Friday, November 25, 2011

LOVE STORY "EMILY" chapter 6

LOVE STORY “EMILY”  chapter 6
Ni Rhea Hernandez
Pinoy Poems

Ayos na ang kanyang mag hapon. Natapos niya ang dapat tapusin ng araw na ito. Kaya naman uuwi siya na alang alalahanin na mayroon siyang babalikan naiwang trabaho para bukas. Sabagay di naman nauubos  ang trabaho laging mayroon darating na bago. Yong ngalang ayaw niyang natatambakan sya ng  dapat ayusin. Ayaw niyang isipin na ang sasamantala siya dahil BF niya ang kayang boss.
          Bago natapos ang araw na ito may dumating na isang napakagandang babae. Hinahanap si Bob isang babae sa unang tingin mo lang masasabi mo na siya ay nabibilang sa mataas na estado ng lipunan. Madaling salita ka level niya si Bob. Para siyang artista sa ganda at sa kinis ng kanyang kutis. Parang sana’y na sanay siya dito sa opisina. Hinahanap niya si Miss Cruz. Mag papaliwanag pa siya kung nasaan na si Miss Cruz tinalikuran na sya at tuloy tuloy sa  opisina ni Bob. Gusto sana niyang pigilan at ibig pa niyang ipabatid kay Bob na may nag hahanap sa kanya. Pero di na niya nagawa kasi tinalikuran na  nga siya ng babae. Naibulong tuloy niya sa sarili maganda nga ala namang modo.
           Parang kung ano ang pumasok sa kanyang isipan nakaramdam siya ng selos. Kaya naman gusto niyang matiyak kung ano. Naisip niyang  pumasok sa room ni Bob para kunyari tanungin iya kung gusto ng coffee o kahit anong maiinom ang bisita niya . subalit din a niya kailangan pang mag salita .  Pag bukas niya ng pinto para na siyang napako sa kanyang pag kakatayo. Nakita ng dalawa niyang mata na nag hahalikan ang dalawa. Di niya masabi kung si Bob ang humalik o ang babaeng bisita nito . Ang alam niya mag kalapat ang kanilang mga labi. Ilang saglit din syang di nakakilos  sa kanyang nakita.
         Noong mag hiwalay na ang kanilang mga labi saka lang sya napansin ni Bob. At binangit ang name niya Emily yon lang ang narinig niya at siya biglang  bumalk sa kanyang sarili. Kaya tumalikod sya ng patakbo. Tinungo niya ang kanyang table at kinuha ang kanyang bag. At dali dali syang lumabas ng building. Noong dumaan sya sa gate nagulat pa ang guard bakit sya umiiyak at mag isang lumabas.
        Hinabol siya ni Bob pero wala na siya sa table niya inisip ni Bob na ng punta lang si Emily sa restroom . para mag palipas ng pagka bigla.  Di alam ni Bob ala na doon si Emily ito umuwi ng mag isa. Di umuwi si Emily nag lakad lakad siya di niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaamn. Bakit ang sakit sakit sa kanyang dibdib. Gusto niyang isigaw , gusto niyang umiyak. Di niya akalain harap harapan siyang ganituhin  ni Bob.
          Samantala sa office ni Bob sinisita niya si Anna kung bakit ginawa iyon. Bakit mo ako biglang hinalikan? Ang tanong ni Bob kay Anna. Di ba gustong gusto mo na hinahalikan kita pag ako ay namamasyal dito sa office mo. Saka dati naman nating ginagawa ito ano ang masama . diba dati ikaw pa nga ang nauunang humalik sa akin. Dati yon noon tayo pa iba na ngayon mayroon na akong GF. Ahh di totoo ang aking nababalitaan na ang secretaria mo sya mong GF ngayon. Kailan pa bumaba ang taste mo sa isang babae. Hindi totoo yan mas tumaas ka mo ang standard ko sa pag pili ng babae.
Ngayon alam ko na kung alin ang tunay na lantay na ginto at isang tubog lang sa ginto. Itong puso ko marunong kumilala ng pag kakaiba ng fake at yong totoo.

          Huwag mong nilalait ang GF ko. Kung sa iyo lang di hamak na maganda sya . sya yong tinatawag na lantay na ginto. Ang kanyang puso ay busilak di tulad ng sa iyo na puro ka plastikan ang alam. Para naman napahiya sa kanyang sarili si Anna sa tahasang pag sasabi  ni Bob na sya ay isang plastic. Talagang nakalimutan mo na ako. Samantala noon mahal na mahal mo ako. Di ba ikaw yong panay habol sa akin noon at panay pakiusap mo na huwag kitang iwan? Bakit ngayon ang laki ng iyong pinag bago? Talaga bang di mo na ako mahal?  O galit lang yang ipinapakita mo sa akin ? Baka gumaganti ka lang sa ginawa ko sa iyo noon? Ang mga tanong ni Anna kay Bob.
        Nag kakamali ka Anna kay tagal ko ng binura ka sa buhay ko. Buhat noong lumisan ka ala ka na dito sa puso ko” Ang mahabang sabi ni Bob.”Sabi ko naman sa iyo gusto ko lang tuparin ang pangarap kong maging isang sikat na modelo kaya ako umalis ng bansa” Ang mahabang paliwanag ni Anna.” Matupad ang pangarap mo kahit isakripisyo mo ang ating pag mamahalan noon? Mas pinili mo ang iyon ambisyon sa ating pag papakasal? Isipin mo nakahanda na ang lahat noon. Ng bigla kang nag karoon ng offer isinawalagtabi mo ang ating pag mamahalan.ginawa mo akong parang tanga noon na iniwan mo ako mismo sa   araw ng ating  kasal.”  Ang mahabang pag lilitanya ni Bob .
             “Iyan ba ang tinatawag mong pag mamahal. Noong mag paliwanag ka tapos na ang lahat . Napahiya na ako sa marami. Di mo inisip kung ano ang aking magiging kalagayan? Sana bago pa lang ng araw ng ating kasal sinabi mo na para na cancel ang araw ng ating kasal.” Muling sumbat ni Bob kay Anna.” Alam ko malaki ang  aking pag kakamali at kasalanan sa iyo . kaya nga eto na ako nag babalik sa piling mo.” Ang samo ni Anna kay Bob.” Bigyan mo ako ng isa pang pag kakataon” Ang pakiusap ni Anna kay Bob.” Huli kana mayroon na akong ibang minamahal.” Ang  maikling paliwanag ni Bob.
            “ Balita ko nasa iyo pa ang yate yong yate na binili mo para sa akin noon “ ang tanong ni Anna. “Tama ka binili ko yon para sa iyo kasi mahilig kang mag lakbay sa karagatan. Baka nakakalimutan mo sa akin parin naka pangalan ang yate”?”ang paliwanag ni Bob kahit noon”kahit noon  kaya ako bumili para sa kaprisyo mo.”
“Ang aking pag kahibang sa pag mamahal sa iyo kay tagal ko ng nakalimutan kaya  huwag mo na akong guluhin pang muli” ang mahabang paliwanag ni Bob kay Anna.
             Lumabas ng opisina si Anna na bagsak ang balikat di niya akalain na ganito ang kalalabasan ng kanilang pag uusap. Ang buong akala niya sa pag balik niya nag hihintay pa rin si Bob sa kanya. Na kaya pa niyang buuin ang nasira nilang pag mamahalan. Buong buo ang kanyang paniniwala na di sya tatangihan ng lalaking mahal na mahal siya noon . naki na ang ipinag bago ni Bob buhat noon hanggang ngayon . mas naging  siyang maginoo at nakaka in love.
          Samantala binalikan ni Bob si Emily sa kanyang table pero wala pa rin ito.  Di niya alam kanina pa wala sa opisina si Emily. Tinapos lang niya ang ginagawa at pilit niyang inaalis sa kanyang isipan . kung ano ang mga pinag usapan nila ni Anna. Bakit sya naguguluhan . mayroon pa ba siyang pag tingin sa dati niyang kasintahan. Di sya nag bago ganoon pa rin  maganda sopisticada siya pa rin si Anna na minahal ko noon.
Bakit ngayon naguguluhan siya.
           Nag ligpit na siya ng kanyang table para sa pag uwi. Noong tawagan niya si Emily alang sumasagot sa line. Ano nagyari sa babaeng iyon nasan nag punta. Tinatawagan pati ang kanyang cell phone di rin siya sinasagot. Doon na nag alala  si Bob. Saan nag punta si Emily akala niya nasa restroom lang kanina. Saka lang niya binalikan kung ano ang nakita nito kanina.
          Samantala masamang masama ang loob ni Emily sa kanyang nakita. Di niya akalain na may ibang karelasyon si Bob maliban sa kanya. Ito ang hirap na di muna kinilala muna bago bumigay. Bakit kasi nag padala siya sa bugso ng kanyang damdamin. Sana kinilala muna niya ng husto si Bob bago niya sinagot.
Anu na ang mag yayari sa relasyon nila Emily at Bob?? ABANGAN !!
Copyright by rhea hernandez
                                                                                        

No comments:

Post a Comment