Friday, December 2, 2011

LOVE STORY "EMILY" chapter 10

LOVE STORY “EMILY” chapter 10
Ni rhea Hernandez
Pinoy poems
   
     Sa muling nagkabalikan nila Emily at Bob. Naging ubot ng saya ni Bob. Di niya akalain na tutugunin uli ni Emily ang pagsusumamo. Nang gabing iyon ayaw dalawin ng antok si Bob. Di siya makatulog sa kaiisip sa naganap sa kanila ni Emily. Ang kaniyang pag ibig ay may katugon. Kay tagal din niyang sinuyo si Emily para mapasagot uli. Di niya akalain  na ganito sya magiging  kasaya. Mas ang kaligayahan niya ngayon. Nakamtam niya ang pag ibig ni Emily na pinagsikapan niya. Di niya makalimutan ang mga halik na kanilang pinag saluhan. Nag aapoy sa init ng pag mamahalan. Damang dama niya ang mga yakap at halik ni Emily.
        Si Emily ay ganoon din di siya makapaniwala na bibigay siya muli sa isang titigan. Tulad ng nagdaan. Ala pa rin pag babago. Kaya nga ba iniiwasan niya na makasama sila ni  Bob  na nag iisa. Pag tinitigan siya nito baka matunaw lahat ng kanyang mga paninindigan. At siyang nagyari kanina. Isang titig , isang halik balik na uli sa dati. Sana di na maulit muli ang nakaraan. Wala na sanang tuluyan ang dating kasintahan ni Bob. Sana di na ito ang hadlang sa kanyang kaligayahan.
        Kinabukasan maagang gumising si Emily para pumasok. May malaki siyang deal na kailangan niyang maisarado. Kung ilang million din ito. Sana naman  ang suerte niya sa pag ibig ay siya niyang suerte ngayong araw sa negosyo. Pag pasok niya sa opisina inabutan na niya ang president nilang si Yogin. Kahit lumaki na ang kanilang  company.
Di parin nag babago ang tawagan nila. Dati rati silang dalawa lang ang bumubuo ng company. Pero ngayon 25 na sila  lumipat na sa mas malaking opisina. Sa magandang location. Sa loob ng maikling panahon lumaki sila ng ganitong kabilis.
        Ang kausap niya ngayon isang batang batang negosyante. Ilang million ba ang isasarado nila  malaki laki din ito. Kaya siya maagang pumasok para sabihan din si Yogin na huwag umalis ng maaga at may ipapakilala siyang magandang dilag. Ang kanyang ka deal na si  Chit Feliciano. Unang kita palang ni Yogin  kay Chit ang nabighani  na sya. Di niya akalain ito pala ang ka deal ni Emily. Nag kita na sila kanina pa sa parking area. Doon pa lang iba na ang kanyang pakiramdam dito. Kaya pala mukhang  sosyal ehh talaga naman pala.
          Gusto ni Chit na  maisarado na ang deal sa isang multi million campany ang kanyang kontrata dito. Ito ngayon ang inaayos ni Emily. Ang ma closed ang kontrata .humihingi lang ng ilang araw si Emily at gagawin niya ang lahat para mapasa kanila ang kontrata para lalu silang makilala sa larangan ng pagiging isang  middle company. Kung ano ang pag kagusto ni Chit na ma close ito mas kay  Emily.
          Natapos ang lahat na dapat pirmahan  ni Chit. Saka sila nag kuwentuhan. Dati na palang mag kakilala si Emily at Chit noong sila mga high school pa. Di nag tagal tinawagan ni Emily si Yogin para personal na ipakilala sa isa’t isa. Di malaman ni Yogin kung bakit para siyang nakuryente sa kanilang pag kakamay lang.Ganoon din si Chit ngayon lang niya naramdaman ang ganitong pakiramdam sa talang buhay niya. Ngayon lang siya nag karoon ng masidhing atraksyon sa isang lalaki.
           Di na nag tagal si Chit sa opisina . mayroon kasi siyang  mahalagang lalakarin. Pero bago lumisan humingin ng isang dinner date si Emily kay Chit. Sabi niya ay isang doble date.Ayaw sana ni Chit kasi ala siyang maisasamang ka date kaya wag na lang daw. Natawa lang si Emily di na  kailangan ako ang bahala doon. Parang nahuhulaan na niya kung sino ang sinasabi ng kaibigan niya na I papadate sa kanya. Kaya di na  siya tumutol pa. Pero sa isang kondisyon sabi ni Chit papayag lang ako sa  date kung maisasarado mo ang hinihingi kong kontrata. Isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Emily kay Chit   it’s a deal iyon lang lumisan na si Chit. Di niya alam kanina pa nakasilip sa kanyang bintana si Yogin. Pagkaalis na pag kaalis ng kausap nito siyang pag lipat ni Yogin sa opisina ni Emily.
        Anu bakit di mo agad pinakilala sa akin ang kaibigan mo di sin sana matagal na akong nag asawa. Napahalakhak si Emily sa tinuran ni Yogin. Di niya  akalain tamaan sa unang pag kikita palang. Mag kagusto na sila sa isa’t  isa. Dina niya kailangan mag play cupid sa dalawa . mukhang tinamaan na ng mga pana ni cupido ang puso ng dalawa. Sa tingin ni Emily may pag tingin din si Chit kay Yogin . kailangan na lang ay konting tulak na lang at siguradong ayos ang buto buto.
         Naging busy si Emily sa mag hapon. Kailangan niyang ihanda lahat ang mga papeles at mga dapat kailanganin. Sanay na sanay na siya sa mga pag aayos ng ganitong kontrata . kaya lang doble ang kanyang pag iingat ngayon nakasalay ang buhay pag ibig ng boss niya si Yogin. Pagod na pagod siya gusto na niyang umunat sa kanyang malambot na kama.natapos naman niya ang dapat ayusin sa tulong ng ilang kasamahan niya sa trabaho. Nag papasalamat siya ang gagaling din ng kanyang mga kasamahan sa opisina. Dito niya hinahangaan si Yogin. Napakahusay kikilatis ng taong kanyang pakikinabangan sa negosyo,
        Kung tutuusin di dapat boss ang tawag niya dito kasi partner sila. 50/50 sila sa company. Kaya lang si Yogin ang talagang nag umpisa nito kaya respeto lang. di  rin akalain ni Emily na maging  matagumpay sila sa ganitong larangan. Nag liligpit na si Emily ng kanyang table ng mag ring ang kanyang phone. Si Bob ang nasa kabilang linya. Di na siya sinusundo nito kasi mayroon na siyang sariling car na minamaneho. Gusto ni Bob na mag dinner silang dalawa. Sinabi ito ang location alam naman niya kaya nag ok  siya. Napa ka elegante ng lugar at nakakainlove ang music na pumapailang lang sa kapaligiran. Walang kaduda duda  napaka romantiko ni Bob. Noon hanggang ngayon di siya nag babago kahit kaunti.
            Puro paborito ni Emily ang inorder ni Bob na pag kain. Masisisra ang diet ko nito kung lagi mo akong papakainin ng mga ganito. Nangiti lang si Bob. Kahit kasing taba mo na si dabiana di mag abbago ang pag ibig ko sa iyo. Bagkus mas mamahalin pa kita.isipin mo yon libre na ako sa kutson. Sabay halakhak ni Bob. Naging masaya ang aming hapunan. Sa pag desert na kahit di siya umorder ay mayroon na agad. Sa pag aalis niya ng takip  isang kumikinang na singsing. Today ang opisyal na ikaw aking kasintahan. Ito  ang ating simbolo ng pag mamahalan. Sa ganitong pag kakataon di maiwasan ni Emily tumulo ang kanyang mga luha sa kagalakan.
              Naging maagap si Bob sa pag pupunas ng mga luhang di mapigilan. Kinuha ni Bob ang singsing at siya ang nag suot sa mga daliri ni Emily. Alang pag siglang ng kagalakan si Emily ng mga sandaling yaon. Saka ginawaran ng mga halik ni Bob ang kamay ni Emily na sinuutan ng singsing. Parang idinuduyan sa alapaap si Emily sa mga sandali yaon. Anong ligaya niya di niya maipaliwanag kung gaano siya kasaya sa mga sandaling ito. Sayang ang mga nagdaang mga araw na kanyang iniwasan si Bob. Di sin sana matagal na siyang masaya tulad ngayon.
        Pag katapos nilang kumain nag lakad lakad sila na mag kahawak kamay. Iyon lang naging ubod na nilang saya. Parang sila lang ang tao sa paligid. Di maipaliwanag kung ano mayroon sila kung bakit mahal na mahal nila ang isa’t isa. Sa bawat dantay at hawak lang sa mga kamay ay kuntento na sila. Simpleng mga bagay ay nag dudulot ng ibayaong kaligayahan sa bawat isa. Sumapit sila sa may baywalk maamoy mo ang sinoy ng hanging na amoy dagat na kay sarap damhin. Nakikisama ang romantic na kapaligiran sa dalawang pusong nag mamahalan. Ang kaninang hawak kamay ngayon halos mag kayakap na sila. Para na nga silang nagyayakapan habang naglalakad.
          Medyo lumalalim na rin sa gabi kaya nag aya na sa pag uwi si Emily. Kaya naman nag lakad na muli silang pabalik sa paradahan ng kanilang mga kotse. Subalit di napigilan ni Emily na sumunod sa kanya ang car ni Bob. Gusto nito na ihatid siya sa pag uwi. Kaya di na rin nag pumilit si Emily na huwag siyang ihatid. Pag sapit sa kanilang bahay ay huminto rin si Bob. Hindi na kita aayain pumasok masyado ng gabi. Kaya nag goodbye kiss na si Bob. Isang daping halik sa mga labi. Ng lumaon naging isang mapangahas na mga halik.
            Halik na siyang tumutupok sa kanyang mga lakas. Halik na kusang nag papaubaya mga halik na pumupuno ng isang laksang kaligayahan sa kangyang mga puso. Ang kanyang katawan di marunong tumangi sa mga halik ni Bob. Bagkus ito kanyang tinutugon ng kasig alab ng mga halik sa kanya. Bawat saglit kanyang nilalasap ang ligayang dulot ng mga yakap at halik ni Bob. Yakap na ubod higpit at halik na nagpapalambot ng kanyang mga tuhod. Ali na lang sana’y huwag ng matapos ang mga sandaling ito.
             Sa pag hihiwalay ng kanilang mga labi ay parehong mukhang kinakapos sa mga hangin. Sa kanilang  pag hahalikan para mapupugto nag kanilang mga hiningan.pero parang may kung ano na nag bibigay ng kilig sa kanyang sarili. Parang ayaw ng umuwi ni Bob. Ang gusto niyang ibilango sa kanyang mga bisig mag damag si Emily. Parang ayaw na niya itong bitawan. Baka kung bitawan niya ay di na muli niyang mayayakap pang muli. Sanay wag na lang silang mag hiwalay sa mga sandaling iyon.
           Bakit kay tamis ng mga labi at kay sarap yakapin  ni Emily. Kailan kaya maaangkin ng lubusan ni Bob si Emily. Handa na kayang mag pakasal ang dalawa . ang kaligayahan ba na kanilang nararamdaman ay pag habang buhay? Wala na kayang magiging balakid sa kanilang pag mamahalan? Ito ang ating ABANGAN!!
Copyright by :rhea hernandez 



No comments:

Post a Comment