Tuesday, December 13, 2011

KAILANGAN MAG PAALAM MAHAL!!

KAILANGAN MAG PAALAM MAHAL??
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

Para sa daawang pusong nag mamahalan,
Kahit anong pagsubok ang mag daan,
Mag kahawak kamay ito’y ipaglalaban,
Kahit hamakin ninoman walang pakialam.

Ang pag mamahalang bawal aking natikman,
Ito’y alam  kong mali bawal na pagmamahalan,
Kaya naman sa panaginip na lang pagmamasdan,
Sa aking pangarap doon na lang kita pag lilingkuran.

Di ko sinasadyang kita’y mahalin ng lubusan,
Bigla na lang itong pumasok sa di ko siya inaasahan,
Ang ikaw ibigin sadya bang ito’y akin isang kasalanan,
Ikaw mahalin di ko ito sinasadyan, di ko rin malabanan.

Ang nais ko lang sana lagi kitang makapiling sinta,
Kahit isang tawag mo lang anong saya at ligaya ko na,
Sa tuwina ikaw nakakausap ang mundo ko anong saya,
Marinig lang ang malambing mong tinig puso natutuwa.

Wala akong dinadalangin makita ka kahit minsan,
Kay daming balakid ng ang ating pag mamahalan,
Ga bundok man ang ating pagitan kung ito kapalaran,
Bakit ganito hirap pagsamahin ang puso nagmamahalan.

Dito ako doon ka sa kabilang panig ng mundo kinalalagyan,
Lagi tanong bakit kay daming balakid ating pag mamahalan,
Kung mag biro ang ating tadhana kay sakit damhin tuluyan,
Bakit kailangan mag yari ito sa ating tunay na pag iibigan

Hanggang sa panaginip nalang ba ito aking nararamdaman?
Ikaw ba’y hangang pangarap na lang ba kita pagmamasdan?
Ang aking pag sinta, walang hanganan ang pag mamahalan,
Itong ating pagsusuyuan dina magkakaron ng katuparan.

Paalam na aking mahal, dito na lang tayo isang kaibigan!
Sana’y matagpuan mo ang tanay at wagas na kaligayahan!
Ito ang aking dalangin sa poong maykapal ang katiwasayan,
Masumpungan  mosana ang katahimikan ng iyong kalooban,
By :rhea Hernandez 12/13/11 

No comments:

Post a Comment