MA.CONCHITA FELICIANO
Para sa iyong kaarawan;
HAPPY BIRTHDAY!!
ni rhea hernandez
pinoy poems
Para sa aking ate Chit sa iyong kaarawan at kasiyahan.
Sa tulaan doon tayo nagkakilala at naging mag kaibigan,
Para sa akin ito ay isang karangalan sa iyong kaalaman,
Makasanga ka sa larangan ng tulaan ay isang katuwaan.
Natatandaan ko pa ikaw ang unang bumati sa akin doon,
Sa grupo ng mga makata noong sumali nagbigay ng panahon,
Kung naman pag nandoon ka akoy naglalagi para sa tipon tipon.
Sa maikling panahon nating pagsasama dito sa larangan ng tulaan,
Sa aking pakiramdam para bang ikaw kay tagal na kitang kaibigan,
Sa maikling sandali ikaw nakagaanan ng kalooban at kakuwentuhan,
Parang kailan lang ang mga nagdaan panahon di ko ito malilimutan.
Para sa isang magandang paraluman tulad mo sa daigdig ng tulaan.
Na ang iyong kagandahan kay iga igayang tignan at pag masdan,
Alam mo bang di ka pagsasawaang tanawin kahit ikaw ay titigan.
Ang iyong maamong mukha ay sadyang nakakahalina pag masdan
Sa ating pag uusap nabangit mo ikaw isang DH sa Hong kong ,
Nag titiyaga sa kakarampot sa sinasahod ang iyong paliwanag,
Alam kong ikaw lang ay nag bibiro sa iyong mga tinurang,
Ang pag kakaalam kaya ka mag titiyaga ay ito nakakatulong,
Ang sabi mo puede kitang dikdikin o pintasan paano ko gagawin,
Ngayon tayong naging mag kakilala ikaw di ko kayang gilingin,
Sanay dumating ang panahon ikaw aking masilayan ako pansinin.
Ngayon sa iyong kaarawan binabati kita ng buong kagalakan,
Aking dalangin maging maligaya sa iyong buhay mag pakailan,
Marami pa akong gustong malaman mabatid sa iyong katauhan,
Darating tayo dyan kasi mahabang panahon pa tayo magsasamahan.
Sa ayaw at sa gusto mo dito lang ako lalagi sa tabi mo kaibigan,
Mag kaminsan makulit pero alam kong mag kasanga sa kalokohan,
Pag sumilay na ang iyong mga ngiti ang buong mundo nasisiyahan,
Sa pag habi ng mga tula di ka mapantayan lumalabas ang kagalingan.
Ngayon sa iyong kaarawan marami ang babati sana ako mapansin,
Ang bulaklak ng mga makata magdadaos ng kaarawan alalahanin,
Sigurado akong marami mag aalay ng mga tula iyo sanang isa isahin,
Huwag mong kakalimutan pagbati ko isali mo na rin sa kikilatisin
Ni rhea Hernandez November 16 2011.
nice!!
ReplyDelete