Tuesday, November 15, 2011

ANG NALILITONG PUSO!!

ANG NALILITONG PUSO!!
Ni rhea Hernandez
Pinoy poems

Alam ko may naiba pero di ko masabi kung ano ito?
Bakit ganito ang aking nararamdaman sa pagsuyo mo?
Kay laki ang nabago di tulad ng dati naging magulo,
Kay daming mga bagay na nagpapagulo sa ating pareho.

Kailanga bang ipakilala ko ang bagong ako sa iyo?
Kalimutan mo na ang ako noon para di ka malito,
Ang pag suyong alay maniwala ka ito’y taus puso,
Ang pagsuyo ko sa iyo alang kapantay ito ang totoo.

Sa mga kilos ko makikita mo ang tunay ng laman ng puso,
Wala akong masasabi pawang katotohanan hindi ito biro,
Kaya sana’y ako paniwalaan mo irog ko sa aking pagsuyo,
Di ko gusto na ikaw ay malito wala akong tinatago sa iyo.

Sa isip ko walang iba sana paniwalaan mo ito aking sinta,
Sa piling ko ikaw ay liligaya ito aking patutunayan tuwina,
Sana iyong pakingan ang mga samo ko sa iyo di ka luluha,
Di mo pagsisihan na ko iyong mahalin ng tuluyan umasa ka.

Mananatili ikaw dito sa puso ko lagi ikaw lamang walang iba,
Huwag pag dudahan ang pagsuyo inaalay sa iyo sana maniwala,
Hindi ka luluha sa pag ibig na alay sa iyo alang dapat ipag alala,
Umasa ka di kita paluluhain pabayaan mo lang na mahalin kita.

Sa isip ko mananatili kang yakap yakap sa mag damag di malimot,
Namulat ang aking mga mata na ikaw lang talaga ito totoo malupit,
Bakit di ko agad nakita ito noon di sana’y di kana sa akin nagalit,
Sana ngayon  maligaya nagsasama di tulad ngayon sa puso kay bigat.

Sa puso nanatiling ikaw ay kapiling kahit ito sa isip na lang nagagawa,
Naintindihan kung bakit ka nag bago kasalan ko kasi puso nabalisa,
Di ko pinahalagahan ang pagsuyo mong alay noon ngayon nagdurusa,
Nag sisi na ako sana’y maunawaan mo ito aking sinta paniwalaan sana.

Isa pang pag kakataon siguradong dina  muling luluha pa sa piling ko,
Itong puso kong tuliro di na muling mag luluko ipinapangako ko syo,
Mapatawad mo sana ako itong puso ko di na muling malilito totoo,
Sa pag suyo di mararahuyo sa mapag larong damdamin paniwalaan mo.

Ituloy natin ang naudlot nating pag mamahalan aking mahal,
Marahil ikaw ay naguguluhan sa ngayon sana huwag kang tumigil,
Sa pag mamahal sa akin di na muli ako magkakamali magtaksil,
Sa ating sumpaan akin ng pahahalagahanang alay na pag mamahal.

Ibalik lang natin ang dating suyuan siguro anong ligaya ko,
Ako na siguro ang pinakamaligayang nilalang sa mundo,
Ang muling makapiling ka ang buhay ko ay makukumpleto,
Alam ko ang suyuan natin ay binagyo ng pagsubok ng todo,
Ni rhea Hernandez November 14, 2011

No comments:

Post a Comment