Sunday, November 6, 2011

KUNG MAIBABALIK KO LANG SANA!!!

KUNG MAIBABALIK KO LANG SANA!!!
Ni rhea Hernandez
Pinoy poems

Kay hirap limutin ang kahapon!!
Kung tunay ang iyong pag mamahal noon!!
Walang bahid pag iimbot ang pag ibig na tinipon!!
Ikaw lang ang idinambana sa puso ko noon at ngayon!!

Bakit kay hirap limutin ang pag sinta!!
Kung nadarama tunay at wagas talaga!!
Kahit pag masdan mo ang aking mga mata!!
Ang aking tunay na nadarama makikita mo sinta!!

Sana’y bumalik kana sa piling ko!!
Hangang ngayon ako’y nag iintay syo!!
Kalimutan kung anuman nagawa ko syo!!
Hindi ko sadyang saktan ang damdamin mo!!

Laking pag sisi noong iwanan kita!!
Itong aking puso naging mapag laro sinta!!
Ngayon ako’y nag sisi kung bakit iniwan kita!!
Noon hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita!!

Kung maibabalik ko lang ang kahapon!!
Di ko hahayaang lumayo sa piling ngayon!!
Ipaglalaban ko ang nadarama sa puso noon!!
Di ka mawaglit sa puso’t isipan ko habang panahon!!

Talagang wala sa una ang pag sisi aking mahal!!
Laking paghihinayang ko nag taksil sa pag mamahal!!
Aking dalangin ngayon sana’y balikan mo ako aking mahal!!
Bakit pinakawalan pa kita sa buhay ko sayang na pag mamahal!!

Bakit ganito ang aking nadarama laking pag hihinayang talaga!!
Di ka mabura dito sa puso ko sinta aking napatunayan mahalaga!!
Ikaw lang ang isinisigaw tuwi tuwina nitong puso ko nababalisa!!
Ngayon itong puso ko nag mamakaawa sana’y pansinin mo talaga!!

Ngayon alam ko na wagas at tunay itong aking pag sinta!!
Ito’y aking nadarama para sa iyo kung naging tapat  sana!!
Bakit ngayon ko lang napagtanto itong aking pag sinta!!
Kung kailang wala kana dito sa buhay ko sana maligaya!!

Kung minsan tinatanong ko, ako lang ba ang may sala?
Alam mo alam ko pareho lang tayo nag kasala!!
Kaya dalangin ko patawarin mo na ako aking sinta!!
Please!! Bumalik ka na naman sa buhay ko para lumigaya!!

Anu pa ba ang dapat kong gawin? Para mapatawad mo ako!!
Minsang pag kakamali habang buhay na pag sisi paano mag lalaho?
Dahil sa maling pag suyo ngayon ang isip ko’y tuliro nagugulo ang puso!!
Talaga ba ang pag sinta kakambal ng pighati pati tibok ng puso huminto!
Ni rhea Hernandez November 6,2011

No comments:

Post a Comment