LOVE STORY “EMILY” chapter 9
Ni Rhea Hernandez
Pinoy Poems
Lumisan si Emilysa party na di namamalayan ni Bob. Kung di pa sinabi ni Larry di pa niya malalaman na lumisan na si Emily sa kasayahang ginaganap. Masyado siyang nalibang sa pakikipag usap kay Anna. Di alam ni Bob na sadyang siyang inaakit muli ni Anna. Di papayag si Anna na isang katulad ni Emily ang makakatalo sa kanya kay Bob. Gagawin niya ang lahat para mabawi lang ito.
Di niya hiniwalayan si Bob sa buong party. Kaya naman di magawang tawagan ni Bob si Emily kung ito nakauwi ng safe sa kanila. Nakauwi naman ng maayos at alang naging problema si Emily. Nag taka ang nanay ni Emily kung bakit mag isa itong umuwi di hinatid ni Bob. Kaya di nakatiis ito ay nag tanong.
“bakit di ka nihatid ng boss mo sinundo ka niya dito tapos di ka niya inihatid” ang sabi ng nanay niya. Dito na di mapigil ni Emily na di tumulo ang kanyang mga luha. Kaya naman napilitan na siyang ipagtapat sa kanyang ina ang lahat. Laking pag tataka ni Emily na ang sagot ng ina. “Alam ko matagal na di lang ako kumikibo.” Di niya akalain ala pala siyang maitatago sa kanyang ina. Kahit ingat na ingat siyang makahalata ito.
“ Ako ang nanay mo kahit di ka nagsasalita alam kong may mabigat kang dinadala. At nararamdaman ko na ito nahihirapan ka naguguluhan sa iyong damdamin.” Ang mahabang sambit ng nanay niya.” Kung anuman ang nandiyan sa puso at isipan mo puede mong I share sa akin para gumaang kahit kaunti.” Ang pag aalo ng kanyang ina sa kanya. Sa binangit ng kanyang ina muli siyang napayakap dito at umiyak sa balikat ng kanyang ina. Napasuerte niya at may ina siyang handa siyang damayan at tulungan sa kanyang mga dalahin. Napaka maunawain ng kanyang ina. Nag sisi siya kung bakit siya nga lihim dito.
Sa pag babahagi niya ng kanyang problema sa kanyang ina. Kay laki ng iginaang ng kanyang pakiramdam. Para siyang nabunutan ng isang tinik sa kanyang puso’t isipan. Sana noon pa niya ito ibinahagi sa kanyang ina para kasama niya sa kanyang nadamang kaligayahan noon. Hindi tulad nito na sa kalungkutan lang siya aking karamay. Ngayon hinihingi niya ang opinion nito. Kung anu ang dapat niyang gawin. Naguguluhan na siyang masyado at nasasaktan na siya sa mga pangyayari.
Simple lang ang sagot ng kanyang ina. “Anak kung saan at kung ano ang magpapaligaya sa iyo doon ako buong buo ang aking suporta. Na siya mong makukuha sa akin.” Sa sinabi ng ina lalung naging matatag si Emily.
Kaya nag desisyon siyang na tapusin na niya ang kanyang kahibangan. Dapat na siyang gumising sa kanyang panaginip. Tigilan na niya ang kanyang paniniwala na sa pag ibig ay pantay pantay. Alang mayaman at alang mahirap. Na puedeng magsama ang langit at lupa pag ito ay nag mamahalan at may pag ibig na namamagitan. Na puedeng magsama. Ang imposible maging possible. Sadya yatang kay hirap gawin ito kahit sa ngalan ng pag ibig.
Kaya noong gabi din yaon nabuo ang desisyon niya na mag resign na siya sa kanyang trabaho at tapusin na ang kanilang ugnayan ni Bob. Pinag puyatan niyang gawin ang dalawang sulat na ibibigay niya kay Bob. Pinakiusapan niya ang kanyang ina na siya ang mag abot ng dalawang sulat na kanyang ginawa. Bahala na kayong mag dahilan kung nasaan ako.
Kinaumagahan tulad ng dati nasa oras pa rin ang dating ni Bob. Pero laking gulat nito na di si Emily ang lumabasa sa gate kundi ang nanay nito. Bumati ng magandang umaga si Bob sa nanay ni Emily. Sabay tanong kung nasaan ito. Sinabing maagang umalis at may lalakarin. At sabay abot ng mga sobre. Ito nga pala ang pinabibigay ni Emily. Sorry daw kung di siya ang nakapag abot nito sa iyo. Pag pasensyahan mo na lang ang anak ko ang sabi ng ina ni Emily. Iyon lang tumalikod na ito.
Nanginginig ang mga kamay ni Bob sa pag kakahawak ng mga sulat. Parang nahuhulaan na niya ang mga laman ng bawat isa. Sa pag bubukas niya ng sobre di siya nag kamali sa mga laman ng mga sulat.halos masuntok na niya ang salamin ng kanyang kotse sa galit na nararamdaman niya. Pero di niya alam kung kanino siya galit. Sa kanya bang sarili o kay Emily na sumuko sa kanilang pag mamahalan. Alam naman niya na siya ang nag kulang kay Emily kung bakit ito nag kakaganito. Alam niya na insecure siya sa aking pag ibig. Nag dududa siya kung talagang mahal ko siya o si Anna.
Mas sinisisi niya ang kanyang sarili kung bakit ganito ang kanyang nararamdaman. Alam din ni Bob na alam ni Emily na nag dadalawang isip siya. Na may pitak pa si Anna sa aking puso. Di pa siya nakakapag move on ng tuluyan. Subalit sa kanyang puso mahal na mahal din niya si Emily. Di siya papayag na basta na lang ito mawawala sa kanya. Gagawin niya ang lahat mabalik lang ang pag titiwala ni Emily sa kanya. Mas nakakalamang si Emily sa kanyang puso. Si Anna ay isang kahapon na lang sa kanya . kaya lang may kaunti pa itong spot sa kanyang puso di niya malaman kung ano. Bakit ganito ang kanyang nararamdaman. Maaari tama si Emily ang aming estado sa lipunan ang nagiging sagabal sa amin. Kaya di niya makalimutan si Anna. Dahil ito ang nababagay sa kanya sa maraming bagay.
Sinubukan ni Bob na tawagan si Emily di nito sinasagot ang tawag niya. Samantala ayaw ni Emily na makita siya ng kanyang ina na nag mumukmok sa loob ng bahay kaya nagpaalam siyang mag hahanap ng bagong mapapasukan. Sa kanyang pag lalakad nakasubong niya ang dati niyang ka klase sa kolehiyo na si Yogin. Naging buddy buddy niya ito noon. Kahit nga ang nanay niya kilala itong kanyang makulit na kaibigan. Nag kamustahan at nag kabalitaan. May sarili na pala itong maliit na negosyo. At sa kasalukuyan nga hahanap ng makaka partner sa negosyo.
Inalok ni Yogin si Emily kung gusto nitong makisosyo sa kanya. Alam kasi ni Yogin na magaling sa klase at sa lahat ng bagal itong kaibigan niya. Sagot ni Emily pag iisipan ko. Tumawa ng malakas si Yogin pag iisipan mo ehh! ala ka nga trabaho sige na tangapin mo na huwag mo akong tatangihan sa inaalok kong trabaho sa iyo. Pag sisihan mo ito. Sa umpisa maliit lang muna ang kikitain natin pero sigurado akong lalaki ito at kayang kaya nating palaguin. At saka wag kang mag alala alang pera dapat isosyo. Ok anung negosyo naman ito na di kailangan ang pera aber nga. Makikita mo kung paano ikaw pa ang runog runong mo. Dito mo magagamit ang iyong talino.
Nag sosyo sila at madaling natutunan ni Emily ang negosyo easy money basta naging magaling ka lang makipag deal. Natutunan niya ito sa opisina ni Bob ang makipag deal sa multi million na transaction. Pag na kapag sarado sila ng kontrata ang laki laki ng commisyon nila.sinubsob ng husto ni Emily ang sarili sa pag kita ng pera. Samantala di tumitigil sa pag suyo si Bob kay Emily pero di na niya ito pinapansin. Pero sa kaloob looban ng kanyang puso nandoon pa rin si Bob. Kaya nga siya nag susumikap para kahit papaano. Di siya maging alangan sa kanyang mga kaibigan. Hindi nag bago ang kanyang nararamdaman para dito. Pero ayaw pa niyang makipag relasyon uli dito hanggang di pa sya stable at puedeng humarap sa kanyang lipunan .
Kung noong una kay dali niyang napasagot si Emily ngayon grabe kay hirap ligawan. Halos araw araw dumadalaw sya sa bahay nila Emily. Halata naman di pa nag babago ang pag mamahal na inuukol niya kay Bob. Pero di pa rin sya pumapayag na ibalik ang dati nilang relasyon. Pinanabikan na ni Bob na mayakap mahawakan muli ang mga kamay ng kanyang minamahal.pinanabikan niya ang mga init ng mga halik na kanilang pinagsasaluhan. Subalit kaya niyang mag intay kahit gaano pa katagal. Sapagkat siya naman ang may kasalanan kaya nag kaganito si Emily.
Ngayon lumayo si Emily at nakipag hiwalay doon niya natuklasan na si Emily lang ang nasa puso niya. Si Anna ay isang bahagi na lang ng kahapon na kung minsan sarap lang balikan at kung minsan ng dudulot sa kanyang malaking kabiguan kaya di niya ito makalimutan. At ngayon napatunayan niya na nag iisa na lang sa puso niya si Emily. Gusto ni Emily na makasiguro siyang mabuti kung talagang di na magiging komplikado ang pag mamahalan nila ngayon. Kung noong una naging padalos dalos siya sa pag dedesisyon ngayon gusto niya ang katiyakan.
Samantala kay bilis naging sikat ang pangalan ni Emily bilang isang negociator ng mga malalaking company at mga business man. Sa kanyang ganda at talino kay aga siyang nakilala sa alta sociadad. Kahit sinong malalaking tao kilala siya. Bilang isang magaling na middleman sa mag kabilang panig. Kahit di sya kasing yaman ng mga ito naging kilala naman siya sa mga maallaking negosyante at tao sa mataas na lipunan..
Mag ka minsan pa nga pag dumadalo na sila ng mga party para sa alta sociadad mas marami ng kakilala si Emily kaysa kanya. Kay bilis niyang sumikat sa mga negosyante big time.
Minsan mayron silang dinaluhang party ng mga sikat na negosyante. Si Bob ang nag hatid pauwi kay Emily di nakatiis si Bob na di hawakan ang mga kamay ni Emily at sabay titig sa mga mata. Ang kanilang pang akit sa isa’t isa di pa rin nawawala. Sa pag tatama ng kanilang mga paningin parang magneto ang kanilang mga labi. Doon nag umpisa ang damping pag halik at unti unting naging mapangahas.
Halos di na siya makahinga noong mag hiwalay ang kanilang mga labi. Pero di doon nag tapos ang maiinit na eksena. Niyakap siya nito at ikinulong sa kanyang mag bisig at sabay bulong na mahal na mahal kita noong hanggang ngayon di ito nag babago. Parang musika kay Emily ang mga salitang binitawan ni Bob. At ang kanyang mga kamay kusang yumakap muli kay Bob at tinugon niya ang mga sinambit nito na ang pag ibig niya kay Bob ni isang Segundo di nawala.
Sa pag kakarinig ni Bob ng mga sinabi ni Emily ay muli niya itong hinalikan, ni katiting di makaramdam ng pag tutol si Emily sa halip sabik din niyang gumanti ng halik kay Bob. Ipinikit pa niya ang kanyang mga mata upang namnamin ang sarap at kiliting dinudulot ng halik ni Bob sa kanyang katauhan. Kay sarap lasapin ang mga maiinit na halik na dulot ni Bob. Pag katapos ng maalab na pag iisa ng kanilang mga labi saka tinitigan ni Bob ang kanyang mga mukha at sinabing pinaka mamahal kita handa akong pakasalan ka kahit kailan mo naisin.
Sa mga sinambit ni Bob natulo ang kanyang mga luha. Di niya akalain na mag tatapat ng gannito si Bob. Noong makita tumutulo ang kanyang mga luha tinuyo niya ito ng halik. At muli nag sanib ang kanilang mga labi parang nalalasing sa kaligayahan si Emily sa mga sandaling yaon. Ang kanyang damdamin at pag mamahal na inuukol nila sa isa’t isa di nag babago noon hanggang ngayon. Ang pag mamahalan nila nandoon lang kahit din a sila mag aksintahan .
Sa nagyari halikan ay muli silang naging magkasuyo. Napatunayan nila ni minsan di nawaglit ang kanilang mga damdamin, pag sapit sa bahay nila Emily muling naglapat ang kanilang mga labi. Halos mapugto na ang kanilang mga hininga ng mag hiwalay ang kanilang mga labi. Anong ligaya ni Emily bumalik sa kanyang gunita ang una siyang halikan ni Bob noon. Ang kanyang pakiramdam di nag babago ganoon pa ri alang nabago. Bagkus mas sumidhi pa nga ang pag mamahal niya dito.
Tuloy tuloy na kaya ang nadaramang kaligayahan ni Emily at Bob?? ABANGAN
Copyright by; rhea hernandez
No comments:
Post a Comment