LOVE STORY “EMILY” chapter 8
Ni Rhea Hernandez
Pinoy Poems
www.tulawento.blogs[ot.com
Sa pag yayakap ng dalawa damang dama ni Emily ang pag mamahal ni Bob.kahit sandali nawala ang pag aalinglangan ni Emily habang siya yakap yakap ni Bob. Dasal niya sana wag ng matapos ang mga sandaling yaon. Habang yakap siya naramdaman niya ang katiwasayan ng kanyang damdamin. Sana habang panahon na lang silang ganito alang aalalahanin pag dating ng bukas na baka di na kanya ang minamahal. Pero ito ay isang pangarap lamang. Ang katotohaan ay nandiyan lang natabunan lang ng masidhing damdamin ng kanilang pag hahalikan at pag yayakapan.
Ilang sandali pa nag pasya na silang pumasok sa kanilang mga trabaho . kay dami nilang dapat tapusin sa araw na ito. Siguradong mag hapon nanaman silang mga busy sa kani kanilang trabao. Kahit papano malaki ang iginaang ng nararamdaman ni Emily. Balik uli sala sa normal mag kaholding hands na uli sila sa loob ng car. At sa pagbaba ng car hanggang sa loob ny opisina. Tulad din ng mga nagdaan mga araw. Ang araw na ito punong puno at isang tambak na trabaho ang kanilang hinarap.
Bago mag lunch si Emily ang nag kusang lumapit kay Bob tanungin kung ano ang gustong kainin sa pananghalian nila. Para ma ka order na sila ng food o lalabas na lang sila para kumain. Ang pinili ni Bob ang lumabas sila para mag lunch. Kaya naman bumalik sya sa table niya para kunin ang kanyang bag. Di aakalain ni Emily na sa isang sikat na restaurant siya dalhin ni Bob. Sa totoo lang 1st time niyang pumasok dito. Pag pasok mo lang sa pintuan masasabi mo ng di niya kakayanin kumain dito. Mukhang pag pasok mo lang said na agad ang laman ng wallet niya. Nakakatuwang isipin napapasok niya ang ganito kahit sa panaginip di niya inisip na mapabilang siya sa isa mga nandoon.
Naging masaya sila habang kumakain. Pag katapos akala ni Emily babalik na sila sa opisina subalik di na sila bumalik doon. Nag libot libot sila sa mall at di niya akalain na ipag shopping siya ni Bob. Mga damit sapatos at kung anu anu pa na sa kanyang sarili di niya kayang bilhin. Tama na sa kanya, Sa tiange sya mamili. Di niya tinangihan ang mga pinamili ni Bob alam niya sa kanyang sarili kung bakit! Ayaw niya na maging malayo ang appearance niya sa dati nitong GF na si Anna.
Sa kalooban ni Emily di niya kailangan ang mga ito para lang pumantay sa dati niyang kasintahan. Subalit mag kaiba ang kanilang lipunang ginagalawan kaya dapat mag adjust si Emily kung anu ito. “Tama na itong mga pinamili mo ang dami dami aanhin ko ba ang mga ito ?” ang tanong ni Emily kay Bob.” Di isusuot at gagamitin mo! Sa pag pasok sa opisina araw araw , gusto ko mga ito ang isusuot mo sa pag pasok mo.”
Walang nagawa si Emily kundi wag na lang kumibo. Alam niya na may gustong patunayan si Bob. Gusto niyang makita ni Anna o ng mga kaibigan niya na di siya nag kamali sa kanyang pag pili ng mamahalin.
Sa kanya di niya kailangan ang mga ganitong maluluhong kagamitan pero ano ang kanyang gagawin. Ang kanyang piniling mahalin ay kataliwas ng kanyang kinagisnan. Kay layo ng kanilang estado sa buhay. Hanggang kailan kaya kakayanin ni Emily ang pag babago gagawin sa kanya ni Bob. Sa kanyang sarili nahihirapan siyang tangapin. Sa pag dating ng dating kasitahan ni Bob. Bakit kailanagn niya itong pantayan kung ano siya ngayon . Ito ba ang paraan para mapasa kanya ng tuluyan si Bob?
Kay hirap maging kalaban ang di mo ka level sa lipunan. Kahit sa kanyang sarili mahihirapan siyang pantayan kung ano mayroon si Anna. Kahit minsan pa lang niya ito nakita masasabi niya ito. Paano pa kaya kung kilala niya ito ng lubusan? Isang babae na sa mataas na lipunan nabibilang. Kung ikukumpara sa kanya ito ay langit siya ang lupa. Kay layo ng kanilang pagitan. Ito ba ang kanyang tutularan? Parang ganoon ang pakiramdam niya sa mga kinikilos ni Bob. Ayaw nitong mapahiya pag iharap na siya ni Bob sa kanyang mga kaibigan at sa dati niyang kasintahan.
Lumipas ang mga araw ala namang dumarating na malaking problema sa kanilang relasyon. Hangang isang isang araw kinausap siya ni Bob na mayroon silang pupuntahang okasyon . kaya naman bumili sila ng damit at sapatos na kanyang susuotin sa nasabing okasyon. Eto nanaman po kami naluluna nanaman si Emily sa halaga ng mga kanyang isusuot. Ang higit na nakalula sa kanya ang isusuot niyang mga alahas na binili ni Bob. Sa talang buhay niya ngayon lang siya makakapagsuot ng mga ito.
Dumating ang araw ng party. Isinuot na ni Emily ang gown na binili ni Bob At ang alahas na binili nito siya mismo na mangha sa kanyang sarili. Di niya akalain malaki pala ang nagagawa ng isang mamahaling kasuotan at kumikinang na mga alahas. Para siyang isang napakagandang dilag sa kanyang pananaw. Sabi nga ng nanay niya para daw akong artista pag nabihisan at malagyan ng kaunting make up.
Kaya naman noong sunduin siya ni Bob di napigil na di mapasipol. Sa kagandahan ng kanyang minamahal niya. Pag pasok pa lang nila ang daming nakatingin sa kanila. Nanliliit siya sa mga nakikita niyang mga kababaihan na nag papatalbugab sa kanilang mga kasuutan. Pati na ang mga suot na mga alahas. Ngayon niya lubusan nauunawaan si Bob kung bakit siya binihisan ng ganito. Magiging alangan siya sa mga nandoon. Talagang napakalayo ng kanyang stado sa mga kaibigan ng kanyang minamahal.
Ipinakilala siya ni Bob sa kaibigan.mga nakangiti naman ang mga ito ang nakipag batian sa kanya. Noong umpisa patag ang kanyang kalooban. Isipin mo tinangap siya ng mga kaibigan niya na alang tanong . Halos mga kalalakihan ay mga na ingit. Kay ganda nga naman ang babaeng kasama nya. Kay ganda ng mga tugtugin kaya naman inaya siyang isayaw ni Bob. Sabay bulong sa kanya na “ ang ganda ganda mo ngayong gabi aking mahal!!” halos ayaw na niyang mataposa ng mga oras na iyon. Dasal nga niya sana huwag na matapos ang tugtog. Subalit ito ay sa kanyang isipan lang.
Noong matapos ang tugtugin nag paalam si Emily na pupunta siya sa powder room. Kaya naman nalayo siya kay Bob. Sa loob ng powder roon marami ang mga babaeng nag kukuwentuhan at dinig na dinig niya ang mga pinag uusapan. “Kita mo ba yong ka date ni Bob. Parang kung saan lang pinulot ni Bob anu? Saan kaya galing yong babaeng iyon?” Tanong naman noong isa.” Siguro dyan lang sa tabi tabi. Ang sagot naman noong isa, Kawawa naman si Bob anu?” Sabi naman noon kausap.” Isipin mo buhat noong iwanan ni Anna nawalan ng taste sa babae? Kahit sino na lang pinapatulan!” Sagot ng isa pa.
Sa mga narinig ni Emily di na sya nag tuloy pumasok sa powder room. Dali dali syang bumalik sa kinaroroonan ni Bob. Pero di niya akalain ang kausap ni Bob ay ang babaeng dating naging kasintahan nito si Anna. Kay sweet nilang pag masdan akala mo mga ibong laglalambingan. Alin na lang mag tukaan sa harap ng maraming tao. Halos puluputan na ni Anna si Bob. Di malaman ni Emily ang dapat niyang gawin sa mga oras na iyon. Kaya nag pasya na lang siyang umuwi mag isa iwanan si Bob. Paano kung hanapin siya nito? Kaya di niya malaman kung ano ang kanyang gagawin? Nang may isang lalaking lumapit sa kanya di niya kilala. Kaya di niya ito pinapansin. Ang kanyang mga paningin nakatutuk pa rin sa kanyang nobyo at sa babaeng kausap nito.
Nag salita ang lalaki at nag pakilala ako nga pala si Larry ang bestfriends ni Bob. Noong bangitin ang name niya parang natatandaan nga niya . minsan na nilang napagkuwentuhan ito. Kaya may naisip siyang paaraan kung paano na siya makakauwi. Ipapasabi niya kay Lary na uuwi na sya at ito na ang bahalang mag sabi kay Bob. Ganoon nga ang kanyang ginawa. Nakalabas siya ng di namamalayan ni Bob. Masamang masama ang loob niya noong siya ay makauwi.
Di parin napapansin ni Bob na wala na si Emily sa loob ng party. Nang lumapit si Larry kay Bob dahil sa naiinip na rin siyang mag hiwalay ang dalawa. Pero ala yatang balak na mag hiwalay pa kaya napilitan na lang siyang lapitan ito. At kanyang ibinulong na umalis na si Emily. Saka pa lang naalala ni Bob kung nasaan ang kanyang ka date. Nag tataka si Bob kung bakit siya iniwanan ni Emily. Sinabi ni Larry na kay tagal silang pinag mamasdan ni Emily kanina.
Noong nasa bahay na siya iniintay niyang tumawag si Bob.” Bakit di siya tinatawagan ?” tanong niya sa kanyang sarili, bakit kasi inatake nanaman siya ng selos kanina sa mga nakita niya…di niya maintindihan ang kanyang sarili . kung bakit siya ganito pag dating kay Bob. Sa pag kakasabi ni Larry kay Bob na umalis na si Emily saka palang niya nag alala. At noon lang niya napansin kay tagal na pala siya nakikipag usap kay Anna. Saka palang niya naisip baka nasaktan nanaman niya ang kanyang kasintahan! Bakit kasi di niya maiwasan si Anna ng husto pag ganitong nilalapitan siya. Alam niya iba ang pagkakalapit nila kanina halos mag kadikit na ang kanilang mga mukha habang nag uusap. Di niya masisisi ng tuluyan si Emily kung siya ay manibugho sa kanila ni Anna.
Di na matapos tapos ang kaguluhan sa pagitan nila Emily at Bob! Anu kaya ang mag yayari sa pag mamahalan ng dalawang pusong nag mamahalan na mag kaiba ang stado ng buhay nila.sana abangan ninyo ang susunod na kabanata,,,,
Copyright by rhea hernandez
No comments:
Post a Comment