! Naku kuya paano kailang sa school minsan na pumasok ako ng maaga minsan naman late na kasi ala akong classe ng maaga. Depende lang sa aking schedule ng subjet kaya ganoon . Ang mahabang paliwanag ni Chit. Pero sa isipan ni Chit. Kasi po iniiwasan kita kaya ganoon. Ibig sana mapahalakhak si Chit sa kanyang iniisip pero pinigil niya kaya napangiti na lang siya. Pati pag ngiti niya napansin ni Rieno. Bakit ka nangingiti diyan ang pansin nito. Paano po naiisip ko na mi miss mo ako kaya ka ng tatanong kung bakit di na tayo nag kakasabay. Mas na miss ko kasi ala na akong taga bayad ng pasahe ko. Iyon lang pareho na silang napa tawa.
              Samantala si Alex di parin nawawalan ng pag asa na mag kakaroon pa rin siya ng pag kakataon na mag kaayos silang muli ni Chit. Di  pa rin nag babago ang kanyang pag tingin kay Chit. Pero di lang siya makalapit dito sa kasalukuyan kasi iniiwasan siya nito. Buhat noong iwanan siya ni Chit, iniwanan na rin niya si Ailene. Napatunayan niyang si Chit talaga ang laman ng kanyang puso. Subalit di na siya makalapit dito sapag kat siya ang may sala. Alam  niyang masakit ang ginawa niya dito. Kaya ayos lang na mag hirap  siya sa kanyang ginawang pag kakasala. Handa siyang mag intay ng tamang pagkakataon.
              Total mga bata pa naman sila.kailangan mag tapos muna ng pag aaral. Ang tunay na pag ibig ay makakapag intay. Noong una nag madali siya kaya di  niya nakita ang dapat makita . Ngayon handa siyang mag intay ng tamang pag kakataon at naniniwala siya ang tunay na pag mamahal di nawawala. Kahit lumipas pa ang mahabang panahon.
              Kung handa na si Chit na patawarin siya saka muli niya ito susuyuin. Alam niya mahal pa rin siya nito. Nasaktan lang siya ng lubusan kaya siya lumalayo sa akin . ang sabi ni Alex sa kanyang sarili. Pero panay dasal niya na sana di mag bago ang kanyang puso sa pag mamahal. Sana di niya malimot ang aming pag mamahalan. Handa akong mag  makaawa sa kanya para lang mapatawad niya ako sa aking mga kasalanan na aking ginawa noon sa kanya.
              Hindi alam ni Alex unti unti na siyang nakakalimutan ni Chit. Siguro talagang ganoon ang buhay. Dumadating ang mga sandali na kailangan kalimutan ang kahapon. Harapin ang hinaharap. Para kay Chit tama na ang minsan nag tiwala siya at nag mahal. Kung noong nagawa siyang lokohin at pag laruan ang kanyang damdamin maaaring maulit muli ang mga nag yari sa kanila. Maaaring totoo na minahal siya ni Alex pero di ito naging sapat at lubusang naging tapat sa kanilang pag mamahalan.
              Para kay Chit sapat na minsan nasaktan . di na niya hahayaan pa na maulit muli. Ayaw na niya na umasa sa isang pag mamahal na di naman pinahalagahan sa una palang. Masakit lang isipin na lubusan kang nag tiwala di naman pala ito pinahalagahan ng tulad ng iyong pag papahalaga. Bakit nga kaya pag ang iyon pag titiwala ay nawala kay hirap ng ibalik pang muli. Kahit na ang puso mo nag sasabi mahal mo pa rin ang taong ito. Pero ang iyong isipan di na matangap at di na sumusunod  sa idinidikta ng  iyong puso. Sabagay may kasabihan na kaya ang ating utak nasa ulo at mas mataas sa puso dapat ito ang sundin mo. Alam nito ang tama at mali. Ang puso kasi iisa lang ang alam nito ang mag mahal at masaktan.
              Dahil nga mag kaibigan ang mga magulang ni Chit at ni Alex di rin maiwasan ang kanilang pag kikita paminsan minsan. At saka di naman mag kalayo ang kanilang tirahan sa probinsya. Kaya kahit papaano nakakarating kay Chit ang mga nagaganap at nag yayari kay Alex. At ganoon din si Alex ang dami ding balita nakakarating sa kanya tungkol kay Chit.  Lalu na kung panahong ng bakasyon may mga liga ng basketball. Lagi mo makikita si Chit doon. Isa siya sa mga muse na pumaparada  sa liga ng basketball. Kakaiba kasi ang ganda ni Chit. Para siyang tunay na pilipina. Sabi nga ng matatanda ang angking niyang kagandahan ay napaka bini. Simple lang pero mukhang elegante. Ito ang laging naririnig ni Chit pag pinag uusapan pag dating sa kanyang angking ganda.
              Minsan tumatangi siya maging muse subalit karamihan sa kanyang ama nag papaalam ang mga team  na nag nanais kunin siya. Dahil isang politico ang ama ni Chit di marunong tumangi sa ganitong pag kakataon. Minsan nga sa barrio nila Alex nag muse si Chit sa isang kalabang team nila Alex. Nagulat pa nga si Alex  noong makita niya si Chit isa sa mga muse ng kalaban nila. Ayy!! Naku eto nanaman si Alex di niya maialis ang kanyang mga mata sa babaeng kanyang tinatangin. Na tapos ang parade na di niya inaalis ang kanyang mag mata kay Chit. Kaya naman itong si Chit naiinis. Nakakaasiwa kasi kumilos  kung alam mo na may isang tao na kanina ka pa tinititigan ulo hanggang paa.
              Alang dinadasal si Chit na matapos na ang parade para maka uwi na siya at maiwasan niya ang mga titig ni Alex sa kanya. Pasalamat na lang siya at di siya nilalapitan nito. Kung nag kataon baka di makapag pigil siya makapag bitiw ng di magandang salita. Ayy!! Naku Chit akala ko ba na ka pag move on kana bakit ka nga nagkakaganito ang bulong niya sa kanyang sarili. Akala ko ba nakalimot ka na bakit epektado ka pa sa kanyang mag titig. Naiinis na si Chit sa kanyang sarili. Bakit ba siya nakapayag payag mag muse dito. Kung alam lang niya isa sa mga player si Alex di na siya pumayag.
              Ang pag kakataon nga naman kung dumating nakaka inis kung minsan. Anu pa nga ba ang magagawa niya kundi ngumiti na lang. baka sabihin ng mga nanonood ang pangit ng isang muse nakasimangot lagi. Dapat si ama ang sisihin ko dito siya ang nag oo na mag muse sa paradang ito. Tuloy sira ang pose ko. Ang bulong uli ni Chit sa kanyang sarili. Noong matapos na ang parade di na nanood ng game at nag pahatid ng umuwi si Chit. Saka  pa lang siya nakahinga ng maluwag.
              Samantala hinayang na hinayang si Alex di man lang niya nalapitan si Chit. Habang tumatagal lalu siyang nagiging kaakit akit ang sabi ni Alex sa isa niyang kasamahan. Sino sinasabi mo iyong isang muse na di maalis ang titig mo kanina. Isang mahinang tango lang ang naisagot ni Alex. Kaya pala sabagay talaga namang maganda. Namumukot siya sa mga naging muse kanina. Sa unang tingin di mo siya mapapansin pero habang tinititigan mo siya doon mo mamalas ang angkin niyang ganda. May kung anong pang halina ang kanyang kagandahan. Pansin  mo rin pala.ang sabi ni Alex sa kausap nito. Oo naman kasi nakita ko titig na titig ka kaya naki titig na rin ako doon ko nakita ang kanyang ganda. Noon una akala mo di siya maganda simple lang kasi siya.
              Samantala pag uwi ni Chit nag aayos na siya ng mga gamit para lumuwas na uli ng manila. Sa wakas matitigil na ang mga kalokohang parada. Sana wala ng kasunod ito. Ito na ang last. Sabagay di na makaka oo si ama pag nag oo pa siya siya na lang ang mag muse aalis na ako luluwas na pa maynila. Noong nag paalam siyang aalis na biniro pa siya ng kanyang ama na aalis kana may liga pa sa kabilang barrio. Kinukuha ka din muse doon. Ayy! ayaw ko na may gagawin pa ako sa maynila tama na. Huwag kang mag alala di  na ako oo pa . Ayy! salamat po naman kung ganoon nakakapagod din naman ang mag lakad ka ay nakangiti sa mga tao.
              Noong dumating siya sa manila sinalubong agad siya ni Rieno at kinamusta ang kanyang bakasyon. Eto nangitim sa sikat ng araw ikaw yong pumarada at ala man lang payong kay init init ng sikat ng araw. Bagay nga sa iyo ang kulay mo ngayon morena kaligatan. Sabihin mo kuya para na akong ita sa itim ko. Nag katawanan lang sila. Kay gandang ita ka naman. Saka may ita bang ganyan kataas. Ok mestisang ita na lang ha ha ha ha. May dala ka bang mga litrato mo. Ala akong dala aanhin mo naman ipapanakot mo sa daga. Ala namang daga dito sa building ahh! Sa dagang may buhok sa ulo  ako yon gusto kong makita ang itchura mo habang pumaparada.  Para lang nasa bahay ako naka short at t shirt ng pang basketball. Para nga akong isa sa mga player ng basketball yong nga lang mas short yong suot ko hahahaha. Hayaan mo dala dala ko gagawin kong pambahay ehh!
              Iyon lang humaba na ng humaba ang kuwentuhan nila. Parang sabik na sabik sila sa isa’t isa  na  mag kuwentuhan. Parang kay tagal nilang nag kalayo. Lalu na si Rieno pakiramdam niya kay tagal nawala sa tabi niya si Chit. Pasok ka na uli bukas sabay uli tayo sa pag  pasok ang sabi ni Rieno kay Chit. Ayy! naku kuya late na ako pupunta sa school ko mauna ka na lang. Sa totoo lang ayaw na ni Chit na mapalapit ng husto  kay Rieno. May GF na ito ayaw niyang mahulog ng tuluyan ang loob niya dito. Kaya kung maari didistansya siya ng kaunti dito . Natatakot din siya baka mahulog nag tuluyan ang kanyang loob dito. Di tama ayaw niyang makasira ng isang matagal ng relasyon. Mabait sa kanya si ate Malou siya ang GF ni Rieno.
              Anu kaya ang tunay na damdamin ni Rieno at ni Chit sa isa’t isa. Ating alamin sa susunod na kabanata ABANGAN
Copyright ni rhea Hernandez 12/22/11

Friday, December 16, 2011

LOVE STORY "CHIT" chapter 4

LOVE STORY “CHIT” chapter 4
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
             

              Samantala si Alex ay namomoblema. Di niya inaasahan biglang dumating ang kanyang dating kasintahan. Galing sa pag babakasyon sa kanilang probinsya. Ang akala ni Alex noong umalis ang kanyang dating GF ay tapos na sa kanila. Kasi ba naman mayroon silang pinag tatalunan noon at di natapos . kasi pinauwi siya ng kanyang mga magulang sa probinsya. Ngayon siya nag balik akala niya sila pa rin ni Alex. Samantala mayroon ng ibang minamahal  siya at ito nga si Chit. Pero di niya ito masabi kay  Ailene. Bakit ayaw din niyang saktan ang damdamin nito. Mayroon pa rin bang natitira sa puso niya. Mahal din ba niya ito. Paano nagyayari ito? Dalawang babae pareho nasa puso ko. Ang bulong ni Alex sa kanyang sarili.
              Ngayon naguguluhan si Alex sa kanyang nararamdaman. Pero kung papipiliin siya si chit ang kanyang pipiliin. Mas matimbang ito sa puso niya. Pero ayaw din niyang iwan si Ailene. Ayaw din niyang saktan ang damdamin nito. Malaki na rin ang kanilang pinag samahan nito. Di makatiis si Alex pinuntahan niya ang kanyang kuya. Sinabi niya dito ang kanyang problema. Hinihingi nito ang kanyang opinion sa kanyang sitwasyon. Alam mo ang dapat mong gawin Alex.ayaw mo lang gawin. Alam mo kung ano ang tama. Kung ano ang tama siya mong gawin. Huwag kang mag hinayang  na mawala ang isa. Baka dumating ang oras parehong mawala sila sa iyo. Pag nag kabistuhan ikaw din ang masasaktan. Kaya mo bang mawala si Chit sa iyo?
              Kuya bakit mo itinatanong yan. Sinabihan na kita noon pa iba si Chit  sa karaniwang babae. Kaya linisin mo ang kalat mo baka matuklasan niya ikaw din ang umiyak. Bakit kasi bago mo sinuyo si Chit sana tinapos mo na ang isang iyan. Paano na ayaw bumitiw ? Ok lang daw na may kahati sya huwag ko lang iwanan ng tuluyan? Akala ko kasi tapos na kami? Nag kakalabuan noon kami. Nag kalayo iniwasan niya . akalain ko ba na iisipin niya kami pa? Naku! Alex kailan ka ba ipinanganak ha? Paano kayo tapos na di mo naman tinapos? Nag bakasyon lang yon tao. Una palang pinag sabihan na kita. Sumigi ka parin.
              Hanggang maaga  tapusin mo yang gusot mong pinasok. Pag nakarating iyan kay Chit sigurado akong di ka niya kayang patawarin. Alam mo naman may pag ka amasona siya. Sabi mo nga malambing mapag mahal pero lintik magalit. Sinisigurado ko sa iyo Alex patay ka sa kanya. Sa binitiwang salita ng kuya niya kinabahan si Alex. Noong umuwi siya di na siya mapakali. Ano ang kanyang gagawin? Dalawang babae sa kanyang buhay isang ayaw bumitiw at ang isang ayaw niyang saktan kasi nga mahal na mahal niya. Paano niya tatapusin ang relasyon niya kay Ailene kung ito mismo ayaw.
              Halos buong mag damag di nakatulog si Alex sa kaiisip kung ano ang kanyang gagawin. Siya na kaya ang mag sabi kay Chit kesa sa iba pa niya malaman na dalawa sila sa buhay ko. Ang bulong ni Alex sa kanyang sarili. Subalit natatakot siyang magalit sa kanya si Chit. Halos iuntog na ni Alex ang kanyang ulo sa pader sa kaiisip pero ala siyang maisip na magandang paraan. Paano sasabihin ang totoo na di masasaktan ang damdamin ni Chit. Kay hirap naman itong aking pinasok ang pag amin ni Alex sa kanyang sarili. Bakit kasi itong puso ko natutong mag mahal sa dalawa ng sabay.
              Lingid sa kaalaman ni Alex ang balita ay nakarating na kay Chit. Iniintay na nito na mag sabi ng totoo si Alex pero ala pa rin sinasabi. Kaya naman lalung lumalalim ang galit niya dito. Bakit ganoon kung kailang mahal na mahal na niya si Alex saka niya nalaman ito. Sana noon pa para di niya pinayagan ang puso niyang mag mahal sa taong sinungaling . Kailangan lang niya ng matibay na ebidensya kung totoo ang kanyang nababalitaan. Ayaw naman niyang husgahan si Alex ayon lang sa mga chismis na nakakarating sa kanya. Kahit nag pupuyos ang kanyang kalooban ala siyang magawa. Paano niya kokomprontahin ang isang tao na wala pa siyang katibayan. Kaya naman nag walang kibo muna si Chit.
              Pero ang kanyang isipan at damdamin ay para ng sasabog sa kaiisip. Mahal na mahal na rin niya si Alex. Pero di niya kayang ipag patuloy ang kanilang relasyon. Di na niya ito maiaalis sa kanyang isipan na siya ay niloko at dinaya ni Alex. Unti unti nanlalamig si Chit sa kanilang relasyon. Habang tumatagal lalu siyang nagagalit kay Alex. Sa pag tatago ng katotohanan. Kaya naman isang araw di na makatiis si Chit at ito kanyang kinompronta. Parang na pipi si Alex di makapag salita di niya akalain na alam na niya ang katotohanan.
              Isang tanong lang ang gusto kong iyong sagutin. Mayroon bang katotohanan ang aking nababalitaan? Isang mahinang tango lang ang sinagot ni Alex.iyon lang nag unahan na ang pag patak ng mga luha sa mga mata ni Chit. Bakit mo ako niloko? Bakit mo pa ako niligawan kung ganito lang? bakit mo ako sinasaktan ng ganito? Anu ang nagawa ko sa iyo? Mga sunod sunod na tanong ni Chit kay Alex. Akmang yayakapin ni Alex si Chit para aluin , subalit itinulak siya papalayo ni Chit. At binitawang salita na MAG LIMUTAN NA TAYO!! Di ko kailangan ang isang lalaking katulad mo na namamangka sa dalawang ilog. Iyon lang para ng pinagsakluban ng langit at lupa si Alex. Ala siyang magawa kasi siya ang may kasalanan.
              Sa mga oras din iyon tinapos ng lahat ni Chit kung anuman ang kanilang ugnayan. Kahit ano ang gawin ni Alex di na niya ito hinarap. Kahit anong panunuyo ang gawin di na binigyan ng pangalawang pag kakataon si Alex. Tama na ang minsan siya nasaktan. Kung nakaya siyang lokohin noon.  Maari ding lokohin uli siya nito. Binigyan na niya ng tamang panahon na sabihin ang katotohan pero di niya sinabi. Kung di pa siya ang nag tanong di pa niya sasabihin. Paano  na kung di niya nalaman na dalawa sila sa puso nito habang panahon siyang lolokohin.
              Kay tagal siyang niloko ni Alex. Kung sana noong umpisa pa lang sinabi na niya na mayroon siya sana di na sila umabot sa ganito na pareho silang nasasaktan. Wala ng magawa si Alex. Kahit ano gawin niya di na siya kinakausap ni Chit. Tuluyan na itong lumayo. Masyadong nasaktan ang kanyang puso. Matatagalan bago ito mag hilom. Naging mailap si Chit sa mga lalaki buhat noon. Di na rin nangulit pa si Alex alam niya di na siya haharapin nito. Alam ni Alex matagal niyang makakalimutan si Chit.  Naging malalim na ang naging sugat nito sa kanyang puso. Ala naman siyang masisi kundi ang kanyang sarili. Kung bakit naging salawahan ang kanyang puso noong una.
              Nabalitaan na lang ni Alex na lumipat na ng ibang boarding house si Chit. Alang pinag sabihan kung saan ito lumipat. Kaya naman di na alam ni Alex kung saan ito pupuntahan. Pag pumupunta naman siya sa bahay nila iniiwasan din siya di siya hinaharap ni Chit. Talagang tuluyan na siyang binura ni Chit sa buhay niya. Alang nagawa si Alex kundi pag aralan na lang  at tangapin ang katotohanan na wala na sila ni Chit. Patuloy ang buhay pinilit nalang kalimutan  ang wagas na pag mamahal niya kay Chit.
              Samantala patuloy parin ang buhay ni Chit. Ibinaling na lang niya ang kanyang atensyon sa kanyang pag aaral. Pinilit niyang iwaksi si Alex sa kanyang buhay. Alam niya na matatagalan bago sya muling umibig. Pero darating din ang tamang lalaki sa buhay niya. Sa bagong nilipatan ni Chit  naging tahimik siya.bagong kasama bagong pakikisama. Alang prblema ito kay Chit kasi marunong naman siyang makisama.
              Dahil maganda nga si Chit kahit saan siya mapadpad kay daming nakakapansin sa kanyang angking kagandahan. Pero mailap na sa mga lalaki si Chit. Ayaw na muna niya na mag karoon ng kahit anong relasyon sa mga lalaki. Natapos nag unang semester ng classe kaya mayroon silang maigsing bakasyon.umuwi sa probinsya si Chit. Doon kinuha siyang mag muse sa isang basketball. Noong una tinaggihan niya subalit mapilit talaga siya makuha kaya naman ang kanyang ama ang kinausap.hindi ito nakatangi kaya naman alang nagawa si Chit kundi sumagot ng oo.
              Dito niya nakilala ang isang lalaki na nag pahayag sa kanya ng pag kagusto. Dahil nga sariwa pa ang kanyang sugat sa puso kaagad niyang tinangihan. Halos lahat na nag tangkang lumigaw sa kanya sa kangkungan pinupulot. Naging mailap sa mga lalaki si Chit buhat noong niloko siya ni Alex. Kaya naman ang kaibigan niyang si Liza. May ginawang kalokohan. Kinuha ang isa niyang picture at pina publish sa wanted penpal. Kaya pala noong umuwi siya sa kanilang probinsya panay kantiyaw ng kanyang mga kaibigan.
              Di nag laon ang mga gustong makapalitan ng sulat ay nagdagsaan sa boarding house nila. Minsan nag tatakang nag tanong ang kartero mayroon bang nakatirang artista dito.paano naman araw araw isang box na sulat ang dumadating kay Chit. Pero alang pinag tuunan ng pansin  ni Chit. May makulit iyong iba may kasama ng sobre na may selyo na. At ang iba may nakaipit napera pag bili daw ng stamp. Kaya naman ala siyang sinisi kundi ang kaibigan niyang si Liza. Kung bakit kasi inilagay ang name at picture niya sa wanted penpal.
              Tatawa tawa at ang sabi na “Iyan ang katunayan na maganda ka”. Maraming nakakapansin ng beauty mo. Di na lang kumibo si Chit sa kapilyahan ng kanyang kaibigan. Samantala sa bagong nilipatan ni Chit sa kabilang room. Mayroon nakatirang mag kakapatid. Naging kapalagayang  loob ni Chit. Tinawag niyang mga ate ang mga ito. At kuya naman yong lalaki.  Si kuya Rieno ang naging pinaka malapit sa kanya. Isa itong accountant sa isang sikat na banko sa manila. Mahilig gumitar at kumanta. Madalas sa hapon o sa gabi kinakantahan siya nito na parang hinaharan. Sa tambayan ng sa ibaba ng building doon madalas mag pahangin si kuya  Rieno. Ito na daw ang nakagawian niya tuwing hapon. Ang mag gitara at kumanta.
              Sa totoo lang napakalamig ng kanyang boses. Madalas pag napapadaan siya doon laging inaalay sa kanya ang inaawit nito. Doon nag umpisa ang kanilang pagkakalapit sa isa’t isa. Mabait  it okay Chit. At kung minsan nag kakasabay sila sa pag pasok sa umaga. O sadyang sinasabayan siya nito. Di alam ni Chit kung nag kakataaon lang o talagang sinasadya ang pag kakasabay nila. Sa pag pasok sa umaga. Dati rati naman di niya ito nakakasabay sa pag pasok. Lagi itong maagang umaalis kesa sa kanya. Bakit nitong mga nag daang araw lagi na niyang nakakasabay sa sakayan ng jeep.
              ABANGAN MAG KAKAROON NA BA NG KAPALIT SI ALEX SA PUSO NI CHIT?? Copyright by Rhea Hernandez  12/16/11

Thursday, December 15, 2011

LOVE STORY "CHIT" chapter 3

LOVE STORY “CHIT” chapter 3
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
 
              Habang nag aaral si Chit  sya ay napagod at inantok kaya naman nakatulog siya. Nakasubsob ang kanyang ulo sa study table niya. At siyang pag dating ni Alex at nakita siyang natutulog. Di maiwasan ni Alex na pag masdan ang kanyang maamong mukha. Para siyang namamagneto na pag masdan ang kanyang pinakamamahal na si Chit. Di niya namalayan gusto na niya itong nakawan ng halik. Kaya naman di niya napigilang ang kanyang sarili. Iginawad niya ang banayad na halik sa pisngi ni Chit. Na siyang ikinagising nito.
              Sa pag dilat ng kanyang mga mata nabungaran niya si Alex. Anu ang iyong ginagawa. Bakit mo ako ninakawan ng halik. Sa pag kabigla ni Chit bigla siyang nag takbo sa loob ng kanyang room. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin ito ang kanyang unang halik sa isang lalaki. Ito rin ang unang pag kakataon ginawa ito ni Alex ang siya’y halikan. Bakit hinalikan sya habang natutulog. Hindi niya malaman kung ano ang kanyang nararamdaman. Kung magagalit ba siya , o matutuwa ang humalik sa kanya ay ang lalaking kanyang minamahal. O mag tatampo kasi ang kanyang unang halik di niya alam kasi natutulog siya.
              Halong emosyon ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling yaon. Iiyak ba siya dahil di niya nalasap ang kanyang unang halik? O magagalit siya kay Alex kasi di siya ginalang habang siya natutulog . di malaman ni Chit kung ano ang kanyang iisipin ng mga sandaling iyon. Habang nasa labas si Alex di rin niya malaman ang gagawin. Di niya alam kung ano ang iisipin. Nagalit kaya si Chit sa aking pag nanakaw ng halik. Kinakatok ni Alex ang pintuan ng room ni Chit di ito kumikibo. Ayaw siyang kausapin. Panay hingi ng tawad ni Alex pero di siya kinakausap ni Chit.
              Siyang pag dating ng mga kasamahan ni Chit sa bahay. Nakita nila si Alex na kumakatok sa pintuan pero di sinasagot ni Chit. Kaya nag tanong sila kung ano ang nag yari. Di masabi ni Alex kung bakit. Ayaw niyang mapahiya si Chit at ganoon din siya. Hindi na pinilit ni Alex lumabas ng room si Chit ng mga oras na iyon. Kaya sa labas na lang ng pinto ito nag paalam. Chit my love uuwi na ako sorry na ha!! Babalik na lang uli ako sa ibang araw. Ang sabi ni Alex sa labas ng room. Hindi pa rin kumikibo si Chit. Hanggang makaalis si Alex. Saka lang siya lumabas ng kanyang room.
              Hindi tinigilan ng mga kaibigan niya si Chit bakit di niya nilabas si Alex. Hindi kumibo si Chit. Sinarili niya kung ano ang nagyari sa kanila ni Alex. Sa kanyang sarili kinakapa niya sa kanyang puso kung may galit siya. Pero wala siyang maramdaman. Tampo mayroon isipin mo nga yon unang halik niya di niya naramdaman kasi natutulog siya. Kaloka naman talaga. Sa kanyang isipan ang kanyang pangarap na unang halik ay isang makasaysayan. Kung kanyang alalahanin ay siya ay kikiligin. Bakit ganito ang kanyang unang halik. Alang kuwentang alalahanin.
              Kinabukasan nakatangap ng bulaklak si Chit na may isang kasamang tula ng pag ibig na alay ni Alex sa kanya. Humihingi ng sorry at inihahayag doon kung gaano siya kamahal nito. Habang binabasa ni Chit ang tula kinikilig siya sa kanyang binabasa. Hindi nag pakita ng ilang araw si Alex pag katapos ng nakawan siya ng halik. Siguro nag kukunsensya sa isip isip ni Chit. Buti nga para malaman niyang di tama ang kanyang ginawa. Isipin mo unang halik ninakaw niya ang magandang moment na ito . di niya inisip na gusto rin niyang maging isang kaibig ibig ang kanyang unang halik. Parang sa mga movie na sa pakiramdam mo mag kukulay rosas ang buong paligid. Pakiramdam mo na ikaw ay parang kang isang prinsesa na kahalikan mo ang iyong prinsepe.
              Sinira niya ang aking pangarap o akin pantasya sa unang halik. Ang bulong ni Chit sa kanyang sarili. Anu pa ang kanyang magagawa tapos na. sa 2nd na kiss na lang  siya babawi sana maging romantico na ito. Muling dumalaw si Alex kay Chit may bitbit na bulaklak at chocolate. Nakasimangot si Chit anu ito suhol. Ngumiti lang si Alex at sabi sorry na ohh!! Bati na tayo. Bakit kailan ba tayo nag kagalit sagot ni Chit. Sino ba ang kagalit mo? Tanong na pa cute ni Chit kay Alex. Iyon lang nag kaintindihan na sila. Ala na dapat pang pag usapan tungkol sa nag daang nakaw na halik.
              Balik uli sila sa dati parang alang nagyaring nakawan na halik. Nalalapit na ang x mass. Kay sarap mag libot libot sa mga mall. Isang araw namasyal sila sa mall. Kahit di sila namili. Ano naman ang bibilhin nila pareho naman silang studyante pa kaya depende lang sila sa allowance na bigay ng kanilang mga magulang. Kaya kasya na lang sila sa pamamasyal na hawak kamay habang nag lalakad. Anong saya ng bawat sandali. Di na nila kailangan mag shopping talaga para lang sumaya. Ang mag kasama lang sila at mag kahawak kamay ay langit na para sa kanila. Masaya na puno na ng sigla ang kanilang mga puso.
              Inihatid ni Alex si Chit sa kanyang boarding house. Pag katapos na mahaba habang oras na inubos nila sa pamamasyal sa mall. Na wala silang nabili kahit isang ipit ng buhok. Pero sa mga puso nila ang liga ligaya nila. Sapat na yong naglalakad sila ay tumitingin ng mga bagay na magaganda na mag kahawak kamay. Ganito lang kababaw ang kanilang kaligayahan. Kay daling pasayahin ni Alex si Chit. Kasi ba naman di materialistic si Chit . Sapat na sa kanya na lagi lang nandoon si Alex at pinapahalagahan siya. Inirerespeto bilang isang babae.
              Ok din kay Chit kahit kada labas nila sa turo turo sila kumakain. O kaya nag mimiryenda ng kamote que o kaya banana que at palamig. Basta ramdam niya na mahal na mahal siya nito. Kay sarap pala ang pakiramdam na may nag mamahal sa iyo. May nag aalala sa iyo. Ito lang ang nais ni Chit di niya hanggad na mag karoon na mayamang kasintahan pero ala namang pakialam kung ano ang kanyang nararamdaman. Di naman nasusukat ang pag mamahalan kung ano ang mga regalo iyong natatangap sa iyong minamahal . Ang mas maganda kung ano ang kanyang kaya niyang ibigay sa iyo pag mamahal at pag aasikaso.
              Ang gusto ni Chit ay yong kung kailangan niyang may makausap lagi syang nandiyan. Kung kailangan niya ng kasama dyan lang siya sa tabi niya. Anytime na gusto niyang umiyak may balikat siyang iiyakan. Kung gusto niyang tumawa may makasama siyang tumawa. Kung nalulungkot siya may isang kamay na hihimas ng kanyang mga buhok at sasabihin ok lang huwag kang mag alala. Sasabihin nandito lang ako lagi sa tabi mo. May isang magbibigay ng suporta sa iyo kahit ano ang iyong gagawin. May pupuri kung mayroon kang  nagawa  sa buhay na dapat ipag malaki.
              Ang mga ito nakita ni Chit sa katauhan ni Alex kaya naman ala na siyang hinahangad pa.kuntento na siya sa kanilang relasyon. Kahit simple lang ito. Kay daling pasayahin si Chit kaya naman di nahihirapan si Alex. Dumating ang x mass vacation kailangan ng umuwi sa kanilang probinsya. 2weeks din singkad  na alang pasok. Kaya naman sa bahy nila Chit dumadalaw si Alex. Ok lang naman sa mga magulang ni Chit na dumalaw si Alex. Kaya wala silang naging problema kahit mahaba haba din ang bakasyon.
              Araw ng pasko umakyat ng ligaw si Alex. Nag taka si Chit di ito nag iisa kasama niya ang kanyang matalik na kaibigan. Nag taka pa si Alex kilala ni Chit si Pete. Heller paano di ko siya makikilala ka klase mo siya noon. Grade 5 lang ako kilala ko na sya . hindi nakakibo siAlex kasi di niya natandaan si Chit noon una. Nang bigalang pumasok sa living room ang bunsong kapatid na babae ni Chit at ipinakilala niya si Pete dito. Parang may kung ano at nawalan ng kibo itong kaibigan ni Alex. Na pahanga sa batang kapatid ni Chit.
              Kaya naman kada dadalaw ngayon si Alex kasama na niya si Pete. At hinahanap nito ang bunsong kapatid ni Chit na si Wee ween.  Nang lumaon mas madalas ng dumalaw si Pete kesa kay Alex. Siempre di si Chit ang hinahanap kundi si Wee ween. Tinamaan pala ng husto si Pete kay Wee ween. Subalit sikat ang dalawang mag kaibigan na kung saan yong isa nandoon din ang isa. Maraming nababalitaan si Chit sa history ng dalawang mag kabarkada. Buhat noong high school sila hanggang sumapit sa college.
              Naging para ngayong mag kakabarkada ang apat. Sa mga lakaran laging 4some sila. Naging lagi silang masaya  apat sa mga lakaran . ok lang sa mga magulang nila kasi nga magkakasama silang mag kapatid. Wala naming problema maliban sa mayroon natunklasan si Chit sa kahapon ni Alex. Na di niya nagustuhan. Kaya di niya alam kung paano niya ito itatanong kay Alex. Paano niya kokomprontahin si Alex na ala pa siyang katibayan. Isang chismiss lang ang nakarating sa kanya.
              ANU KAYA ANG NABALITAAN NI CHIT TUNGKOL KAY ALEX??
Copyright by rhea Hernandez 12/15/11          
        

Wednesday, December 14, 2011

LOVE STORY "CHIT" chapter 2

LOVE STORY “CHIT” chapter 2
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poem

              Naging masigasing si Alex sa pan liligaw kay Chit. Kaya naman unti unti ng napapalapit sya sa binata. Talagang ipinapakita ni Alex na karapat dapat siyang pag katiwalaan ng pagmamahal. Isang araw kinumbida ni Alex si Chit na manood ng kanilang drill sa ROTC. Noon lang nakita ni Chit si Alex nakausuot ng kanyang complete uniformed. Biglang napahanga siya sa binata. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang uniformed. Para silang tunay na mga sundalo. Sa pag kilos akala mo iisa. Sabay sabay sa pag hakbang at pag imbay.
              Buhat noon lalung napalapit sa puso niya si Alex. Lingid sa kaalaman ni Alex ang pag hangan nito sa mga taong naka uniporme. Pag katapos ng drill dali daling nilapitan ni Alex si Chit. Di ka ba nainip ang tagal naming. Sandali na lang mag bibihis ako. Dito ka lang babalikan kita pag katapos kong mag bihis. Sa pag talikod ni Alex bumulong si Chit wag kanang mag bihis ganyan ka na lang mas guapo ka. Sa isipin ganito napangiti si Chit. Kaloka bakit ba ako patay na patay sa mga taong naka complete uniformed. Di rin maindindihan ni Chit ang kanyang sarili kung bakit lakas ng hatak ng mga ito sa kanyang paningin.
              Di nag tagal eto na si Alex nakapag palit na ng damit. Tara saan mo gustong pumunta ? ang tanong ni Alex kay Chit. Free na ako tapos na ang activities naming. Ikaw saan mo ba gustong pumunta balik na tanong ni Chit kay Alex. Gusto mo mag miryenda muna tayo? Ang tanong ni Alex. Ok medyo nauuhaw na rin ako , Ang init kasi ng sikat ng araw ngayon. Ang ganting sagot naman nito. Ok lang ba sa iyo dyan lang tayo sa turo turo. Medyo kapos ehh! Sabi ni Alex. Nangiti si Chit mag aaya yon pala alang bala. Kaya sagot niya ok lang nakakabusog din naman ang pag kain dyan at masarap pa.
              Noong kumakain na sila. Di akalain ni Chit na maasikaso si Alex. Halos subuan na siya nito habang sila kumakain. Doon niya napatunayan ala sa lugar kung saan kayo kakain. Ang mahalaga ay kung sino ang kasama mo sa pag kain. Kung ito ay binibigyan ka ng inportansya. Sa mga sandaling yaon damang dama ni Chit na para siyang isang princessa kung asikasuhin. Sa kauna unahang pag kakataon nadama niya na siya isang ganap ng babae na pinapahalagahan ng isang maginoong lalaki.
              Pag katapos kumain nag aya si Alex na mamasyal sila. Total maaga pa kaya sumama si Chit sa pamamasyal. Huwag ka sa Luneta siya dinala. Wow ang baduy naman dito sa luneta ang unang pamamasyal. Ang bulong ni Chit sa kanyang sarili. Sabi nga ng iba kung ala kang pera sa Luneta ka mamasyal libre pa. Di niya akalain ito ang kanyang mararanasan sa una niyang date. Ang mamasyal sa Luneta. Akala niya di siya mag enjoy. Pero mali ang kanyang ini isip. Masarap kasama si Alex alang dull moment kang mararamdaman. Akala niya seryosong tao ito may pagka kenkoy din pala.
              Di niya nga namalayan papagabi na sa sobra siyang nag enjoy na kasama si Alex sa Luneta. Di niya makakalimutan ang mga oras na mag kasama sila sa pamamasyal sa Luneta. Nang ikinukewento ni Chit kung saan ang kanilang unang date. Di makapaniwala ang kanyang mga ka room mate. Si Chit sumama sa isang lalaki at huwag ka sa Luneta pa sabay sabay nag tawanan ang mga kasamahan . Ehh !! anu ang sama doon. Ang ganting sagot nito sa mga kaibigan. Isipin mo ngayon kalang sumamang makipag date sa luneta pa. Noong una iyan din ang akin sinabi sa sarili ko . pero noong nandoon nakami ala pala sa lugar kung saan kayo namamasyal kundi kung sino ang kasama mo sa pamamasyal ang mahalaga.
              Ito ang napatunayan ni Chit di mahalaga kung saan kundi kung sino ang kasama mo. At kung ikaw ay iginagalang bilang ikaw. Yong ipinaparamdam sa iyo kung gaano ka kahalaga sa kanya. Sa mga ganitong isipin binabalikan ni Chit ang mga oras na mag kasama sila ni Alex. Di niya maiwasang mapangiti. Tinatanong niya sa kanyang sarili nahuhulog na ba siya kay Alex? Mahal na nga ba niya ito? Mga tanong na gusto niyang makatiyak sa tamang kasagutan!
              Ayaw ni Chit na mag kamali siya sa pag dedesisyon pag dating sa ngalang ng pag ibig. Ayaw niya balang araw pag sisihan niya na natuto siyang mag mahal. Takot kasi siyang masaktan. Ayaw niyang maparis sa ilang niyang mga kaibigan kung paano iyakan ang mga lalaking nagsamantala sa kahinaan ng mga ito. Ayaw niya dumating sa kanya na mababasa ang kanyang unan sa pag iyak sa gabi. Ayaw niyang makita ang sarili niya tulad ng mga kasamahan niya na di mapatid ang pag agos ng luha sa mga mata. Dahil sa walang kuwentang lalaki na nag samantala sa kahinaan ng mga ito sa ngalang ng pag ibig.
              Sa tingin naman niya kakaiba si Alex sa mga lalaking kanyang nakilala. Subalit gusto niyang makatiyak kung karapat dapat nga itong pag katiwalaan. Patuloy pa rin si Alex sa panunuyo sa kanya. Ilang buwan din inabot bago nag desisyon si Chit na tapusin na ang pag hihirap ni Alex. Iniintay na lang ni Chit na muli siyang kulitin ni Alex sa kanyang kasagutan. Kung kailan handa na siyang sagutin ito saka naman di siya kinukulit ni Alex sa kanyang panunuyo. Kaya naman nawala na sa isipan ni Chit na sagutin si Alex. Total maganda naman ang kanilang samahan.
              Alang nababago sa routine nila ganoon pa rin.kung minsan inihahatid siya sa pag pasok mas madalas ang pag sundo sa kanya. Kasi daw mas delikado sa pag uwi kasi gabi na. ang bulaklak araw araw di nakakalimutang padalhan. Kaya minsan di kaya nag sasawa si Alex na padalhan siya ng mga bulaklak. Kung kaya sila na ganito pa rin kaya siya ka sweet sa akin. Di kaya mag bago siya pag nakuha na niya ang matamis kong oo. Mga katanungan gusto niyang malaman ang kasagutan.
              Dumating ang araw na iniintay ni Chit. Ang pangungulit ni Alex na malaman ang kanyang kasagutan sa kanyang iniluluhog na pag sinta. Kaya naman di na nag dalawang isip si Chit. Ibinigay na niya ang matagal ng iniintay nitong kasagutan. Di niya akalain mapapalundag sa tuwa si Alex noong bitawan niya ang kanyang OO. At bigla siyang niyakap nito at iniangat siya sa lupa at inikot siya ng inikot. Di niya akalain ganoon ang magiging reaksyon nito. Akala  mo tumama siya sa lotto.
              Anuba Alex ibaba mo nga ako nahihilo na ako ahh! Ang sambit ni Chit kay Alex.YES!! sa wakas girlfriend na kita. Ang halos pasigaw na sabi ni Alex. Alang iginanti si Chit kundi isang matamis na ngiti kay Alex.noong Gabi iyon di makatulog si Alex. Sa wakas tinugon din niya ang matagal ko ng iniluluhog na pag ibig. Di niya akalain na mag kakaroon ng magandang kasagutan ang kanyang pag ibig kay Chit. Hindi hindi siya mag sisisi sa pag sagot niya sa akin. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng pag mamahal sa isang babae. Ang bulong ni Alex sa kanyang sarili.
              Dahil may ugnayan na sila naging regular na rin ang pag dalaw dalaw ni Alex sa kanilang bahay sa probinsya. Halos lagi silang mag kasabay sa pag uwi pag week ends. At kung Saturday night umaakyat ito ng ligaw sa kanilang bahay. Doon makahalata na ang tatay ni Chit. Kinausap siya ng masinsinan kung may unawaan na sila ng anak ng kanyang matalik na kaibigan. Isang tango lang ang sinagot ni Chit sa kanyang ama. Akala niya makakagalitan siya nito. Pero alang sinabi kundi mga bata pa kayo mag sipag tapos muna kayo ng pag aaral bago kayo lumagal sa magulong buhay. Ala akong tutol sa pag mamahalan ninyo kilala ko ang pamilya niya ok lang sa akin at kaibigan ko rin ang kanyang ama. Kaya siguro di siya gagawa ng ikakasira naming ng kanyang ama.
              Parang nabunutan ng isang tinik si Chit. Sa narinig na paalala ng kanyang ama. Di ito tutol sa kanilang pag mamahalan ni Alex. Ganoon din si Alex sa kanila. Alang tutol kay Chit  kung ito ang kanyang nagugustuhan bagkus gusto nila ito para sa kanilang anak. Lalu na ang tatay ni Alex botong boto siya kay Chit. Sa kanilang mga pamilya ala na silang problema. Walang tumututol sa kanilang pag mamahalan. Naging masaya ang pag mamahalan nila Chit at Alex.
              Samantala sa isang araw si Chit nag aaral nakatulugan niya nakasubsub ang kanya ulo sa la mesa. Siyang pag dating ni Alex. Nakita niyang nakatulugan ni Chit ang pag aaraal. Sa ganoong tanawin naakit siyang itong pag masdan. Kay ganda talaga ni Chit ang bulong sa kanyang sarili. Mahal na mahal kita ang mahina niyang usal. Na siyang ibinubulong kay Chit habang ito’y natutulog na nakasubsob sa study table. Sa habang kanyang pinag mamasdan ang maamong mukha ni Chit. Di niya  napigilang  ang kanyang sarili na di nakawan ng halik sa pisngi ang kanyang kasintahan. Laking gulat ni Chit at bigla itong nagising sa pag nanakaw ng halik ni Alex.
              Sa kauna unahang pag kakataon nahalikan ni Alex si Chit. Habang ito’y natutulog. Anu kaya ang magiging reaction ni Chit sa pag nanakaw ng halik ni Alex sa kanya … ABANGAN SA SUSUNOD NA KABANATA!!
Copyright by rhea Hernandez 12/14/11