Wednesday, November 16, 2011

BATCH 79 "mag hintay ka lamang"

BATCH 79 “mag hintay ka lamang”
Ni Rhea Hernandez
Pinoy poems


Para sa aking mga kamag aral tayo ay mag kita kita,
Sa araw na ito tayo ay mag sama sama talaga,
Umulan man o bumagyo pipilitin kong mag kasama,
Kung tayo ay mag kakatipon tipon anong ligaya .

Ang inyong munting hiling na ako ay makita,
Di ko kayo bibiguin sapagkat kayo ay mahalaga,
Dito sa puso at isipan di mabubura ang ala ala
Kahit itong aking schedule di mag kaugaga.

Ilang taon na nga ba tayo’y  mag kakasama,
Mahigit 3decada na mahigit pa 32 na talaga.
Alam kong kayo nag iintay sa pagdating sana,
Sabik na rin akong kayo ay masilayan talaga.

Mag intay lang sa munting bayan sinilangan,
Gagawin ko ang lahat para kayo masilayan,
Sabik na rin akong muling makita mga kaibigan,
Ito ay aking ilalagay sa isipan kayo pinanabikan.

Ang lahat ng gusot dito aking aayusin para sa inyo,
Araw at gabi isip ko gulong gulo kung paano ito,
Lahat aking gagawin lahat ng gusot maayos ko,
Di ko kayo bibiguin na masilayan sa aniversaryo.

Pipilitin kong matupad ang lahat ng mga plano,
Sa pag uwi aking pinanabikan mag samasama tayo,
Sa lupang pinagmulan aking babakikan sa pag uwi ko,
Pinapangako bakasyon grande ito kahit ako litong lito.

Sa harap ninyo  ka batch79 mahal ko kayo totoo,
Ito’y alang kasamang bola sa puso kayo ang narito,
Lupang aking pinangalingan intayin darating  ako,
Wala makakapigil sa akin pagdating mga kaibigan ko.
Ni rhea Hernandez November 16 2011



No comments:

Post a Comment