LOVE STORY “CHIT” chapter 8
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
www.tulawento .blogspot.con
Hindi pumayag si Chit sa pag aaya ni Rieno na mag tanan sila. Ipinipilit ni Rieno na siya ang mas mahal nito kesa sa babae kanyang papakasalan ng araw na iyon. Nag mamakaawa si Rieno na sumama na lang siya at sila ang mag sama bilang mag asawa. Ano ang magagawa ni Chit isa siyang matuwid na tao. Ayaw niyang makasakit ng damdamin ng isang katulad niyang babae. Iniisip niya ng naguguluhan lang si Rieno sa kanyang nararamdaman. Dadarating araw na tama ang aking naging desisyon ang bulong ni Chit sa kanyang sarili. Sa pag dating ng araw na ito papasalamatan niya ako sa di ako pumayag sa kanyang mag tanan.
Alam ni Chit mayroon ding pitak sa kanyang puso si Rieno. Pero bata pa siya 19 yrs old palang marami pang pag ibig na daraan sa buhay niya. Di niya rin tiyak kung tunay ang kanyang nararamdaman. Ang alam lang niya ngayon mahal din niya ito mayroon siyang nararamdaman. Subalit hindi ito sapat para sumama siyang mag tanan sa araw mismo ng kasal ni Rieno. Wala sa kanyang pag katao na sisira ng isang kinabukasan alang alang sa kanyang kaligayahan. Ala nagawa si Rieno sa desisyon ni Chit. Kaya lumisan na bagsak ang kanyang balikat papunta sa simbahan.
Habang ikinakasal si Rieno nandoon sa isang tabi si Chit. Pinilit niya ang sarili tunghayan ang pag iisang dibdib ni Rieno sa kanyang kasintahan. Habang ikinakasal si Rieno di niya namamalayan ang pag uunahang pumatak ang kanyang luha sa kanyang mga mata. Halos di niya mawawaan ang sinasabi ng pari. Hindi niya maipaliwanag kung ano ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Parang sasabog sa sakit kung anong kumukurot sa kanyang puso. Sa talang buhay niya ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong sakit. Masakit at nag durugo ang kanyang puso sa mga sandaling yaon.
Ibig niyang huwag ng tapusin ang kasalan subalit mag tatakaang mga kapatid ni Rieno kung bakit siya aalis sa oras ng kasalan. Kaya naman kahit hirap na hirap ang kanyang kalooban pinilit niyang tapusin ang kasalan. Iisa lang ang malinaw sa kanyang pandinig ang kiss the bride. Tapos na ang kasal parang kay tagal ang seremonya. Bawat Segundo nag daraan ay parang kay bagal. Bakit di na lang matapos na ang araw na ito para makalayo na siya sa lugar na ito. Pag katapos ng kasal isang kapatid ni Rieno ang lumapit sa kanya. Gusto makasama siya sa picture ng pamilya nito. Kasi daw itinuturing na siyang bunso sa kanilang mag kakapatid. Alang magawa si Chit kundi pag bigyan ang kahilingan nito. Pag lapit niya napilitan siyang batiin ang bagong kasal. Halos alang boses na lumabasa sa kanyang lalamunan ng mga sandaling iyon.
Akala niya di niya makakayanan ang lahat . Pero sa awa ng poong may kapal natapos ng alang aberya. Ngayon niya napatunayan na sadyang malakas ang kanyang loob na harapin ang malalaking pag subok ng buhay. Hindi niya akalain na ganoon pala siya ka tatag sa pag harap dito. Ang pag kumbinsi ni Chit sa kanyang sarili. Pero ang totoo hirap na hirap siyang harapin ang katotohanan. Pero ala lang siyang mapag piliian.
Kung mayroon man di niya gustong gawin . Di niya makakaya ang nais ni Rieno.
Alam niya darating din ang tamang lalaki para sa kanya. Hindi naman siya nag mamadali bata pa naman siya. Sa reception doon siya umupo sa malayo sa bagong kasal. Ayaw niyang matanaw ang mga ngiting sa mga labi ni Rieno. Alam kasi niya na pag kukunwari lang ang kanyang pag ngiti sa mga sandaling iyon. Masaya ang lahat sa bagong kasal. Sabi nga ng marami bagay na bagay sila parehong stable na sa kanilang mga trabaho at matagal ng mag kasintahan. Kaya ang iniisip nila na bagay ang dalawang ito sa isat isa.Nasaksihan kasi nila ang pag mamahalan ng dalawasa loob ng limang taon. Ala silang kaalam alam na nag bago ang damdamin nito sa huling mga araw bago ang kasal.
Natapos ang araw na iyon na hirap na hirap ang kalooban ni Chit. Pag katapos ng kainan ang bagong kasal humayo na. Tumuloy na sa kanilang honeymoon pag katapos ng reception. Naging mahirap kay Chit ang mga nag daan mga araw.pero ala naman siyang magagawa kundi ang mag pagaling ng sugat ng kanyang puso. Walang sigla ang buhay niya ng ilang araw. Pero kailangan niyang mag move on. Kaya naman pilit niyang kinalimutan ito sa kanyang isipan at sa kanyang puso.natapos ang isang linggo na tahimik ang kanyang buhay. Subalit muling nagulo noong bumalik sa honeymoon ang mag asawa. Pang samantala habang di pa ayos ang kanilang lilipatan sa kapilang room doon tumigil.doon nakaramdam ng panibagong kirot sa puso si Chit.
Parang ang hirap ng ganoon nakikita niya ang lihim niyang minamahal na ang kasama ay iba. Masaya sa kanilang bagong buhay. Sana nga masiya si Rieno sa kanyang pag aasawa. Walang dalangin si Chit na sana maging masaya siya sa buhay niya. Sa hirap at sakit na nararamdaman nag desisyon uli siya na lumipat muli ng matitirhan. Nakiusap siya sa isang kaibigan kung maaari doon muna siya pang samantala. Pumayag naman ito kaya nag paalam na siya sa kasamahan niya na lilipat na lang siya ng bagong tirahan. Nag dahilan na lang siya na may tinatapos silang thesis ng kaibigan niya kaya doon muna siya titira para mabigyan ng tamang oras at panahon ang pag aaral nilang dalawa.
Wala naman silang magawa kasi buo na ang desisyon ni Chit ang lumayo. Eto na naman si Chit. Tuwing masasaktan lumalayo siya. Nagiging ugali na niya yata ang tumakbo sa kanyang kasawian. Alam niya na di maganda ang tumakbo sa mga pag subok na kanyang nararanasan. Pero ala siyang magawa gusto niyang umiwas sa tukso. Baka sa mga darating na mga araw di na niya mapigilan pa ang kanyang sarili maamin niya kay Rieno na mahal din niya ito. Ang lihim niyang pag mamahal dito ay manantili na lang lihim kanino man. Siya na lang ang makakaalam kung gaano ito naging masakit sa kanya.
Sadya yatang di siya para sa pag ibig . kaya naman naging lalu siyang mailap sa mga lalaki. Ala siyang pinapansin sa mga umaaligid na mga lalaki sa kanya. Lumipas ang mga araw linggo at buwan. Unti unti ng nakakapag move on si Chit sa pangalawa niyang kabiguan. Nasa huling semester na siya ng kanyang kurso. Nasa mahaba siyang pila sa pag papa enroll. Bagot na bagot na siya pero di siya puedeng sumuko kailangan niyang makuha lahat na subject kung hindi di siya makakasama sa darating na graduation.
Mag isa siyang nag enroll ng araw na iyon . kasi ba naman ang kaibigan niya inuna pa ang pakikipag date bago mag enroll kaya buwisit na buwisit siya. Di siya makaalis sa pila para man lang bumili ng maiinom o makakain. Kasi pag umalis siya mawawala na siya sa pila na kay tagal niyang pinilahan. Di niya pansin na may dalawang mata na sa kanya pa nakatingin. Pinag mamasdan siya sa kanyang pag ka bagot sa pila. Ito si Peter isang security guard sa nasabing school at the same time isang studyante rin.
Walang paki si Chit kung sino mang lalaki ang nakatitig sa kanya . Basta tuloy siya sa kanyang ginagawa. Pero di nakatiis si Peter na di siya lapitan. Mayabang ang dating kay Chit isipin mo ba. Tanong niya hirap ang pumila para lang makakuha ng subject na gusto mo. Ibig sapakin ni Chit ang lalaki di ba niya nakikita halos hulas na hulas na ang kanyang buong katawan sa ka pipila tapos tatanungin ka ng ganito. Pag di ka nga makasapak ng tao.
May yabang na sinabi kukunin ko lahat ng kailangan mong subject ang kapalit ang iyong pangalan at telephone number. Sa una di makapaniwala si Chit pero naging mapilit ito. Kaya sabi na lang kunin mo munang lahat saka ko ibigay sa iyo ang kapalit.iyon lang kinuha niya ang mga listahan kay Chit at tumalikod na ito pumasok sa loob . di nag tagal hawak hawak na nito ang lahat na class card na kailangan niya. Sige pambayad na lang ang kailanga. Di makapaniwala na ganoon lang niya makukuha ng kadali ang halos mag hapon na niyang pinag hihirapan.
Pumunta sila sa cashier para mag bayad na. Ang haba pa rin ng pila dito. Inaabot niya ang kamay niya sa akin para akayin si Chit papasok sa loob. Wow! Pinahahanga ako ng lalaking ito bakit sobra siyang malakas sa loob isa lang naman siyang security guard dito. Pero noong pumasok siya di niya akalain ang marinig niya bati dito. Sir anu po kailangan ninyo. Nagulat si Chit bakit sir ang tawag sa kanya. Pag talikod ni Peter kinalabit ni Chit ang teller bakit sir ang tawag mo sa kanya. Nangiti ito sa kanya di mo ba kilala si sir Peter isa siya sa anak ng board of director dito sa school. Nagulat si Chit di niya akalain may ipag yayabang naman talaga.
Di ba security lang siya dito nangiti uli tanong ni Chit anu lang niya iyon. Ayaw kasing ipaalam sa lahat na isa siya sa anak ng may ari nitong school pero kaming mag nag tratrabaho dito kilala siya . kasi siya minsan ang humaharap sa amin pag busy ang daddy niya. Naku mabait po siya down to earth siya. Ala kang maipipintas sa kanya. Ganoon ba sagot na lang ni Chit. Nakatapos siya na alang kahirap hirap . noong lumabas na sila paano nayan asan na ang phone number mo. At your name. natawa si Chit alam na nito ang mga info niya kinuha na niyang lahat paano ba siya ma enroll kung kulang ang mga information niya. Nag papatawa ka ba nakita mo na kanina lahat ahh.!
Humalakhak ito ng isang malutong di mo pa binibigay sa akin di ba ito ang condisyon ko? Tutulungan kita kapalit ng name at phone number mo. Napapailing lang si Chit ala siyang magawa kundi ibigay . kahit naman di niya ibigay makukuha din naman nito ang lahat nag info niya kung gugustuhin niya ng alang kahirap hirap. Pag katapos nito inaya siyang kumain. Nag paunlak naman si Chit sa paanyaya ni Peter. Ok lang naman kumain medyo kanina pa siya nagugutom. Isa sa medyo kilalang restaurant sa Recto sila kuamin di na lumayo kasi ayaw ni Chit na lumayo pa.
Masayahin si Peter pala kuwento alan nga dull na time habang kumakain sila . dami niyang kuwento pero di mo mababakasan na mayabag siya sa kanyang pag kukuwento. Si peter na kaya ang magiging kapalaran ni Chit.. Si Peter na kaya ang sagot sa kanyang mga kabiguan sa pag ibig …magiging maganda kaya ang kanilang bukas, maging makulay din kaya ito sa darating na mga araw…ABANGAN!!
Copyright by Rhea Hernandez 12/27/1
No comments:
Post a Comment