Wednesday, November 16, 2011

ANG DALAGANG INA!!

ANG DALAGANG INA!!
NI Rhea Hernandez
Pinoy  poems

Natutong umibig sa kasawiang palad niloko at nabigo,
Nagtiwala sa lalaking bolero ng mabuntis binlang nag laho,
Iniwan ang tiyang nakalobo ayaw panagutan kang totoo,
Gusto mong ilaban subalit ano kayang gawin ikaw naloko.

Ang kasalanan mo lang nag mahal ka ng todo todo sa kanya,
Ang masaklap mga tao ikaw ay nilibak di ka maunawaan,
Marami ang lumibak at humusga sa iyo pero pinanindigan,
Ang maganda bata sa iyong sinapupunan ay iyong ipinaglaban.

Alam mong ikaw nag kamali nadapa ngayon ikaw lumalaban,
Ang hangad mo lang ikaw intindihin ang iyong kinasadlakan,
Taong mapanuri di ka nila maintindihan ikaw pinagtatawanan,
Subalit sa iyong sarili  nagsisi kung bakit siya pinagkatiwalaan.

Ang maging dalagang ina di biro talaga mag isang  pinapasan,
Ang pag papalaki sa anak na mahal di biro talaga ang dinadaanan,
Ni sa isipan di sumagi at pinag sisihan ang pag supot sanlibutan,
Ang anak na siyang nag bibigay ng kaligayahan at kasiyahan.

Sa pag kakadapa pilit bumabangon kahit hilahod gumagapang,
Kahit hirap mag isang pinapasan itinataguyod isang matapang,
Na ina handang gawin ang lahat para sa butong anak nilalang,
Kahit ang puso ay nawindang buo parin di totoo ang binibintang.
Sa pagdaraan ng mga araw kay hirap ng pinagdadanan,
Ang bumangon sa pag kalugmok kailangan ang katatagan,
Salamat sa mahal na mga magulang di sila iniwan tuluyan,
Sa kanilang pag kakadapa dalawang kamay inalalayan.

Laking pasasalamat mga magulang mo di ka pinabayaan,
Silang sa iyo nakaalalay sa iyong dumadamay sa kalungkutan ,
Ngayon nag sisi ka kung bakit di mo noon sila pinakingan,
Bakit kaya lagi huli ang pag sisi sana maganda ang kinabukasan.

Kung nakinig sana lang sa kanilang mga pangaral di sana!!
Kahit masakit aminin ang pag kakamali ay akin talaga,
Naging padalos dalos di nag isip kung bakit ngayon nag iisa,
Kahit nag kamali ako masaya narin dahil sa baby kong kasama.

Siya ngayon ang aking munting kaligayahan sa buhay ngayon,
Kung may ipag papasalamat ang baby ko ito ang mayroon ,
Isa ang dahilan kung bakit ako nag susumikap makaahon,
Mag hihilom ang mga sugat pag dating ng tamang panahon.

Ang natamong kasawian dina ito mag dudulot ng kapaitan,
Dito sa puso ko at isipan mag sisilbing magandang karanasan,
Sisilbing aral kaninoman para di ako pamarisan ng mga kabataan,
Sobrang tiwala sa kalalakihan ito ang kilalabasan ang kasawian.
Ni Rhea Hernandez  November 16,2011

No comments:

Post a Comment