Friday, December 9, 2011

LOVE STORY"EMILY" last chapter 12 ( 2nd edition)

LOVE STORY “EMILY”  last chapter 12
Ni rhea Hernandez
Pinoy poems

Sa kauna unahang pag kakataon naging marupok si Emily. Di niya napigilan ang sarili na di bumigay sa pagkakataon ito. Dahil mahal na mahal niya si Bob kaya na ipagkaloob niya ng buong buo ang kanyang sarili kay Bob. Pero kahit kaunting pag sisi ala siyang naramdaman. Bagkus parang kuntetong kuntento siya. Hindi Niya maipaliwanag kung gaano siyang kaligaya ng mga sandaling ito. Ganito pala ang umiibig kahit nawala ang kanyang pinag kaingat ingatang pag kababae niya ni katiting ala siyang pinag sisihan sa kanyang ginawa.
           Nagising siya na wala si Bob sa kanyang tabi. Naaamoy niya ang niluluto nito sa kusina. Kaya alam niyang nag luluto na ng kanilang almusal si Bob. Ka sweet talaga ng kanyang mapapangasawa. Isipin mo siya pa ang gumising na una para lang mag luto ng kanilang almusal. Sa kanyang naamoy nakaramdam siya ng pag ka gutom . kaya naman bumangon na siya ang isinuot uli niya ang damit na hinubad niya kagabi. Paano naman ala siyang balak mag overnight kaya ala siyang baong bihisan.
          Pag labas niya sa kusina naka set na ang lahat, uupo na lang siya para kumain. Mababakas mo sa  mukha ni Bob ang kakaibang sigla at tuwa. Ngiti ngiti si Bob kaya naman kunwari napipikon si Emily.Pikon na mas mukhang nag lalambing kesa sa tunay na pikon. Naramdaman naman ito ni Bob kaya naman niyakap niya ito at hinalik halikan sa kanyang buhok. Na unti unti lumalapit sa kanyang mukha at sa kanyang  mga labi.
          Kinurot ng pinong pino ni Emily si Bob siemspre pa mas pag lalambing kesa sa tunay na kurot. Sa ginagawa ni Emily lalu lang niya pinag iinit si Bob. Ang padampi damping halik ay naging maalab. Hangang noong mag hiwalay ang kanilang mga labi ay kapwa  nila hinahabol ang kanilang mga hininga. At muli silang nag patangay sa kanilang mga damdamin. At pagyayaring naganap noong nagdaang gabi ay muling naulit. Ang kanilang dalawang katawan ay muli nilang pinag isa. Kaya lang mayroong kaunting pag babago. Ngayon ay di na sya mahapdi makirot tulad sa una nilang magsasanib. Pero mayroon parin. Pero di na kasing sidhi noon nagdaang gabi.
             Nalalapit  na ang araw ng kanilang kasal kaya naman naging abala na sila. At  si Emily at huminto na sa kanyang pag pasok sa trabaho . Para maayos lahat ang dapat niyang ayusin  kahit yong mga maliliit na bagay ay kanyang binubusisi. Gusto nila maging isang perfecto ang kanilang kasal. Ilang araw na lang at kanilang kasal na kumpleto ng lahat at planchado  ang mga bagay bagay. Naging abala din si Chit  at si Yogin.
             Dumating ang kanilang minimithing araw. Lahat ay masaya lahat punong abala sa araw na kasal nila Bob at Emily. Kay ganda ni Emily noong isuot na niya ang kanyang barong pangkasal akala mo sya isang diyosa  sa kagandahan. Bagay na bagay sa kanya ang kaniyang kasuaotan, lalung lumutang ang kanyang kagandahan. Sabagay kahit anu naman ang isuot ni Emily ay bumabagay sa kanya. Kay ganda ng hubog ng katawan. Ok ang kanyang taas. Subalit ngayon nakasuot siya ng damit pang kasal di niya mapigilang maluha sa kagalakan. Di niya malubos maisip na mga ilang oras na lang ay tatawagin na sya mrs ni Bob. Kay tagal niyang pinangarap na maging kabiyak ni Bob.
             Ngayon abot kamay na niya ang kanyang mga pangarap. Mga ilang sandali na lang nag iintay na si Bob sa simbahan. Kaya naman dapat ng ayusin muli ang kanyang make up na nasira dahil sa kanyang pag iyak. Natatawa siyang naiiyak . naintindihan naman ngalalagay ng kanyang make up. Mix ang kanyang emotion. Nalulungkot siya at mawawalay na siya sa kanyang ina. Subalit lubos ang kanyang kaligayahan sapagkat ito ang araw ng kanyang kasal. Masasabi niyang ito na ang pinakamasaya niyang araw sa buong buhay niya.ang buong kapaligiran ay nakikisama sa kanyang kagalakan.
        Samantala sa panig ni Bob di makapaniwala ito na ang kanyang araw ng kasal. Masayang masaya siya sa wakas magiging kanyang kanya na si Emily. Mag sasama  na sila sa isang tahanan. Bubuo sila ng isang masaya at maligayang pamilya. Mapupuno ng puro pag mamahalan ang kanilang pag sasama. Hindi hindi mag sisi si Emily na siya anag piniling mahalin habang buhay.sapagkat mahal na mahal niya ito. Anu ba ginagawa mo sabi ni Larry baka mamaya niyan si Emily pa ang mag intay sa simbahan. Kailangan ikaw ang mauna bago ang bride. Ang sagot ni Bob alam ko po. Sagot na pabiro ni Bob. Ang mabuti  pa mauna ka na doon baka nga mauna pa sa akin si Emily akalain nag bago pa ang isip ko. Pabirong sambit ni Bob.
          Samantala si Anna nawalan na ng pag asa na mapasa kanya si Bob. Kaya nag disisyon siyang mag balik sa London. Doon niya hahanapin ang kanyang bagong kapalaran. Sa araw din ng kasal  nila Emily ang alis niya. Bibigyan na niya ng kalayaan si Bob. Ngayon alam na niya na tuluyan na siyang nakalimutan nito. Sana lang makatagpo din siya ng isang lalaki tulad ni Bob kung mag  mahal. Dalangin niya na sana matagpuan niya ang tunay na kaligayaahan.
            Samantala handang handa na si Emily sa kanilang kasal ni Bob. Nahuhuha ang kanyang ina. Ang kanyang kaisa isang anak ngayon ay lalagay na sa tahimik na buhay. Ala siyang hiling kundi maging maligaya ang kanyang anak. Noong makita ni Emily na lumuluha ang kanyang ina. Niyakap niya ito at doon nag yakapan ang mag ina. Kahit alam ng kanyang ina na sa isang responsible na lalaki ang mapapangasawa ng kanyang anak di niya mapigil ang kanyang pag luha. Nag biro pa nga si Emily nay naman mag aasawa lang ako di ako  mawawala.
          Samantala si Bob nasa simbahan  na di mapakali . Di malaman ang gagawin. Bakit kay tagal dumating ni Emily. Nag biglang tumugtog ang music. At ang mga tao nagbubulungan. Dumating na ang bride lahat ay humanga sa angking kagandahan ni Emily. Habang inihahatid siya ng kanyang ina sa harap ng altar di niya mapigil ang pag patak ng luha ng kaligayahan. Ganoon din si Bob habang tinatanaw niya si Emily papalapit sa kanya di niya mapigil na mapaluha sa kagalakan. Ang kanyang kay tagal na minimithing maging asawa ng babaeng kanyang pinakamamahal.
         Halos himatayin si Emily sa kanyang kaligayahang nararamdaman noong hawakan na ni Bob ang kanyang mga kamay. Habang papalapit sila sa altar at idinaos ang kanilang kasal. Ang kanilang mga puso punong puno ng kagalakan. Alang mapag siglang ang kaligayahan kanilang nararamdaman. Ganito pala ang ikinakasal halos ang pakiramdam mo nakatungtong ka sa alapaap. Kay sarap sa pakiramdam.sabay silang nanumpa sa harap ng altar na mag sasama sila sa hirap at ginhawa.
            Pag katapos ng kasalan tumuloy sila sa reception.kay daming tao nakisaya sa mahalagang araw nito sa buhay nila Bob at Emily. Sagana sa pag kain at inumin. Kahit pagod na sila di pa rin maialis sa kanilang mga mukha ang kaligayahan. Pero si Bob panay bulong kay Emily na pumuslit na sila. Tumuloy na sila sa kanilang honeymoon. Noong makatapos lahat kumain nag picture taking. Hinatak na ni Bob si Emily na sila umalis na sa bulwagan.
         Sa isang hotel sila mag papalipas ng mag damag at kinabukasan lilipad sila papuntang Paris. Noong mapag isa na sila para silang nanamagneto sa isat isa. Ang mga halik ni Bob na banayad ay unti unting nagiging mapangahas. Ang mga halik na nagaalab sa pagmamahal. Mga halik na tumutupok sa kanilang buong pag katao. Noong maghiwalay ang kanilang mga labi parehong hinahabol nila ang mga hininga. Naging malikot ang mga kamay ni Bob. Akala mo kung ano ang kanyang hinahanap. Sa buong katawan ni Emily. Hangang isa isa inalis ni Bob ang lahat ng saplot sa katawan ni Emily. Kahit pagod na pagod sa mag hapon di nakaligtas si Emily sa kanilang pulot gata. Naging napakakulay ng gabi ng kanilang honeymoon.
          Kinabukasan lumipad sila para sa kanilang honeymoon . Isang linggo silang  nag libot sa iba’t ibang lugar. Halos nilibot nila ang lahat ng magagandang tanawin  kulang ang isang lingo sa pag lilimayon. Anong ligaya ni  Emily . ngayon kasama na niya ang kanyang magiging una’t huling lalaki sa kanyang buhay. Pag katapos ng isang linggo bumalik na sila sa pilipinas. Dito nila bubuuin ang kanilang pinapangarap na pamilya.
          Pag balik nila sa pilipinas sinamaan ng katawan si Emily. Ang buong akala nila nasobrahan ng pagod kaya sinamaan ng katawan.di malaman ang gagawin ni Bob. Kaya dali dali niyang dinala sa doctor. Doon nila nalaman isang buwan na palang buntis si Emily. Halos mapalundag sa tuwa si Bob sa tuwa.magiging tatay na siya. Ngayon kumpleto na sila. Lubos na ang kaligayahan nila.
           Ilang buwan na lang makukumpletong isang happy family na sila. Wala nag hihilingin pasa buhay niya si Emily. Lahat ng kanyang pinapangarap ay natupad na rin sa piling ng kanyang lalaking minahal ng lubusan.
         Pag samantala dito ko tatapusin ang buhay at pag ibig ni Emily. Saka ko na ikukuwento sa inyo kung anong naging buhay may asawa ni Emily. Kung gaano sila naging kaligaya sa pag sasama ….THE END
Copyright by rhea hernandez

No comments:

Post a Comment