Thursday, November 10, 2011

PARA SA KINABUKASAN KAYA!!

PARA SA KINABUKASAN KAYA !!

Ni:rhea Hernandez
Pinoy poems

Maaga ako umibig at ako’y nakipag live in sa kanya!
Di nag tagal kami nag kaanak na sya kong mahal talaga!
Binabalewala ko sya madalas kaya naman nag hanap ng iba!
Doon ko nalaman na mahalaga pala sya sa aking puso sobra!

Nag karoon sya ng iba pero ang sabi nya ako ang kanyang mahal!
Kailan mayroon na akong kahati saka ko naramdaman sya minamahal!
Ang pag ibig di mo mararamdaman kung kailan wala na saka hinahabol!
Sadya bang ganito ang pusong nag mamahal natutung humiling mag dasal!

Kaya naman nag usap nag masisinan kung ano talaga ang kalagayan!
Sinabi nya ako ang kanyang mas mahal kaya muli kaming nagmahalan!
Bumuo uli ng bagong buhay nag sama kahit hindi parin ako pinakapasalan!
Muli kaming nag kaanak sa hirap ng buhay lagi syang alang pinagkikitaan!

Kaya naman napilitang mangibang bayan para sa magandang kinabukasan!
Iniwan ang mga anak sa lalaking aking minamahal para sa aming kabuhayan!
Dito ako napadpad sa malayong lupain namasukan taga silbi ng mayayaman!
Dahil sa pangangailangan pinatulan ko ang aking amo ako naging parausan!

Ang aming relasyon lingid sa kaalaman ng kanyang dalawang asawa tunay!
Pero madalas kung gabi sa aking kuarto sya natutulog ang relasyon patuloy!
Lahat ng aking pangangailangan kanyang binibigay kaya pakikisama itinuloy!
Sabi nya sa akin handa niya akong ibili ng sarili kong bahay mag sasama tunay!

Sabi nga ng iba kapit sa patalim sa hirap ng buhay napilitan makipagrelasyon!
dahil sa aking mga obligasyon sa aking mga anak napilitan mag desisyon!
Lahat ng binibigay sa akin tinatangap ko para sa magandang pagkakataon!
Sa dinadanas na kahirapan sa pilipinas kahit pumatol para lang makaahon!

Kahit sya ay may edad na masyado siyang maalaga at mapag mahal sa akin!
Nararamdaman ko naman mas mahal niya ako lagi niya ako inaangkin!!
Pinaparamdam niya sa akin ang walang kahulilip na pag ibig para angkinin!
Lahat kanyang ibinibigay kapalit ng kaunting pag tingin galing sa akin!!

Dumating ang mga sandali ayaw na niya akong pauwin sa aking pinagmulan!
Pinapangakuang  ng magandang kinabukasan sino naman ako ito’y tangihan!
Laki ako sa hirap kaya noong dumating itong pag kakataon di ko pinakawalan!
Pinipilit kon mag ipon para sa kinabukasan at mag pundar ng kaunti kabuhayan!

Alam kong marami ang sa akin huhusga sa aking ginawa ito ang kapalaran!
Inaalala ang mga anak na iniwan kung sa liit na kinikita paano ang kinabukasan!
Kaya naman kahit kapit sa patalim aking sinungaban makaipon para sa kabuhayan!
Pinipilit makapag pundar ng kahit kaunting para pag dating ng panahon may aasahan!

Di ko na inisip ang aking pang sariling kaligayahan sabi ko nga bahala ang bukas!
Alam ko ang aking kahapon di ko kayang takasan pero kailan pa ako kikilos?
Kailangan kong siguraduhin ang kinabukasan ng aking mga anak kahit mag tiis!
Ala akong pinag sisihan kasi kahit papaano unti unti nakakaahon sa hirap na dinanas!!

Hangang ngayon nandito pa rin sa aking amo na lovers ko ngayon lagi sa kandungan!
Dahil mabait at maaruga sya sa akin unti unti ng nahuhulog ang aking kalooban!!
Ngayon ko lang napatunayan masarap palang mag mahal ang may edad maasahan!
Lahat ng aking hilingin ay kanyang ibinibigay busog sa pagmamahal at kabuhayan!

Minsan tinatanong ko sa aking sarili kung mahal ko na rin ba sya ito nararamdaman!
Dahil sya ay masyadong maalalahanin at sinusunod lahat ng maibigan at kasiyahan!
Pero ang alam ko kailangan ko sya para sa aking mga anak sa kanilang kinabukasan!
Hangang gusto niya ako kaya kong mag tiis para sa ikagaganda ng aking kapalaran!
Ni rhea Hernandez November 10,2011

No comments:

Post a Comment