NASAAN NA ANG PAG IBIG??
Ni :rhea Hernandez
Pinoy poems
ito’y kuwento ng isang OFW na ayaw mag pakilala at kung nasaan sya ngayon.
Uumpisahan ang pag kukuwento noong sya 16 years old palang ng panahon yaon.
Maaga syang umibig at may kasintahan subalit ayaw ng kanyang magulang doon.
Dito nag umpisa ang kanyang kalbaryo sa kanya buhay di niya malilimutan yon.
Ako’y nag mahal sa isang lalaki na kasing gulang ko rin at kami’y nag mahalan.
Kami’y nagsumpaan di mag hihiwalay hanggang kamatayan subalit kami sinubukan.
Aking mga magulang ako’y ipinag kasundo sa isang lalaki ala akong kapahintulutan.
Nag kataon sya ang matalik na kaibigan ng aking pinakamamahal na kasintahan.
Dito nag umpisa ang kalbaryo ng aking buhay sa aking murang edad naranasan.
Ako’y bata pa alang lakas ng loob sumuway sa magulang kaya ako’y sunod sunuran.
Nakasal sa isang lalaking di iniibig dahil ito kanilang kagustuhan para sa kinabukasan.
Dumating ang aming kasal di ko inaasahan ang aking kasintahan sya pa ang bestman.
Ibig kong tumakbo papalayo sa simbahan pero ala akong magawa nagugulimihanan.
Di naramdaman ang sinasabi nilang kagalakan sa araw ng iyong kasal ito ang dahilan.
Pakiramdam ko ako’y namatayan ng mag sandaling iyon,nawala ang aking kalayaan.
Natapos ang araw ng aking kasal ni isang ngiti di sumilay sa aking mga labi puro pighati.
Napakadaming katanungan sa aking isipan kung bakit ginawa sa akin saan nag kamali.
Sabi nila para daw sa aking magandang kinabukasan na aking haharapin bawat sandali.
Sa aking isipan habang buhay kong papasanin ang makasama ang lalaki di ako pumili.
Pag katapos araw ng kasalan di maatim ang makakatabi sa pag tulog di ko minamahal.
Unang gabi ng aming pag sasama bilang mag asawa di ko maisip na sa kanya napakasal.
Wala akong magawa kailangan kong gampanan bilang kanyang may bahay dahil kasal.
Unang gabi aming pinag saluhan ng di ko namalayan sa aking kalasingan marahil.
Pag katapos ng kasalan di ko na muling nasilayan ang aking dating kasintahan.
Ewan ko kung nasaan siya nag pakalayu layu na sa para ako’y kanyang layuan.
Alam ng diyos sya aking pinapangarap makasama habang nandito sa sanlibutan.
Pero huli na ang lahat di na muli pa maibabalik ang nakaraan iba na ang kinabukasan
Buhat noon di ko makayang tabihan ang aking asawa habang di lango sa kalasingan.
Walong taong singkad di ko natutunan mahalin ang aking naging asawa naturingan.
Laging paulit ulit ang nagaganap na di ko kagustuhan at puso at isipan tinututulan.
Ito ba ang sinasabi nilang magandang kinabukasan ko nadarama ay puro kapighatian.
Sa walong taong singkad binigyan ko sya ng apat na anak na sya kong kaligayahan.
Alam ko naman ginagawa lahat ng aking asawa na sya aking pag ukulan,
Ano ang aking magagawa di ko mautusan yaring aking puso at isipan
Dahil dito aking asawa kinausap ng masinsinan kailangan ito’y wakasan.
Mahalin ka di matutunan ng yaring puso naging bato hangang sa katapusan
Parang di ko makakayanan ang higit pa sa walong. taong alang kaligayahan.
Kami ay nag kasundo na tapusin na ang aking pag hihirap ito nilunasan.
Kaya buhat noon nag kanya kanya na kami ng kinabukasan dapat patuunan.
Aming mga anak sa aking poder naiwan kaya naman nandito lupain banyaga.
Pinagsisikapan ko ngayon na sila’y bigyan ng magandang kinabukasan.
Sa tulong ng Maykapal sila aking naitataguyod ng matiwasay sa kasalukuyan.
Lumalaki silang maayos at aking pasasalamat ako’y kanilang naintindihan.
Kaya sa pag laki ng aking mga anak di ko ipaparanas sa kanila aking dinanas.
Wala akong dinadalangin ngayon na sana matagpuan ko pag ibig na ninanais.
Di ako nawawalan ng pag asa na ito sa aking darating matatapos ang hinagpis.
Alam ko ang Panginoong Diyos sa aking nakaagapay makamtam ang ninanais.
Ni :rhea Hernandez November 1 2011
No comments:
Post a Comment