WALK TRAIL!!!
Ni rhea Hernandez
Pinoy poems
Itong kuwento aking uumpisahan noong nakarang aking kaarawan!
Dahil birthday ko kaya ang aking panganay na anak ako kinuhanan!
Pose dito pose doon noong aking pag masda nawala ang kagalakan!
Sa aking paningin ako’y xeroz copy na ni dabiana ito napagtuunan!
Kaya naman ipinangako ko sa aking sarili di na ako magpapabaya!
Kahit mahirap gumising ng maaga pinipilit ko mag lakad mag isa.
Dito sa walk trail na ito ako tuwing umaga at dito ko kayo isasama.
Ang aking apat na buwang pag lalakad dito tayo magsasama sama.
Umaga kay hirap gumising subalit pag nag uumpisa na akong mag lakad,
Nagbabago ang aking pakiramdam ang katahimikan ramdam sa paglalakad!
Dito ang aking mag mata laging nakatingin sa mga nadadanan di nakakapagod,
Sa aking mga dinadaanan lagi akong nakatingin at sa lahat ako’y nakamasid.
Mawiwili ka sa mga tanawin berde lahat ang kapaligiran kay laming sa mata,
Salamat sa amang lumikha kay gandang pakingan mga huni ng ibon sa umaga!
Makikita mo sila na palipat lipat sa mga sanga pag iyong masdan nakakatuwa.
Pag ito na ang aking nasisilayan para akong namamalikmata sa tuwa at saya.
Nakakatuwang pag masdan ang mga nag lalakad na may akay na alagang aso,
Mayroon naman kay tuling tumakbo parang laging nakikipag karera kung kanino,
Mayroon din naman parang nag lalakad sa liwanag ng buwan at namamasyal dito,
May makikita ka naman kay tuling mag lakad akala mo may hinahabol na totoo.
Sa lahat ang gusto ko pag natapat ako sa park kasalukuyang nagpuputol ng damo!
Bumabalik sa akin ang alala ng kahapon noong nasa pilipinas sa kabukiran pa ako!
Pag ito na ang aking nasasamyo ang aking kabataan bumabalik sa gunita ko dito!
Naaalala ko ang aking pala isdaan, bakahan , manukan , babuyan at mga puno.
Dito makikita iba’t ibang klase ng tao may bata,matanda, binata,dalaga at mag irog!
Ang nararamdaman pag pasok ko dito dahil sa katahimikan hindi ko maipaliwanag!
Parang kung ano nag aanyaya sa akin para ituloy ang aking pag lalakad alang ligalig!
Dito ko nararamdaman ang katiwasayan ng aking kalooban sa di ko maipaliwanag.
Dahil sa katahimikan ng paligid at sa sariwang hangin kaya nasusumpungan ang ligaya?
Kung minsan dito ko nabubuo ang mga kuwentong aking sinusulat habang ako nag iisa!
Dito ko akalain masusumpungan ko ang katiwasayan ng damdamin ito ang kaka iba!
Mag muni muni kung ang paligid puro puno sariwang hangin katiwasayan madarama!
Mayroon din regular na kabatian pag aking nakakasalubong na para bang kaibigan!
Kung minsan may bumati sa akin kay ganda ko daw maglakad sexy daw pag masdan!
Di ko akalain tuwing umaga lagi syang nakamasid,iniintay niya ang aking pagdaan!
Ako’y napapangiti siya kasi parang munting dalagita lagi niya akong sinasabayan.
Dito ko rin na meet ang mag asawa ubod ng sweet sa edad na 80 hawak kamay!
Sa pag lalakad laging naka holding hands pa ,sana sa pag tanda may nakaalalay!
Tulad nitong mag asawa kay gandang pag masdan parang magsasama habang buhay!
Nasabi sa sarili sana’y pag tanda ko mayroon din akong kahawakang ng kamay!
Naging kabatian ko sila tuwing umaga lagi silang nakangiti sa akin pag daraan,
Di nag laon naging kaibigan ko na sila nag lalaan na ako ng oras para chikahan,
Naging napakabait nila sa akin kaya naman papa at mama ang tawag kalaunan,
Sa kanilang katauhan na aalala ko sila amang at inang sa kanilang katauhan.
Ang pinaka mahalaga sa aking pag lalakad sa umaga ang mabawasan suliranin,
Nag eenjoy na sa pag lalakad nababawasan pa ang aking bilbil na sapin sapin,
Ang aking pangambang maging xerox copy ni dabiana di ko na alalahanin,
Ngayon dina nangangambang humarap sa salamin na di naninimdim tumingin.
Ni :rhea Hernandez November 3,2011
No comments:
Post a Comment