Thursday, December 22, 2011

LOVE STORY "CHIT" chapter 5

LOVE STORY  “CHIT” chapter 5
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems


              Pag katapos malaman ni Chit na pinag sabay sila ni Alex. Siya na mismo ang gumawa ng paraan para iwasan ito. Lumipas ang panahon unti unti na nakakarecober si Chit . Sa masakit na naranasan sa pag mamahal niya kay Alex. Matuling lumipas ang mga araw , linggo at buwan di niya akalain mag iisang taon na pala. Buhat noong masaktan siya. Wala pa ring pumapalit sa kanyang puso. Kahit marami din ang nag tangka na ligawan siya. Sabi niya sa kanyang sarili sakit lang ang idinudulot nito sa kanya. Kaya naman panay iwas niya sa mga lalaking nagpapahiwatig ng pag kainterest sa kanya.
              Samantala nagiging malapit siya sa mag kakapatid na sa kabilang room . kasi ba naman para siyang bunso sa kanila . siya ang pinakabata at dahil malayo sa pamilya si Chit kaya parang kapamilya na rin ang turing niya dito. Mga ate at kuya na ang tawag niya dito. Madalas nga pag tinatamad siyang mag luto. Kakatok siya dito at itatanong niya kung puede siyang makikain. Sobra lapit nila sa isa’t isa mag iisang taon na nga pala silang mag kapit kuarto.dito sa manila sila na ang naituturing ni Chit na pangalawang pamilya.
              Dahil takot ng mag tiwala sa mga lalaki si Chit, kaya naman ala siyang pinapansin sa mga lalaking umaaligid sa kanya. Kuntento na siya na alang lalaking nag iistorbo sa kanya. At saka ala pa siyang makita na puedeng ipalit kay Alex. Takot na yata ang puso niyang mag mahal pang muli. Ok na ang ganito ang sabi ni Chit sa kanyang sarili. Makakatapos siya ng pag aaral na alang istorbo. Sakit lang ng ulo at ng puso ang dulot ng lalaki sa buhay niya.
              Isang umaga nakasabay niyang muli sa pag pasok si kuya Rieno niya . Isa ito sa mag kakapatid sa kabilang room. Tulad pa rin nag dati si Rieno ang syang nag bayad ng kanilang pamasahe. Biniro nga ni Chit si Rieno. Kuya sana everyday sabay lagi tayo para lagi akong libre sa pamasahe. Nginitian lang siya nito iisa kasi ang derection ng school niya at ng opisina ni Rieno. Buhat noong biruin niya si Rieno nag taka siya halos everyday na mag kasabay silang pumapasok. Sabay na silang nag aabang ng jeep.
              Ang ganda na nga ang samahan nila ni Rieno, turing niya dito parang kuya na niya. At dahil isang accountant si Rieno naging tutor niya ito sa kanyang accounting subject. Katulad ngayon dinatnan niyang nag gigitara si Rieno sa tambayan. Tinawag siya nito at sinabi  tara kumanta at sa amin ay  makisabay sa pag kanta, natawa siyang ayy! naku kuya kung gusto mong mabato ng kamatis pakantahin mo ako. Iyon lang ay nag katawanan na sila. Baba ka dito samahan mo akong gumitara at kumanta ang sigaw ni Rieno kay Chit. Kuya ikaw ang umakyat mag luluto ako ng banana que tara pamierdahin kita. Ang balik sa salita ni Chit
              Alam ko na kung bakit mag luluto ka ng miyienda. Aber nga kuya bakit? Ang tanong ni Chit kay Rieno. Kasi marami kang assignment sa accounting at mag papatulong ka. O kaya may thesis ka na malapit na ang deadline di mo pa tapos. Tumawa ng malakas  si Chit. Bakit mo alam na ang banana que ay suhol? Tumawa si Rieno di tama nga ang aking hula. Tumango lang si Chit at sabi sige naman kuya babagsak ako kung di ko siya matatapos sa takdang panahon. Iyon lang tumayo na si Rieno at sumunod  na kay Chit. Ikaw bata ka kung di lang malakas ka sa akin di kita tutulungan dyan sa problema mo.
              Tulad ng mga nag daang mga araw mag katulong nilang tinapos ang mga aralin ni Chit. Hating gabi na yata sila nakatapos. Di naman naging boring ang pag aaral nila kasi sa pagitan ng mga sandali nag kukuwentuhan sila. Masarap kausap si Rieno may pag ka seryoso  pero pag dumali mag biro sasakit ang tiyan mo sa katatawa.  Dahil sa ganitong pag kakataon. Kaya mas close si Chit kay Rieno kaysa sa iba nitong mga kapatid.
              Si Rieno cute sya di gaanong kataasan halos mag kasingtaas lang sila ni Chit. Pero wag ka super talino paano ba naman noong nag aaral pa ito ay nag magna cum laude lang naman. Sa dalas nilang mag sama halos naikuwento na ni Chit kung bakit ala syang BF sa kasalukuyan. At ganoon din si Rieno nag kuwento na rin. May GF sya matagal na at nag babalak na silang pakasal this year. Wow !! kuya abay ako ha sa pag bibiro ni Chit.
Pero flower girl ang gusto ko, sabay silang nag katawanan. Talaga ha! yan ang gusto mo di kaya masyado ka ng malaki at matanda para doon ipaubaya mo na yon sa mga bata. Sabay sabi ni Chit ok lang kasi isip bata naman ako. Iyon lang nag  katawanan na sila..
              Palagi ganito sila mag usap  kaya naman di sila na bo bored sa isa’t isa. Minsan nga nalilibang sila sa pag uusap di nila pansin mag hahating gabi na pala mag kausap pa sila. Kaya mag uunahan na silang tatayo at sasabihin hating gabi na pala nandito pa tayo at gising na gising may pasok pa bukas . Aantukin nanaman ako nito sa classe ko. Ang sabi ni Chit. Hahaha ikaw kasi ang daldal mo kaya ayan hating gabi na eto pa tayo nag uusap. Ohh !! ako pa ang sinisi mo ikaw din naman ahh! Sige na nga hahaba pa uli ito ang sabi ni Chit. Good night na kuya. Uwi na baka ka mapalo ng mga kapatid mo hahaha.
              Nag hiwalay na  nga sila. Bago natulog set ni Chit ang alarm niya natatakot siyang di nanaman magising sa oras. Puyat nanaman kasi siya. Naka ngiting natulog si Rieno. Di niya alam kung bakit ang gaang gaang ng kanyang loob kay Chit. Basta may hiniling ito sa kanya di niya matangihan. Ano ba itong kanyang nararamdaman.nag feeling teenager ba  siya uli. Ang bata niya kung ikukumpara sa edad ko ang bulong ni Rieno sa kanyang sarili. Ahh! Basta parang bunso ko lang siyang kapatid. Malambing lang kaya malapit sa akin puso. Ang gustong ipaintindi ni Rieno sa kanyang sarili.
              Kinabukasan noong magising si Chit inayos niya ang mga gamit at naligo na para di siya mahuli sa pag pasok. Noong nakabihis na nag mamadaling siyang lumabas sa room niya. Kita niya nakatayo sa may gate si Rieno at iniintay siya. Akala ko di ka pa lalabas ehh! Ibig ibig ko uli umakyat para katukin ka at baka tulog ka pa. ang mahabang tanong ni Rieno kay Chit. Di po nag set ako ng alarm ko kasi alam ko di ako magigising ng maaga sarap yata matulog hahaha. Nag katawanan na lang sila. Sabay na silang nag lakad papunta sa abangan ng jeep.
              Tulad pa rin ng dati si Rieno ang nag bayad ng kanilang pamasahe. Kaya naman nag biro si Chit kuya para libre uli ako sa pasahe sabay tayo sa pag uwi. Para malaki ang aking natitipid sa allowance ko. Iyon lang bumaba na si Chit. Mas una kasing bumababa siya kaysa kay Rieno. Nakangiting naiwan si Rieno sa jeep. Talaga si Chit pala birong masyado. Pero nagtataka si Rieno sa kanyang sarili bakit sya masaya noong sabihin ni Chit na sabay sila sa pag uwi mamaya. Di pinansin ni Rieno kung ano ang kanyang nararamdaman. Masaya lang siyang kasama ang batang ito.
              Mag hapon naging busy si Rieno sa kanyang trabaho. Di niya napansin uwian na pala. Dali dali niyang inayos ang kanyang mga gamit at uuwi na. nakasakay na siya sa jeep nang mapadaan siya sa school nila Chit. Di niya namalayan pumapara na siya . bumaba at tinungo niya ang school ni Chit. Di niya maintindihan bakit siya ganito kay Chit. Nakita na lang niya ang sarili niya nasa gate ng school at iniintay niya ang pag labas ni Chit. Laking gulat ni Chit sa pag labas niya nakita niya ang kuya Rieno niya. Kuya aba tinutoo mo ang biro ko ahh! Paano yan di libre na naman ako sa pamasahe hahaha.ang biro ni Chit.
              Ano tara na aya ni Chit siguradong mahirap nanaman makasakay nito labasan na ng mga studyante. Kaya naman nag aya si Rieno na tara kain muna tayo para dumalang dalang ang pasahero. Magandang idea yan kuya basta ikaw ang mag babayad kasi lapit ng masaid ang laman ng wallet ko ehh! Oo naman ako ang taya ako ang nag aya di ba? Saka alam ko ala kang pera banana o kamote lang kaya mong bilhin tapos ikaw na ang mag luluto. Di mo nga kayang bumili ng banana que o kamote que. Paano naman laki matitipid pag ako ang mag luluto ang dali lang naman. Yong halaga ng isang tuhog puede ko ng miryenda for one week kung ako ang bibili ng saging at mag luto. Saka mas masarap akong mag luto kesa kanila.
              Iyon lang nag kakatawanan na naman siya. Sa totoo lang naging mababaw ang kaligayahan ni Rieno pag si Chit ang kanyang kasama. Kay dali nito gawing masaya ang mga sandali niya. Simpleng mga salita ni Chit napapangiti siya. Kahit corning jokes napapatawa siya. Hindi nga niya maintindihan ang kanyang sarili nitong mga nag daang mga araw.  Kung bakit siya napapalapit ng ganito kay Chit. Hindi niya  malaman ang dahilan. Dahil ba malambing siya sa akin. Pero ang tingin ko naman kay Chit parang kuya lang ang turin sa akin, mga bulong sa isipan ni Rieno. Pinilig ni Rieno ang kanyang ulo para ginigising ang sarili sa pangangarap ng gising.
              Sa isang malapit na restaurant lang sila pumasok. Pumili lang sila na malapit sa sakayan ng jeep. Para di na sila mag lakad ng malayo mamaya. Maliit  na restaurant ang  napili nila.  Pero mukha naman masasarap ang mga pag kain. Kaya doon na lang sila. Naging masaya naman sila sa pag sasalo ng dinner. Naging maasikaso si Rieno sa kanilang dinner. Di akalain ni Chit na ganoon pala siya kaasikaso ni Rieno. Habang kumakain sila tinanong ni Chit si Rieno kung bakit siya sinundo sa school. Ang sagot di ba sabi mo sunduin kita para malibre ka sa pamasahe . Kaya naman tinupad ko lang ang wish mo kaninang umaga. Para ka pala isang  isang jennie. Anong klase ang lampara mo doon lang nag katawan nanaman sila. Di nila napansin napatagal pala sila sa pag kain halos mag sasarado na ang restaurant.
              Bakit kaya ginagawa ni Rieno ang mga bagay na it okay Chit. Totoo kaya ang hinala ni Chit na mayroon pag tatangin si Rieno sa kanya….. maganda kaya ang kapupuntahan kung sakali? Mag karoon kaya ng katugunan ang niloloob ni Rieno para kay Chit. Tunay kaya ang nadarama niya ? isang malaking katanungan kung ano ang nararamdaman ni Rieno para sa kanyaABANGAN ANG KASUNOD NA KABANATA
Copyright ni Rhea Hernandez   12/20/11    

No comments:

Post a Comment