BUKANG LIWAYWAY
NI rhea Hernandez
Pinoy poem
Ngayong umaga di kita nasilayan,
Bakit di ka lumabas sa silangan,
Lagi kang nagkukubli sa kalangitan,
Ang mga makakapal na ulap nalalambungan.
Ikaw ang aking kaulayaw tuwing umaga,
Sa aking pag lalakad lagi kitang kasama,
Bakit ngayon sa akin di ka nag pakita,
Tuloy ang paligid di masaya pag ala ka.
Habang ikaw sumusungaw sa silangan,
Kay ganda mong tanawin at pagmasdan,
Sa tuwing sa umaga sa aking nilalakaran.
Tuwing umaga ikaw aking kinasasabikan,
Ako ay nalulumbay pag di kita nasisilayan,
Sana sa umaga lagi kitang natutunghayan,
Para sa araw ikaw ang unang nabubungaran.
Kaya sana ikaw dumungaw huwag makahiyaan,
Sa silangan doon kita lagi aantabayanan,
Lagi kitang pinanabikan wag magbago kailan man,
Pag di ka masilayan ang mundo puno ng kadiliman.
Ikaw aking pinanabikan sa iyong pag sungaw,
Dito sa sanlibutan ikaw siyang tanging tanglaw,
Ikaw ay aking laging iniintay sa araw araw,
Nanabik na ikaw aking masilayan sa pag dungaw.
Sa muli mong pag sungaw sa silangan pinanabikan,
Huwag mo akong bibiguin sa aking pananambitan.
Pag sapit sa umaga ikaw lang inaantabayanan,
Ang bukang liwayway mo kay ganda pag masdan,
Sa dakong silangan lagi kitang inaantabayanan,
Aking katanungan bakit itong umaga di ka nasilayan?
Ohh!! Bukang liwayway bakit kay igaya mong pagmasdan,
Dulot mo isang laksang pag asa dito sa buhay ninoman,
Kaya naman pag sapit palang ng umaga ikaw kinasasabikan,
Ang iyong kariktan sa umaga nakakahalinang tunghayan.
Ni rhea Hernandez November 15,2011
No comments:
Post a Comment