Monday, November 21, 2011

LOVE FIGHTS chapter 10

LOVE FIGHTS chapter 10
NI rhea Hernandez
Pinoy poems
www.tulawento.blogspot.com

Si Stephanie lagi niyang tinatanong ang kanyang sarili kung bakit dapat siyang mag tiis sa piling ni Dave.
O dapat na ba niyang iwanan na ang kalbayong kanyang pinapasan sa piling ng mommy ni Dave.
Habang siya ay nag muni muni biglang pumailang lang ang nakakabinging pag sigaw ng mommy ni Dave.
“Stephanie!!” Ang sigaw  nito.
Lumapit si Stephanie na nakayuko ang ulo.
“mommy anu po iyon”
“huwag mo nga akong matawag tawag na mommy lalu na kung di kaharap si Dave babae ka” sa narinig ni Stephanie  di niya mapigilang mag damdam sa ina ni Dave.
Ang luhang kanina pa niya pinipigilan ay biglang bumuhos ng di niya namamalayan. Ang kanyang luha nag uunahan sa pag bagsak sa kanyang maamong mukha.
“Anu po ang kailangan ninyo” Ang mahinang tanong ni Stephanie.
“Bakit ang dumi ng bahay di ka nag lilinis anu ang ginagawa mo humilata mag hapon”
Ang litanya ng ina ni Dave sa kanya.
“Hala kilos na anu pa ang iniintay mo? Pasko ! ayokong may makikitang kahit kaunting alikabok naintindihan mo?”
Walang kibong tumalima si Stephanie upang sundin ang pinag uutos ng kanyang biyanan. Walang kibong inumpisahan ang pag lilinis sa buong bahay kahit hirap na siyang gumalaw . Dahil sa kanyang dinadalang baby sa sinapupunan. Alam niyang pinahihirapan lang siya nito sapagkat ang buong bahay ay malinis naman.
Habang sya ay nag lilinis , nag iisip siya talaga bang ganito ang pakikisama sa mga in laws?
Kay hirap naman pakisamahan ang mommy ni Dave. Ang bulong niya sa akanyang sarili.
Malapit na siyang manganak di pa siya pinapakasalan ni Dave tulad ng pangako nito sa kanya bago sila mag sama.
Wala siyang inaasam na sana bangitin na ni Dave na siya ay papakasalan na nito.
Minsan dumalaw si Stephanie sa kanyang nanay
“Stephanie nahihirapan ka bang makisama sa mga magulang ni Dave?” Ang tanong ng kanyang nanay sa kanya.
“Bakit naman ninyo naitanong yan ?” ang sagot ni Stephanie sa kanyang nanay. Na halata  naming mayroon siyang itinatago dito.
“Anak bakit di ka na lang bumalik dito sa poder ko aalagaan kita habang buntis ka?”
Alam niya ang kanyang nanay alang iniisip kundi ang kanyang kalagayan. Alam niya na mahal na mahal sya nito.
Sa binangit ng kanyang ina di niya maiwasan di tumulo ang kanyang mga luha. Na nauwi sa pag hagulgol. Sa kanyang ikinikilos naunawaan ng kanyang ina na mabigat ang kanyang mga dalahin. Wala naman itong magawa sapagkat ang kanyang anak ang may kagustuhan pumisan kila Dave . Sobra kasing mahal ni Stephanie si Dave kaya wala siyang magawa para sa bugtong niyang anak. Alam ng kanyang ina na di niya kayang iwanan di Dave.
“Anak kahit anong oras kung gusto mong bumalik ditto welcome ka “ Sambit ng kanyang ina na puno ng pag aalala at pag mamahal ito ay batid ni Stephanie.
Samantala si Dave kausap ng kanyang ina. Nilalason nito ang isipan tungkol kay Stephanie. “Na alang ginawa kungdi mag lakwatsa  yang asawa mo kita mo naman gabi na wala pa dito sa bahay. Ganyan ginagawa ng asawa mo pag ala ka dito alang ginawa kundi gumala. Kita mo gabi na nasa gaalan pa yang magaling mong asawa .” ang litanya ng ina ni Dave.
“Ang ina ng asawa mo ay asawa ng bayan anu pa ang maaasahan mo dyan sa asawa mo ! kung ano ang puno syang bunga kaya mag isip isip ka Dave.”
Habang nag sasalita ang kanyang ina biglang tumalikod si Dave, Hinagilap ang bote ng alak at inumpisahang uminom. Habang iniintay nito ang pag uwi ni Stephanie. Ang kanyang butihing may bahay sabi ng kanyang ina.Habang umiinon  nag iisip siya .Tulad din kaya si Stephanie ng kanyang ina? Mga katanungang sumisiksik sa kany utak hanag siya ang panay tunga sa bote ng alak. Naparami na syang naiinom noong dumating si Stephanie.
“Saan ka galing babaeng halipatot?” tanong ni Dave .
Napamulagat si Stephani sa mga binitawang salita ni Dave. Ni sa guni guni di niya inisip na pag sasabihan siya ni Dave ng ganito.
“Sa nanay ko dinalaw ko sya” Ang sambit ni Stephanie.
“Dumalaw sa nanay mo o nakipag kita ka sa lalaki mo?” sa tinuran ni Dave nag panting ang tainga niya. Di niya akaalain na pag iisipan siya ng ganoon ni Dave.
Gusto sana niyang sagutin ang akusa sa kanya ni Dave subalit nakita niyang wala sa hustong pag iisip si dave . Napakarami na ang naiinom nito. Wala ito sa wastong pag iisip.kaya naman nanahimik na alang siya. Sa nadamang pag daramdam sa asawa pinilit niyang ikubli subalit di niya mapigilang pumatak ang kanyang maga luha.
Lagi niyang tinatanong ngayon ang kanyang sarili hanggang kailan siya mag iintay na sya pakasalan at kung kaya niya ang pag trato sa kanya ng kanyang asawa at mga in laws niya. Batid  niya na pinakamamahal niya ito subalit hanggang saan  ang kaya niya.
Lumipas mga araw , lingo,at buwan di nag bago si Dave bagkus mas lumala pa ito sa dati. Huling buwan na ang kanyang pag bubuntis sana naman mag bago na si Dave .
Natutong mag sugal , uminom at pinaka masaklap nang babae na rin ito.
Halos harap harapan ng ginagawa ni Dave ang pang babae niya. Wala siyang magawa kasi ang mahal niyang biyanan kinukunsinti si Dave.  Sa kanyang mag maling gawain.
Hanggang kailan makakapag tiis si Stephanie?


No comments:

Post a Comment