LOVE FIGHTS
Chapter 12
Ni rhea Hernandez
Pinoy poems
www.tulawento.blogspot.com
Di malaman ng ina si Stephanie ang kanyang gagawin .
“Nanay ang sakit sakit na ng aking tiyan manganganak na yata ako!!”
“Wag kang mag alala dadalhin na kita sa hospital , kaunting tiis na lang at makakarating na tayo doon”
Ang sabi ng kanyang ina. Sa hospital panay dalangin ng kanyang ina na sana makaraaos na sya sa panganganak. Sa nakikitang pag hihirap ng anak parang ang kanyang puso ang na wawasak ! kada isang sigaw ng anak ali nalang sya na lang ang makadanas ng sakit na nadarama nito.
“Dave nasan ka na ?” Ang bulong ni Stephanie sa kanyang sarili. Impit na paiyak si Stephanie ngayon niya higit kailangan si Dave sa ganitong pag kakataon. Siya ang mag bigay sa kanya ng lakas ng loob sa kinakaharap niyang panganganak sa kanilang panagnay. Di baling hirap ang kanyang pinag daanan. Ngayon kailangan pa yata syang operahan sapagkat ayaw lumabas ang bata ng normal. Abot abot ang dasal ng ina ni Stephanie sana di manganib ang buhay ni Stephanie. Sa awa ng panginoong Diyos nakaraos ng alang anumang nag yari sa mag ina. Di na kinailangan operahan si Stephanie. Lumipas ng ilang araw ilalabas na sa hospital si Stephanie . Saka palang nabalitaan ni Dave na nanganak na pala si Stephanie at ang kanilang anak ay lalabas na nga sa hospital. Noong mabalitaan ni Dave ang pang yayari dali dali syang dumalaw sa hospital at para makita din ang kanyang anak.
“Kamusta ka na Stephanie patawarin mo ako kung ngayon lang ako nakadalaw sa inyo ng ating anak” ang litanya ni Dave. “ Sa totoo lang ngayon ko lang nalaman na nanganak ka na pala!” muling sambit ni Dave. Nakatanaw lang si Stpehanie sa mukha ni Dave may gusto syang patunayan kung sinsero ba ito sa nga tinuturan.
Halos pumatak na ang mga luha ni Dave habang papalapit ito sa kanya . Hindi nakatiis niyakap siya at sabay bulong na “I LOVE YOU” sambit ni Dave . Iyon lang tumulo na rin ang mga luha ni Stephanie. Kay tagal niyang inintay sambitin muli ni Dave ito sa kanya . Anong ligaya niya at mahal pa rin pala siya ni Dave.
“Noon hangang ngayon di naman nag bago ang pantingin ko sa iyo . Pinag bibigyan ko lang si mommy para pasakitan ka. Sinusunod ko lang ang kanyang mga kahilingan sa akin. Di mo alam nasasaktan din ako habang nakikita kitang nag durusa sa piling ko”
“Kaya noong mag paalam ka na uuwi sa nanay mo. Inisip kong mas makakabuti sa iyo at sa magiging anak natin ang gagawin mo. Hindi ka na mag dudusa at masasaktan habang sinusunod ko ang kagustuhan ng aking ina.” Ito mga sinambit ni Dave parang hinugasan lahat ang kanyang mga sama ng loob para sa ama ng kanyang anak.
“Nakita mo na ba ang anak natin” Ang tanong ni Stephanie kay Dave. Hindi pa ikaw ang una kong binisita. “Sige ipakuha na alang natin para makita ko na rin ang baby” Ang sabi ni Stephanie. “ Anu nga pala ang anak natin “ ang tanong ni Dave.
“Isang malusog na lalaki “ ang sagot naman nito.
Muling niyakap ni Dave si Stephanie at sabay bulong “Buhat ngayon di ka na makakaramdan ng sama ng loob sa akin ! mag babago na ako alang alang sa ating JR”
Ang paliwanag ni Dave.
Kay ganda naman ng pamasko niya para sa akin. Sabay usal na panalangin sa Poong Maykapal na papasalamat.” Oh! Panginoong ko ibinigay mo sa aking regalo ngayong pasko ay napakaganda , ibinigay mo ang pinakamahalaga sa buhay ko ang aking pinakaiibig at ama ng aking anak,” ito ang taus pusong pag papasalamat ni Stephanie sa Panginoon Diyos.
“Pag labas mo dito sa hospital ayusin na natin ang ating kasal” ang sambit ni Dave sa kanya. Di sya makapaniwala sambitin ito ni Dave sa kanya.
Ngayon nalalapit na kapaskuhan kay ganda ng regalo ni Lord sa akin di ko ito makakalimutan.
Dalawang linggo na lang at pasko na . “bakit di na lang natin itapat sa pasko ang ating kasal” hiling ni Dave kay Stephanie.
Sa mga binitiwang salita ni Dave di makapaniwala siya. Na nagbabalak syang pakasalan ni Dave sa araw pa ng kapaskuhan kasabay ng pag silang ni Jesus.
Pag papahayag ng pag papakasal ginawang pormal ni Dave tulad ng nakagawian ng mga karaniwang ikinakasal. Ang pamamanhikan sa kanyang ina at pag bibigay ng engament ring. Simple lang ang ginawang kasalan pero anong ligaya ni Stephanie natupad lahat ang kanyang pinapangarap na makasama at ikasal sa lalaking kanyang pinakakamamahal.
Wala na siyang mahihiling pa sa mga sandaling ito parang binigay ng lahat ni Lord ang kanyang mga dalangin. Kung noong mga nag daan mga panahon nag dusa siya ok lang sapagkat maganda ang naging bunga nito . sapagkat ang kanyang mother in law ay dina hadlang sa pag mamahalan nila ni Dave. Kaya naman abot abot ang kanyang kaligayahan.. kakaiba ang paskong ito sapagkat lahat ng kanyang kahilingan at pinapangarap ay nag karoon ng katuparan may bonus pang isang JR.
Ngayon nag sasama na silang mag asawa at ng kanilang JR sa isang masaya at payak na tahanan. Ngayon maligaya na sila Dave at Stephanie bilang mag asawa at nag susumikap para mabigyan ng magandang kinabukasn si JR
Hinding hindi niya makakalimutan ang pasko sapagkat ito ang kapanganakan ni Jesus na bugtong anak ng Panginoon at sya ring araw ng kanyang kasal. Anong ligaya ni Stephanie at di sya pinabayaan ng Panginoong doyos. Laki ang pasasalamat at nag bago na rin ang pakikisama ng kanyang in laws sa kanya din a uli sinusulsulan si Dave na maligaw uli ng landas … alam naman niya na datia ayaw na ayaw sa kanya ng mga ito pero ngayon ok na sila din a siya pinapahirapan bilang manugang . .
Nag sasama na sila ni Dave na isang masaya at payak na amag asaw sa kasalukuyan …
THE END
No comments:
Post a Comment