Monday, November 28, 2011

LOVE STORY 'EMILY" chapter 7

LOVE STORY”EMILY” chapter 7
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

       Noong matapos ni Bob ang kanyang trabaho. Tinawagan na niya si Emily na uuwi na sila, pero alang sumasagot. Nag tataka siya bakit di sumasagot sa tawag niya . kaya napilitan siyang lumabas at puntahan si Emily. Laking pag tataka niya na wala na doon si Emily. Kaya naman tinawagan niya sa kanyang cell phone di rin ito sumasagot. Kaya tinawagan niya ang guard kung nakita nitong lumabas si Emily. Doon niya nalaman na umuwi na ito at umiiyak noong lumabas ng building.
        Kaya nag alala na ng lubusan si Bob. Saka niya naisip na nasaktang si Emily sa kanyang nakita. Sinubukan uli niyang tawagan subalit talagang ayaw sagutin ang kanyang mga tawag. Kaya dali dali na syang lumabas ng opisina at balak niyang sundan si Emily sa kanila. Pag sapit niya kina Emily laking gulat niya at ito di pa nakakauwi. Saan  na siya ang tanong ni Bob sa kanyang sarili.. Sabi ng nanay ni Emily baka dumaan sa mga barkada niya. Ganoon daw iyon kung minsan . Nagpaalam na si Bob sa nanay ni Emily. Umalis sya na magulo ang isipan saan niya hahanapin si Emily. Paano siya makakapag paliwanag kung ganito na di  sinasagot ni Emily  ang mga tawag niya.
       Magulo nag isipan ni Bob. Tumuloy sya sa kanyang kaibigan sa bar. Pag pasok pa lang niya nahalata na siya ni Larry na may mabigat na dinadala. “Anu nanaman ba ang iyong pinoproblema?” Ang tanong ni Larry kay Bob. Isang malalim na buntong hininga ang isinagot nito sa kaibigan. At napapailing na ikinuwento na si Anna nag sadya sa kanyang opisina. At bigla syang hinalikan yong tagpo na yon ay nakita ni Emily. Umalis ng opisina si Emily na di nag papaalam sa akin. “Ngayon naguguluhan ako? Bakit ako pumayag na halikan ni Anna. Mayroon pa ba akong natitirang pag tingin sa kanya? Magulo ang isipan ko. Tapos nawawala pa si Emily kanina pa sya umalis ng opisina . Pero noong pumunta ako sa kanila wala pa sya doon di pa umuuwi. Di ko malaman kung saan sya ngayon.” Ang mahabang pag kukuwento ni Bob kay Larry.
         Alam na alam ni Larry ang kuwento ng pag ibig nila Bob at Anna. Kay tagal bago nakalimot si Bob sa natamo nitong nakaraang kabiguan. Kaya nga noong malaman niya na umiibig na muli ang matalik na kaibigan sya ang unang natuwa dito. Pero  mukha yatang naguguluhan siya sa kanyang nadarama sa ngayon. Sa pag dating ni Anna baka manariwa nanaman ang mga nag daang kahapon. Alam din niya na mahal na mahal niya ito noon. Kung nag kataon kawawa naman si Emily.
         Nagyon gabi muli niyang nakita kung paano lunurin ni Bob ang sarili sa pag inom ng alak. Ganito sya noong iwanan ni Anna sa araw ng kanyang kasal. Tahimik lang umiinom si Bob. Di na rin niya pinapansin si Larry . Nakatingin lang sya sa kanyang baso. Pero alam na alam niya na di naman ito ang kanyang iniisip.” Ito na ang aking pag kakataong gumanti kay Anna.” Ang bulong ni Bob sa kanyang sarili. “Di na pag ibig itong aking nararamdaman . pag kasuklam ang nandito sa aking puso at isipan.”  Ang sabi ni Bob kay Larry. Huwag mo ng isipin ang pag ganti.Ang isipin mo ang inyong pag mamahalan ni Emily. Ang pag handaan mo ang pag papaliwanag sa kanya.  Sa kanyang mga nakita. Tigilan mo na yang pag inom mo at ipahinga mo na lang yan.Ang sabi ni Larry sa kanyang kaibigan.
         Nakinig naman si Bob pero marami na itong nainom kaya di na kayang mag drive pa. kaya napilitan si Larry na sya na lang mag hatid sa bestfriend niya. Kahit marami nainom si Bob di sya dalawin ng antok. Ang daming nag lalaro sa kanyang isipan. Ang pag babalik ni Anna at ang kanyang pag ibig ngayon kay Emily. Nasaan na kaya si Emily kahit masyado ng late sinubukan pa rin niyang tawagan ito . Subalit alang sumasagot sa kabilang linya. Sadya bang galit na galit sa akin si Emily kung kaya di nito sinasagot ang aking mga tawag.
           Samantala si Emily nakauwi na rin sa kanila bahay kanina pa. Sinabi  ng nanay na dumaan ang boss niya at hinahanap siya. “Di ba doon ka galing sa opisina bakit ka hinahanap ng boss mo.” “Maaga kasi akong lumabas nay, siguro may sasabihin lang.” Ang dahilan ni Emily sa kanyang nanay. Dahil wala pa itong alam sa kanyang relasyon sa kanyang boss. “Di pa nga sila nag tatagal eto at mayroon na siyang kahalikan na ibang babae. Napakasakit pala makita mo ang iyong minamahal may ibang kahalikan. Anu nga kaya ang kanilang relasyon ? bakit ganito ang aking nararamdaman. Punong puno ng panibugho nag aking puso.” Ang bulong sa kanyang sarili ni Emily.
       Ilang beses na nga ba tumatawag si Bob sa kanya pero di niya sinasagot. Ang sama sama kasi ng loob niya dito. Sino nga kaya ang babaeng iyon na kahalikan ni bob? Kailangan bukas malaman ko na kung sino ang babaeng iyon. Hindi ako papayag na may kahati sa puso niya. Bahala na kung sino ang piliin niya sa aming dalawa. Kailanga isa lang ang matira sa amin. Di ako papayag na dalawa kami sa puso niya. Iisa lang puso niya kaya dapat isa lang ang mahalin niya. Nakabuo na ng desisyon si Emily .kailangan kausapin niya kinabukasan si Bob kung anu talaga ang totoo.
          Nakatulog si Emily na buo na ang kanyang desisyon na harapin ang katotohanan. Kahit ano ang kahinatnan kanyang tatangapin. Kahit ito man ay masakit o kanyang kalooban. Mas mainam na yong malaman niya ang totoo kahit ito ay mag dudulot sa kanya ng kapaitan at kanyang kasawian. Mainam na ang masaktan kesa mabuhay sa kasinungalingan. Di akalain ni Emily na magiging ganito siya katatag sa pag ibig niya kay Bob. Alam niya mahirap lang sila ala siyang kalaban laban sa isang babaeng tulad ni Anna.
         Kinabukasan agang gumayak ni Emily para pumasok sa opisina. Alam niya susunduin pa rin siya ni Bob. Hindi siya nag kamali tama ang kanyang sapantaha. Maaga palang nandoon na si Bob. Akala mo di puyat at lasing noong nagdaang gabi. Kahit masakit ang ulo sa dala  ng pag inom  nakuha pa rin gumising ng maaga . Para lang masundo ang kanyang mahal. Dito mo hahangaan si Bob masyadong responsible . Tulad ng nakagawian si Bob ang nag bukas ng pintuan para kay Emily. Pero parang may kulang na isa . Ang halik na pambati ni Bob. Wala silang kibuan sa loob ng car at ang kanilang holding hands ala na rin.
          Nag puputok na ang kalooban ni Emily. Dahil sa isang halik ng isang babae di niya kilala ngayon ang kaligayahan niya nag lalaho parang bula.. Hindi puede ng ganito ito sa loob loob niya. Pero di alam ni Emily ito rin ang iniisip ni Bob. Dahil sa nakaw na halik na iyon ganito sila ng mahal niya. Hindi ako makakapayag na masira ang ating pag mamahalan ng ganito lamang.kaya nag desisyon si Bob na kailangan na pag usapan nila ito ng masinsinan.kaya naman di niya itinuloy ang pag pasok sa opisina . pupunta sila sa lugar na puede silang mag usap  ng sarilinan.
         “ Saan mo ako dadalhin di ito papunta sa opisia?” ang tanong ni Emily kay Bob. “Mag uusap lang tayo.” Ang sagot niman ni Bob. “Ok mag usap tayo kahit dito sa car mo puede namn dito ahh ?” ngumiti lang si Bob at patuloy pa rin siya sa kanyang pag mamaneho. Huminto lang si Bob sa isang  lugar na tahimik sariwa ang hangin at madalang mga tao sa paligid. Dito na lang tayo sa car mag usap pilit ni Emily. Alang nagawa si Bob kundi sundin ang gusto ng kasintahan.
         Unang nag salita si Bob. Ikinuwento niya ang lahat lahat ang tungkol kay Anna at sa kanya. Wala siyang inilihim pati na ang kanyang binabalak na  pag hihiganti dito. Ngayon naintindihan na ni Emily ang lahat kaya naman  unti unti ng nag lalaho ang kanyang sama ng loob kay Bob. Naiintindihan na niya kung bakit ganoon ang pag asta ni Anna. “Mayroon lang akong mahalagang katanungan talaga bang wala na siya dyan sa puso mo?” ang deretchong tanong ni Emily kay Bob. “Wala na talaga galit na lang at pag hihiganti ang nasa isipan ko sa puso.” Ang tugong ni Bob . subalit alam niya mayroon pa pitak  sa kanyang puso si Anna.
          May kahilingan ako kung puede kalimutan mo na ang galit at pag hihiganti kay Anna? Alam na alam ni Emily ang galit at pag hihiganti ay di maganda . at” napaka liit ng pagitan ng galit at ng tunay na pag mamahal. Maaaring ang galit na iyong nararamdaman at pagmamahal ay iisa.” Tahasan sinabi ni Emily kay Bob. Sa tinuran ni Emily natumbok niya ang laman ng kalooban ni Bob.
       Nag kasundo na ang dalawa wala na ang galit ni Emily kay Bob. Nag kaintindihan na sila. Pero bakit ganoon parang may kung anong naging pagitan nila .pero di maipaliwanag ni Emily kung anu yon.  Parang nararamdaman niya na di na tulad ng dati. Parang ang dating Bob ay mayroon nabago di niya maipaliwanag pero nararamdaman  ng puso niya. Talaga ang pusong umiibig may nakikita ng di nakikita ng dalawang mata, kaya nga marami ang nag sasabi ang natotong nag mamahal at umibig di nakikita ang dapat makita kasi nabubulag ito sa kanyang pag mammahal.
        Gustong tuklasin ni Emily  kung ano itong namamagitan sa kanila. Kaya tahasan niyang tinanong si Bob kung ano ang gumugulo sa kanyang isipan.” Ako ba ang dahilan? Kaya ka naguguluhan ngayon.?” “Tapatin mo ako ng totohanan mayroon pa siyang pitak dyan sa puso mmo?” “ mas mainam na malaman ko para  alam ko kung saan ako lulugar.
Mainam  na malaman ko na ngayon kesa pag tagalin mo pa doon din naman ang bagsak pinahaba mo lang ang pag hihirap ng bawat isa.”ang mahabang litanya ni Emily.
          Sa mga binitiwang salita ni Emily hindi nakakibo si Bob. Alam niya sa kanyang sarili siya din ay naguguluhan sa kasalukuyan . Ang alam niya sigurado syang mahal niya si Emily. Subalit nag tataka siya kung bakit mayroon siyang nararamdaman pa rin kay Anna.” Pag ibig pa rin kaya itong nararamdaman niya para kay Anna?” Ang tanong ni Bob sa kanyang sarili. Sa di pag kibo ni Bob nahuhulaan na ni Emily na di niya solo ang puso ng kanyang kasintahan. Ano ang dapat niyang gawin? Pati sya naguguluhan. Ipag lalaban ba niya si Bob ? O bigyan niya ito ng kalayaan ! Para mapag isip siya kung sino sa aming dalawa ang kanyang pipiliin?
         Kay daming mga katanungan  sa isipan ni Emily. Bakit ganoon kagabi buo na ang kanyang pasya na papipiliin niya si Bob. Bakit ganito alang lumabas na mga kataga sa aking mga labi. Ang bulong ni Emily sa kanyang isipan. Di kaya ng puso niyang pakawalan si Bob. Mahal na mahal na pala niya ito. Di niya kayang mawala pa sa kanya ang lalaking kanyang unang iniibig. Hirap na hirap ang kalooban ni Emily sa mga sandaling yaon. Parang gusto niyang umiyak sa harapan ni Bob. Subalit pinipigil niyang pumatak ang kanyang mga luha.
             Samantala kanina pa nakatitig sa kanya si Bob. Kita rin ni Emily na nahihirapan si Bob sa kanyang nadarama. Nakikita rin niya ayaw siyang saktan nito. Pero di niya alam nadudurog na ang puso ni Emily sa mag sandaling iyon. Unti unti lumapit si Bob kay Emily at niyakap iya ito. At sabay na bulong” huwag kang mag alala  nandito ka sa puso ko at mahal na mahal kita” sa  mga binitawang salita ni Bob tuluyan ng umagos ang mga luha ni Emily na kanina pa niya pinipigilan. Gumanti ng yakap si Emily kay Bob. Doon unti unting kumilos si Bob at hinalikan niya sa mga pisngi at tinuyo nito ang mga luhang umaagos sa mga mata ni Emily at itinuloy tuloy nito sa mga labi si Emily. Sa pag halik ni Bob sa kanya doon niya napatunayang alang nabago sa kanila. Nandoon pa rin ang init at tamis ng mga halik nito sa kanya. Halos ayaw na niyang bitawan pa.
             Mga halik na nakakatunaw ng mga sama ng loob at pag daramdam.” Bakit nga kaya ganito ang umiibig ?” Ang tanong ni Emily sa kanyang sarili.” Sadya bang ganito  nagiging tanga ka at bulag sa katotohanan?” Ang hinagpis at pagdaramdam ni Emily nabura na ng isang halik na ubod ng tamis na nanunuot sa kaloob looban  niya. Para siyang nauupos na kandila habang siya hinahalikan ni Bob. Sa pakiramdam niya alang nag bago sa pagtingin ni Bob sa kanya ramdam na ramdam niya ito sa kanyang mga halik.
            Nanatili sila magkayakap ng mahabang sandali. Pakiramdam ni Emily di niya maipaliwanan! Kung ang isipan niya ay tumututol sa idinidikta ng kanyang puso. Pero ala siyang magawa .Sa ngayon kuntento siya sa mga bisig ni Bob habang siya ay yakap yakap nito. “Bahala na ang bukas kung ano ang mag yayari basta sa ngayon masaya siya at maligaya sa piling ng kanyang minamahal.” Ang bulong ni Emily sa kanyang isipan.
            Hanggang kailan kaya makakatiis si Emily sa ganoong sitwasyon? Kayanin kaya ni Emily na may kahati siya sa puso ni Bob? Kailan kaya matutuklasan ni Bob kung sino talaga ang mas matimbang sa dalawang babae sa buhay niya? Si Anna sumuko na kaya sa pag ibig niya kay Bob? Kay daming katanungan na dapat nating subaybayan ang susunod na kabanata……
Copyright by rhea hernandez

No comments:

Post a Comment