Tuesday, December 13, 2011

LOVE STORY "CHIT" chapter 1

LOVE STORY “CHIT” chapter 1
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

           Si Chit ay laking probinsya. Mataas maganda at sexy. Lumuwas sya ng manila para mag aral. Mahirap lang sila kaya di niyang kumuha ng sariling kuarto. Kailangan niyang maki share sa mga classmate niya noong high school. Kasi ba naman iisa ang kanilang school na pinapasukan. Dito niya nakilala ang kanyang unang pag ibig. Unang lalaking kanyang pinag ukulan ng panahon at pag mamahal.
            Sa di inaasahan pangyayari na meet niya ang lalaking mag tuturo sa kanya umibig. Ang lalaking mag papabago ng kanyang damdamin at kanyang paniniwala.
May kaunting katuwaan sa kabilang  boarding house. Si Chit ay nakumbida  dito niya nakilala si Alex.  Na siya mag bibigay kulay sa buhay ni Chit sa mga darating na mga araw. Noong una di nya pansin si Alex. Pero si Alex unang kita pa lang  niya kay Chit nabihag na ang kanyang abang puso.
              Noong gabi din iyon di mapakali si Alex. Di niya makalimutan ang mukha ni Chit. Di maalis alis sa kanyang isipan ang babaeng kanyang na meet sa birthday party ng kanyang kuya. Kay ganda niya ang kanyang nga ngiti ay mapang akit. Ang kanyang mga mata laging nakangiti pag ikaw kanyang tinitigan. Ang mga halakhak niya habang nag papatawa ang isa niyang kabarkada. Parang umaalingawngaw sa kanyang pandinig. Bakit ba binabalaisa ako ng babaeng iyon. Ang tanong ni Alex sa kanyang sarili. Pabali baligwas siya sa kanyang higaan. Ayaw dalawin ang antok. Ayaw maalis sa kanyang isipan ang kabuuan ni Chit.
              Kinabukasan sinadya ni Alex ang kuya niya upang mag tanong tungkol kay Chit.
Di siya mapakali habang di niya nalalaman ang pag katao ng babaeng di nag patulog sa kanya sa nag daang gabi. Naging malaking palaisipan sa kanya kung bakit di niya ito maialis sa kanyang isipan. Ngayong minsan pa lang niya ito nakikita. Napahalakhak ang kanyang kuya noong kanya itong tanungin. Bakit di mo ba natatandaan si Chit. Isang taon lang ang pagitan ninyo noong nasa elementaria kayo. Siya ay grade 5 at ikaw at grade 6 na noon.
              Yong nga lang si Chit pag ka graduate niya ng grade six inilipat na siya ng school ng kanyang mga magulang. Di mo ba siya natatandaan? Ang tanong ng kanyang kuya. Hindi ehh!! Ang sagot ni Alex. Ayy naku !! Alex huwag mo isasali si Chit sa mga pinaluha mong mga babae. Babala ng kanyang kuya. Kakaiba siya nakita mo naman kahapon. At saka kaibigan matalik ni tatay ang kanyang ama. Kung ayaw mo na si tatay ang makaaway mo huwag mong idamay ang anak ng kanyang kaibigan. Kilala mo naman si tatay kung paano makipag kaibigan. Ang babala ng kanyang kuya sa kanya.
              Alam ko kuya ang sagot ni Alex. Si Alex ay may mataas na katung kulan sa ROTC ng mga panahong iyon. Kaya naman husto sa tindig at maganda ang panga ngatawan. Kahit di mo sasabihin kaguapuhan  may itchura naman kahit papaano. Hindi malaman ni Alex kung paano didis kartehan si Chit. Sa kanyang pag tatanong nalaman niya na walang interest magpaligaw  si Chit. At di basta basta naliligawan ng mga lalaki. May pag ka suplada daw ito. At pihikan sa lalaki. Kaya naman nag iisip na mabuti si Alex kung papaano siya mapapalapit dito.
              Habang nag iisip si Alex siyang pag lapit ng isang trainee niya sa ROTC. Nag tatanong kung saan siya naka assign. Biglang may kumislap na idea sa kanyang isip. Ang binigay niya ay mag deliver ng bulaklak kay Chit everyday. Alang tanong tanong ang trainee ay tumalima. Ang problema ayaw tangapin ni Chit ang bulaklak. Balik ang trainee kay Alex at ang sabi ayaw tanggapin ang bulaklak. Kung di mo kayang gampanan ang task na inuutos ko sa iyo mag quit kana. Sa binitawang salita ni Alex muling tumalima at dinala uli ang bulaklak kay Chit. Nag taka siya kung bakit eto nanaman ang may dalang bulaklak. Noon nag salita na ito at nag makaawa kay Chit.kung di po ninyo ito tatanggapin di  rin ako papasa.
              Sa awa ni Chit sa nag dedeliver tinanggap na rin ang bulaklak. Sa araw araw nakaka tanggap ng bulaklak si Chit. Lumaaon di lang bulaklak may kasama na itong lovenotes. At kung minsan may chocolate pa. Laging ganoon at mag ka minsan may mga tula na sadyang ginawa para sa kanya. Pag binabasa ni Chit ang mga personal na patungkol sa kanya ang mga tula di niya mapigilang di mapangiti.
              Si Chit isang simple lang na karaniwang dalaga. Na malaki ang pag kakagusto sa mga taong magandang mag dala ng kanilang mga damit tulad ng mga Navy. Pag nakikita niya na may parade ang mga ito di mo siya mapipigilang tumingin. Paano daw ang kikisig  nilang pag masdan. Lalu na kung kumilos sabay sabay. Akala mo mga sinampay sa  sampayang sumasabay sa hampas ng hangin. Di maiwasan ni Chit ang humanga sa  mga naka uniforme. Di niya alam kung bakit ang lakas ng atrakyon nito sa kanya. Lalu na noong pumunta siya sa PMA sa Baguio grabe halos ayaw na niyang iwan ng tingin ang mga kadete doon.
              Ito ang weakness ni Chit pag dating sa mga lalaki. Patay na patay sa lalaking naka uniform na makisig tignan. Isang araw pag labas ni Chit sa school siya ay nagulat. Di niya aakalain sunduin siya ni Alex. Kaya naitanong ni Chit bakit  ka nandito ala naman tayong usapan na ako’y iyong susunduin. Halatang napahiya si Alex sa tinuran ni Chit. Dahil malaki ang kanyang pag nanais na makasama si Chit binali wala ni Alex ang kanyang narinig. Saka sabay abot ng isang dosenang bulaklak. Sa ginawi ni Alex lihim napangiti si Chit.
              Iyon na ang naging simula ng pag dalaw dalaw ni Alex sa boarding house nila Chit. Madalas sinusundo siya ni Alex sa pag pasok sa school. Pero naging regular gabi gabi sinusundo sya sa school. Masyado daw dilikado umuwi sya ng gabi na nag iisa. Unti unting nahuhulog ang loob ni Chit kay Alex. Pero ala namang binabangit ng anupaman si Alex kay Chit. Para lang silang isang matalik na mag kaibigan na madalas nag kikita.
              Naging tampulan sila ng tukso ng kanilang mga kaibigan. Dahil nga sweet sila sa isa’t isa inakala ng marami na sila ay may ugnayan na. pero ang totoo hindi naman nag liligaw si Alex sa kanya. Wala naman sinasabi. Subalit pakiramdam ni Chit mahal na mahal siya nito. Sobra sa pag aasikaso kanyang nararamdaman. Ipinaparamdan nito na napakahaga niya dito.
              Ang mga bulaklak sa araw araw ay patuloy ang kanyang pag tangap. Di nag sasawang padalhan si Chit. Kung minsan iba ibang kulay . may araw na puti , minsan dilaw, pink madalas yong red. Ang mga sweet notes di niya nakakalimutan ilakip sa bulaklak. Sino naman dalaga ang di mahuhulog kung ganito ang ipinapakita ng isang lalaki. Kaya naman araw araw unti unting nahuhulog ang damdamin ni Chit kay    Alex.
              Kaya noong mag tapat ng pag ibig si Alex di na nagulat si Chit. Alam na niyang doon patungo ang mga kinikilos nito. Kahit mayroon ng nararamdaman si Chit kay Alex nag pakipot pa rin siya. Hinayaan niya itong mag ligaw sa kanya. Di lang si Alex ang lumiligaw sa kanya. Subalit si Alex ang syang pinakamasigasig. Kaya naman dito siya naging malapit.
              HANGGANG  SAAN HAHANTONG ANG PAG LILIGAW NI ALEX KAY  CHIT?? TULUYAN NA KAYA BUMIGAY SI CHIT KAY ALEX?
Copyright by Rhea Hernandez  12/13/11
             

No comments:

Post a Comment