Friday, November 25, 2011

LOVE STORY "EMILY" chapter 5

LOVE STORY “EMILY” chapter 5
Ni  Rhea Hernandez
Pinoy Poems

        Sa muling pag yakap ni Emily kay Bob. Naging hudyat ito na muli siyang hagkan ni Bob sa kanyang mga labi. Halos mapugto ang kanilang mga hininga ng maghiwalay ang kanilang pag hahalikan. Ngayon opisyal na ang ating pagiging mag kasintahan ang sabi ni Bob kay Emily. Ngayon akin ka lang ala ng makakaagaw sa iyo. Nangiti lang si Emily sa binitawan ni Bob. Alam sa kalooban niya na mahal din niya si Bob kaya alang problema sa kanya na maging sila na buhat sa mga araw na ito.
         Matapos kumain nag pahatid na si Emily kay Bob. Pakiramdam ni Emily para syang nakalutang sa ulap. Di niya akalain pag katapos ng araw na ito ay boyfriend na niya si Bob. Parang kay bilis ng pag yayari di na nga sya niligawan. Nag tataka sya kung bakit kay dali niyang bumigay. Di naman sya ganoon babae kay dami nga lumiligaw sa kanya. Ang mga ito ni dulo ng kanyang mga daliri di nahahawakan. Bakit kay Bob di pa man din nag pahalik na siya at di lang yon ngayon sila na. kay bilis ng pag yayari di niya makapaniwala na nagawa niya ito.
         Noong makauwi na siya at saka nag iisa sa kanyang kuarto binabalikan niya ang nag yari ngayong mag hapon. Di siya makapaniwala kahit anong isip niya nalilito siya kung bakit siya bumigay agad kay Bob. Talaga kayang mahal niya ito noon pa? ganoon din kaya si Bob? Di kaya pinag lalaruan lang siya nito? Masyado ba siyang naging halatado sa kanyang mga kinikilos? Kay daming mga katanungan sa kanyang sarili na di niya makapa ang kasagutan. Paano  na bukas paano niya pakikiharapan ang kanyang boss na kanyang boyfriend na? Naguguluhan na si Emily sa bilis ng pangyayari sa kanyang buhay.
         Kinabukasan  di niya malaman kung papasok siya sa opisina o mag sakit sakitan. Di niya alam kung paano niya pakikiharapan ang kanyang boss boyfriend. Pero ala din syang maisip na idadahilan kaya nag bihis  na lang siya. Bahala na sa aming pag haharap. Maaga pa lang nandoon na si Bob tulad ng dati lagi itong on time kung dumating. Pero iba na ngayon may kiss na sa pag bati ng good morning. Ganoon pa rin para pa ring isang siyang princesa kung ituring. Sabi nga ng iba service deluxe ako na pinag bubuksan pa ng pinto na kanyang kotse. Parang babasaging crystal kung ituring.
        Alang kibo si Emily di niya alam kung paano pakikiharapan ang kanyang boss boyfriend niya ngayon. Panay sulyap ni Bob kay Emily  nag tataka siya kung bakit sobra ang tahimik ng kanyang mahal.” Ehem ehem sabi ni Bob. Tahimik mo yata ngayon masama ba ang iyong pakiramdam? “Tanong na may pag aalala ni Bob kay Emily. Umiling lang si Emily.” Kung di masama ang pakiramdam ang mahal ko ehh bakit alang kibo?” sabay gagap ni Bob sa kamay nito at pinisil ibig niyang iparamdam dito na huwag syang mag alala.
        Sa pag hamak ni Bob sa kamay ni Emily parang may kung anong kuryente na nanuloy sa kanyang katauhan. Kay sarap ng pakiramdam pala na ang iyong mahal ay kahawakan mo ng kamay. Sa loob loob ni Emily para siyang kikiliging ngayong hawak hawak ni Bob ang kanyang kamay. Unti unti nawawala ang kanyang mga pag dududa na di niya ito tunay na mahal. Sa kanyang nararamdaman ngayon tumatagos sa kanyang puso ang kanyang nararamdaman. Kay sarap pala ang umibig at ikaw ay mahalin din ng iyong tinatangi. Kay sarap pala ang pakiramdam ng taong umiibig sa isip ni Emily.
         Di alam ni Emily ganoon din si Bob. Pareho lang nag kanilang nararamdaman sa isat isa. Noong sumapit sila sa opisina saka palang binitawan ni Bob ang kanyang kamay. Pinag buksan siya ng pintuan ni Bob at sabay na silang pumasok sa opisina na habang hawak hawak nanaman ni Bob ang kanyang mga kamay. Umupo na sila sa kanya kanyang table. Sapagkat ang dami nilang trabaho ngayong araw na ito. Alam niya isang tambak ang dapat pirmahan ni Bob at dapat pag aralan  na mga papeles. Naging busy sila sa mga bawat oras ala na nga silang time para mag usap.
       Alang anu ano ng  ring ang phone sagot agad si Emily ang nasa kabilang linya ay si Bob.” Mahal ala ka bang balak kumain ng lunch nagugutom na ako.”  Saka palang tininnan ni Emily ang orasan mag 1 pm na pala di pa sila ng lunch ni Bob. “Tara kain muna tayo sabayan mo ako nag padeliver na ako ng food natin.”  Nangingiting sabi nito. “Pag di kasi ako oorder ng food natin ehh ala ka yatang balak kumain nagugutom na ako”  Ang biro ni Bob kay Emily. Medyo napahiya si Emily sa tinuran ni Bob dapat sya ang nag aasikaso dito katungkulan niya ito bilang secretaria niya at bilang girlfriend niya.
         Tumayo na siya sa table niya at nag punta sa reception area para doon sila kumain ni Bob.” Kay daming pag kain ang inorder nito kasya yata sa ilang katao ang pag kain. Kay dami naman food sino kakain niyan?” Ang tanong ni Emily kay Bob.” Di ko kasi alam kung ano ang gusto mong kainin kaya order na ako ng marami para may pag pipilian ka.” ang sagot ni Bob. “Di kita matanong kanina kasi gusto kong supresahin kita “ Sabay na silang kumain napaka maasikaso ni Bob . Halos nga subuan na siya nito kaya kimi sya napapahiya siya sa kanyang sarili.” Kay sweet naman ng BF ko” Biro ni Emily kay Bob.
           Pag kakain umupo muna sila sa isang sopa at nag pahinga ng kaunti na nakasandig  siya sa dibdib ni Bob. “Kay sarap ng pakiramdam ng mga sandali ito” bulong ni Bob. “Sana ganito na lang tayo lagi”. Sa pag kakasabi ni Bob noon sinabayan niya ng kurot sa tagiliran si Bob siempre parang lambing lang  na tugon niya sa pag kakabulong nito sa kanya. Sabay silang nag tawanan at sabay sabi ni Emily” ayy naku tama na ang loving loving tapusin na ang mga trabaho natin.” Lalu silang nag katawanan.”Ok sagot ni Bob ang dami ko pa rin dapat gawin at ganoon ka rin ito lang sarap dito na  mag kasama tayo any time puede akong kumiss sa mahal ko”. Sabay halik alang sabi sabi.
         Halik na nag papalambot ng tuhod ni Emily. Di niya mapigil na di mag paubaya sa kanyang minamahal sa mga sandaling iyon. Hinayaan niyang halikan siya ni Bob. Nag mga oras na iyon . Na kay tamis na halik nanunuot sa kaibutaran niya. Mga halik na mainit at lalu pang umiinit habang nag tatagal. Kung di niya pipigilan si Bob baka kung saan mauwi ang pag hahalikan nila. Kaya biniro niya si Bob na” Ayy naku dami pa nating dapat tapusing trabaho.”  “Ang KJ mo talaga kung kailang ganado akong halikan ka saka mo ako pinipigilan” birong sagot ni Bob kay Emily.  Nag hiwalay na sila na nag tatawan.
           Naging subsob nanaman uli sila sa kanilang mga trabaho. Lumipas ang mga oras na di nila namamalayan. Madilim na noong tigilan nila ang mag gawain nila sa opisina. Kahit pagod sa mag hapon trabaho di niya pansin bagkus Ganado syang mag trabaho ngayon. Parang kay gaan lahat ng kanyang ginagawa. Totoo yata ang mga sinasabi ng iba . pag ikaw in love ang buo mong paligid ay nag kukulay rosas. Lahat ay madali kahit sa totoo ay hirap na hirap siya sa mga gawain niya sa opisina ngayong mag hapon. Dahil nga sya Ganado di niya napansin natatapos na niya lahat ang isang tambak na gawain.
Ganoon din si Bob. Mag hapong subsob sa mga tambak niyang mga papeles.
              Tulad pa rin ng dati sabay uli sila sa pag uwi. Inihatid uli sya ni Bob sa kanilang  bahay. Ngayon gabi di sya dadaan sa bar ng kanyang matalik na kaibigan sapagkat pagod na pagod sya sa mag hapon nasa opisina. Nag linis lang sya ng kanyang katawan at nag bihis. Pag katapos pabagsak siyang nahiga na sa kama . di nag tagal nakatulog na siya.
             Samantala si Emily gising pa nag iisip. Kahit sila na ni Bob di pa rin siya makapaniwala. Kay bilis ng pangyayari. Parang kailan lang sila nag kakilala ngayon hinahayaan na niya itong halik halikan siya sa kanyang mga labi. Mayakap kahit kailan gustuhin nito. Tinatanong niya bumaba na ba ang kanyang pag kababae ngayon pumapayag siyang halik halikan anytime. Pero di naman niya itinatanggi na gusto rin niya ang mga halik ni Bob. Nag dudulot sa kanya ng ligaya at kilig tuwing hahalikan siya nito at tuwing maiisip niya ang mga halik na kanilang pinag sasaluhan.
             Iniisip pa rin niya di pa niya nasasabi sa kanyang nanay na may boyfriend na siya. Paano niya aaminin sa kanyang nanay na isang araw lang syang niligawan ay sinagot na niya agad. Di lang iyon di pa siya nililigawan ay nahalikan na siya agad. Ngayon sila na di na niya mabilang kung ilang beses na siyang nahalikan ng kanyang mahal. Di kaya siya ma kagalitan  ng kanyang nanay sa pagiging easy girl  niya. Na sandaling panahon ay bumigay siya sa lalaking kailan lang din niya nakilala. Kay daming mga bagay bagay ang nag lalaro sa kanyang isipan. Kung kanyang iniisip lalu lang syang naguguluhan.
             Nakatulugan na ni Emily ang pag iisip .kinabukasan ganoon pa rin ang kanilang routine sinundo sya. Sabay silang pumasok  parang Xerox copy lang kahapon. Ganoon pa ri isang takbak ang trabaho. Ang naiba lang ay may isang napakagandang babae na dumating hinahanap si Bob. Noong bandang hapon parang kabisado niya ang buong opisina at hinahanap niya si Miss Cruz kung nasaan. Di niya kilala ang dumating para siyang artista sa ganda at kinis ng kanyang kutis . di lang yon manamit at kumilos halata mo ka level ni Bob sa antas ng lipunan.
     Sino kaya ang babaeng dumating sa opisina ni Bob? ABANGAN ANG SUSUNOD !!
             

No comments:

Post a Comment