LANGIT KA AKO’Y LUPA
Ni rhea Hernandez
Pinoy poems
Akin pang natatandaan noong una tayong nag katagpo.
Ikaw ang nag interview sa akin ikaw magiging boss ko.
Di akalain kay bata mo at ilang taon sa akin lang tanda mo.
Ikaw langit ako naman ay lupa kay hirap mong abutin totoo.
Buhat noon lihim kitang minahal di mo batid di na dapat malalaman..
Sapagkat ang laki ng ating agwat ng ating katayuan ano pa aasahan.
Isang kinikilalang pamilya iginagalang samantala ako lumaki sa kahirapan.
Kahit sa panaginip di ko maisip na kaya mo akong mahalin di mararanasan.
Dahil ikaw ang panganay sa mag kakapatid kaya ikaw namamahala.
Kay aga mo kasing naulila sa ama kaya ikaw naatasan sa opisina.
Masyado kang seryoso halos nga di ko pa nakikitang ikaw tumawa..
Sabi nga ng iba masyado kang istricto sa mga kawani mo tuwina.
Masyado kang masungit parang kay hirap lapitan pati ako ilag sa iyo.
Itong aking nararamdaman akin nalang itatago dito sa aking puso.
Tuwing aking naiisip ang ating katayuan ako’y laging nanlulumo.
Mag kakaroon kaya ng katuparang ang aking ini ingatang pag suyo.
Wala akong dinadalangin sa poong maykapal na pag ukulan ng pansin.
Lagi kong nasasambit kahit minsan ang aking kagandahan iyong lingunin.
Kailan kaya maririnig sa iyo na sabihin mahal mo ako sa mga labi bigkasin.
Siguro anong ligaya ko dumating ang mga sandali ako ay iyong ibigin.
Pag uukulan mo kaya ako ng iyong pag ibig ngayon ako’y lupa na inaapakan.
Samantala ikaw ang langit na siya kong tinitingala kung aking pinagmamasdan.
Hirap nitong aking katayuan hanggang kailan ko kaya sisikilin ang nararamdaman.
Dina kaya ito mag kakaroon ng katuparan kailangan pa ba ito aking ingatan.
Sa di inaasahan pag kakataon ang kaibigan mo dumalaw at kanyang nasilayan.
Ang imbi kong kagandahan sa unang pagkikita ipinahayag ang nararamdaman.
Di ko akalain mayroon akong naaninag sa iyong mukha ng ibang kahulugan.
Parang ikaw naninibugho sa iyong kaibigan mayroon ka bang nararamdaman.
Ang puso ko’y sumigla sa aking natunghayan di yata ikaw may pag tatangi.
Sanay tutuo ang aking sapantaha may lihim karing pag tingin sa akin pakiwari.
Hindi ka magkakaganyan kung ala kang pag mamahal sa akin kudinagkakamali.
Kaunaunahang pag kakataon nag tama ang ating mga paningin doon napatunayan.
Ang aking pag mamahal sa iyo may katugunan anong saya ko puno ng kagalakan.
Aking puso alang mapag siglan ng katuwaan itong abang pag suyo may katugunan.
Ang pag mamahal na aking kinasasabikan nag karoon ng magandang katuparan.
Buhat noon ang ating mga puso ay nag kaintindihan at tayo nag kaunawaan.
Di ko akalain bumaba ang langit abutin ako dito sa lupang aking kinatatayuan.
Akala ko sa panaginip lang kita kayang abutin pero eto ka ngayon sa kandungan.
Eto ka ngayon pinagsasaluhan ang alang kahulilip na kaligayahan nararamdaman.
Ni rhea Hernandez November 12,2011
No comments:
Post a Comment