LOVE STORY “EMILY”chapter 3
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems
www,tulawento.blogspot.com
Unang araw ni Emily sa opisina ay inbierna na sya kasi ba naman di sya papasukin ng guard . Ang kanyang boss na si Bob di man lang inabisuhan ang guard nila na may bago silang empleyada na maganda. Sa pag iisip ng maganda siya napangiti sya ng di niya namamalayan . Yon pala kanina pa sya pinag mamasdan ni Bob kung ano ang kanyang iningingiti na mag isa.
Pag pasok sa opisina ni Bob nakasunod si Emily di niya maitanong kung anong klaseng trabaho mayroon siya doon. Di sya nakatiis nag tanong na kasi ba naman mag iisang oras na syang nakaupo ni isang instruction kung ano ang kanyang gagawin ay wala pa. kaya naman “Anu ba ang gagawin ko dito umupo dito ng mag hapon? Bakit di mo ako bigyan ng gagawin.?” Ang tanong ni Emily tinanaw lang sya nito at sinabi na “ ikaw ang aking PA “ sabi ni Bob. “Anu ka artista kailangan mo ng PA?” pa ismid na sagot ni Emily.
“Kita mo naman ang aking bio data ahh may kakayahan din naman ako di ako isang bobo”
“Wala pa kasi akong maisip kung ano ang aking ipapagawa sa iyo ala kasing bakanteng posisyon” Ang maikling paliwanag ni Bob.” Ehh bakit mo ako hire kung alang bakante ? di bigyan mo na lang ako ng recommendation sa mga kaibigan mo o kakilala na may bakante sa kanila.” Ang mahabang pag susumamo ni Emily.
“Sa gusto ko dito ka lang para lagi kitang nakikita at saka napapasaya mo ako sa tuwing nandito ka ayaw mo noon ala kang ginagawa susueldo ka ?” nangiti si Emily at may naisip na kapilyahan “ Siguro type mo ako kaya gusto mo akong laging nakikita ano?”
Ang pilyang sambit ni Emily. Biglang natahimik si Bob sandali at inisip tama kaya ang tinuran nito kaya ganito ang aking nararamdaman? Bakit nawawala ako minsan sa aking sarili kung magkaminsan at nakikita ko na lang ang sarili ko na naaaliw na katitig sa kanyang mukha.
Natapos ang mag hapon na alang ginawa si Emily kundi umupo sa sopa at mag basa ng magazine na siyang kinababagutan niyang gawin . kaya tinanong niya si Bob kung bukas ganoon pa rin sya dina sya papasok maloloka ako pag mag hapong alang ginagawa ang kanyang litanya kay Bob. Ok bukas bibigyan na kita nagagawin mo pumasok ka lang. Oo nga pala yong guard sabihan mo rin na papasukin na ako bukas at ng di ako nakatanga sa gate ha! Natawa si Bob sino ba ang boss sa ating dalawa aber nga .nag katawanan lang sila dalawa. Mayroong chemistry sila na di maipaliwanag ni Bob sa kanyang sarili kung ano yon. Basta masaya sya at maligaya ang kanyang mag hapon kahit subsub siya sa mga gawain. Dati dati di sya nag tatagal sa kanyang opisina ng 8hours ngayon na kumpleto niya at parang kulang pa.
Pati mga empleyado niya ay nag taka dati dati kasi dadaan lang sya at kukunin lahat ng kailangan niyang pirmahan at aalis na sya. Sa kanyang condo na siya mag tratrabaho. Mas gamay niya ang ganoon .
Inihatid lang niya si Enily sa kanilang bahay saka sya dumeretcho sa isang bar kinatagpu niya ang kanyang matalik na kaibigan na si Larry. Ikinuwento niya ang kanyang nararamdaman dito. Kung ano ang kanyang ginawa ngayong mag hapon . pati si Larry ay nag taka kasi kabisado niya ang kanyang kaibigan di ito nag tatagal sa opisina niya at para itong napapaso pag nandoon siya . Pero ngayon natagpos mo ang mag hapon at parang ayaw mo pa kamong umuwi. Anu ba mayroon ang babaeng iyan at nababago ka niya ng ganyan. Di ko rin alam kung bakit gusto ko siyang nakikita at ok na akong kasama sya sa isang room kahit di kami nag uusap. Pero alam ko bagot na bagot siya kanina. Ani na lang siguro mahiga sa sopa at matulog kanina . pag iniisip ko nga yon kanina napapangiti ako.
Di nag tagal nag paalam na rin si Bob kay Larry at umuwi na sya sa kanyang condo. Doon itinuloy niya ang pag iisip kung bakit sya ganoon kay Emily. Totoo kaya ang sabi ni Larry na ako’y umiibig sa babaeng iyon. Dahil medyo nakainom kaya nakatulog siya kaagad.
Kinabukasan kay aga niyang naligo at nag bihis gusto niyang sunduin si Emily sa kanya bahay. Para sabay na silang pumasok sa opisina. Tamang tama lang ang dating niya papalabas na ng gate ng bahay nila si Emily noong dumating siya. Laking gulat ni Emily kung bakit siya nandoon. Siempre sunduin ko ang aking princesa ang biro ni Bob kay Emily. Prinsessa ka diyan may kasamang ismid ang binigay ni Emily kay Bob. Iyon lang napapatawa na siya ni Emily. Kaunting kilos o salita lang ang kanyang puso ay napapasaya nito. Totoo yata ang sinabi ni Larry kagabi ako ay umiibig sa babaeng ito.
Sa kanyang edad di pa niya nararamdaman ang ganitong kakaibang damdamin. Pero kay dami ng babae ang nag daan sa kanyang buhay. Pero ang estranherong damdamin na kanyang nararamdaman ay talagang kakaiba.
Biglang tumayo si Bob at inaya niya si Emily na lumabas sila. Habang nakasakay sila sa kotse may tinawagan si Bob at ang sabi ihanda niya at darating sila ng mga 20 minutos. Di mawawaan ni Emily kung alin ang ihahanda at sila ay parating na. Medyo kinakabahan siya pero di niya isinatinig bahala na si batman.
Di pa nag tatagal bumabaybay na sila sa gilid ng dagat kay sarap langhapin ang sariwang hangin na galing sa karagatan. Ang tinutumbok nila ang pier. Papalaot sila at saan naman sila pupunta. May sarili palang yate si kolokoy ang sabi niya sa isip.di pa rin sya kumukibo . hangang sa marating naming ang kanyang yate.
Kay ganda ng kanyang yate kumpleto lahat , may sariling bar at may isang room. Akala mo isang maliit na bahay ang kanyang yate . kumpleto kahit ano yata ang hanapin mo. Si Bob ang nag maneho at unti unti na kaming pumapalaot sa karagatan . ang sarap pala ng buhay ng mayayaman any time kung gustuhin nila ay nagagawa nila . kami siguro ni nanay ilang buwan kaya naming pag hahandaan para makasakay sa ganito. Kailan ko kaya maisakay sa ganito ang aking pinakamamahal na ina. Pakiramdam niya nasa titanic sya .
Kay sarap palang mamasyal sa karagatan para kang idinuduyan sa mga alon at kay sarap ng hangin . kay romantic ng kapaligiran.
Inihinto ni Bob ang yate at umupo sa tabi ko . saka nag usap ng kung anu ano ang mga napagkuwentuhan at mag kaminsan nag tatawanan at kung minsan hinahampas ni Emily si Bob sa kanyang braso. Kung titignan mo sila sa malayo akala mo mag sing irog na nag lalambingan.lumipas ang mga oras na ganoon sila di anuubusan ng pinag uusapan .kaunting pag apaptawa lang ni Emily tumatawa si Bob at ganoon din si Emily.
Noong mapansin ni Emily na papadilim na ang aya na itong umuwi. Ayaw pa sana ni Bob pero nag pupumilit na si Emily hahanapin dawsya ng nanay niya.
Anu kaya ang mamumuong relasyon sa dalawa sa darating na mga araw ABANGAN!!
No comments:
Post a Comment