LOVE STORY “EMILY” chapter 1
Ni: Rhea Hernandez
Pinoy poem
Sa di sinasadya habang nag lalakad sa kahabaan ng kalsada si Emily may isang sasakyann humahagibis . Sa kasamang palad muntik na syang mahagip nito kung di sya nakailag . Subalit sa kanyang pag ilag sya ay natumba at nagalusan ang kanyang mga braso at katawan. Kung titignan mo sya malala ang kanyang natamong pinsala kasi ang daming dugong sa buo niyang katawan. Nabasa ng dugo ang kanyang paboritong pantalon at blouse.Nag hihimutok man siya sa may ari ng sasakyan ala syang magawa nahihirapan syang tumayo at habulin kung sino man ang nag mamaneho ng kotse . masasabi mong di basta basta car mukhang ito nabibilang sa isa mga pinaka mamahaling car sa ngayon. Ibig niyang murahin ang nag drive ng car kung aabutan niya ito. Ang buo niyang pag aakala nag tuloy tuloy sa pag mamaneho ang lalaking muntik nang makasagasa sa kanya. Hindi naman pala. Ito ay huminto at binalikan sya kung ano ang nag yari sa kanya.
“May kunsensya naman pala ang loko at ako ay binalikan sa aking pag kakatumba sa kalsada.” Ang bulong ni Emily sa kanyang sarili.
“Ok ka lang ba miss “ Ang tanong ng lalaki akala niya si Adonis sa kaguapuhan nito.
Di sya agad nakasagot sa tanong nito kaya inakalang malubha ang kanyang kalagayan.
Akma na siyang bubuhatin nito ng sya tumayo. At “ano ang gagawin mo sa akin?” ang kanyang tanong. Doon nangiti ang lalaki sabay sabi “ akala ko kasi kung napano kana di ka kumikilos dyan!” ang sambit ng lalaking sakay ng car na munting ng makasagasa sa kaya. “ di mo ba nakikita duguan ang braso ko at puro ako galos sa pag kakagulong ko sa kalsada” Ang sagot ni Emily sa lalaki. Inilahad nito ang kanyang kamay sabay sabi “Ako nga pala si Bob” sabay ngiti na lumabas ang kay puputi niyang ngipin. Lalu syang naging guapo sa paningin ni Emily.
“Bakit kasi kung mag maneho ka ay parang sa iyo ang kalsada ala ka naman sa highway para mag patakbo ng naknakan ng tulin” ang litanya ni Emily. “ bakit din kasi tumatawid ka sa kalsada di ka tumutingin kung may paparating na sasakyan” ang malumanay na sagot ni Bob kay Emily. Sa narinig sabay ismid ni Emily.
“Ang mabuti pa dalhin na lang kita sa pinakamalapit na hospital dito para matignan ka kung ala kang bale at alang naging malubhang kang natamo.” Ang sabi ni Bob .
Inabot naman ni Emily ang calling card sabay pasok sa kanyang bulsa ni sulyap di niya pinag tuunan. Sabay paalam na ni Bob kay Emily.
Kinagabihan nag iisip si Emily kung ano ang nag yari sa kanya ng araw na ito. Na ngingiti sya tuwing sasagi sa kanyang isip ang mukha nga lalaking muntik ng makasagasa sa kanya. Mukhang tinamaan sya ni kupido. Type niya ang lalaking ito. Ang bulong niya sa kanyang sarili. Di pa sya nakakaramdam ng ganito sa isang lalaki. Paano kaya niya muling makikita ang lalaking inaasam ng kanyang puso na masilayan.
Lumipas nag mga araw di parin mapuknat sa kanyang isipan ang mukha ng lalaki sa kanyang isip.nag iisip siya kung anong paraan niya ito masisilayan.
Sa kaiisip nakatulugan ni Emily. Sa kanyang panaginip nag kita daw sila ni Bob at siala y nag date sa isang mamahaling restaurant. Para syang munting prinsesa sa nakaalalay sa kanya ang kanyang prinsipe si Bob nga.
Na siyang pag tawag ng kanyang ina na ubod ng lakas. “Emily ala ka bang balak mag hanap ng mapapasukan aba gamitin mo yang tinapos mo ala kang inatupag puro lakwatsa buhat noong mag graduate ka.” Ang litanya ng kanyang ina. Kung titignan mo nga naman si Emily akala mo lang na isang teenager pa lang sya subalit ito ay mag 23 na.
Bubulong bulong si Emily sa kanyang sarili.”Kakagraduate pa lang noong tao pinipilit ng mag hanap ng mapapasukan kay sarap tumambay doon sa kanto kasama ng mga barkada ko ehh.” Sabay ngiti sa kanyang ina . alam ng kanyang ina na inaasar lang siya ng kanyang anak akya di na muling kumibo.
Saka naalala ni Emily si Bob baka matulungan sya nito na makahanap ng mapapasukan trabaho.
Kaya naman ura urada tinawagan niya ang lalaki. Kaso di niya ito nakausap agad kasi ang secretaria niya ang sumagot kailangan pa daw niyang mag pa appointment para kausapin ito.kaya nag leave na alng sya ng message na mag return call na lang si Bob. Sabi niya sabihin mo akos I Emily ang kanyang muntik ng masagasaan noong isang araw.
Ipinaabot naman it okay Bob ng kanyang secretaria. Nagulat si Bob ang tagal na noon ahh bakit ngayon lang ito yumawag mayroon kayang naging komplikasyon ang kanyang mga sugat kaya kailangan niyang ipasok ito sa hospital.
Kaya kinuha niya ang number ni Emily at sya na mismo ang tumawag di na niya pinadaan pa sa kanyang secretaria.
“Hellow puede kay Emily” ang sabi ni Bob. “Yes ito si Emily sino ito” ang sagot naman sa kabilang linya ni Emily.
“Ako si Bob yong nakabundol sa iyo.” “Ahh ikaw ba?” ang sagot naman ni Emily.
“Napatawag ka daw dito sa opisina ko kanina” sabi uli ni Bob. “Bakit ka napatawag nag karoon ba ang komplikasyon ang mga sugat mo at kailanagn mong mag pahospital” ang mahabang litanya ni Bob. Napatawa ng malakas si Emily .” hindi huwag kang mag alala hihingi lang sana ako ng tulong kung puedeng tulungan mo akong makahanap ng mapapasukang trabaho baka may mga kaibigan kang mayayaman na ngangailangan ng isang secretaria kasi pinag tutulakan na ako ni nanay na mag hanap ng trabaho, sa palagay ko may kontak ka naman kasi mukhang mayaman ka naman.” Sa tinuran ni Emily di mapigil ni Bob na mapahagikhik ng tawa . kasi ba naman parang isang paslit na humihingi ng candy itong si Emily.
Di namalayan ni Bob nasa kabilang linya pa si Emily.”Helow helowwww may kausap pa ba ako?” parang nagising sa pag iisip si Bob. “ oo naman nandito pa ako . sige punta ka ditto sa opisina ko bukas at aking titignan kung ano ang aking magagawa.”di maalaman ni Emily kung paano sya mag papasalamat kay Bob.
Kinabukasan gumayak na si Emily isinuot niya ang pinaka maganda niyang bestido para sa pag aaply ng trabaho laking gulat niya sa gate pa lang nahirapan na syang makalusot ni ayaw syang papasukin ala syang ID at ala din sya appointment sa loob ni ang pangalan niya wala sa log book ng isang bisita.
Sinabi niya sa guard kung sino ang kausap niya at ang sabi nito kilala niya ang sinasabi nito sapagkat ito ang kanilang big boss doon . kaso nga di ito puedeng pumasok basta basta mya roon silang sinusunod na patakaran ditto.
Di na rin nag pumilit si Emily sapagkat di rin sya papasukin kaya tinanong na alng niya kung puede syang sa labas na lang mag intay para sa kausap niya. Na ngiti ang guardia ok lang pag kasing sexy mo naman ang makakasama ko dito ok lang sa akin.
Na syang pag daan ng sasakyan ni Bob sabi ng guard ayan na pala si boss ehh. “Sabay tayo ni Emily ang gara mo naman pinapunta mo ako dito tapos di naman ako makalusot dyan sa guardia mo”. Ngayon lang naalala ni Bob di pala basta basta makakapasok. Bakit di niya ito naalala kahapon.
Sineniasan niya ang guard na buksan ang pinto ng car para makasakay si Emily.
“Anu ba itong opisina mo di basta basta makapasok pag aalng appointment . pinapunta mo ako pero di mo ako inilagay dyan sa log book ng guard mo para makapasok ako” ang mahabang litanya ni Emily.
Ngayon mag kakalapit na sila Emily at Bob anu kaya ang mamumuong relasyon ng dalawa abangan sa susunod na kabanata
No comments:
Post a Comment