Monday, November 21, 2011

LOVE FIGHT chapter 11

LOVE FIGHTS chapter 11
ni rhea hernandez
Pinoy poems

Sa pag titiis ni Stephanie dumating na sa sukdulan . Di na niya nakakayanan ang mga ginagawa ni Dave. Ang kanyang pag inom at pag susugal kaya pa niyang tiisin at pag pasensyahan .Subalit ang kanyang pambabae  at mag ka minsan ay harap harapan na.
Ito ang di na niya kaya, kaya di na siya nakatiis kinausap na  niya si Dave.
Ala ka na bang  pag mamahal sa kin” ang malumanay na tanong ni Stephanie.
“Bakit mo ako ginaganito? Hirap na hirap na ako di ka ba na aawa sa akin?”
Sa mga binitawang salita ni Stephanie para kay Dave ito ay nakatingin lang sa kanya  mga mata , pero walang namutawi sa kanyang mga labi.Doon nag unahang tumulo ang kanyang mga luha saka palang kumilos si Dave para siya yakapin at  hinimas ang kanyang mga buhok na para syang inaalo at parang sinasabing” tumahan ka na  mahal na mahal naman kita” subalit ito sa kanyang mga isipan lamang ni isang salita alang sinambit si Dave sa kanya. Tumagal ng ilang minuto ang ganoong posisyon nilang dalawa.
Patuloy si Dave sa kanyang mga gawain  ang pag sususgal at pag inom.
Mabilis dumaan ang mga araw ngayon malapit na syang manganak sa kanilang supling.
Ganoon pa rin ang mommy ni Dave sa kanya. Kung ituring sya parang basahan na puedeng apak apakan.
Sa kalooban ni Dave mahal na mahal niya si Stephanie subalit ang kanya ng mommy ang nag bubuyo sa kanya na layuan niya ito..Hindi tulad niya ang nababagay daw sa kanya.
Dahit sa kapabayaan ni Dave nag pasya si Stephanie na sa piling ng kanyang ina sya manganak .
“Nay puede ba akong umuwi dito at dito ako manganak?” ang tanong niya sa kanya nanay. Alam niya di sya tatangihan nito. Di siya nag kamali dalawang kamay ang nakabukas dito sa kanyang pagbabalik sa piling ng kanyang ina.
“Salamat po nanay at ok lang sa inyo na dito ako manganak”
Kaya dali daling bumalik sa bahay nila Dave para mag paalam sa mommy ni Dave.
Tulad ng kanyang inaasahan abot ang ngiti nito na sya ay aalis na sa bahay nila.subalit  
Nag umpisa na sya sa pag impake ng kanyang mga gamit nang dumating si Dave.
“Ano ang iyong ginagawa “ Ang tanong nito sa kanya.
“Di mo ba nakikita ini impake ko na ang lahat kong gamit at ako uuwi na sa amin”
“Hindi ka aalis dito  hindi ako papayag” ang turan ni Dave.
Subalit buo na ang loob ni Stephanie na di papapigil kahit pa kay Dave
“Hindi mo na ako mapipigil ,sa ayaw at sa gusto mo uuwi ako sa amin!!”
Ito ang mga tinuran ni Stephanie di makapaniwala si Dave na magagaling ang mga katagang ito sa kanya..
Doon nag isip si Dave napakalaki na pala ang kanya mga pagkukulang sa kanyang asawa at magiging anak. Subalit umiral pa rin kay Dave ang kanyang ego .  Ayaw niyang isipin ni Stephanie na mahal na mahal niya rin ito. Ginagawa lang niyang pasakitan ito dahil sa kagustuhan ng kanyang mommy. Gustuhin man niyang pigilin di niya magawa. Dahil ito ang kagustuhan at buo na ang kanyang pasya na umuwi sa kanya ina. Di alam ni Dave iniintay lang ni Stephanie na pigilang sya at pangakuang  mag babago na sa kanyang mga  ginagawang pag papasakit sa kanya . lahat ay kaya niyang gawin para sa lalaking kanyang pinakaiibig. Pero bakit ganoon parang siya lang ang nag mamahal di niya maramdaman ang pag ibig nito sa kanya.
“Ayaw kong isilang ang ating anak na ganito ang ating sitwasyon”  ang sabi ni Stephanie
“Ayokong lumaki sya makikita niya na ang kanyang ama ay walang respeto sa kanyang ina. Na di pinag uukulan ng pag mamahal at di iginagalang ang aking pag kababae”
Sa mga tinuran ni Stephanie di nakakibo si Dave sapagkat yon nag may katotohanan.
Nag daan ang mga araw nawalang ng ganang mag lalabas si Dave. Di niya maintindihan hinahanap hanap niya si Stephanie. At kanilang magiging anak. Ganyon niya napag tanto na mahal na mahal pala niya si Stephanie. Di siya mabubuhay kung wala ito sa piling niya. “Ano ang aking gagawin para bumalik ka lang sa buhay ko Stephanie” sa umpisa binubulong lang niya sa kanyang sarili habang tumatagal paulit ulit na pala niya ito sinasambit at palakas ng palakas. Doon napag tanto ng ina ni Dave na talagang mahal na mahal ng kanyang anak si Stephanie . Ngayong nag iisip siya kung ano ang kanyang ginawa sa kanya anak. Dahil sa kanya ngayon nag durusa ang sarili niyang anak sa kanyang kagagawan . Dahil sa kanya kaya napilitan iwanan ni Stephanie ang kanyang anak. Sa totoo lang wala naman siyang maipipintas  dito ang inaayaw lang niya dito ay tungkol sa kanya ina na di niya gusto ang pinasukang trabaho buhat noong mamatay ang ama ni Stephanie. Maliban dito ay wala na siyang inaayaw dito.  Sa nakikita niya sa ginagawi ng anak niya para itong nawawala sa sarili  sa pag lisan ng kanyang mag iina.
Para gusto na niyang mag sisi sa kanyang ginawa na wasakin ang pagsasama ng dalawa.
Ano ang dapat kong gawin para bumalik sa dating katauhan ang kanyang anak. Sya ang may kagagawan nito kung bakit nag kakaganito  si Dave.
Samantala sa mga oras na yon ang tiyan ni Stephanie ay sumasakit na .
“Nanay  manganganak na yata ako “ ang sigaw ni Stephanie sa kanyang ina. Anu kaya ang anak nila Stephanie at Dave.

No comments:

Post a Comment