Friday, November 4, 2011

KAILAN!!

KAILAN!!
Pinoy poem
http://www.tulawento.blogspot.com/

kailan nga ba ang tamang panahon?
kung kailan huli na ang lahat ng iyon?
kailang wala ka nang pagkakataon?
malaman saan huhugutin ang emosyon!

kung kailan ala ng luha umaagos?
saka kabibigyan at muling kikilos!
kailan sa puso ito'y nag tapos?
ang natira puro pag hihinagpis!

hanggang kailan nga ba mauunawaan?
ito ba'y di nadarama wala ng katapusan?
tulad ng pag patak ng luha di namamalayan!
mga pighating babaunin hanggang hantungan!

bakit nga ba ganoon puedeng umalis dumating?
tulad ng ulan sa tag araw ang lupa ay tigang!
kay daling matuyo sa gitna ng kaparangan!
ganyan ba ang pag ibig dapat naramdaman?

hangang kailan nga ba dapat mag tiis?
kahit ang pag ibig ay wagas bakit tinitiis?
tulad nga ba ito ng dahong napitas?
hahayaan tangayin ng hanging mabilis!

hahayaan mo na lang bang mabaon ?
di kaba nga naghihinayang sa ngayon?
di na lang pag yamanin ng panahon?
ang mga nararamdaman para doon!

No comments:

Post a Comment