LOVE STORY “EMILY” chapter 4
Ni Rhea Hernandez
Pinoy Poems
Sa di inaasahan ni Emily na masasakay sya sa isang maganda at mamahaling yate na katulad nito.Ngayon lang siya nasakay at para siyang idinuduyan ng mga alon.
Inabot na sila ng gabi sa karagatan. Kaya naman nag aaya na si Emily umuwi. Baka hinahanap na sya ng nanay niya. Di pa sanay iyon na ginagabi sya sa langsangan. Kaya naman si Bob ay tumalima na para paandarin ang yate.
Sa bigla niyang pag tayo sa pag kakaupo nawalan sya ng balance. Kaya muntik na syang matumba. Doon naging maagap si Bob sinapo siya at nag tama ang kanilang mga mata. Sa pag kakatitigan nila para silang na magneto at walang abog abog nahalikan na siya ni Bob. Sa kanyang mga labi na ni isa ay wala pang nakakahalik. Di niya akalain na bigla siyang hahalikan ni Bob. Sa pag kakabigla niya naitulak niya si Bob at muntik na itong matumba.
Dahil sa pag yayari di na sila nag kibuan hanggang makarating sila sa kanilang bahay. Inihatid naman siya nito at pinag buksan pa nga siya ng pintuan ng kotse. Di malaman ni Emily bakit di sya nakaramdam ng pag kainis kay Bob,. Bagkus parang nasarapan pa nga siya sa halik na ginawa nito kanina. Kaya lang naman niya naitulak kanina kasi nabigla lang sya. Tuwing iisipin niya ang halik na gusto niyang kiligin. Sana hinayaan na alang niya si Bob na tapusin ang pag halik . Siguro anong sarap ng unang halik mas lalu siyang kikiligin ngayon alalahanin. Parang nag hihinayan tuloy siya ngayon.
Si Bob pag kahatid niya kay Emily ay dumaan uli siya sa tambayan niyang bar na pag aari ni Larry. “Kamusta na ang kaibigan kong in love” ang tudyo ni Larry. “Eto nagalit yata sa akin kanina di ako kinibo noong ihatid ko sa kanila.” Ang sagot ni Bob.
“Bakit naman sya magagalit sa mabait kong kaibigan !” sabi ni Larry.” Paano ba naman bigla ko syang hinalikan ng alang sabi sabi.” Sagot naman ni Bob. Di akalain ni Bob na mag tatawa si Larry sa kanyang tinuran. “Kailan ka pa natutung mag nakaw ng halik sa babae di ba ikaw ang umaayaw sa mga halik ng mga babae.” Ang sabi ni Larry.
“ Ewan ko ba bakit ko siya hinalikan bigla. Noong matumba siya at aking sinapo at matitigan sya kusa nalang ang aking pagkilos na halikan siya para kasing ang kanyang mga labi ay nag aanyaya.” Ang mahabang litanya ni Bob. “Di ko napigilan ang aking sarili na halikan siya . parang may kung ano nagtutulak sa akin na halikan ko sya sa mga oras na iyon.” Sa mga tinuran ni Bob parang nalilito ang kanyang isipan bakit siya nag kakaganito sa isang babae.
Sa mga tinuran ni Bob nag reryoso na rin si Larry. Alam niya naguguluhan ang kanyang kaibigan ngayon lang niya nakita ito na ganito sa isang babae. At sigurado syang in love na ang kanyang kaibigan . Pero takot siyang mag mahal alam ni Larry ito . kaya nakukuha niya kung bakit naguguluhan ang kanyang isipan at kung bakit sya nalilito. Di kasi maganda ang nakaraan ni Bob sa ngalan ng pag ibig. Di maganda ang kanyang kahapon pag dating sa pag ibig.
Samantala di dalawin ng antok si Emily. Nag iisip siya bakit bigla na lang siya hinalikan ng kanyang boss kanina. Mayroon kayang pag mamahal sa kanya ang boss niya. Bakit di sya makaramdam ng galit sa puso niya . Mahal din kaya niya ito mga katanungan sa kanyang sarili. Bagkus kinakapa pa niya ang kanyang labi para damahin ang natikman niyang halik galing sa kanyang boss. Kay tamis ng kanyang mga labi ang sarap pala ng halik ng isang lalaki. Halos buong buo pa sa kanyang isipan nag nagyari
Bigla na lang mag ring ang kanyang cell phone di niya kilala ang numero di niya pinag aksayahang sagutin. Nasa gitna siya ng pag alala sa kanyang unang halik. Pero nag ring uli ang kanyang cell. Sino ba ito ang kulit. Kaya noong sagutin niya para siyang galit pa.muntik na niyang mabitawan ang cell niya noong marinig ang boses na sa kabilang linya di sya maari mag kakamali ang boss niya ito.
Ang boss nga niya ang tumatawag.” Bakit alam mo ang number ko di ko naalala na binigay ko ito sa iyo .” ang tanong ni Emily.” Nasa akin ang iyong bio data di mo ba natatandaan binigay mo ito.”saka palang naalala ni Emily.” Sorry kanina nabigla lang ako di ko intension na halikan ka. Bigla lang parang may nagsasabi sa akin na masarap kang halikan.”Ang mahabang paliwanag ni Bob. “Ok na yon sorry din kung bigla kitang itinulak kanina” sa kanyang tinuran pareho na silang nag katawanan para bang may kung anong nawala sa kanilang pigitan.Balik na uli sila sa dati.” Sige tulog kana at bukas daanan uli kita sabay uli tayo sa pag pasok bukas ha!!” ang huling salita ni Bob.Yon lang ibinaba na ni Bob ang telepono.
Kinabukasan agang nagising si Emily para mag handa sa pag pasok sa opisina. Ayaw niya mag intay pa si Bob sa pag sundo sa kanya. Lagi pa naman on time ito sa mga usapan kasi ayaw nito sa mga taong laging late. Tama siya on time nga dumating ang kanyang boss. Bumaba pa ito para sya pag buksan ng pintuan . napaka maginoo talaga ang kanya boss. Balik na sila sa dati parang alang nag yari halikan nag daan . masaya na uli silang kukuwentuhan at nag bibiruan, habang nasa daan papasok sa opisina.
Kay dali naman matuto si Emily sa mga dapat natutunan. Halos nga ala na siyang ginagawa puro si Emily na ang kumikilos. Kay daling nakabisado niya ang mga trabaho bilang secretaria ni Bob. Ito ay lingid sa kaalaman ni Bob na training niya si Emily para kanyang kapalit .Lumipas ang mga araw na naging abala na sila . Ganoon pa rin ang routine nila sabay sila sa pag pasok at sa uwian inihahatid siya ni Bob. Kaya noong mag paalam na si Miss Cruz ala ng magawa si Bob kundi pumayag . Talaga naman maasahan na si Emily sa mga bagay bagay.Kabisado na niyang lahat ang dapat gawin sa opisina . din a niya kailangan ang pag subaybay ni Miss Cruz.
Isang araw tinawag ni Bob si Emily . Bukas ay Sabado alang pasok sunduin kita. Mayroon lang tayong pupuntahan. Saan naman kaya iyon ang bulong ni Emily. Kinabukasan sinundo nga siya ni Bob . Sa kanyang condo dinala ni Bob si Emily. Nag tataka man siya kung bakit doon sila di sya kumibo. Ngayon ipag luluto kita ng specialty ko. Ang sabi ni Bob kaya pala siya kinumbida para lang ipag malaki na magaling syang mag luto. Ok di niya akalain magaling mag luto ang mala prinsipe sa yaman. Saan ka natutong mag luto ang tanong ni Emily. Pag nag iisa ka na sa buhay matutunan mo ang lahat. Ang sagot naman ni Bob kay Emily.
“Matagal tagal na rin tayong mag kakilala at mag kaibigan di ko pa naitatanong sa iyo kung may boyfriend ka na?” ang tanong ni bob kay Emily. Nangiti lang si Emily at sabi” Palagay mo ba kung may BF ako makakasama ako sa iyo ngayon?” sa tinuran ni Emily parang nabuhayan ng pag asa si Bob. Na mag tapat ng kanyang saloobin sa dalaga. Alam mo ngayon ko lang ito sasabihin sa iyo. Sabay titig sa mga mata ni Emily.
Kahit ala pang sinasabi si Bob nag katama na ang kanilang mga paningin at para silang namamagneto sa isa’t isa. At di nila namamalayan nag lapat na ang kanilang mga labi. Anong tamis at ligaya ang kanilang naramdaman sa isa’t isa. Ang halik na sa umpisa ay dampi lang ito naging mapangahas na halik.Di alam ni Emily kung gaano katagal sila nag halikan ni Bob. Ang alam niya di niya malilimutan ang mag sandaling iyon. At muli siyang hinagkan sa kanyang mga labi. Parang mapupugto ang kanyang hininga hindi lamang dahil sa paraan ng mainit nitong mga halik.
Mahigpit din ang pag kakayakap at ibinilanggo siya nito sa matitipunong mga bisig nito. Sabik din niyang tinugon ang mga halik ni Bob.at kanyang ipinikit ang kanyang mga mata para damhin ang mga maiinit na halik na dulot ng binata sa kanya. Damang dama niya ang init ng mga yakap at halik sa kanya. At kanyang ninamnam ang mga labi nito nang buong kasabikan.
Sabay bulong ni Bob na “Emily tunay kitang minamahal at handa kitang pakasalan kung naisin mo.” Saka buong pag mamahal siyang pinagmasdan ni Bob sa kanyang mga mata. Noong pa man minahal na kita sa una palang nating pag kikita. Sa mga binitiwang salita ni Bob ay muling napayakap si Emily kay Bob.
Anu ang kahihinatnan ng pag mamahalan nila Bob at ni Emily
ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA
No comments:
Post a Comment