Monday, November 21, 2011

LOVE STORY "EMILY" chapter 2

LOVE STORY  “EMILY”  chapter 2
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems

Sa nakaraang kabanata pinapunta ni Bob si Emily sa kanyang opisina para bigyan ng work. “Anu ba ang kaya mong gawin at nag hahanap ka ng bagong work?” ang tanong ni Bob kay Emily.
Nakahanda pala si Emily sa ganoong mga tanong inilabas nito ang kanyang mag papeles. Di lang pala ordinary student si Emily isa pala itong full scolar habang nag aaral. Di mo aakalain na may tinatago palang talino ito . kung titignan mo nga naman akala mo alang alam. Parang easy go lucky parang bata kung mag kikilos. Ngayon medyo pormal ang suot na damit naging mukhang kagalang galang sya sa kanyang kasuutan . mga nag lalarong isipin sa isipan ni Bob. Napansin ni Emily na parang tumatagos sa kanyang katauhan ang mga tingin ni Bob sa  kanya. Bigla syang ginulat nito at napapitlag pa ng kaunti si Bob sa bahagyang pag katulala sa pag kakatitig sa dalaga.
“Helow saan po ba lumipad ang inyong isip at para kayong natulala nakakapatulala ba ang beauty ko ngayon?” ang tanong ni Emily kay Bob.
Di malaman ni Bob parang nawawala sya sa pokus pag kausap  niya si Emily , Tulad na lang kahapon noong kausap niya ito. Ang dami niyang nakalimutang sabihin buti nalang handa sya sa mga kailangan niya para sa pag aaply sa isang trabaho. Sabagay di sya mag tataka sapagkat isang magaling na studyante sya di lang magaling sya ang pinakamagaling sa mga ka klase niya.
“Sige umpisa ka na bukas” ang sabi ni Bob kay Emily. “Wow tangap na ako ganoon lang kadali ala ka bang itatanong sa akin ? ganito ka ba mag interview ng mga nag aaply ng trabaho  sa iyo?” ang makulit na tanong nito.  Natawa lang si Bob bakit kasi sa simpleng salita lang ni Emily napapangiti sya ng di niya sinasadya. Ano ang mayroon ang babaeng ito at para niya akong namamagneto? Ang tanong ni Bob sa kanyang sarili.
“Hindi ikaw lang kasi may utang ako sa iyo di mo ba naaalala” ang tanong ni Bob. “Makakalimutan ko na yon yong pinakapaborito kong damit nasira at yong blouse ko puro mancha ng dugo di na maalis ang bakas.” Ang sambit na may kasamang pag ngiti sa palagay niya may kasamang pag bibiro.
“Na guilty naman ako tara palitan ko yong pantalon mo at blouse.” Aya ni Bob kay Emily.
Sumakay sila sa mapakagarang car ni Bob akala mo bata si Emily sa kanyang pag kaka upo. Sa totoo lang ngayon lang sya nasakay sa ganitong kagarang sasakyan  sa talang buhay niya. Di lang  mall ang pinasukan nila di naman sya tanga pag dating dito kaya di lang talaga siya pumapasok dito at di man lang niya pinangarap na makapasok dito. Kasi ba naman sa tiange lang sya namimili ng kanyang mga damit. Wala silang pera ng kanyang nanay . buhat noong mamatay kasi ang tatay niya ang kanyang nanay ang nag taguyod sa kanya kaya pinilit niyang maging full scolar para makatapos sa pag aaral at matulungan niya ang kanyang ina na di masyadong mahirapan para sya pag aralin. Sa kanyang pag muni muni di niya napansin kanina pa pala nakatitig sa kanya si Bob.
“Anu ba ang iyong iniisip kanina pa kita pinag mamasdan parang ang layo  ng iyong nararating sa pag iisip?” umiling lang si Emily sa tanong ni Bob. “Sige pumili kana at wag kang mag alala ako ang mag babayad sa lahat ng iyong bibilhin.”  Nag libot libot si Emily napapanakupo sya pag nakikita niya ang nakasulat sa tag.” Anu ba ito kay mahal mahal ilang pantalon at blouse na ang aking mabibili dito.”kaya ala syang napili kahit ilang minuto na silang nag lilibot. Nag taka si Bob bakit ala syang hawak noong lapitan siya nito . “Ala ka bang nagustuhan at ala kang mapili” umiling lang sya sabi” ala  ehh”.
Nag tataka man si Bob ala syang magawa. Pag mayroon syang isama ditong babae para mag shopping halos mapuno ang car niya sa mga pinamili samantala itong si Emily kahit isa alang magustuhan. Kaya tinanong niya kasi di sya makapaniwala sa nagaganap.
 “Bakit ala kang nagustuhan sa mga paninda ala  ka bang nagustuhan”. “Di sa wala lahat nga magaganda pero di kaya ng bulsa ko ang  price ng mga damit dito.” Ehh di naman ikaw ang mag babayad ahh ako kahit na ayokong mamihasa sa mga bagay na di ko kayang abutin doon nalang ako bibili  sa tiange para sa bago kong pants at blouse.” Ang mahabang paliwanag ni Emily..
“Ok para mapalitan ko ang iyong damit tara sa tiange sinasabi mo doon kita ibibili ng kapalit ng damit mo.”Ang sabi na Bob alang nagawa si Emily kundi dalin niya si Bob sa tiange. Na ngayon palang naka pasok sa ganitong pamilihan. Sa mundong kanyang ginagalawan ay parang kay gaan lang niya ginagawa at masaya siya habang nag shopping sila . kakaiba ang aura ni Emily  dito compare niya kanina nasa mall sila. Mas alive siya dito. Nahahawa tuloy siya dito kung paano makipag tawaran sa price ng isang producto.
Kabisadong  kabisado ni Emily ang mga tindera kung hanggang saan naisasagad ni Emily ang price ng kanyang pinamimili. At para silang mag kakakilala tawagan ay suki. Nakapili na si Emily noong babayaran di sya makapaniwala na ganoon lang kamura ang napili ni Emily.
Sa kalilibot nila nakaramdam ng pag kagutom si Emily at si Bob.kaya nag kaayayaan kumain sila. Nag jack & poy sila kung sino ang masusunod kung saan sila kakain. Di alam ni Bob kampion si Emily sa larong ito kaya natalo si Bob. Dinala niya sa isang turo turo na masarap ang mga putahe kahit mura ay mukha namang desente.  Di akaalin ni Bob na mag enjoy siya sa ganitong klase ng pag kain at klase ng pag yayari . di niya matandaan kung kailan siya naging ganitong kasaya sa buhay niya. Kay daming  pag kakataon na lumalabas sila ng mga barkada lagi lang syang bored . ngayon di niya pansin halos mag hapon na silang mag kasama ni Emily di sya nakakaramdam ng pag kabagot.Bagkus parang ang saya saya nga niya ng araw na ito.pag katapos kumain nag ayang mamasyal si Bob.
Subalit di na pumayag si Emily . “Sorry pero kailangan ko ng umuwi baka nag aalala na si nanay sa akin baka ipailaw na ako kung saan ako nakarating alam niya mag aply lang ako ng trabaho”. Kaya inihatid na ni Bob sa Bahay si Emily.
“Byee  kita na lang tayo bukas sa opisina”.Ang paalam ni bob kay Emily. Kumaway pa si Emily kay Bob sa pag layo ng kanyang car.
“Sino ang lalaking nag hatid sa iyo magaling na babae nag aply lang ng work mag hapon ka na wala pag katapos may isang makisig na lalaki na mag hahatid sa iyo sa pag uwi?”
Sa tinuran ng ina mas malamang ang panunukso kesa sa sermon, alam na kasi nito na dina sya  bata  para mag paligaw sana naman isa itong pag akaktiwalaan .
Nanay maaga akong matutulog bukas umpisa na ako sa aking work tangap na ako sa trabaho.kaya naman nag pahinga na lang sya tapos inayos na niya kung ano ang kanyang isussuot kinabukasan at ang kanyang mag  gamit na dapat niyang dalhin.
Maagang natulog kaya maaga din syang nagising ayaw niyang unang araw niya sa trabaho ay ma late siya.
Pag pasok niya dadaan nanaman siya sa gate . Ganoon pa rin ayaw uli syang papasukin ng guard. Bakit ba ayaw mo akong papasukin dito ako nag work ahh. Di po ba kayo yong kahapon na kasama ni Boss ako nga kita mo naman kilala ako ng boss ninyo. Kahit na nga po kung ala kayong gate pass di ka papasukin.
Lagyang Bob na yon pag di ko nasabunutan papasukin ako tapos hold lang pala ako sa gate. Gaano ako mag hihintay dito anong bang oras dumating yon  amo mo na yon.  Naiinip na sya ala pa ang bago niyang boss kahit tumawag sa loob ng opisina alang nakakaalam sa kanyang pag dating bilang isang personal assistance.
Mauubos na ang kanyang pasensya sa pag iintay dito nag pasya na nga siyang uuwi na lang subalit noong papaalis na sya syang pag dating ng principe ng company.
“Bakit nandito ka pa di ka pumasok” tinuran ni Bob.  “Paano po ako makakapasok ala akong ID at di mo man lang ibinalin sa guard ninyo na papasukin ako. Kung di ka pa dumating  uuwi na lang ako . nakakainis ang mag intay dito ng ubot ng tagal. Pag bukas ganito pa rin di na ako papasok dito sa opisina mo” . sa haba ng litanya napapangiti lang si Bob. Buo nanaman ang araw niya at nakangiti nanaman sya.” Tara na sakay na sabay na tayong pumasok malayo layo din lakarin buhat dito sa opisina” napilitan sumakay din sa car nabob kahit asar na asar sya dito sa makakalimutin na sa simpleng bagay.
Unang araw sa opisina anu kaya ang nag iintay kay Emily dito. Mag tagal  kaya siya .Unang oras pa lang niya sa company inbierna na sya….. abangan ang susunod na kabanata                                                                  
                               

No comments:

Post a Comment